Nakahiga ako sa aking kama habang nakasalpak sa dalawa kong tainga ang aking earphones. Napapikit na lang ako at dinama ang kantang aking pinapakinggan. Maayos na sana e, kaso bigla nalang kumalampog ang pinto ng aking k'warto at bumungad sa akin ang napakasungit kong tiyahin. "Aba naman, Zai! Tanghali na, bumangon ka na nga r'yan! Wala ka na ngang ginawa kun'di ang magmukmok dito sa kuwarto mo, pagkatapos pagala-gala pa sa kung saan-saan!" Bahagya akong napamaang sa sinabi niya. Gusto ko sanang sabihin na wala akong maalala na gumala ako sa kung saan-saan dahil palagi akong nandito sa bahay at abala sa mga gawain, ngunit napabuntonghininga na lamang ako dahil wala rin naman akong mapapala kung makikipagtalo ako sa kaniya. "Ano pang tinutunganga mo r'yan? Kumilos ka na at labhan mo na 'yong mga lalabhan dito!" Kaagad kong tinanggal ang aking earphones at tumayo. "Ito na nga po, tatayo na. Maglalaba na." Pambihira naman itong buhay na 'to oo. Alam kong wala naman akong karapatan na sagut-sagutin siya dahil kahit pa-paano ay pamilya ko pa rin siya. Nakakabwiset lang talaga! Pagkababa niya ay sumunod na rin ako. Pumunta ako sa may likod ng bahay namin dahil nandoon ang mga damit na kailangan kong labhan. Halos mapailing na lang ako sa dalawang palangganang puno ng lalabhang damit. Pambihira talaga! "Huwag ka nang tumanganga pa riyan at magsimula ka nang maglaba!" sigaw ni tiyang mula sa may sala. "Opo, ito na nga lalabhan na!" sigaw ko pabalik. Hindi ko naiwasan ang mapasimangot. Kung p'wede lang na sunugin ko lahat ng damit ni tiyang, makaganti lang sa kaniya—bwiset! Hindi ko maiwasang maisip na kung umalis na lang kaya ako rito sa bahay ni tiyang? Sa totoo lang nahihirapan na ako dahil tila katulong ang turing niya sa akin dito. P'wede naman akong mag-partime job nang hindi na ako umaasa sa kaniya. Isang buwan na rin ang lumipas ngunit hindi pa nagpapadala si mama mula sa abroad. Hindi man lang niya ako tinatawagan, kapag naman ako ang tumatawag sa kaniya it's either busy siya, o kaya hindi niya sinasagot ang tawag ko. Si mama at kapatid ni tiyang Melya, dito ako ni mama iniwan magmula noong nagdesisyon siyang mag-abroad. Nahihirapan na nga ako rito sa puder ni tiyang Melya. Siguro nga, mas mabuti na umalis na lamang ako rito. Siguro mag bo-boarding house nalang ako, 'yong malapit sa school na aking papasukan. Tutal two weeks pa naman kaya makapahtatrabaho pa ako nang maayos. "Hoy! Ano'ng tinatango-tango mo riyan? Bilisan mo nga maglaba!" sigaw ni tiyang Melya na ikinainis ko. "Opo, Tiyang." Pagpatak pa lang ng alas-singko ng hapon ay kaagad na akong nag-impake ng mga damit ko. Wala naman ako masyadong gamit dito kaya isang malaking bag pack na lamang ang pinaglagyan ko ng mga damit. Mukha nga akong lalayas. Napapikit na lang ako nang mariin nang nakita ko ang laman ng aking wallet. Five thousand na lang ang pera ko. Pang-budget ko pa at pang-rent ng boarding house. Sana naman ay may mahanap akong trabaho. Sinilip ko muna ang sala baka kasi nandyan si tiyang, hindi niya ako p'wedeng makita dahil baka pigilan niya ako sa pag-alis at ikulong ako rito sa k'warto. Hindi 'yon p'wede kaya dapat hindi niya ako makita. Alas-singko pa lang at mga bandang ala-sais pa bumabalik si tiyang galing sa bahay ng isa pa niyang kapatid. Sinakbat ko ang aking bag at dahan-dahang bumaba ng hagdan. "Finally!" masayang wika ko sa aking sarili. Balak ko na sanang buksan ang pintuan nang bigla na lang bumungad sa akin si tiyang na nakataas ang kilay. Napahinto ako. "At saan mo naman balak pumunta at nakabihis ka?" masungit na tanong nito sa akin habang nakapamaywang. Hindi bagay sa kaniya, masyado siyang mataba; nagmukha siyang butanding. "A-ako po? S-sa labas lang!" sabi ko saka ko siya biglaang tinulak sa gilid, hindi naman malakas, tama lang para makaraan ako sa pintuan. Nagmadali akong lumabas ng bahay. Kaagad ko munang pinulot ang nalaglag kong cap saka ito muling isinuot. "Walang hiya kang bata ka! Saan ka pupunta?! Bumalik ka rito!" sigaw nito habang hinahabol ako. Kaagad naman akong lumingon sa kaniya habang tumatawa. "Goodbye, Tiyang! Thank you sa pagiging katulong ko kahit wala namang s'weldo!" sigaw ko sa kaniya na may halong pang-aasar. Tumigil na siya sa pagtakbo at hingal na hingal na tumingin sa aking direksyon. Hindi ko maiwasang matawa, dahil sa taba niyang iyon ay siguradong hindi niya ako maabutan. "Walang hiya ka talaga! H'wag na h'wag ka magkakamaling bumalik pa rito! Kung hindi makakatikim ka sa akin!" sigaw niya pang muli. Hindi ko na siya pinansin dahil pumara na ako ng tricycle upang sumakay doon. Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan na itong makaalis. Thanks God at wala ng maingay sa paligid. Bumaba ako sa isang street kung saan malapit lang sa University na balak kong pasukan. Hindi pa pala ako nakakapag-enroll, paniguradong mahal ang magiging tuition doon. Medyo padilim na rin ang paligid dahil sa malapit na rin gumabi. Naglakad-lakad lang ako hanggang sa nakarating ako sa isang hindi naman kalakihang food court. Tumigil ako sandali. Siguro naman qualified dito ang senior graduate student. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kaagad na pumasok sa loob. Medyo kaunti na ang customer dahil pagabi na rin. Lumapit ako sa isang babae na sa tingin ko ay empleyado rito. "Excuse me. Nagh-hire pa ba kayo rito?" tanong ko, pero hindi ako pinansin ng babae at inirapan lang. Aba't! Ang sungit ah! Tinatanong nang maayos pagkatapos gaganunin lang ako? Akala ko wala na itong pakialam sa akin, pero kaagad itong may tinawagan sa telepono. "Manager, may babae rito. Tinatanong kung nagh-hire pa raw po ba tayo," sabi nito. Maya-maya ay binaba na rin niya ang telepono at tumingin sa akin nang masama. Ano naman kayang problema ng babaeng ito sa akin? "Pumunta ka raw sa office niya. Diretsuhin mo lang 'yang pintuan na 'yan sa kaliwa. Pagkatapos may makikita ka ulit na isa pang pinto, iyoon na ?'yon," masungit nitong sabi sa akin saka ako inirapan. Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na lang sa pintuan na sinasabi niya. May nakita nga akong isa pang pinto kaya pumasok na ako roon. Doon ko nakita ang isang babaeng nasa mid-30s na ang edad. "Resume?" diretsahang tanong nito sa akin. Napakurap-kurap ako dahil wala akong dala na kahit na ano'ng requirements. "Uhm, p'wede po bang bukas ko na lang ipasa? Kailangan ko lang po talaga ng trabaho ngayon," sa sinabi ko ay tuluyang napaangat ang kilay niya. "Why should I hire you, Miss? If in the first place you showed me that kind of attitude?" masungit na sabi nito. "Kasi kaya kong gawin lahat ng ipapagawa niyo sa 'kin dito?" Hindi nawala ang kasungitan sa kaniya kaya't ipinagdakip ko ang dalawa kong palad. "Please?" Napabuntonghininga siya. "8 p.m. sharp, tomorrow. Kapag hindi ka pumunta, hindi ka na tanggap." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Hindi pa ako tuluyang nakakapag-salita nang pinaalis niya na ako. "Thank you," nasabi ko na lang bago tuluyang umalis. Malawak ang ngiti ko nang tuluyan akong nakalabas ng silid. Ngayong may trabaho na ako, kailangan ko naman humanap ng boarding house na magaan sa bulsa ang renta; sana lang makahanap ako. Mas maganda rin kung medyo malapit dito sa pagta-trabahuhan ko at syempre sa University na aking papasukan. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naman naisip ko na rito na lang kumain sa food court na pagtatrabahuhan ko. Hindi nga pala ako kumain pagkaalis sa bahay. Um-order lang ako ng isang burger at isang coke. Okay na 'to, nakakabusog naman e. God! Para akong naghihirap sa lagay na 'to. Pambihira. Habang kumakain ako ay naisip kong tawagan si mama. Siguro naman hindi na siya busy ngayon, gabi na rin kasi. Kaagad kong ni-dial ang number ni mama. Naka-ilang ring ito pero wala pa ring sumasagot hanggang sa mamatay na lang ang tawag. Dismayadong inilagay ko na lang ang cellphone sa lamesa. Naisip ko lang kung bakit hindi ni mama sinasagot ang tawag ko. Ano kayang nangyari? Kumusta na kaya si mama? Bakit kaya hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko? Sana naman wala sa kaniyang nangyaring masama. Sana. Matapos kong kumain ay naisipan ko nang maghanap ng boarding house na kaya kong rentahan, at sa kasamaang palad ay wala akong makita! Bwiset! Mag aalas-syete na ng gabi pero ito ako ngayon at pagala-gala pa rin sa kalye. Pambihirang buhay! Pero hindi naman ako nagsisisi na umalis ako kina tiyang, sadyang ang tanga ko lang talaga kung bakit kasi kanina lang ako umalis. Dapat pala inagapan ko nang hindi ako ginabi. Haist! Palinga-linga ako sa paligid nang napansin ko ang maraming kalalakihan sa may bandang dulo nitong kalye. Right! Bakit nga ba hindi ko naisip na magtanong? Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at naglakad na lamang patungo roon. "Uy pare, may babae oh," rinig kong wika ng isang lalaki habang nakaturo ito sa akin. Napalingon din naman ang iba. "Aba, mukhang s'werte tayo ngayon ah!" sabi naman ng isa pang lalaki bago nakipag-apir sa katabi nito. Hindi pa ako nakakalapit sa kanila ngunit dinig na dinig ko na ang kanilang mga boses. "Excuse me po, may alam ba kayong malapit na boarding house rito? 'Yong mura lang ang renta," tanong ko nang tuluyan akong nakalapit sa isang lalaki. Hinampas naman siya sa braso ng lalaking nakaupo sa isang silya. "Boarding house ba kamo?" tanong nito at ngumisi sa akin. "Oo. May alam kayo?" tanong kong muli. "Sorry, Miss. Wala kaming alam e, pero p'wede ka namang sumama sa amin kung gusto mo," saad pa nito na aking ikinangiwi. Mukhang alam ko na kung saan 'to tutungo. Nanlaki na lang ang mata ko nang biglang hinawakan ng lalaki ang aking braso kaya naman pabalya kong inalis ang kamay ng taong iyon. "Bitawan mo ako. Salamat na lang," wika ko at balak ko na sanang umalis ngunit biglang may humatak sa aking braso. "Dito ka na nga muna sa amin!" pagpupumilit pa nila. "Sinabi nang ayaw ko e!" "Ang kulit mo ha!" Hindi na ako nakapagtimpi pa at kaagad ko nang sinuntok sa mukha 'yong lalaking nagtangka muling humawak sa braso ko. Ginamit ko ang pagkakataon na 'yon para tuluyang makatakbo, lalo na nang napansin ko na hinabol nila ako. Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa hindi ko namalayan na may nabunggo pala ako, dahil sa lakas ng impact n'yon ay napatihaya ako sa semento ganoon din ang lalaking aking nabunggo. "Fuck! Are you blind or something?!" sigaw niya. Wala na akong panahon na pakingnan ang mga sasabihin niya dahil nagmadali ako sa pagtayo. "Pasensya na." Balak ko sana siyang tulungan sa pagtayo ngunit tinampal niya lang ang kamay kong nakalahad sa ere. "Tsk!" Napairap ako dahil sa inasta niya. Tutulungan na nga ang arte pa? Urgh! "Nandoon siya!" Nataranta ako nang nasa may bandang likuran ko na pala ang mga lalaking humahabol sa akin, at dahil wala akong maisip na paraan ay nagtago na lang ako sa likod ng lalaking nabunggo ko. "Hoy babae! Yari ka sa amin!" sigaw ng lalaking nasuntok ko sa mukha kanina, ngunit benilatan ko lang siya. "What the hell?! Ano bang ginagawa mo? Binatawan mo nga 'yong damit ko!" inis na sabi sa 'kin ng lalaking pinagtataguan ko, ngunit hindi ko siya pinansin. Ayaw ko ngang umalis, baka mamaya kung ano na lang ang gawin sa akin ng mga lalaking 'yon. "Sasaktan niyo ako? Sige, lagot kayo rito sa kasama kong lalaki. Kung hindi niyo lang alam, serial killer 'to sa lugar namin!" sigaw ko ro'n sa mga lalaki na humahabol sa akin. Bahagya pa silang nagka-tinginan na may halong pagtataka. "What the fuck?! Ano bang sinasabi mo? Bitawan mo nga ako!" inis na sabi niya akin. Teka, kanina ko pa na napapansin na minumura niya ako ah! "Makisakay ka na lang," bulong ko. Mas lalo namang naging iritado ang mukha niya matapos n'yon, ngunit wala akong pakialam. Akala ko ay natakot na 'yong mga asungot dahil ro'n sa sinabi ko pero hindi pala. Nagtawanan pa nga ang mga ito na ikinakunot ng aking noo. "Pinaglololoko mo ba kami? E bata lang 'yan e! Wala 'yang binatbat sa amin!" "What did you just say?" inis na tanong nitong lalaking pinagtataguan ko. Aba, englishero ah. "Aba, pa-english english pa siya pare ah! Ang sabi namin bata ka lang! At wala kang binatbat sa 'min! Kaya kung ako sa 'yo ibigay mo na samin 'yang babae na 'yan!" "Why don't you try me first? Kapag natalo niyo ako, sa inyo na siya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Hoy! Seryoso ka ba? Ipapamigay mo ako sa mga 'yan?" Baliw ba siya?! Ang dami kaya nila! "Seryoso ka bata? Sige, pumapayag kami." Muling nabaling ang tingin ko sa mga kalalakihan. "Bitaw." Napaangat ako ng tingin sa lalaking pinagtataguan ko nang sabihin niya 'yon. "Huh?" "Sabi ko bitaw," malamig na sabi niya sa akin. Doon lang ako natauhan kaya naman authomatic na napabitaw ako sa damit niya. Nagulat na lang ako nang sabay sabay na sumugod ang mga lalaki sa kaniya. Bigla ko tuloy naalala 'yong sinabi niya kanina, na ibibigay niya ako sa kanila kapag natalo siya ng mga lalaki. Subukan niya lang talaga na magpatalo talagang tatadyakan ko siya! Kasura! Bakit ko pa kasi dinamay ang lalaking 'to rito?! Nagulat na lang ako nang napatumba niya 'yong lima nang walang kahirap-hirap. In just few minutes! Ganoon niya 'yon kadaling napatumba?! Mas lalo lang akong namangha nang makalipas ang ilang minuto ay napatumba niya ang mga ito. "Ang galing! Paano mo nagawa 'yon?" Hindi ko naiwasang mapa-palakpak dahil sa pagkamangha. Hindi niya ako pinansin at tinalikuran na lang niya ako saka nagsimulang maglakad. Nagmadali naman akong sumunod sa kaniya pagkatapos. "Uy, salamat ah. Akala ko talaga ibibigay mo ako sa mga asungot na 'yon," masayang sabi ko sa kaniya habang pilit ko siyang sinasabayan sa paglalakad. Ang bilis naman niya maglakad! "Hindi ko 'yon ginawa para sa 'yo," masungit na wika niya sa akin habang patuloy pa rin sa paglalakad. "Gano'n? Okay, pero salamat pa rin. Nga pala, ano nga pa lang pangala—" Napatigil ako sa pagsasalita nang humarap siya sa akin at masamang tumingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Problema nito? "Huwag mo nga akong sundan!" inis na turan niya sa akin at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Tsk ang sungit, pero hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy pa rin ako sa pagsunod sa kaniya. "Okay, okay. Hindi ko na tatanungin, pero may alam ka bang boarding house rito? 'Yong mura lang ang renta?" tanong ko sa kaniya habang sinasabayan ko pa rin siya sa paglalakad. "Wala," maikli niyang sagot. "Okay. Pero saan ka nakatira—" Naputol na naman ako sa pagsasalita nang masama niya akong tiningnan. "Ba't ba ang dami mong tanong? Tss. Umalis ka na," pagtataboy niya, bago siya pumasok sa isang kulay green na gate saka ako iniwan Pinagmasdan ko ang buong bahay. Dito siya nakatira? Hindi halata ah. Tatlong palapag kasi 'yong bahay at may rooftop sa itaas. Napairap na lang ako dahil sa ka-sungitan ng lalaking iyon. Ano kayang problema ng mga tao ngayon at ang susungit? Tsk. Dinaig pa ang babaeng may dalaw. Balak ko na sanang umalis sa lugar na iyon pero bigla akong may napansin na isang papel na nakadikit sa isang pader. Boarding house 2 rooms available ₱2000.00 One room per month Water and Electricity: ₱1500 shared with the board mates Napangiti ako sa aking nabasa. Aba! Mukhang may nakita na ako. ₱3500? Siguro naman kaya ko na 'yon. May trabaho naman na ako e. Balak ko na sanang hanapin 'yong owner nitong boarding house nang may isang babaeng lumapit sa akin. Medyo nasa 40's na siguro siya at medyo kulot din ang kaniyang buhok. "Ako nga pala si Amanda. Ako ang may ari ng boarding house na 'yon. May balak ka bang mag-boarding?" maamong tanong nito sa akin na ikinangiti ko. "Ah opo. Balak ko nga po sanang hanapin kayo pero hindi ko inaasahan na kayo pa 'yong makakakita sa akin." Ngumiti ako. Bakit parang ngayon lang yata naging maganda ang ihip ng hangin? "Gano'n ba? Tara at pumasok tayo sa loob," sabi niya saka niya ako inaya na pumasok sa loob ng boarding house. Sa wakas!
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 60 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (166)
rjndyyy
The story is quietly nice, the whole timeline is wonderful. I love it. See youu in book 2. Thank you author for giving us a amazing story.
The story is quietly nice, the whole timeline is wonderful. I love it. See youu in book 2. Thank you author for giving us a amazing story.
05/04/2022
05 star for me
30/08
0thanks sa magandang story author
12/02/2025
0View All