logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 1: BOARDMATES

Zai's POV
Malawak ang aking ngiti habang nakasunod ako kay tita Amanda papasok sa boarding house. Ako na ang pinagbukas ni tita Amanda sa pintuan kaya mas lalo akong natuwa, pero pagbukas ko pa lang ng pintuan ay hindi ko inaasahan na may tao pa lang nakaharang do'n kaya ang resulta ay napatama ang noo niya sa may pinto.
"Oh shit! Who did that!?" rinig kong inis na tanong ng isang lalaki.
"Hehe, sorry kung natamaan ka ng pinto. Hindi ko talaga sinasadya. Promise!" Nakangiting paumanhin ko sa kaniya bago kami pumasok sa loob ni tita Amanda. Oo, feeling close ako. Pakapalan na ng mukha!
"Sino naman 'to Tiyang?" inis na tanong ng lalaki habang hawak ang kaniyang noo na natamaan ng pinto kanina.
Hindi ko siya kilala, pero singkit ang mata niya, pagkatapos mukhang kagagaling lang sa pagtulog dahil namumungay pa ang dalawa niyang mata. Bigla ko tuloy naisip 'yong lalaking nakita ko kanina, nasaan na kaya 'yon? Nagtago?
"Ah siya ba? Bago niyo siyang boardmate. Ano nga ulit pangalan mo, hija?" nakangiting tanong sa akin ni tita Amanda.
"Zai Venom po," pakilala ko, pero kasabay n'yon ang paglabas ng dalawang lalaki mula sa may kusina. Nakasuot ng apron na kulay pink 'yong isa, habang ang isa naman ay may subong lollipop.
Nagulat na lang ako nang biglang lumapit sa akin 'yong lalaking may lollipop at sinipat ako mula ulo hanggang paa.
"Saan mo naman napulot 'tong babae na 'to, Tiyang?" kunot noong tanong niya sa akin.
Iyong feeling na okay na sana, kaso hindi ko nagustuhan 'yong term niya na pinulot. Ano ako? Pulubi na napulot ni tita Amanda sa kung saan?
"Umayos ka ngang bata ka. Tawagin mo na 'yong iba para maipakilala ko si Zai sa inyo," sabi ni T'yang na mas lalong ikinalawak ng ngiti ko.
"Welcome rito, Zai." Napatingin ako sa lalaking naka-apron ng ni-welcome niya ako. Kung titingnan, mukhang matino siya kaysa rito sa dalawa niyang kasama.
"Hoy! Bumaba raw kayo riyan! May napulot si T'yang na magiging boardmate natin!" sigaw ng lalaking naka-lollipop.Aba''lagang pinanindigan 'yong tawag sa akin na napulot? Naku! Kung wala lang dito si tita Amanda kanina ko pa 'to sininghalan.
"May bago tayong boardmate?!" rinig kong sigaw mula sa itaas saka ako nakarinig ng mga mabibilis na yapak ng paa na kumakalampog sa hagdanan.
May nakita akong dalawang lalaking bumaba ng hagdan. May pagkagulat ang ekspresyon ng isa na parang hindi makapaniwala.
"Babae? Teka, bakit babae?"
"Ano ba 'yan! Akala ko pa naman chix! Ba't nagdala ka ng tibo rito T'yang?" Parang biglang kumulo ang aking dugo dahil sa sinabi ng isang lalaking medyo messy ang buhok. Tiningnan ko siya nang masama.
Ang kapal naman niyang sabihan ako ng tibo. Porke naka-t-shirt na puti, black jeans at naka-cap tibo na? Nakakainit ng ulo! Kung wala lang talaga rito si tita Amanda makakalbo ko 'to!
"What? Napansin mo pa 'yon, Josh?" nanlalaki ang matang tanong ng lalaking naka-lollipop. Urgh!
"Sus maryusip! Tumigil na nga kayo. Magiging boardmate niyo si Zai, kaya sana umayos kayo!" sigaw sa kanila ni tita Amanda na ikinatahimik nila. "Nasaan na ba 'yong dalawa?" tanong pa ni tita Amanda. Bigla naman akong may narinig na yapak pababa ng hagdan.
"What is she doing here?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita at inaasahan ko na makikita siya rito. Siya nga! Siya 'yong lalaking tumulong sa akin kanina, pero bakit parang galit siya? Wala naman akong ginagawang masama.
"Oo nga, T'yang. Sino siya?" tanong ng isang lalaking kulay puti ang buhok. Nakataas ang buhok nito na parang palong ng manok. Seriously? Mukha silang mga sabog.
"Siya ang bago ninyong magiging boardmate—"
Napatigil sa pagsasalita ssitita Amanda nang biglang mag-reklamo 'yong lalaking tumulong sa akin kanina. "What? No. Hindi p'wede." Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kanan kong braso bago ako hinatak palabas.
