Zai's POV Napaupo ako sa tabi ni Thea nang wala sa oras at napahawak na lang sa aking ulo. Pagka-minamalas ka naman oo. Malas na nga sa bahay, malas pa rin sa eskwelahan! Bakit kasi roon ko pa naiwan!? Inis na ginulo ko ang aking buhok. "Are you alright? You look pissed," tanong sa akin ni Dette. "May nangyari ba, Zai?" tanong pa ni Thea. Napapikit na lang ako nang mariin habang nakayuko. "Wala, sumakit lang 'yong ulo ko," palusot ko na naman. Pambihira. "Oh my God," rinig kong bulong ni Nathalie. "Dette, I think papunta sa table natin si Eon." "Huh?" " Oh my god, Zai." Nangunot ang noo ko nang naramdaman ko ang pag-uga ni Thea sa aking balikat. "Zai, Zai." Wala sana akong balak na pansinin pa si Thea nang paulit-ulit niya akong tinawag. "Ano?" Hindi naiwasan na magsalubong ng kilay ko nang bumaling ako sa kaniya. Hindi niya ako sinagot dahil may kung ano'ng tinuro siya sa aking gilid. Dala ng pagtataka ay napatingin ako roon at bumungad sa 'kin ang dalawang pares ng sapatos. Dahan-dahan akong napaangat ng tingin hanggang sa ang magkasulubong na kilay ni Eon ang bumungad sa akin. Napatingin ako sa kaniyang kamay na nakalahad. Napamaang na lang ako nang bahagya nang napansin kong hawak niya 'yon. "You forgot," malamig niyang saad, kaya't hindi na ako nagdalawang isip pa at hinablot na lang 'yon sa kaniya. "Thanks," maikili kong saad. Napalibot ang tingin ko sa paligid habang hinihintay na umalis siya, hindi ko naman namalayan na nasa amin na pala ang lahat ng atensyon ng mga estudyante; bakas sa mga mata nito ang pagtataka. Napapikit ako nang mariin. Ano ba 'tong napasok ko? Nang hindi pa umaalis si Eon sa gilid ay ako na lang ang nag-desisyon na tumayo at maglakad papalabas ng cafeteria. Hindi ko kaya ang tingin ng mga tao sa paligid, para akong binabalatan ng buhay. Hindi na nga ako tumayo para lapitan sila dahil alam kong maraming estudyante sa paligid, pagkatapos siya?! Siya!? Haist! Umupo ako sa isang bench malapit sa soccer field. Wala kasi masyadong estudyante rito. "Siya 'yong babae 'di ba?" Napatingin ako sa tatlong babaeng nagkukumpulan, hindi malayo sa kung nasaan ako kaya't rinig ko ang pinag-uusapan nila. "Siya nga. I wonder how did she got here. She doesn't look that she could fit here in our school," rinig kong sabi ng isa. Tila may kung ano'ng sa loob ang gustong kumawala dahil sa narinig ko. "She looked so cheap." . Napapikit ako nang mariin at napabuntong hininga na lang. Imbis na patulan ang mga pinagsasasabi nila ay mas pinili ko na lang na manahimik. Umupo lang ako roon hanggang sa mag-bell hudyat na simula na ng susunod na klase. Badtrip akong tumungo sa classroom. Pagkarating ko roon ay wala pang prof. Pansin ko rin ang mga matang nakatingin sa akin. Ano bang problema sa akin at tingin sila nang tingin? Nakita ko sina Nathalie at Dette sa may upuan na katabi ko. Kumaway sa akin si Nathalie kaya naman umupo na rin ako sa katabing upuan. "Zai, bakit lumapit sa iyo si Eon kanina? At saka ba't inabutan ka niya ng wallet?" Napatingin ako kay Dette nang magtanong ito sa akin. Mahinhin ang pagkakasabi niya pero parang naubusan ako ng isasagot sa tanong niya. Ano ba ang dapat kong sabihin? "Uhm... Ano... Kasi..." Haist! Dapat ko bang sabihin na kasama ko sila sa iisang boarding? "Okay lang kahit hindi mo ipaliwanag. Naiintindihan namin." Napahinga naman ako nang maluwag nang biglang nagsalita si Nathalie. Mabuti naman dahil hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko. "Ano 'yong Bulletproof Gang?" nagtatakang tanong ko sa kanila nang naalala kong binanggit 'yon ni Nathalie kanina. "Iyon ang pangalan ng grupo nina Eon. At kung hindi mo pa alam, isa silang..." Biglang tumahimik si Dette matapos n'yon kaya naman napakunot ang noo ko at napatingin kay Nathalie. "Isa silang ano?" Huminga muna si Nathalie nang malalim bago niya sinagot ang aking tanong, "They are gangsters." "What!?" Napatayo ako nang hindi oras dahil sa sinabi ni Nathalie. Kaya pala nakita ko sila kagabi sa may eskinita at may kaaway na mga kalalakihan! Pambihira! Ibig bang sabihin n'yon na mga basagulero sila? Napalibot ako ng tingin sa paligid at medyo nakaramdam ng hiya nang napansin na napalakas pala ang sigaw ko dahilan para magtinginan sa 'kin ang mga estudyante. "Sorry," paumanhin ko bago naupo. "They're famous as you can see. Si Jones ang tumatayong leader ng grupo nila; he's 20 years old, 2nd year and an Engineering student. Si Jino ang pinakamatanda sa kanila; he's 21 at 3rd year na siya; kasalukuyang nag-aaral ng culinary. Si Yuan at Henry, ka-edad lang ni Jones; 2nd year din; they're both pursuing Architecture. While Tres, Josh, and Eon, are 18; they are freshmen just like us, and they are Business Ad students. Sila kasi ang magma-manage ng mga sarili nilang company kapag naka-graduate sila soon." Napatango-tango ako sa sinabi ni Dette. Ang gara naman pala. Mayayaman nga. "Ang guwapo kaya nila." Nabaling ang tingin ko kay Nathalie na ngayon ay nakapangalumbaba at mukhang may iniisip. Huwag mong sabihin na may gusto siya sa isa sa mga kolokoy na 'yon? Akalain mo nga naman, sikat pala 'yong mga kolokoy na 'yon dito sa University. Parang kanina lang mahihimatay 'yong mga babae nang nasilayan sila, tapos ngayon ito namang si Nathalie mukhang matagal na rin yatang may tama sa mga 'yon. Kanino naman kaya? Alas-otso ng gabi nang natapos ang klase ko kaya't umuwi na kaagad ako ng boarding. Hanggang langit na yata ang aking ngiti nang nakitang wala pa rito 'yong pito. Okay lang naman sa akin si Kuya Jino dahil mabait siya. Isama ko na rin si Jones na medyo okay sa 'kin, tahimik lang naman kasi 'yon, seryoso at madalas na libro ang hawak. Si Yuan naman, tahimik din dahil palaging tulog. Si Henry, medyo magaslaw kumilos pero hindi naman masyadong nakakainis. Hindi katulad nung tatlo! Si Tres nakaka-ewan, parang bata minsan kung kumilos, kapag seryoso naman parang matanda. Si Josh, hindi ko alam kung ano'ng problema niya sa akin at trip niyang sabihan ako palagi ng tibo. Ano bang problema niya sa pananamit ko?! Babae ako at hindi ako tomboy! At si Eon? Napaka-sungit niya! Pabago-bago ng mood. Kung hindi mang-aasar ay magiging malamig naman, tapos magiging mainitin ang ulo. Sala sa init, sala sa lamig. Napaka-bipolar. Tsk. Nilagay ko sa tabi ng sofa ang aking bag at saka ako pabalyang nahiga sa isa pang mahabang sofa. Kung kanina hindi maganda ang araw ko, ano naman kaya bukas? Nakita ko ang sarili ko na nakatayo sa isang kalsada. Malakas ang ulan at ramdam ko ang panlalamig ng aking katawan. Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Maraming sasakyan, maraming tao. Lumingon ako sa kaliwa at laking gulat ko kung ano ang bumungad sa akin. "Anak..." ang boses niya, talagang napakaganda pa rin sa aking pandinig. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napangiti na lang. "Ma, nagbalik ka. Bakit ngayon ka lang bumalik?" tanong ko sa kaniya pero isang ngiti lang ang isinukli niya sa akin. 'Yong ngiti na parang may inihahatid na hindi maganda. Matapos niyang ngumiti sa akin ay dahan-dahan siyang tumalikod at naglakad palayo. Sigaw ako nang sigaw na sana balikan niya ako, gusto kong tumakbo papalapit sa kaniya pero hindi ako makaalis sa aking puwesto. Sa isang iglap nagbago ang hitsura ng paligid, nasa isa akong lugar kung saan walang katao-tao. Isang ground na napakalawak at ako lang ang tao. Nangilabot ako nang nakarinig ako ng malakas na halakhak ng isang lalaki. Lumingon ako sa aking likod at nagulat sa aking nakita. Isang lalaki ang walang awang sinasaktan si mama gamit ang isang latigong hawak nito. Sigaw ako nang sigaw na tama na pero walang boses na nalabas sa aking bibig. Doon ko namalayan na umiiyak na pala ako. Natatakot ako. Ayoko, ayoko ng ganito... "Zai." Mas lalo akong nagimbal nang biglang humugot ng isang baril ang lalaki at saka niya ito itinutok sa nanay ko. Kinalabit nito ang gatilyo ng baril. "Huwag!" Napabangon ako nang wala sa oras habang, habol ang hininga at ramdam ang pawis sa aking noo. "What—" Dala ng takot ay wala sa sariling napayakap ako sa taong nasa aking gilid habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Hindi ako nakarinig ng kahit na ano mula kay Eon, ngunit naramdaman ko ang bahagyang pagtapik niya sa aking balikat. Panaginip, pero parang totoong nangyari. Hindi ko kakayanin kapag nangyari kay mama ang bagay na iyon. Ayoko, hindi pwede. Tama, panaginip lang 'yon, hindi 'yon totoo. "Enjoy hugging me?" Napahinto ako sa pag-iyak at nanlaki ang dalawang mata nang narinig ko ang boses niya sa may bandang tainga ko. Wala sa sariling napalayo ako sa kaniya. "Asa ka pa," depensa ko, hindi maitago ang pagkahiya. Napansin ko naman ang bahagya niyang pagtango, ngunit may halong nakalolokong ngiti. Hilig niya talagang mang-asar, pasalamat siya gwapo—I mean, I mean pasalamat siya dahil kahit papaano nawala 'yong takot ko noong niyakap ko siya! Syete! Ano ba 'tong sinasabi ko? "What happened?" Napawi ang pagkainis ko nang itanong niya ang bagay na iyon. Naalala ko na naman 'yong panaginip ko. Siguro naman walang nangyaring masama kay mama. Sabi nga nila, ang panaginip ay kabaliktaran ng totoong nangyayari, pero hindi ko rin maipagkakaila na ang ibang panaginip ay nagkakatotoo. "Wala. Huwag mo nang alamin," saad ko at saka nag-iwas ng tingin. Napatingin ako sa wrist watch ko at nalamang alas dyes na pala ng gabi. Alas otso ako lumabas kanina. Nakatulog pala ako, hindi ko namalayan. Napalibot ang paningin ko sa paligid, ngunit hindi ko napansin sina Kuya Jino. Napatingin ako kay Eon na ngayon ay tahimik na nakatingin sa akin. "Nasaan 'yong iba? Bakit ikaw ang nandito?" Tumayo siya sa pagkakaupo. "Still in the university. May tinatapos pa." "E ikaw? Bakit ang agap mo?" napatingin siya sa akin na bahagya kong ikinahinto. "I skipped my classes."
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 37 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (166)
rjndyyy
The story is quietly nice, the whole timeline is wonderful. I love it. See youu in book 2. Thank you author for giving us a amazing story.
The story is quietly nice, the whole timeline is wonderful. I love it. See youu in book 2. Thank you author for giving us a amazing story.
05/04/2022
05 star for me
30/08
0thanks sa magandang story author
12/02/2025
0View All