"Halimaw, lumaban ka!" mangiyak-ngiyak na bulong ni Leigh na may labis na pagmamakaawa habang pinagmamasdan niya ang pulang ilaw ng OR. Hindi niya alam kung ano bang nangyayari sa kanya nang mga sandaling iyon. Bakit bigla na lang kakaiba ang nagiging reaksyon ng kanyang katawan sa mga nangyayari kay Kenji. Hindi niya alam ngunit labis siyang nakakaramdam ng takot, pangamba sa kung ano ba ang magiging kalagayan ng binata habang nasa loob ito ng OR. Mamatay ba talaga ito o magiging malala ba ang kondisyon nito? Samu’t saring katanungan ang nagsilitawan sa kanyang utak habang naghihintay sa labas ng OR. Hindi niya nais mamatay ang binata sa ganoong paraan lalo na nang sandaling malaman niya na wala na itong mga magulang ay nilamon siya ng pagkaawa para rito. Iniisip niya na marahil kaya ito nagkaganito ay dahil sa pagkawala ng magulang nito at maarahil kung nabubuhay pa ang mga ito ay siguro malabo humantong ito sa ganito o kaya mangyari ang lahat ng ito sa binata. Marahil tulad ng ibang binata na ka-edad niya ay nababalot ito ng saya at hindi ng pagkamuhi. Marahil ay magiging mabuting tao ito tulad ng iba… hindi nito magagawang manakit at hindi makakapatay ng tao. Nakakaawang malaman na ganoon ang dinaranas ng isang tulad niya siguro sobrang lungkot ng buhay niya dahil sa ulila na siyang lubos. Biglang namatay ang ilaw ng OR dahilan para mabilis na mapatayo si Leigh sa kanyang pagkakaupo. Lumabas ang doktor sa operating room na nagsagawa ng operasyon kay Shaunn. "Dok, kumusta po si Ha—este si Kenji?" pagtutuwid na tanong ni Leigh sa kanyang maling sasabihin sa doktor. Tinanggal ng doktor ang kanyang medical mask saka nagsalita. "Tagumpay ang naging operasyon at wala namang napinsalang organ kaya ligtas na siya sa anumang kapahamakan. Ngunit kailangan pa rin namin siyang obserbahan kung may mangyayari bang pagbabago sa kanya at para na rin sa kanyang recovery,” paliwanag ng doktor. Nakahinga naman nang maluwag si Leigh matapos marinig ang pahayag nito. "Thanks, Dok,” pagpapasalamat na sabi ng dalaga. Parang nabunutan ng tinik si Leigh sa kanyang lalamuman nang marinig niya ang magandang balita ng doktor. “Salamat, makakahinga na rin ako nang maluwag dahil naging matagumpay ang kanyang operasyon. Salamat at nakaligtas siya. Salamat po, God,” mahina niyang saad sa kanyang sarili. Naramdaman bigla ni Leigh ang paglapat ng kamay ng doktor sa kanyang braso dahilan para mapalingon ito rito. "Ayos lang 'yan, iha, 'wag ka ng mag-alala. Ayos na ang boyfriend mo kailangan niya lang magpagaling. Sige mauna ako," nakangiting paalam ng doktor kay Leigh na naiwan namang nakanganga dahil sa sinabi nito sa kanya. BOYFRIEND? Napabuntong-hininga na lang nang malalim si Leigh. Ang daming nagkakamali na boyfriend ko siya kahit hindi naman talaga. Sige na nga hayaan na nga lang pati naman dito ako talaga ang inaakalang girlfriend ng halimaw na iyon. "Hayaan na nga lang." At muli napahugot nang isang malalim na buntong-hinga si Leigh.
MATAPOS ang ilang ayusin kay Kenji ay inilipat na ito sa recovery room kaya pinuntahan naman ito ni Leigh para tignan. Pagkabukas niya ng pinto ay tanaw na tanaw niya sa kanyang kinakatayuan ang isang halimaw na ngayon ay taimtim na natutulog. Ito ang Kenji Shaunn Delos Reyes na hindi nakikita ng mga taong nasa paligid niya. Ito dapat ang nakikita ng lahat at hindi ang isa nitong katauhan na marahas, cold at kinakatakutan ng lahat. Isang pagkatao na hindi nakikita ng kahit na sinuman sa araw-araw niyang nakakasalubong sa kanyang paglalakad. Nilapitan ng dalaga si Kenji at tinignan niya ito nang maigi at malinaw na nakikita niya ang pagkakaiba ng taong nakikita niya ngayon sa halimaw na nakita niya kagabi at nakita niya kanina. Sana ganito na lang siya kahit sa paggising niya para hindi na siya nakakatakot sa tuwing makikita ko siya. Naputol ang kanyang pagmamasid kay Kenji nang biglang tumunog ang kanyang phone na agad niya namang sinagot. "Hello?" "Leigh, asan ka ba't 'di ka pa nakakauwi?" pag-aalalang tanong ng kanyang Tita Hany. "Tita Hany, andito po ako ngayon sa ospital kaya po 'di pa po ako nakakauwi,” sagot ni Leigh. "Pkin, anong nangyari may nangyari ba sa ‘yong masama bakit ka nandiyan?" natatarantang tanong ng kanyang Tito. Mabilis na napansin ni Leigh na naka-speaker phone dahil nagawang marinig ng kanyang Tito ang kanyang sinabi sa kanyang Tita Hany. "Relax lang, Tito. Ayos lang po ako wala po kayong dapat ipag-alala. Wala naman po nangyaring masama sa akin,” paliwanag ni Leigh. “Kung walang nangyari sa ‘yong masama, ‘e, bakit nariyan ka sa ospital?” tanong ng kanyang Tito na bakas ang labis nitong pag-aalala. “Mahabang k'wento po, Tito. Ikuk'wento ko po once na nandito na po kayo,” saad ni Leigh. “Tita Hany p’wede po ba akong makisuyo?" Dagdag nitong pakiusap. "Ano 'yon, Leigh?" "Tita, p’wede po ba na pakidalhan niyo po ako ng damit dito sa ospital?” magalang na pakiusap ni Leigh. "Okay. Sige, Leigh. Dadalhan kita ng damit pagdating namin saka tayo mag-uusap kung anong nangyari,” wika ng kanyang Tita Hany. "Okay po, Tita. Thanks po." Sabay binaba na ni Leigh ang tawag at dali-dali niyang iti-next sa Tita Hany niya kung nasaang ospital siya. Habang naghihintay ang dalaga sa kanyang Tita at Tito na dumating ay naisipan niyang humiga sa couch na nasa sulok ng k’warto para makapagpahinga kahit saglit man lang. Masyadong naging mahaba ang araw na ito hindi lang para sa kanya kung ‘di para sa kanilang dalawa ni Kenji.
9:08 p.m., Pasado na alas nuwebe nang makarating ang Tita at Tito ni Leigh sa ospital na kapwa nag-aalala para sa kanilang pamangkin nang sandaling iyon. Ngunit nawala ang lahat ng kanilang pag-aalala nang makita nilang maayos naman ang kalagayan nito at mahimbing na natutulog sa couch nang dumating sila sa room na sinabi nito sa kanila. "Leigh, Leigh, gising," mahina at maingat na paggising ng kanyang Tita Hany sa dalaga. Hindi naman nahirapan ang mag-asawa na gisingin ang dalaga dahil agad naman itong nagising nang sandaling iyon. "Tita, andito na po pala kayo," paos na sabi ni Leigh na hindi maipagkakailang galing ito sa pagtulog kasabay pa ng pagkusot ng kanyang mga mata at magulong buhok. "Pasensya na, Leigh, natagalan kami. Bumili na kasi ako ng makakain mo baka kasi 'di ka pa kumakain," paliwanag ng Tita niya na inalalayan pa ito sa kanyang pagbango. "Thanks Tita, maghihilamos lang po muna ako,” paalam nito. “Heto, ‘yong damit na pamalit mo.” Sabay abot sa dalaga ng paper bag. “Thank you po.” "O, siya sige, kami na munang bahala rito," wika ng kanyang Tita na napatingin sa lalaking nakahiga sa hospital bed ngunit mabilis din ibinalik ang tingin nito kay Leigh at binigyan nang isang matamis na ngiti. Agad namang nagtungo sa restroom si Leigh para makapaglinis ng kanyang sarili lalopa’t nalagyan ng dugo ang uniform niya nang alalayan niya si Kenji. Hinubad niya ang kanyang uniform at kitang-kita niya ang dugong tumagos sa kanyang uniform na nagbigay ng mantsa sa kanyang balat. Binasa niya ang kanyang kamay at dahan-dahang pinunasan ang dugo na kumapit sa kanyang balat. Sana hindi na lang nangyari o umabot sa ganito ang bagay na ito, sana walang namatay, sana walang nasaktan. Hanggang ngayon ay hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na hindi sabihin na sana hindi na lang nangyari ang lahat ng ito ngunit ano mang kumbinsi niya sa kanyang sarili ay nangyari ang lahat ng ito at wala siyang ibang maaaring gawin kung ‘di ang tanggapin ang lahat ng iyon—sa ayaw o sa gusto niya. Matapos niya maglinis ng katawan ay bumalik na ito sa kanyang Tita kung saan tahimik na naghihintay kasama ang kanyang Tito Yeshun. "Tita Hany, salamat po sa pagdala ng damit pati na rin po sa pagkain," pagpapasalamat nitong sabi sa kanyang Tita. "Wala 'yon, Leigh. Ito kumain ka na at alam kong gutom ka na." At inabot nito ang binili niyang happy meal sa McDo. Napangiti naman ang dalaga sa kanyang nakita. Humarap ito sa kanyang Tita at binigyan ng isang ngiti. "Salamat po, Tita." “Sige na kumain ka na,” saad nito at tinugunan ang ngiti ng dalaga. Dahil sa nagugutom na rin ang dalaga ay wala ng paligoy-ligoy na kinain ang kanya box of happiness. Mabuti na lang at mainit pa ang spaghetti at chicken na binili ng kanyang Tita Hany dahilan para mas manamnam niya ang lasa nito. Ngunit nakakailang subo pa lamang siya ay may kakaiba na siyang naramdaman nang sandaling iyon. Pakiramdam niya ay may mga matang nakatingin sa kanya at tulad nga ng kanyang inaakala nang iangat niya ang kanyang ulo ay nakita niya ang mga mata ng kanyang Tita Hany na masuring pinagmamasdan siya nito. Mabait ang Tita ni Leigh ngunit hindi lahat ng mabait ay mabait talaga. May ilan sa kanila ay tinatago lamang ang tapang at hindi ibig sabihin noon ay si Leigh makakaligtas sa interogasyon na gagawin nito sa kanya. "Leigh, sino ba itong lalaking 'to?" seryosong pagtatanong ng kanyang Tita Hany kay Leigh. Napalunok naman si Leigh dahil sa tono ng pagtatanong ng kanyang Tita Hany ngunit ikinalma niya rin agad ang kanyang sarili dahil alam niyang hindi naman ito magagalit as long as magsabi siya ng totoo. Kinuha niya ang McFloat at sumipsip ng coke para maitulak ang bumarang spaghetti sa kanyang lalamunan dahil sa pagkabigla nito kanina. Matapos noon ay inayos niya ang kanyang upo at hinarap ang kanyang Tito at Tita. "Tita, Tito, siya po 'yong nagligtas ng buhay ko from danger. Also the reason why kaya po siya nagkagan’yan," honest nitong sagot sa kanyang Tita. "Danger? Bakit anong nangyari?" gulat na tanong ng kanyang Tito na napatayo pa sa pagkakaupo nito sa labis na pagkabigla. “Hon, huminahon ka muna. Pakinggan na muna natin ang k’wento ni Leigh,” pagpapahinahong awat ng kanyang Tita Hany sa kanyang Tito Yeshun. Huminga nang malalim si Yeshun at naupo. “Okay.” Hinawakan ni Hany ang kamay ni Yeshun at pinisil iyon para pakalmahin niya ito. Matapos noon ay humarap si Hany sa kanyang pamangkin at ngumiti nang maliit. “Ipagpatuloy mo ang iyong pagkuk’wento, Leigh,” mahinahong saad ni Hany. "May kumidnap po sa’kin tapos siya po 'yong sumaklolo sa akin kaya po naligtas ako—” napatigil sa pagsaalita si Leigh at napalunok. –“kaya po siya naman po 'yong napahamak. Muntik na siyang mamatay nang dahil sa akin," saad ng dalaga na hindi nagawang pigilan ang pagkabasag ng kanyang tinig dahilan para mapayuko na lamang ito. Hinimas ni Hany ang likod ni Leigh para pakalmahin ito. "Then we should thank him for saving your life, Pkin," saad ng kanyang Tito Yeshun na ibinaling ang tingin kay Kenji na tahimik lang na natutulog. "Kaya nga po ako nandito para kahit papaano makabawi ako sa ginawa niyang kabutihan para sa akin. Alam ko po hindi po ito sapat kapalit ng buhay niyang muntik ng mawala sa kanya pero gusto ko pa rin makabawi sa kanya kahit papaano,” saad ni Leigh sabay na ibinaling ang kanyang tingin kay Kenji na kitang-kita naman ng kanyang Tita Hany ang guilt na nararamdaman ng dalaga. "Maganda 'yang naisip mo, Pkin, pero tinawagan mo na ba ang magulang niya para malaman kung anong nangyari sa kanya?" tanong ni Yeshun sa dalaga. Humarap naman ang dalaga na may lungkot sa kanyang mukha at napayuko. “Bakit, Leigh? May problema ba sa family niya?” "Wala na po siyang magulang, Tito, Tita. Nag-iisa na lang po siya," mahinang sagot ng dalaga. Napatahimik na lamang ang asawa sa kanilang narinig mula sa kanilang pamangkin at binalot ng pagkaawa para sa binata. "Nakakaawa naman itong bata na 'to,” sabay na wika nina Hany at Yeshun na nakatuon ang mga tingin sa binata. "Kaya nga po, Tita, Tito. Hindi ko naman po siya magawang iwan dahil sa wala naman magbabantay sa kanya. Kung iiwan ko siya, paano na lang kung may mangyari sa kanya? Kaya bilang pagtanaw na rin ng utang na loob sa pagligtas sa akin ay babatanyan ko siya hanggang sa magkamalay na siya at humilom na ang mga sugat niya.” "Okay, Pkin. Nauunawan ka namin ng Tita Hany mo but just make sure you'll be safe here baka balikan pa kayo noong gumawa nito sainyo," nag-aalalang sabi ni Yeshun. "Hindi naman po siguro mangyayari iyon, Tito, dahil isinumbong ko na po sila sa pulis. But I will stay cautious po for him po.” Sabay tingin kay Kenji. “I need to stay here. I'm sure safe naman dito, Tito," saad ni Leigh na binigyan nang maliit na ngiti ang kanyang Tito Yeshun. "Okay, then. Just take care of yourself, ha? We'll make sure na safe kayo rito.” “Salamat, Tito.” “We’re afraid to leave you here, Leigh, but we need to go. Just in case, something happened we're just one call away, okay?" At pinisil-pisil ang kamay ng dalaga. "I’ll be okay, Tita. Thank you po sa pag-aalala," nakangiting pasasalamat ni Leigh. "Ate Cute," tawag ni SaJun sa dalaga habang hinihila nito ang laylayan ng kanyang damit. Napatingin si Leigh sa pamilyar na maliit na tinig sa kanyang tabi at doon niya lang napansin ang presens'ya ng kanyang pamangkin. "Yes, SaJun? Bakit?” nagtatakang tanong ni Leigh. "Siya po ba ang boyfriend mo?" inosenteng tanong nito sa kanya na may mga matang labis na binalot na ka-cutan. Nagulat naman ang dalaga sa kanyang narinig mula sa batang pamangkin. Akmang itatanggi niya ang haka-haka ng bata nang masisulputan pa ang iba niyang pamangkin. "Ate! Ate! Gusto ko siya!" nanggigil na sabi ni Cess. "Ate Cute, kayo po ba?” showbiz na tanong ni Pam. "Ate Cute ang gwapo niya pareho kami,” pagmamalaking sabi ni Vince. "Ate kung siya po ang makapagpapasaya sa ‘yo, boto po ako sa kanya," masayang sabi ni Geli sabay yakap kay Leigh. "Ako din!" Sabay-sabay na pagsang-ayon ng mga kambal. Nawindang si Leigh sa itinuran ng kanyang mga pamangkin at the same time ay natuwa sa init na ibinigay nitong pagtanggap kay Kenji ngunit hindi niya naman ito boyfriend. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya, maiinis o maiilang sa mga pinagsasabi ng mga ito. Anong pinagsasabi ng mga batang ito makakapagpasaya? Napasapo na lamang ng noo si Leigh dahil hindi niya alam kung paano aawatin ang mga ito lalo na at nagkakagulo na ang mga ito dahil kay Kenji. "SaJun, Cess, Pam, Geli, Vince, itigil niyo 'yan,” awat at pagtawag ng atensyon ni Hany sa kanilang mga anak. Nakahinga naman nang maluwag si Leigh at ni-respohan naman siya agad ng kanyang Tita Hany. "Pero, Mom..." nagmamakaawang sabi ng limang bata. "Walang pero-pero kids, halina kayo at uuwi na tayo para makapagpahinga na rin ang Ate Cute niyo.” At isa-isang hinawakan sa kamay ni Yeshun ang mga bata. "Hindi po ba sasama si Ate Cute sa’tin?" tanong ni SaJun. "Dito po ba siya matutulog?" sunod na tanong ni Cess. "Kids, halina kayo. Gabi na kailangan niyo ng matulog at kailangan na rin ni Ate Cute makapagpahinga. Pkin, labas na kami, ha?" paalam ni Yeshun at dali-daling pinalabas ang mga bata ng k'warto. "Pero—" "SaJun," pag-saway ni Yeshun na seryosong tinignan ang kanyang anak. Napayuko na lamang ang bata at tahimik na sumunod. "Okay, Dad." "Wait, Dad! Kiss lang po namin si Ate Cute," sabi ni Cess. Napabuga na lamang ng hangin si Yeshun bago sumagot. "O, siya sige. Magpaalam na kayo sa Ate Cute niyo ng makauwi na tayo." Isa-isang nagsilapitan ang mga bata kay Leigh at humalik sa pisngi ng kanilang Tita. "I love you, Ate Cute," matamis na saad ng limang bata. "I love you too, li'l buddies." At binigyan ni Leigh nang matamis na ngiti ang mga ito matapos niyang bigyan ng halik sa mga pisngi at noo nito. "Bye, Ate Cute." Sabay-sabay na paalam ng mga ito. "Bye." Sabay wagayway ng kanyang kamay para magpaalam. At inilabas na ng kanyang Tito Yeshun ang kanyang mga pamangkin. "Leigh, ingatan mo ang sarili mo ha?” paalalang sabi ni Hany na hinaplos ang buhok at pisngi ng dalaga. "Opo, Tita,” nakangiting tugon ni Leigh. "Leigh, wala bang namamagitan—" "Tita, wala po!" mabilis pa sa kidlat na sagot ni Leigh nang mahulaan niya agad ang nais ipahiwatig ng kanyang Tita Hany. Tinignan naman siya nito nang may mapanuring mga mata dahil sa kanyang biglaang reaksyon. "Bakit ganyan reaksyon mo? May hindi ba dapat akong malaman?” tanong nito na may pagtataas ng kilay. "E, naman kasi, Tita. Lahat na lang kayo iniisip na girlfriend ako ng halimaw na 'yan kahit hindi naman. Mahirap ba 'yong intindihin na 'di kami? Ni hindi ko nga po siya kilalang husto kaya pano mangyayari ang iniisip niyo!" Sunod-sunod na paliwanag ng dalaga na lalong mas ikinataas ng kilay ng kanyang Tita Hany. “Halimaw?” makahulugang pag-uulit nitong sabi. “Ano po—ahh…ano kasi…” Nauutal at natatarantang hinahagilap ni Leigh ang kanyang idadahilan sa kanyang Tita Hany ngunit wala siyang mahagilap na maiaalibi rito. “Walang namamagitan pero may tawagan ng halimaw?” nanunuksong wika ni Hany na nag-e-enjoy sa nagiging reaksyon ng kanyang pamangkin. “Tita naman kasi, hindi naman kasi ganyan ang—" Tumawa si Hany dahilan para mapatigil si Leigh sa pagpapaliwanag. "Hahaha! O, siya sige na. Uuwi na kami. Mag-iingat kayo, ha? Alagaan mong husto ang BOYFRIEND mo. Okay?" panunuksong saad ng kanyang Tita na binigyang diin ang salitang boyfriend dahilan para ikapula ng mukha ni Leigh. "Tita!” mariing awat ng dalaga sa kanyang mapagbirong Tita. "Hahaha sige na. Bye,” ngumingsing paalam ni Tita sabay halik sa pisngi ni Leigh. "Tita, naman, ‘e! Hindi kami and HE'S NOT MY BOYFRIEND!" mariing saad ng dalaga ngunit tawa lang ang itinugon ng kanyang Tita Hany sa kanya habang winawagayway ang kamay para magpaalam. “Ano bang problema nila at pinagduduldulan nilang girlfriend ako ng halimaw na ito? ‘E, hindi naman kami. Mahirap bang intindihin na hindi kami? Bakit ba ayaw nilang maniwala? Ano bang hindi kapani-paniwala sa mga sinasabi ko? Sobrang hirap na bang intindihin ang sinasabi ko?” nasisiphayong tanong ni Leigh sa kanyang sarili. MY GOD! HE'S NOT MY BOYFRIEND AND NEITHER I HIS GIRLFRIEND!
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 68 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (24)
Czarina Sangrador
its so nice
13/05/2025
0
Germaine Dala
the story is beautiful
30/03/2025
0
Yeoona
madam author every when po kayo nag uupdate?? i am bitiiin sa storrrry 🥲
its so nice
13/05/2025
0the story is beautiful
30/03/2025
0madam author every when po kayo nag uupdate?? i am bitiiin sa storrrry 🥲
16/02/2025
0View All