"Hoy! Ano bang problema mo? H'wag mo nga akong kaladkarin!" sigaw ko sa kaniya saka ko pilit na inalis ang kamay niya na nakahawak sa aking braso.
"You're not allowed here. Go find another boarding house," kalmado niyang sabi sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata.
"At bakit ko naman gagawin 'yon?" Tinapunan niya ako nang masamang tingin.
"Can't you see? Puro lalaki kami. Kaya umalis ka na," sabi pa niya bago niya ako itinulak-tulak palabas ng gate, pero dahil sa matigas ang ulo ko ay hindi ako nagpadala sa kaniya, bagkus ay hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Ang lakas ng loob niyang palayasin ako, akala mo kung sino e ang laki naman ilong.
"Iyon lang? Tss. Wala akong pakialam kung puro lalaki kayo. Wala 'yong malisya sa akin," saad ko at bago pa siya tuluyang makapagsalita ay tinakbuhan ko na siya at pumasok sa loob ng boarding. Narinig ko pa siyang sinigawan ako pero hindi ko na 'yon pinansin pa.
Pagkabungad ko sa loob ay nagulat na lang ako sa aking nadatnan. Iyong lalaking nauntog kanina sa pinto ay nakahiga na sa sofa at natutulog habang nakapatong ang dalawa nitong paa sa may center table.
Hindi ko naman nakita 'yong lalaking naka-apron at 'yong lalaking naka-lollipop; malamang nasa kusina na muli. Wala na rin 'yong lalaking parang kabayo kung bumaba ng hagdan at 'yong lalaking sinabihan ako ng tibo. Nakita ko naman 'yong lalaking kulay puti ang buhok na nagbabasa ng libro. Nakakamangha lang, bihira kasi sa lalaki 'yong gano'n, in my opinion lang naman. Napansin ko naman si tita Amanda sa aking gilid.
"Ano'ng ginawa ninyo sa kanila at parang nagbago ang ihip ng hangin?" kunot-noong tanong ko sa kaniya. Hindi ko lang maiwasang magtaka. Hindi ko naman inaasahan na matatawa siya sa tanong ko, wala naman kasing nakakatawa ro'n.
"Pinagsabihan ko lang. Sige, hija mauna na ako sa 'yo. Oo nga pala, nasa third floor ang k'warto mo; room number 13," wika ni tita Amanda bago siya lumabas.
Eksaktong paglabas naman ni tita ay ang pagpusok ni...ay ewan, hindi ko alam ang pangalan niya. Nakatingin ito nang masama sa akin, kaya tiningnan ko rin siya nang masama. Hindi ko na siya pinansin at umakyat na lang ng hagdan papunta sa third floor.
Maganda ang boarding house, malaki at malinis. Ang kaso akala ko kaniya-kaniya rito. Iyon pala hindi. Haist! So kailangan ko pang maki-share ng kusina? Pambihira.
Pagkahanap ko ng pintong may number 13 ay kaagad na akong pumasok.
Bumungad sa akin ang isang katamtamang laki ng k'warto. Hindi ko akalaing kompleto pala 'to sa gamit. May kama at may cabinet, mayroon ding study table. Ini-scan ko ang buong k'warto, mayroon din itong sariling CR na sobrang pabor sa akin.
Malinis ang buong kwarto kaya naman nilagay ko muna sa isang tabi ang dala kong bag bago ako nahiga sa kama. Mukhang palaging nililinisan ang k'warto na 'to. Siguro mayaman si tita Amanda, at halata naman sa hitsura niya.
Napatingin ako sa relo at 9 p.m. na pala ng gabi. Parang ang daming nangyari ngayong araw.
Ngayon ko lang naalala, puro lalaki nga pala ang mga kasama ko. Naman! Subukan lang talaga na may pumasok dito kahit isa kanila, naku! Naku!
Maya-maya ay nakaramdam na ako ng pagod. Doon ko lang naramdaman ang antok hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Book Comment (166)

  • avatar
    rjndyyy

    The story is quietly nice, the whole timeline is wonderful. I love it. See youu in book 2. Thank you author for giving us a amazing story.

    05/04/2022

      0
  • avatar
    RegachoRocelyn

    5 star for me

    30/08

      0
  • avatar
    Rachael Uchi

    thanks sa magandang story author

    12/02/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters