NABULABOG ang tahimik na pamamahinga ni Kenji nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa para tignan kung sino ito pero hindi ko kilala kung sino ang tumatawag. Unregistered caller calling... Napakunot siya ng noo. "Sino naman 'to?" walang kainte-interes na tanong niya sa kanyang sarili. Pinagmasdan niya lang ang screen ng kanyang cellphone na halatang walang balak na sagutin iyon na patuloy sa pag-ri-ring. Hindi rin nagtagal ay natigil din ito. Ibabalik niya na sana muli ang cellphone sa kanyang bulsa nang muli itong mag-ring na siyang ikinairita. "Makulit din 'tong kumag na ‘to,” banas niyang saad. Wala siyang nagawa kun'di sagutin ang tawag. Nang i-slide niya ang answer button sa screen ng kanyang cellphone ay isang malakas na boses ang bumungad sa kanya. "Kenji, Kenji! Haha!" humahagalpak na tawa nito. Nagsalubong ang dalawang kilay sa pamungad na ginawa ng lalaki sa kabilang linya. Baliw ba ‘to? Tumatawa na lang ng bigla. Hindi niya na lang pinansin ang kabaliwan nito at dumiretso na sa kanyang pakay."Who's this?" tanong niya nang walang pake at walang kabuhay-buhay. "Wag ka ngang magpanggap dahil alam kong kilala mo ako!" “Are you nuts? Why will I ask if I know who are you? I'm not idiot like you,” sarkastiko at pabalang na sagot ni Kenji sa kausap niya. Abnormal din itong kumag na ‘to. O baka sadyang walang utak lang? "Aba't sinong sira!" sigaw nito na halatang napikon sa sinabi ni Kenji. "You. Haven’t you heard what I just said?” muling pangbabara ni Kenji na wala man lang pakialam kung mapikon ang kanyang kausap sa kanya. Engot nga talaga. Ibaba na sana ni Kenji ang cellphone dahil mukhang hindi naman matino ang kanyang kausap. Nang akmang papatayin niya na ito ay biglang nagsalitang muli ang nasa kabilang linya. "Oo na! Ako 'to si Zyrus!" sigaw nitong pakilala. Napakunot ng noo si Kenji. "Sinong Zyrus? Wala akong maalalang Zyrus na nakilala ko." "Wag ka ngang magkunwari!” galit na sigaw nito. “Itigil na natin ang larong ito! Nasa amin ang girlfriend mo kung 'di ka pupunta sa warehouse patay ang girlfriend mo!" pagbabantang dagdag nito. Muling napakunot ng noo si Kenji sa kanyang narinig sa kumag na si Zyrus. Ha? Girlfriend? Kailan pa ako nagkaroon ng girlfriend? Bakit hindi ko alam? Nababaliw na ata talaga ‘to. "Wala akong girlfriend,” maikli niyang sagot. "Gano’n na lang ba kawalang halaga ang buhay ng girlfriend mo para sa ‘yo?” tanong nito sabay palatak. “Kaaawa-awa namang babae ‘to,” saad nito na may sarkastiko at pangungunsensyang tono. "E, sa wala naman talaga akong girlfriend," diretsahang sagot ni Kenji. "Talaga lang, ha? E, kung gano’n sino 'tong babaeng nandito? Tanggalin niyo ang tape sa bibig niya!" utos nito sa kanyang tauhan. Pinagsasabi nito? Wala ata talaga ‘to sa katinuan. Papatayin na sana ni Kenji ang tawag dahil sa nagsasayang lamang siya ng oras sa pakikiusap dito nang bigla siyang makarinig ng boses ng babae. "Hoy, halimaw! Tulungan mo ako!” hiyaw ng babaeng nasa kabilang linya. “Ayaw ko pang mamatay lalo na kung sa kamay ng gorillang ito!” Matapos noon ay may narinig si Kenji na isang malakas na tunog—tunog iyon ng pagsampal at hindi siya maaaring magkamali roon. Dinig niya ang pagpalatak ng lalaki sa kabilang linya na bakas ang pagkairita. “Madaldal ka masyado! Kanina ka pa. Takpan niyo nga bibig niyan!” sigaw na utos nito. “Ano ngayon, Kenji? Hindi mo rin ba naaalala kung sino ang babaeng ito? Nasa sa ‘yo anh desisyon kung bubuhayin ko pa ba ang babaeng ‘to o makikita mo na lang siya sa tapat ng bahay mo ng walang buhay." Sabay patay ng cellphone. Hindi na mapigilan ni Leigh ang takot na kanyang nararamdaman nang sandaling iyon. Sobrang natatakot na talaga siya sa p’wedeng gawin ng gorillang nasa kanyang harapan at ng mga kasamahan nitong mga pangit sa dalaga. Lahat ng tapang naipon ni Leigh kanina ay nawala na lalo na simulan nang pagbuhatan siya nito ng kamay. Ramdaman ni Leigh ang hapdi sa kanyang mukha sa lakas ng sampal na binigay sa kanya ng gorillang binata dahilan para gusto niya ng maluha sa sinasapit niya ngayon. Sa tuwing nakikita niya ang mga mukha nito ay halos hindi magpaawat ang kanyang isipan sa pag-isip ng kung anong maaaring mangyari sa kanya ‘pag nagtagal pa siya rito. Ilan ng mga senaryo ang ipinapakita ng kanyang utak sa kanya: gang rape at salvage—ilan lang iyon sa karumaldumal na maaari nilang gawin sa dalaga kapag hindi siya pinuntahan dito ng halimaw na ‘yon. “Sana naman dumating 'yong halimaw na 'yon, gusto ko pa talagang mabuhay. Bakit ba kasi nila ini-insist na boyfriend ko 'yong halimaw na 'yon? Hindi naman kasi ako ang girlfriend noon, ‘e! Sana dumating talaga siya at iligtas niya ako sa mga pangit na ito ayaw ko pang masayang buhay ko sa mga pangit na ito ang dami ko pang pangarap at gawin sa buhay ko. My God! Help me, please!” pagmamakaawang saad ni Leigh sa kanyang isipan. Nawala si Leigh sa pakikipag-usap sa kanayang sarili nang bigla siyang hilahin ng gorilla at ikulong sa isang hawla. Hinatak nito ang kanyang mukha nang buong lakas dahilan para mapasubsob si Leigh sa rehas ng hawla. "Magsimula ka ng magdasal nadumating ang boyfriend mo kun’di masasayang sa wala ang buhay mo ngunit bago manggyari ‘yon ay dadalhin ka namin sa langit ng sa gano’n bago ka man lang mawala ay nalasahan ang sarap na hindi mo pa natitikman sa buhay mo. " At gumuhit ang isang nakakapanhindik na ngisi sa labi ng gorillang si Zyrus. God! Sana naman dumating ang halimaw na iyon para iligtas ako, gustong-gusto ko pa po talagang mabuhay ang bata-bata ko pa para mamatay. Please, God, ambunan mo po siya ng awa para sa akin. Please, God. Hindi na alam ni Leigh ang kanyang gagawin para makatakas sa mga kamay ng mga mukhang lupang taong ito lalo na at imposible para sa kanya ang makalabas sa hawla na ito. Hindi naman siya isang magician na sa isang pitik lamang ng kanyang mga daliri ay makakawala na siya sa hawlang iyon. Halos lahat na ng santo ay kanya niyang tinawag para magmakaawa lang na may magligtas lang sa kanya nang sandaling iyon. Ngunit mukhang mabait ang langit sa kay Leigh at dininig ni God ang kanyang panalangin. Isang pag-asa ang kanyang nakita nang marinig niya ang isang malakas na pagkalabog ng pinto at naulit pa muli iyon ngunit sa pangalawang pagkakataon ay natumba na ito. Siya na ba ito? Siya na ba ang magliligtas sa akin sa mga pangit na ‘to? Nang lingunin ni Leigh ang direksyon kung saan nanggaling ang pagkalabog ay may luhang kumawala sa kanyang mga mata nang sandaling iyon. Dumating siya… "Ano bang kailangan mo?" bungad na tanong ni Kenji habang naglalakad papalapit sa kanilang kinaroroonan. May ngisi ng tagumpay ang gumuhit sa mukha ng gorillang si Zyrus nang humarap ito kay Leigh. "Mukhang narinig ka ng Diyos mo”— at ibinaling ang kanyang tingin muli sa direksyon ni Kenji. “—andito na ang taga-pagligtas mo," nakangising sabi nito. "Halimaw, dumating ka!” masayang bulalas ni Leigh at nang sandaling iyon hindi niya na nagawang pigilan ang kanyang mga luha at tuluyan nang kumawala sa kanyang mga mata. Hindi niya na alam ang nararamdaman ng kanyang sarili nang sandaling iyon—tuwa, pasasalamat at nakahinga na rin nang maluwag lalopa’t nandito na siya, ang halimaw na magliligtas sa kanya sa mga pangit na impaktong ito. Ibinaling ni Kenji ang kanyang tingin kay Leigh dahilan para mapaatras ang mga luha ng dalaga at matahimik ito. Mahirap na lalopa’t mabilis magbago ang mood ng halimaw na ito—magbago pa isip nito at hindi na magawang iligtas siya kaya behave muna siya hangga’t hindi pa siya tuluyang naililigtas nito. Sa ngayon, nagpapasalamat na lang muna siya dahil hindi masasayang ang buhay niya sa mga kamay ng mga pangit na ‘to. Thanks God! Hindi niyo hinayaang masayang ang buhay ko sa mga kumag na ito. Salamat po talaga! "Sinasabi ko na nga ba 'di mo matitiis ang girlfriend mo," ngisi ni Zyrus na may kasamang pagpalatak. Pumalatak at tinignan naman ni Kenji si Zyrus na may pandidiri sa kanyang mga mata. "Bakla." "Ha? Sinong bakla?" pag-uulit na tanong ni Zyrus sa mataas na boses. "Ikaw,” walang kagatol-gatol na punto ni Kenji sa kanyang kausap. Habang nagkakapalitan ng mga salita sina Kenji na halimaw at Zyrus na gorilla ay hindi maiwasang mamangha sa ipinapakitang katapangan ni Kenji. Balagbagan man ay wala itong kagatol-gatol kung magsalita para bang hindi nababahala kung mapaaway o maalanganin ang kanyang buhay dahil sa paraan at tono ng pananalita nito. Grabe wala man lang katakot-takot itong lalaking ito tunay ngang halimaw siya nagagawa niya pang makipag-pilosopohan sa gorillang ito. Manghang pinanood ni Leigh ang dalawa sa loob ng hawlang kanyang kinalalagyan. "Aba't? Teo, Maru! Sugurin niyo siya!" galit na utos ni Zyrus sa dalawa nitong kasama. "Opo, Boss!" Sabay na tugon ng dalawa. "Daming satsat." Walang pag-aalinlangan nilang sinugod si Kenji at pinagtulung-tulungan ito ngunit parang wala lang sa binata ang ginagawang pagsugod ng alagad ni Zyrus. Kitang-kita ni Leigh ang mga mata ni Kenji na labis na nanlalamig—iyon din ang mga matang nakita niya ng gabi iyon—mga mata na hindi natatakot pumatay at handang pumatay. God! Ayaw ko po makakita ng patayan. Please, lang po 'wag Niyo pong hayaan na humatong na magpatayan silang lahat. Nagsimula na silang magsuntukan pero hindi man lang nila magawang matamaan o madaplisan man lang si Kenji. Nang sandaling iyon ay nagsimula na talagang maging halimaw si Kenji. Nakita na naman ni Leigh muli kung paano unti-unting naging marahas ang halimaw na kanyang kinakatakutan. Nagsisitalsikan na ang mga dugo kung saan-saan at mga kalabog ng mga gamit kung saan tumatama at bumabagsak ang kampon ni Zyrus habang parang minamanok lang sila masyado ng binata. “Halimaw na nga talaga siya,” mahinang usal ni Leigh habang patuloy niyang pinapanuod ang madugo at marahas na pagpapahirap ni Kenji sa mga kalaban nito. Halos hindi nito hinahayaan na makabawi man lang ng suntok ang mga alagad ni Zyrus o kahit maging ang leader-leaderan nilang si Zyrus. Ngunit, nagsimula ng kapitan nang paninindig ng balahibo si Leigh habang patuloy niyang pinapanood ang mga marahas na eksena sa kanyang harapan—kung paano bugbugin ni Kenji ang mga ito. ‘Yong takot na naramdaman niya nang gabing iyon ay muling nanumbalik sa kanyang alaala at maging sa kanyang katawan. Parehong-pareho ang galit na bumabalot sa binata ngayon at nang gabing iyon na siyang nagpanginig sa katawan ni Leigh. "Hinding-hindi kita mapapatawad, Kenji!" Galit na galit na sumugod si Zyrus kay Kenji. Sa unang pagkakataon ay nagawa nito na ring matamaan ni Zyrus si Kenji sa mukha nito dahilan para pumutok ang labi ng binata. "Dahil sa ‘yo namatay kapatid ko!" malakas na sigaw ni Zyrus na umalingawngaw sa buong bodega. Natigalgal ang dalaga sa kanyang narinig. “Anong sinabi niya? Namatay ang kapatid niya?” hindi maikumpas na tanong ni Leigh sa kanyang sarili. “May napatay ba si Halimaw?” Hindi magawang maikumpas ni Leigh ang kanyang sarili niya matapos umalingawngaw sa kanyang huwisyo ang pinakawalang salita ng gorillang galit na galit. Naagaw ang kanyang atensyon nang muling atakihin ni Zyrus si Kenji na nakatanggap ng isang suntok dahil sa hindi niya nagawang mailagan. "Hindi ko kilala ang kapatid mo," simpleng sagot ni Kenji. Sumiklab ang galit ni Zyrus dahil sa ginawang pagtatanggi ni Kenji sa ginawa nitong pagpatay sa kanyang kapatid at akmang susuktukin muli ang binata ngunit, naunahan siya nito at nagawa siyang bawian nang isang malakas na suntok na siyang ikinasubsob ni Zyrus sa sahig sa lakas ng pagkakabuwelo ng inata. "'Wag kang mag-maang-maangan pinatay mo siya kagabi!" mariing sigaw ni Zyrus na may panlilisik sa mga mata nito buhat nang matinding galit. “Kagabi? Teka, siya ba—" Nanlaki ang mga mata ni Leigh sa labis na pagkagulat at naalala niyang muli ang lalaking pinagbubugbog ni Kenji kagabi nang walang tigil. Siya ba? Siya ka ‘yon? Pero bakit? Paanong namatay? Hindi ba tumawag ako ng ambulansiya hindi ba siya umabot ng buhay? Bakit? Naguguluhan si Leigh nang sandaling iyon at hindi magawang makolekta ang mga pangyayari. Hindi niya maintindihan kung bakit namatay ang lalaking iyon matapos niyang masiguro na nadala ito sa ospital? Masyadong mabilis ang pangyayari para kay Leigh dahilan para mahirapan siyang i-absorb ang lahat ng kanyang nakikita at naririnig. "Hindi ko kasalanang mamatay siya, tinuruan ko lang siya ng leksyon,” malamig na tugon ni Kenji kay Zyrus na walang halong pagsisisi sa kanyang ginawa para sa kapatid nito. Napakuyom ng kanyang kamay si Zyrus sa labis na galit habang nakaupo sa sahig. "Leksyon? Sino ka para turuan siya ng leksyon? Magulang ka ba namin? Guro ka ba?" galit na galit na sigaw ni Zyrus na mabilis na tumayo sa kanyang pagkakasubsob sa sahig at sinugod si Kenji ngunit tulad kanina ay muli siyang bumagsak dahil sa isang suntok lang ng binata. "Wala kang alam kung ano ang pinagsimulan ng lahat," saad ni Kenji na binigyan si Zyrus nang malamig na mga tingin na may nakatagong dahilan kung bakit ganoon na lamang ang binata makatingin. "Anong wala?" At muli, biglang sinugod ni Zyrus si Kenji. "Kahit gano’n hindi mo kailangang patayin ang kapatid ko!" At akmang tatama na ang kamao ni Zyrus sa mukha ni Kenji ay nagawa pa ring maagapan ng binata ang pagtama ng kamao nito at walang kahirap-hirap na binalibag ang galit na gorilla ang sandaling makalapit ito sa kanya dahilan para muli itong humandusay sa sahig. Litong-lito na si Leigh nang mga sandaling iyon, halos hindi siya makapaniwala na namatay at napatay ni Kenji ang lalaking sinubukan niyang iligtas. “Namatay na siya ibig nating sabihin mamamatay tao na ba siya?” naguguluhang tanong ni Leigh sa kanyang isipan at saka ibinaling ang kanyang tingin kay Kenji na malamig na nakatingin kay Zyrus. Gulong-gulo ang isipan ni Leigh nang sandaling iyon. Halo-halo ang emosyon ang lumamon sa kanyang isipan at may galit ang nangibabaw sa kanyang emosyon dahilan para masabi niya ang mga katagang ito sa kanyang isipan. Wala talaga siyang puso! Isa siyang halimaw! Halimaw! Halimaw! Isa siyang mamamatay tao! "Hindi ko siya pinatay sadyang mahina lang siya kaya siya namatay,” saad ni Kenji na wala man halong konsensya sa kanyang nagawa. “Naririnig niya ba sarili niya? Napatay niya ang taong binubugbog niya ng gabing iyon tapos wala man lang siyang maramdamang guilt sa kanyang ginawa? Tao pa ba siya sa lagay niyang ‘yan? O isa lamang siyang halimaw na nagbabalat-kayong tao?” hindi makapaniwalang saad ni Leigh sa kanyang isipan habang pinagmamasdan si Kenji. "Walang hiya ka! Parehas kayo ng magulang mo mga mamamatay tao!" Muli, nagulat si Leigh sa kanyang narinig. “Wait—anong sabi niya? Mamamatay tao ang magulang ni halimaw?” mahina at naguguluhan niyang usal. Patakbong sinugod ni Zyrus si Kenji dahilan para maituon ni Leigh ang kanyang pansin kay Kenji. Hindi niya alam kung tama ba ang nakikita ng kanyang mga mata o pinaglalaruan lamang siya nito. Kinusot ni Leigh ang kanyang mga mata para masigurong hindi siya pinaglalaruan ng kanyang mga mata at nang sandaling ibinaling niyang muli ang kanyang tingin kay Kenji ay mukhang hindi nga siya niloloko ng kanyang mga mata. “Tama nga ang nakita…” mahina niyang usal. Nanliliyab sa galit ang mga mata ni Kenji nang sandaling iyon. Kitang-kita at malinaw na nakikita ni Leigh sa mga mata ng binata na labis itong binabalot nang matinding galit. “Bakit? Dahil ba sa sinabi ng lalaking ito?” Sa isang iglap, sunod-sunod na pinagsuntok ni Kenji si Zyrus na halos walang pahinga at wala man lang sa mga suntok nito ang hindi tumama sa mukha at katawan ni Zyrus. Dehadong-dehado na nang sandaling iyon si Zyrus dahil hindi talaga ito pinagbibigyan ni Kenji na makabawi sa mga suntok na tinatapon sa mukha at katawan nito. Muli, nasaksihan na naman ni Leigh ang halimaw na nawala sa kanyang sarili na walang huno kung suntukin ang kanyang kalaban. Isa na itong ganap na halimaw na handa muling pumatay ng tao nang sandaling iyon. Tumatalsik ang mga dugo sa sahig sa bawat suntok na ibinibigay nito kay Zyrus at balot na ng dugo ang pagmumukha ni Zyrus na halos hindi na mapagkilanlanan. Natatakot na ako! God! Please, tama na naaawa na ako sa taong binubugbog ni halimaw. Ang gusto ko lang naman ay iligtas niya ako hindi po ang ganito. Halimaw, tama na… Hindi na maatim o makayanang tignan pa ni Leigh ang mga nangyayari dahilan para tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. "Tama na...” mahina niyang pakiusap kay Kenji. Pero hindi narinig ng binata ang mahinang pakiusap ni Leigh at patuloy pa rin ito sa pambubugbog sa kawawang si Zyrus. Leigh, kailangan mo siyang pigilan bago pa siya makapatay ulit! Habang pinapanood ko si Kenji na walang emosyong binibigyan nang mga malalakas na suntok si Zyrus ay napapikit si Leigh ng kanyang mga mata. Ayokong makapatay pa siya hindi niya kailangan pumatay. Kailangan niyang pigilan ang halimaw na ito dahilan para ipunin ni Leigh ang buo niyang lakas at saka sumigaw. "Monster! Tama na!" malakas na awat ni Leigh kay Kenji. Pero hindi siya nito narinig at hindi pa rin nito tinitigilan si Zyrus na hindi na lumalaban sa kanya dahil sabog na sabog na ang pagmumukha nito. Alam niyang may nagawa itong nagawang masama sa kanya ngunit hindi niya maatim ang dinadanas nito sa kamay ni Kenji. Naawa na siya sa kalagayan nito. Napakuyom si Leigh ng kanyang kamay at napakagat sa kanyang labi. “Hindi maaaring makapatay siya.” Bumuwelong muli si Leigh at sumigaw nang napakalakas. "KENJI! TAMA NA! MAPAPATAY MO NA SIYA!" Matapos noon ay tuluyan ng naiyak si Leigh. Hindi niya na kaya ang mga nangyayari—sobrang nakakatakot na siya sa kanyang mga nakikita. Ayokong makakita ng patay. Ayokong may namamatay. Ayoko kong makapatay siya! Pilit niya man awatin si Kenji ay ayaw nito magpaawat. Wala ng nagawa si Leigh kung ‘di ang umiyak. Natatakot siya at sa kabila noon ay nag-aalala siya para sa binata. Ayaw niya itongmakapatay. Ayaw niya na silang tignan. Hindi ko na kaya pang tignan ang mga nangyayari para akong nasa isang gyera na hindi ko naman kahit kailan ginusto. Bakit ba kasi nangyayari ang mga ito? Bakit— Natigilan si Leigh bigla sa kanyang pakikipagd’welo sa kanyang isipan nang may naramdaman siyang mainit na yakap ang bumalot sa nanginginig sa takot niyang katawan. "Tahan na." Anong ibig sabihin nito? Naguguluhan si Leigh sa biglaang pagyakap ni Kenji sa kanya dahilan para maging blangko ang kanyang isipan nang sandaling iyon. "Dapat sa ‘yo mamatay!"
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 70 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (24)
Czarina Sangrador
its so nice
13/05/2025
0
Germaine Dala
the story is beautiful
30/03/2025
0
Yeoona
madam author every when po kayo nag uupdate?? i am bitiiin sa storrrry 🥲
its so nice
13/05/2025
0the story is beautiful
30/03/2025
0madam author every when po kayo nag uupdate?? i am bitiiin sa storrrry 🥲
16/02/2025
0View All