logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 2: COSTUMER

Zai's POV
Nagising ako sa kalampag na aking narinig mula sa ibaba. Napangwi ako. Kinuha ko ang cellphone sa may study table at natagpuang ala-syete na ng umaga. Napabalikwas ako nang bigla kong naalala na ngayon ang unang araw ko sa trabaho.
Nagmadali akong nagtungo sa banyo para makaligo at makapag-ayos. At dahil ito ang unang araw ko sa trabaho ay nagsuot ako ng isang puting polo shirt at slacks. Bigla ko ring naalala na kailangan ko pang gumawa ng resume para ipasa mamaya.
Nadatnan 'yong pitong kumakain sa may dining nang nakababa ako. Hindi ko na sana sila papansinin kaso bigla nalang kumulo ang tiyan ko. Napahinto ako sa paglalakad. Hindi pa nga pala ako kumakain. Bwiset!
"Uy Zai, saan ang punta mo? Kumain ka muna." Nakangiting lumingon ako sa nagsabi n'yon. Iyong lalaking nakakulay pink na apron kahapon.
"Talaga?" Nagniningning ang mata na lumapit ako sa lamesa nila. Gutom na talaga ako.
"Hindi mo pa pala kami kilala. I'm Jino. P'wede mo akong tawaging kuya Jino kung okay lang sa 'yo." Natuwa ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi siya lang 'yong pinaka-approachable sa kanilang lahat, at isa pa mukha rin siyang mabait.
"Sige. Pahingi ah?" Balak ko na sanang kumuha ng isang tinapay mula sa isang plato, ngunit kaagad na may kumuha ng pinggan na 'yon. Napatingin ako nang masama sa kumuha n'yon, iyong lalaking naka-lollipop kahapon!
"Who says you're allowed to get one? Para sa amin lang 'to," saad niya na ikinasimangot ko.
"Come on, Tres. Hayaan mo na si Zai na kumuha," wika ni kuya Jino saka kinuha 'yong pinggan sa kamay niya. So Tres pala ang pangalan niya.
"Salamat, Kuya Jino." Balak ko na sanang kuhain 'yong isang pandesal nang may naunang kumuha nito. Napatingin ako sa kung sinong kumuha n'yon at nangunot ang noo nang napansin kong si sungit pala. Oo sungit, kasi ang sungit talaga niya para sa akin.
"I think you should eat vegetables than bread," nakangising saad niya sa akin na ikinasama ko ng tingin sa kaniya.
"Nice one, Eon." Nabaling ang paningin ko sa lalaking nagsalita na ngayon ay tumatawa na. Siya 'yong lalaking sinabihan akong tibo kagabi. Sa pagkakatanda ko ay Josh ang pangalan niya. At talagang pinagkaisahan pa nila ako ah!
"Nagugutom na rin ako! Makakain na nga," rinig kong sigaw ng isa pang lalaki. Siya 'yong mukhang masayahin palagi. Iyong akala mo sobrang bigat ng mga paa dahil sa kalampog ng sahig sa tuwing bababa siya ng hagdan. Nabalik ang tingin ko kay Eon na ngayon ay nakangisi pa rin sa akin.
"Pa'no ba 'yan? Dalawa na lang 'yong natitira? Isa kay Henry—" Turo ni Eon sa lalaking sumigaw kanina, "and the other one is for Jones." Turo niya sa lalaking kulay puti ang buhok. Napasimangot ako.
"Ang damot ninyo!" sigaw ko at inis na tumayo sa upuan saka mabibigat ang paa na umalis ng boarding.
Hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang mga malalakas nilang pagtawa. Mga bwiset! Ano'ng klase silang mga lalaki at ganoon nila tratuhin ang babae?!
Third Person's POV
Patuloy sa pagtawa sina Eon, Josh, Tres at Henry maliban kina Jino na napailing na lang, si Jones naman ay tahimik lang, habang si Yuan ay kanina pa yata nakatulog sa lamesa nila.
"You shouldn't treat her that way. That's too rude," naiiling na saad ni Jones sa mga ito.
"Bagay lang naman sa kung paano siya umasta," natatawang wika ni Tres habang may pagkain pa sa bibig nito.
"Sa tingin niyo? Is she a lesbian? Maganda sana kaso parang tibo," natatawang ani naman ni Josh.
"Well I think she's nice," tila nag-iisip na saad ni Henry habang nakahawak pa ang kamay sa baba nito.
"Huwag mo nang pahabain 'yang baba mo sa kaiisip, Henry." Tiningnan nang masama ni Henry si Josh dahil sa sinabi nito.
"Grabe kayo sa kaniya. Masyado niyo siyang tinatrato nang masama," naiiling na saad ni Jino. As always, siya ang tumatayong kuya ng grupo dahil siya ang pinakamantda sa kanila, at siya rin ang masasabi ng lahat na pinakamadaling pakitunguhan. Napansin niya na tahimik lang si Eon na parang may naglalaro sa utak nito na kung ano kaya naman hindi niya naiwasang magtaka. "What are you thinking?" Nabaling ang tingin sa kaniya ng binata na ngayon ay unti-unting nabubuo ang ngisi sa labi.
"I know you, Eon. Alam kong may binabalak ka na naman. Kung ako sa 'yo h'wag mo na 'yang ituloy," seryosong wika rito ni Jones. Ito ang tumatayong leader ng kanilang grupo; seryoso at may pagka-misteryoso, pero sa kanilang sa lahat ay si Eon ang pinakamahirap na basahin sa kanila. Eon has a different personality, madalas na pabago-bago ito ng mood.
"I won't do anything stupid. I just realized something." Kumunot ang noo ni Tres sa sinabi ni Eon.
"Realized what?"
Napailing si Eon. "Nothing." Napailing-iling na lang sila dahil sa sagot ng binata.
Sa kabilang banda naman, hindi maiwasang mapaisip ni Jones dahil sa sinabi ng binata. Hindi niya mabasa kung ano'ng tumatakbo sa isip nito. As always, parang bilang lang ang pagkakataon na kaya niyang basahin ang nasa isip nito base sa ikinikilos ng binata.
Zai's POV
Ilang minuto akong na-late sa trabaho dahil nagtungo pa ako sa computer shop para makagawa ng resume. Mabuti na lang at nakarating ako sa trabaho nabg nasa oras. Abala ako sa paghuhugas ng plato nang may babaeng lumapit sa akin.
"Hi, bago ka rito?" nakangiting tanong niya. Tumingin ako sa kaniya saka siya nginitian.
"Oo e. Ikaw ba?" Nagpatuloy ako sa paghuhugas.
"Last month pa ako rito." Napatango-tango ako.
Maya-maya ay bumalik na siya sa kaniyang ginagawa habang ako ay ipinagpatuloy ko na lang ang paghuhugas ng plato, pero napatigil ako sa aking ginagawa nang nakarinig ako sa labas na tila may nabasag. Dala ng pagtataka ay naisip kong sumilip doon kung saan napansin ko ang ilang mga employees na nagkakagulo habang inaawat ang isang babaeng nagwawala. Kumunot ang noo ko kaya naman naisip kong pumunta roon.
"Remove your filthy dirty hands off me, jerks! Gosh! Ano bang klaseng fast food 'to?! Bobo na nga 'yong mga employees, ang sama pa ng lasa ng mga pagkain! God!" rinig kong wika ng babae na mukha yatang kikitil na ng buhay ngayon dahil sa masama nitong tingin sa ibang mga employado, at dahil hindi ko nagustuhan ang lumabas na salita sa kaniyang bibig ay naglakad ako papalapit sa kaniya.
Balak sana akong pigilan ng isang babae na rito rin nagta-trabaho pero hindi ako nagpapigil. Binitawan naman siya ng mga lalaking nakahawak sa kaniya. Talagang dinamay pa niya 'yong mga kasamahan ko rito ah.
"Excuse me? Sino ka para siraan ang fast food namin?" Naagaw ko ang kaniyang atensyon dahil sa sinabi ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Kailangan ko pa talagang e-explain? Your foods are so cheap. Walang class!" sabi pa nito sa maarteng tuno. Napatiim bagang ako sa kaniyang sinabi.
Pinakaayaw ko talaga 'yong maarte na nga, pagkatapos wagas pa kung makapanlait. E kung pakainin ko kaya 'to ng sandamakmak na sili? Tss. Napansin kong naagaw na namin ang atensyon ng ibang mga costumers.
"Ma'am, pasensya—"
Bago pa humingi ng pasensya ang babaeng katabi ko ay kaagad na akong nagsalita, "Huwag kang hihingi ng tawad sa kaniya." Ikinatawa naman iyon nang maarte ng babaeng kaharap namin. Okay, Zai. Kalma ka lang. Bawal ang magalit, costumer 'yan.
"Oh what an advice! Dapat lang mag-sorry kayo. Your foods are so cheap! Nakakasuka!" sabi pa nito sabay arte na tila nauubo.
"Talaga?" Napaangat siya ng kilay. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at tinaasan din siya ng kilay. "Cheap? Walang class? Nakakasuka? Baka bibig mo 'yon, be! Toothbrush din 'pag may time," sa sinabi kong 'yon ay bahagya kong narinig ang tawanan ng mga tao.
"Excuse me?"
"Sa susunod try mo ring magmumog sa malinis na tubig hindi 'yong sa gripo na amoy imbornal, at para sabihin ko sa 'yo, walang lugar dito 'yang pagiging maarte mo. Kaya kung hindi mo gusto ang pagkain dito, bukas ang pintuan at maaari kang lumabas, o baka naman attention seeker ka lang talaga kaya ka nandito?" Napanganga siya dahil sa mga salitang binitawan ko. Nakarinig naman ako ng mga tawanan mula sa mga costumers dahil sa aking sinabi.
Pinipigilan na ako ng mga kapwa ko empleyado pero hindi ako nagpatinag. Huh! Dapat kasi sa babae na 'to tinuturuan ng leksyon. Ang arte! Akala mo kung sino, tadtad naman ng pintura sa mukha.
"Ano? Hindi ka makasagot? Bakit? Kasi totoo?" pang-aasar ko sa kaniya. Parang bigla namang nandilim ang mga mata nito at tumingin sa akin nang masama.
"How dare you to talk to me like that?! Bitch!" Akala ko susugurin niya ako nang away, pero nagulat ako nang padabog siyang nag-martsa palabas ng fast food.
Nagkatinginan naman ang mga kapwa ko empleyado. Nagulat na lang din ako nang bigla na lang magpalakpakan 'yong mga costumers.
"Woah! Ang galing mo, Miss! Idol na kita!" Napalingon ako sa isang grupo ng mga lalaki na pumapalakpak.
"Salamat, Zai. Ang galing mong makipagsagutan a!" sabi sa akin ni Ken, isa sa mga lalaking empleyado rito. Napangiti naman ako dahil do'n.
"Wala 'yon. Tinuruan ko lang ng leksyon. Mukha kasing laki sa yaman kaya gano'n kung umasta." Iwinasiwas ko ang aking kamay, sinasabi na walang lang 'yon, ngunit nagulat na lang ako nang lumapit din ang iba pang empleyado sa akin at nagpasalamat.
Sana lang hindi na bumalik pa ang babae na iyon dito. Baka hindi ako makapagpigil at buhusan ko na lang ng kumukulong tubig.

Book Comment (166)

  • avatar
    rjndyyy

    The story is quietly nice, the whole timeline is wonderful. I love it. See youu in book 2. Thank you author for giving us a amazing story.

    05/04/2022

      0
  • avatar
    RegachoRocelyn

    5 star for me

    30/08

      0
  • avatar
    Rachael Uchi

    thanks sa magandang story author

    12/02/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters