Zai's POV Halos dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang lumipat ako ng boarding house, at halos araw-araw na lang yatang sumasakit ang ulo ko dahil sa mga kalokohan ng mga kolokoy na 'yon. Urgh! Parang mas malala 'to kaysa sa naranasan ko sa bahay ni tiyang! Parusa ba 'to sa akin dahil lumayas ako? Haist! Araw araw ko ring tinatawagan si mama pero unattended na ang number niya. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. Nandito ako ngayon sa Clarkson University, ang school na balak kong pasukan ngayong college student na ako. Maigi na lang wala masyadong nagpapa-enroll dahil last week pa ang enroll-an, sadly na-late ako dahil wala pa kasi ako noon na pangbayad para sa registration fee. Pagkatapos ko magpa-enroll ay kaagad na rin akong umuwi ng boarding house dala ang uniform na isusuot ko bukas. Pagkabungad ko pa lang sa sala ng bahay ay puro kalat ang bumungad sa akin. Mga hindi ba marunong maglinis ang mga taong 'y! Porke ba may kasama na sila ritong babae iaasa na nila sa akin ang paglilinis? Bwiset! "Zai, nandyan ka na pala. Sa'n ka galing?" kaagad kong tiningnan nang masama si Henry nang nakita ko siyang dali-daling bumaba ng hagdan, sumunod naman na bumaba si Josh at si Tres. "Uy Zai, kumusta ang lakad? Hindi ka ba sinipot ng date mo?" Mas lalong sumama ang tingin ko nang sabihin 'yon ni Josh. "Ako ba niloloko ninyo? Ha?" Sinubukan ko silang lapitan, ngunit nagmadali silang tumakbo sa itaas. Mga bwiset talaga! Ang sakit nila sa ulo! Daig pa nila ang mga bata! Inis na umakyat ako papunta sa k'warto saka ko nilagay ang aking bag sa may kama, matapos n'yon ay bumaba na rin ako. Labag sa loob na nilinis ko ang mga kalat nila; mga nagkalat na junk foods at balat ng orange. Tss, mga isip bata. Para tuloy akong katulong dito na naglilinis ng kalat ng pitong bata. Napatigil ako sa paglilinis nang nakita ko si Yuan na natutulog na naman sa sofa. Naman! Wala ba 'tong ginagawa kun'di matulog, kumain, matulog muli? Tinitigan ko ito nang ilang segundo. Sa totoo lang, gwapo siya...no, no. Let me rephrase it, guwapo silang lahat kung tutuusin, nakakapanghinayang lang dahil lahat yata sila ay may mga sapak sa utak. "What are you doing?" Napapitlag ako nang nakarinig ako ng boses sa aking likuran. "Nakakagulat ka naman." Napahawak ako sa aking didbib nang sumulpot ang seryosong hitsura ni Jones. Okay naman 'tong si Jones, mabait naman siya, kaya lang medyo tahimik at english nang english. Susko! Baka palagi akong ma-nosebleed kapag kausap ko 'tong lalaki na 'to! "Jones, tara na." Napalingon ako sa may hagdanan nang nakita ko silang bumaba. Hindi ko naiwasang magtaka dahil sa mga seryoso nilang ekspresyon. Napatingin ako kay Eon, pero napaiwas din ako ng tingin. Haist! Ewan, pero hindi ko alam kung bakit laging nakakunot ang noo niya sa tuwing titingin ako sa kaniyang gawi; hindi ko rin alam kung bakit lagi siyang galit kapag ako na ang kakausap sa kaniya. Tumango si Jones saka nilapitan si Yuan bago ito ginising. Nakatayo lang ako habang tinitingnan sila. Saan ba nila balak pumunta at mga seryoso ang mukha nila? Tumayo si Yuan saka lumapit kina Eon, gano'n din ang ginawa ni Jones. "Teka, sa'n niyo balak pumunta?" nagtatakang tanong ko sa kanila; lahat naman sila ay napatingin sa akin. Lumapit naman sa akin si kuya Jino at ginulo ang aking buhok. "Basta. Dito ka lang sa bahay. Huwag kang aalis at h'wag kang lalabas," wika niya saka sila dumiritso sa pintuan at lumabas. Balak ko pa sanang magtanong pero nakaalis na sila. Saan naman kaya sila pupunta? Baka naman sa mall. Pagkatapos mags-shopping? Pero sa tingin ko hindi, imposible naman 'yon, pero p'wede rin naman. Tss, bakit ko nga ba sila iniisip? Ano namang pakialam ko kung saan sila pupunta? Bahala sila. Nagpatuloy na lang ako sa paglilinis sa sala bago ko tinungo ang aking k'warto, pero hindi ko talaga maiwasang mapaisip kung saan sila nagpunta. Naalimpungatan ako nang bigla akong malaglag sa kama. Haist! Ang sakit ng pagkakabagsak ko! Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kanina. Nagulat na lang ako nang pagkatingin ko sa labas ay medyo madilim na. Tiningnan ko ang relo at nalamang ala-sais na pala. Nagmadali akong bumaba dahil akala ko ay nakabalik na sila, pero pagdating ko sa sala ay wala akong nadatnan na kahit isa sa kanila. Napabuntonghininga ako. Pumunta nalang ako ng kusina para sana magluto, ang kaso kaunti na ang mga ingredients na nandito. Hindi pa naman sarado ang mga store nang ganitong oras kaya naman naisip kong lumabas upang bumili ng mga ingredients. Dahil sa medyo malayo ang store kung sa kalsada pa ako daraan ay naisipan ko na lang na dumaan sa isang eskinita. Hindi ko alam pero medyo kinikilabutan ako sa lugar na 'to. Hindi pa naman ako sanay sa ganitong klase ng lugar. Dire-diretso lang ako sa paglalakad habang tinatahak ang madilim na eskinita. Nang medyo malapit na ako sa may dulo ay nakarinig ako ng mga nagtatawanang mga lalaki. Sana naman wala akong ma-encounter na adik dito! Na-curious ako nang nakarinig ako ng pamilyar na boses. "Hindi pa ba kayo nadadala? Ilang beses na namin kayong natalo." Halos manlaki ang mga mata ko nang parang narinig ko ang boses ni kuya Jino, kaya naman nagmadali akong dumiritso sa may dulo at nanlaki ang dalawang mata nang may nakita akong dalawang grupo ng kalalakihan. Doon ko nga nakita si kuya Jino kasama sina Eon. Juskolord! Ano'ng ginagawa nila rito? Nagtago ako sa isang pader para hindi nila ako mapansin. Narinig ko naman ang pagtawa ng kabilang grupo. Seryoso? Lahat sila naka-itim? Saan naman kaya ang burol? Akala ba nila astig 'yon? Well para sa akin cool naman talaga ang black, pero pag sinamahan ng scarp sa ulo? Ang pangit tingnan. Para silang matandang albularyo na nagfe-feeling gangster. Tss, mabuti sana kung bagay sa kanila, e hindi naman. Pero ano ba talagang mayroon? "Huh! Ang yayabang niyo, akala mo kung sino! Bakit? Sa tingin niyo palagi niyo kaming matatalo? Sugurin niyo na 'yan!" sigaw ng sa tingin ko ay pinaka-leader ng isang grupo. Nagulat ako nang biglang sumugod ang kabilang grupo kina kuya Jino. Naman! Mukhang wrong timing pa yata yung pagpunta ko rito. Ano'ng gagawin ko? Hindi nila ako p'wedeng makita rito! Kailangan kong makaalis dito, pero paano? Ayaw ko nang dumaan dito sa eskinita na 'to. Parang anytime ay may manghihigit na lang sa akin nang hindi ko alam, pero no choice ako. Kailangan ko ulit itong tahakin. "Ay palaka!" Halos mapatalon ako nang may biglang tumalon na pusa sa kung saan. Bwiset! Ang malas ko! Pero ang mas nakakagulat ay nang nakita nila akong nagtatago rito sa may eskinita, at ang mas malala pa...bumukas ang ilaw sa may bandang parteng kinatatayuan ko. Oh. My. God. OH MY GOD! I. AM. SO. DEAD. I'M SO DEAD! "What the hell? Ano'ng ginagawa mo rito?" Halos mapatawa na lang ako nang mapakla dahil sa tanong ni Eon. "A-ano kasi...alam mo 'yon, napadaan lang." Napalunok ako. "Aba, hindi niyo naman sinabi na may chix pala kayo rito." Napatakbo ako sa p'westo nina Eon nang narinig ko ang sinabi ng lalaking tumatayong leader ng kabilang grupo. Nakakatakot 'yong boses niya, parang galing pa sa hukay! Nakita kong bigla siyang sinuntok ni Jones kaya naman napatihaya ito sa lupa. "Bwiset! Kuhanin ninyo 'yong babae!" sigaw ng lalaki kaya naman sa pangalawang pagkakataon ay nagtago na naman ako sa likod ni Eon. Pero nasura ako nang bigla siyang umalis, ngunit pinigilan niya lang pala 'yong lalaking akmang hahablutin na ang braso ko. Nakita ko rin sina Josh, Yuan, Henry, Jones, kuya Jino, at Tres na nakikipaglaban sa mga lalaki. Ewan ko pero parang bigla na lang akong kinabahan, ngayon lang kasi ako nakasaksi nang ganitong klaseng away. "Zai, sa likod mo!" Napatingin ako sa likuran ko nang sumigaw si Tres. Muntik na akong masuntok ng isang lalaki sa mukha, maigi na lang ay naiwasan ko kaya ang diretso ay sa pader niya naisuntok ang kaniyang kamao. "Tres, Josh! Ilayo ninyo na muna si Zai rito!" rinig kong sigaw ni kuya Jino. Balak ko pa sanang magreklamo dahil kaya ko naman ang sarili ko, pero huli na nang hawakan na ako ng dalawa sa tigkabilang braso saka ako kinaladkad paalis sa eskinita na 'yon. Urgh! Kaya ko namang tumakbo, bakit kailangan pang kaladkarin!? "Dito! Dito! Baka masundan nila tayo!" aligagang sabi ni Tres. Ang OA naman nito, nabatukan tuloy siya ni Josh dahil do'n. "Malayo na tayo. Umayos ka nga. Zai, ayos ka lang? Nasaktan ka ba?" tanong niya, na wala ako ibang nagawa kun'di ang tumango. Pero ano ba talaga ang nangyayari?
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 32 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (166)
rjndyyy
The story is quietly nice, the whole timeline is wonderful. I love it. See youu in book 2. Thank you author for giving us a amazing story.
The story is quietly nice, the whole timeline is wonderful. I love it. See youu in book 2. Thank you author for giving us a amazing story.
05/04/2022
05 star for me
30/08
0thanks sa magandang story author
12/02/2025
0View All