logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4: CLARKSON UNIVERSITY

Zai's POV
Puwede ko na bang tawaging paglilitis ang sitwasyon ko ngayon? Urgh! Mga bwiset 'tong mga kolokoy na 'to! Ano naman kayang problema nila at naisip nila 'tong gawin?
Nandito kaming lahat sa sala, naka-upo ako sa isang single sofa habang silang pito ay nakapalibot sa akin.
"Sinabi ko na sa 'yo, Zai, h'wag kang lalabas ng bahay." Napayuko ako sa sinabi ni kuya Jino.
"Wala naman talaga akong balak lumabas, ang kaso—"
"Ano'ng ginagawa mo sa lugar sa iyon?" Hindi ako natapos sa pagpapaliwanag nang magsalita si Henry.
"Shortcut kasi 'yon kaya—"
"Bakit ka lumabas ng bahay?" Naputol na naman ako sa pagsasalita nang sumingit bigla si Yuan. Medyo natakot ako sa hitsura niya, mukha palaging galit.
"Kasi nga 'di ba—"
"Paano ka napunta ro'n?" Hindi ko na naman natapos ang paliwanag ko nang biglang sumingit si Josh. Bwiset! Wala ba silang balak na patapusin ako?!
"Sinabi na ngang balak kong bumili—"
"Oo nga, pa'no ka napunta roon?" Napapikit ako nang mariin at tila biglang kumulo ang aking dugo nang bigla na namang may sumingit si usapan. Kaagad kong sinamaan ng tingin si Tres dahil walang k'wenta 'yong tanong niya. Inulit niya lang ang tanong ni Josh!
"Balak ko nga kasing—"
"What the hell did you—"
"Sandali nga! Ako 'yong magpapaliwanag 'di ba?" Paano ako makakapagpaliwanag nang maayos kung palagi nilang pinuputol 'yong balak kong sabihin?! "Huwag muna muna kayong makisingit, p'wede ba?" sa sinabi ko ay natahimik sila. Napatikim ako. "Una, wala naman talaga akong balak na lumabas ng bahay, ang kaso lang nakita kong kaunti na lang 'yong mga ingredients sa kusina kaya naisipan kong bumili sa labas. Pangalawa, medyo malayo 'yong store, tinamad ako maglakad kaya naisip kong maghanap ng shortcut. At pangatlo, malay ko ba na nando'n pala kayo?"
"Tss. Pasaway." Napatingin ako sa aking likuran nang may narinig akong nagsalita, si Eon.
Inirapan ko lang siya, pasaway na kung pasaway. Wala akong pakialam. Basta nakapagpaliwanag na ako, pero saka ko lang na-realize na parang may mali. Pinaningkitan ko sila ng mata.
"Teka nga, 'di ba dapat ako 'yong nagtatanong?" Nagkatinginan sila sa isa't isa. "Ano'ng ginagawa niyo sa lugar na 'yon? At sino 'yong mga lalaki kanina?" Bakit nga ba nagpapaliwanag ako sa kanila? Hindi ba dapat sila ang magpaliwanag dahil nakita ko sila doon sa may eskinita na nakikipag-bugbugan? Bakit nga ba nando'n sila?
Siguro naman may explanation din sila para ro'n. Nakapag-explain na ako, so dapat sila rin.
"That's none of your business." Naningkit ang dalawa kong mata kay Jones nang sabihin niya 'yon. Ang unfair naman!
"Hoy, ang daya niyo—" Napatigil ako sa pagsasalita nang may dalawang kamay ang pumatong sa balikat ko at tinutulak-tulak ako paakyat ng hagdan.
"Just sleep, Zai," wika ni Tres.
"Pero—"
"Huwag ka na magsalita. Umakyat kana lang," saad pa nito hanggang sa nakarating kami sa second floor.
Matapos n'yon ay bumaba na rin siya. Ang daya talaga! Umakyat na ako papuntang third floor dahil naroon ang k'warto ko. Kaagad akong pumasok sa loob at pabalyang nahiga sa kama. Bakit ko ba nga sila kinakausap? Nakakainis sila! Ang hirap nila intindihin. Pero bakit ko ba sila iintindihin? Para silang mga bata.
Pero may isang tanong pa rin ang hindi maalis sa isip ko. Ano ba sila? Pakiramdam ko kasi may rason kung bakit nakita ko sila roon sa may eskinita.
Nagulo ko ang aking buhok. Hindi ko na dapat na 'yon isipin. Dapat mag-focus ako para bukas dahil simula na ng pasukan. Sana lang maganda ang first day ko. First time ko pa naman papasok sa ganoong klase ng school. Wala muna kaming trabaho sa fast food dahil may babaguhin daw si manager. Napapaisip tuloy ako kung ano 'yon. Baka on the other day pa kami makabalik ng mga kapwa ko empleyado. Mas okay na rin 'yon, para naman malaman ko muna ang schedule ng magiging klase ko.
Tres's POV
Nandito kaming pito sa sala at tahimik na nakaupo. Matapos ang nangyari ay parang na-blangko ang utak namin, p'wera nalang yata kay leader, genius pa naman 'yan. Naisip ko tuloy, bakit kaya ang talino ni leader? Ano kayang ginagawa niya para tumalino? Kumakain kaya 'to ng pampatalino? Ano kayang pagkain 'yon? Ma-try nga 'yon minsan.
"Shit!" napamura ako nang may unan ang biglang tumama sa mukha ko. Tiningnan ko nang masama si Eon.
"Lumilipad isip mo," saad niya na ikinaismid ko.
"Ba't hindi ko nakita 'yong utak ko na lumilipad?" Nakatanggap ako ng isang batok mula kay Josh matapos 'yon. Aba't! Ano'ng ginawa kong mali?!
"Umayos ka."
"What are we going to do then?" Napaayos ako ng upo nang biglang magtanong si Jino.
Napatingin kaming lahat sa kaniya. Napatingin din kami kay leader matapos n'yon. Hindi ba p'wedeng ang unang gawin ay kumain? Nagugutom na ako. Kailangan ko ng pagkain.
"Hindi siya p'wedeng ma-involve sa atin." Napatango-tango kami sa sinabi ni leader.
Hindi p'wedeng ma-involve sa amin si Zai. Dahil kapag nagkataon baka ikapahamak niya pa, pero mukhang mahihirapan kami sa bagay na 'yon, lalo na't kasama namin siya rito sa boarding house.
Zai's POV
Nagising ako sa alarm ng aking cellphone. Nag-unat muna ako bago ako bumangon. Ngayon ko lang naalala, unang araw nga pala ng pasukan. Medyo nakakatamad pala talaga pumasok kapag inaantok pa, kaya naman dumiretso na lang ako sa banyo upang maligo. Pagkatapos n'yon ay sinuot ko na ang uniform ko. Hindi ko talaga mapigilang masura dahil hindi ako sanay sa maikling palda. Para tuloy akong nagsuot ng student uniform ng Japan at Korea. Haist!
Siguro naman hindi sila nagsisita ng mga estudyante na hindi proper ang pagsusuot ng uniform. Napailing-iling na lang ako saka ko tinupi ang long-sleve hanggang siko. Medyo niluwagan ko rin 'yong necktie dahil para akong natitiik. Hindi ko na rin ibinutones 'yong sa may bandang leeg dahil hindi ako sanay.
Nagsuot lang ako ng black rubber shoes dahil mas sanay ako sa gano'n. Matapos n'yon ay sinakbat ko na ang itim kong bag.
Nang nakababa ako ng hagdan ay nakita ko kaagad silang pito na kumakain sa dining, ngunit nagulat ako nang pagtingin ko ay naka-uniform din sila. Gulat naman silang napatingin sa akin habang si Josh ay tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.
"So sa Clarkson University ka nag-aaral?" tanong sa akin ni Henry. Napatango naman ako saka ako umupo sa isang upuan kalapit ng kay kuya Jino. Katapat ko pa si sungit. Tsk. Tsk.
"Bakit?" tanong ko bago ko isinubo ang kanin sa aking bibig. Alangan namang sa ilong.
Maya-maya ay nagkatinginan na naman sila dahil do'n. Ano na naman kayang nasa isip nitong mga 'to? Ang weird lang.
"Do'n kasi kami na nag-aaral, Zai." Muntik na akong mabilaukan dahil sa mga salitang sinabi ni Kmkuya Jino.
I mean, really? Doon sila nag-aaral? Sa lahat ng school bakit do'n pa kung saan din ako papasok?!
"How did you entered there?" Napatingin ako kay Eon nang bigla itong magtanong.
"Natural nagpa-enroll. Sa tingin mo makakapasok ba ako ro'n kung hindi ako nagpa-enroll?" pabalang kong tanong sa kaniya na ikinasama niya ng tingin. Nagtawanan naman sina Henry dahil do'n.
Pagkatapos kong kumain ay kaagad na akong tumayo. Ayaw ko silang makasabay sa pagpasok dahil baka asarin lang nila ako.
"Mauna na ako," paalam ko saka ako nagmadaling lumabas ng pinto.
Nagsimula na akong maglakad patungong University dahil walking distance lang naman 'yon. Mabuti na lang at hindi na ako mamamasahe ng dyip o kaya trycicle. Noon kasi sa dati kong school ay halos ten minutes akong nakasakay sa dyip papunta roon, sampung piso pa ang pamasahe. Siguro kung nandoon pa ako hanggang ngayon kina tiyang Melya, malamang mamamasahe pa ako.
Ito ang unang araw. Sana naman maging maganda ang unang araw ko sa school na 'yon.

Book Comment (166)

  • avatar
    rjndyyy

    The story is quietly nice, the whole timeline is wonderful. I love it. See youu in book 2. Thank you author for giving us a amazing story.

    05/04/2022

      0
  • avatar
    RegachoRocelyn

    5 star for me

    30/08

      0
  • avatar
    Rachael Uchi

    thanks sa magandang story author

    12/02/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters