logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6: Who Are You?

NATAUHAN si Leigh nang biglang nakita niya sa likuran ni Kenji si Zyrus na tumatakbo papalapit sa kanila at may dalang patalim. Ngunit bago niya pa masabihan ang binata ay huli na ang lahat, naramdaman niya na lang ang pagdiin ng katawan nito sa kanyang katawan. Itiningala niya ang kanyang mukha at saktong nakita niya na may pulang likido ang bumahid sa suot nitong uniporme.
"Ke-kenji…” mahina niyang usal sa pangalan ng binata.
Napatingin si Kenji sa kanya ng ilang segundo bago ito tumayo na tila ‘di man lang iniinda ang saksak sa kanyang likod. Hinarap nito si Zyrus at isang malakas na suntok ang muli niyang ibinigay at sinundan pa iyon ng isa pa at ng isa pa hanggang sa napatumba niya itong muli.
"Tarantado!" Pasigaw niyang sabi sabay hugot ng kutsilyo sa kanyang likod at saka ibinaling ang kanyang tingin kay Leigh.
"Ayos ka—"
Hindi na nito nagawang matapos ang kanyang sasabihin nang bigla na lang itong bumagsak at nawalan ng malay. Napatakbong lumapit si Leigh sa binata na labis ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Oy, halimaw! Halimaw! Gising!" Pilit na ginising ni Leigh ang binata ngunit hindi ito nagigising.
Nabalot ng labis na pag-aalala ang dalaga para sa binata. Natatakot na baka mas may malalang mangyari dito lalo pa at may natamo itong saksak sa bandang likod. Halos tarantang-taranta na si Leigh ngunit pilit niyang ikinumpas ang kanyang sarili at huminga nang malalim para ikalma ang kanyang natatarantang huwisyo.
“Kalma, Leigh. Kalma. Kailangan mo mag-isip nang maayos,” saad niya sa kanyang sarili na tila inoorasyonan ang sarili para manumbalik sa kalmado nitong estado.
Nang huminahon na ito ay hinanap niya ang kanyang cellphone at mabilis na ini-dial ang 911. Matapos ang ilang ring ay sinagot ng operator ang kanyang tawag.
“QC 911. Ano ang aming maipaglilingkod?”
“Tulungan niyo po ako! I need ambulance,” nanginginig na saad ni Leigh.
“Okay. Maaari niyo po bang sabihin kung nasaan kayo?”
“I don’t know. Hindi ko po alam ang lugar na ito. P’wede po bang bilisan niyo? Kailangan na po talaga ng kaibigan ko madala sa ospital,” saad ni Leigh na nagsisimula ng mag-panic lalo pa’t nawalan na ng malay si Kenji. Hindi niya pa napag-aaralan sa medical school ang dapat niyang gawin sa ganitong bagay.
“Huminahon po muna kayo, Ma’am. Nauunawaan ko po ang inyong sinasabi ngunit sagutin niyo muna ang ilan kong katanungan,” pagpapakalmang saad ng lalaki sa kabilang linya.
“Paano ako hihinahon? Kailangan na ng kaibigan kong madala sa ospital!” histerikal na saad ni Leigh.
“Nauunawaan ko kayo, Ma’am, ngunit hindi po namin alam ang inyong lokasyon kaya pakisagot na lamang po ang aking tanong habang ni-lo-locate namin ang lokasyon ng inyong tawag?”
Napapikit ng mata si Leigh at pilit na ikinumpas ang kanyang sarili. “Please, pakibilisan niyo po ang pag-locate. Masama po ang kalagayan niya. Mamamatay siya kung matatagalan pa ang pagresponde sa kanya,” mahinang saad ni Leigh na pilit hinihinahon ang sarili. Hindi niya na nagawang pigilan ang kanyang mga luha na lumabas sa kanyang mga mata.
“Nauunawaan namin kayo, Ma’am. Kaya kung maaari ay huminahon lamang kayo at ilarawan kung ano ang nakikita niyo sa inyong paligid.”
Huminga nang malalim ang dalaga at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. “It’s an old warehouse. May mga industrial materials akong nakikita,” paglalahad ni Leigh habang patuloy na iginagala ang kanyang paningin sa paligid. “Other than that, wala na akong makita.” Dagdag niya na pilit na pinipigilan ang pagkabasag ng kanyang tinig.
“Maaari niyo bang sabihin kung sino ang nangangailan ng tulong?”
Napatingin si Leigh kay Kenji kung saan kitang-kita niya na hindi na maganda ang kalagayan dahil sa dami ng dugo na nawawala na rito. “Kaibigan ko po.”
“Maaari niyo po bang sabihin kung ano ang pangalan niya?”
“Kenji Shaunn Delos Reyes.”
“Is he conscious?
“No”
“Is he breathing?”
“Yes”
“Maaari niyo po bang sabihin kung ano ang kanyang kalagayan?”
“He's unconscious. Namumutla na rin siya sa dami ng dugo na  nawala dahil sa natamo niyang saksak kaya please lang po bilisan niyo na po ang kilos niyo, please,” labis na pagmamakaawang pakiusap ni Leigh sa lalaking kausap nito sa cellphone.
“Maaari niyo bang sabihin kung saang parte ng kanyang katawan ang kanyang natamong saksak?”
“Sa may gawing tagiliran niya po. Binigyan ko na rin po ng pressure para mapigilan po kahit papaano ang kanyang pagdurugo.”
“Magaling po ang inyong ginawa, Ma’am. Bukod kay Mr. Delos Reyes, may iba pa bang sugatan na nariyan?”
Napatingin si Leigh sa tatlong lalaki na nakalaban ni Kenji kanina lahat sila ay wala ng mga malay at naliligo rin sa kanilang mga dugo.
“Yes, but they’re not in critical. Kailangan niyo rin po magpadala ng police dahil sila po ang kumidnap sa akin at sumaksak sa kaibigan ko.”
“Maaari mo po bang ilahad ang eksakto at lahat na pangyayari bago nangyari ang lahat ng ito?”
“Naglalakad po ako palabas ng University nang bigla na lang po may isang lalaking nakaitim ang humatak sa akin papasok sa isang itim na van. Sinubukan ko po makakawala ngunit may pinaamoy silang ammonia sa akin dahilan para mawalan ako ng malay at paggising ko ay narito na po ako at nakatali,” malinaw na paglalahad ni Leigh sa kanyang kausap.
“Kilala mo ba ang mga kumidnap na ito sa ‘yo?”
“Hindi.”
“Alam mo ba kung anong rason kung bakit ka nila kinidnap?”
Napakagat ng labi si Leigh at napaisip sa kanyang sasabihin. Hindi niya maaaring sabihin na dahil sa may atraso si Kenji kung ‘di malalagay ito sa alanaganin kung kaya nag-isip na lamang ito ng ibang dahilan para hindi ito mapahamak.
“Napagkamalan po nila ako bilang girlfriend ng kaibigan ko at ginamit nila akong pain para papuntahin ang kaibigan ko rito.”
“Anong relasyon nila kay Mr. Delos Reyes?”
“Hindi ko po alam,” pagkukunwari ng dalaga.
“Huwag na po kayo mag-alala, Ma’am. Na-locate na namin ang inyong lokasyon at naibigay alam na namin sa pinakamalapit na ospital at pulisya ang inyong kalagayan at nai-dispatch na rin nila ang kanilang team. Mangyaring maghintay na lamang po kayo at paparating na po sila."
"Marami pong salamat.”
Matapos ang kanilang pag-uusap ay nakahinga na kahit papaano si Leigh nang maluwag at ang kailangan na lang niyang gawin ay maghintay sa ambulansya at pulis.
Ngunit hindi pa rin magawang iwasan ni Leigh na hindi mag-aalala sa kondisyon ni Kenji at makaramdam ng panggagalaiti kay Zyrus na gusto niya ito sakalin pa sa sobrang inis.
Bakit kailangan pang manaksak kung mano-mano ang labanan? Tapos ganoon may kutsilyo siya, kumusta naman kaya iyon sa sitwasyon ni halimaw? Dehado na dehado! Man to man dapat ang labanan hindi 'yong may weapon ‘di sana slaying na lang ginawa nila para naging fair sa both side lalo na kay halimaw.
Alam niya na sa simula at simula pa lang unfair na ang laban nila dahil mag-isa lang si Kenji samantalang tatlo naman sina Zyrus. Kahit na natatakot at iba ang pakikitungo sa kanya ni Kenji ay hindi niya nais na umabot ito sa puntong mamatay lalong-lalo na kung dahil sa kanya lalo pa't nagawa nito na puntahan siya kahit na wala naman siyang koneksyon sa taong ito.
Habang pinagmamasdan niya ang binata nang sandaling iyon ay hindi niya maunawaan o maipaliwanag  ang kayang nararamdaman—may kung anong kaba sa kanyang dibdib na halos lumabas na sa kanyang rib  cage ang kanyang puso.
“Kamatayan, 'wag mo munang kunin itong si halimaw, ha? Hayaan mo muna siyang mabuhay nang mahaba para makapagbago man lang siya at maging isang mabuting tao. God, 'wag mo munang sentensyahan ang halimaw na ito. Siguro nga po marami na siyang nagawang hindi ko alam pero hayaan niyo muna siyang mabuhay. God, please let him live. Kahit na halos mapatay niya 'yong gorillang iyon may karapatan pa naman siyang mabuhay at hindi matapos ang buhay niya sa ganitong paraan, hindi po ba?. San Pedro, ‘wag niyo po muna siya ilista sa listahan niyo, ha? Please, sana pakinggan niyo po ako,” wala sa huwisyong pinagsasabi ni Leigh sa labis na pangamba sa kalagayan ni Kenji.
Hindi na alam ni Leigh ang kanyang gagawin habang naghihintay sa reresponde sa kanila ni Kenji kung ‘di ang pagmasdan ang mukha ng binata.
“Ikaw kasi! Ano bang pumapasok sa isip mo at palagi na lang gulo ang hinahabol mo? Ayaw mo ba ng tahimik na buhay? Wala ka bang pangarap kaya sinisira mo na lang ang buhay mo ng ganito?” paghihimutok at pangangaral na tanong ni Leigh sa walang malay na si Kenji.
Biglang nanariwa sa isipan ni Leigh ang nangyari kanina nang akusahan ni Zyrus ang mga magulang ni Kenji na mamamatay tao dahilan para magwala lalo ang halimaw side ng binata.
“Parehas kayo ng magulang mo mga mamamatay tao!”
Napatinging muli si Leigh sa mukha ni Kenji at maingat na sinuri ito.
“Ano ba talagang nakatago sa nakaraan mo, Halimaw? Bakit umabot sa punto na magkaganito ka?” mahinang tanong ni Leigh sa walang malay na binata. “May masalimoot ka bang nakaraan para maging ganito ka?”
Nabalot at napuno ng mga panibagong katanungan ang isipan ni Leigh. Habang patuloy na nagkukrus ang kanilang landas ni Kenji ay patuloy niyang nakikita ang halimaw nitong pagkatao at the same time ay nakikita niya kung gaano ito kalungkot at naghihirapan.
“Sino ka ba talaga Kenji Shaunn Delos Reyes?”

Book Comment (24)

  • avatar
    Czarina Sangrador

    its so nice

    13/05/2025

      0
  • avatar
    Germaine Dala

    the story is beautiful

    30/03/2025

      0
  • avatar
    Yeoona

    madam author every when po kayo nag uupdate?? i am bitiiin sa storrrry 🥲

    16/02/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters