logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4: Her Girlfriend

NAPANSIN ni Leigh habang naglalakad siya sa hallway ay hindi maalis ang mga tingin ng mga estudyante sa kanya at kahit saan siya pumunta ay nakasunod ang mga tingin nito sa kanila.
Napakunot ako ng aking noo. May dumi ba ako sa mukha? May bogger ba ako? Hindi naman ako nangulangot para may kumalat o maiwan na kulangot sa mukha ko.
Kinuha ni Leigh ang kanyang panyo at pasimpleng pinunasan ang kanyang mukha pero kahit ganoon ay hindi pa rin maalis ang mga tingin nito sa dalaga. Iginala niya niya kanyang mga mata sa buong paligid at talagang lahat sila nakatingin sa dalaga.
“Ano bang meron sa mukha ko at pinagtitinginan nila ako? Imposible naman sa damit—sabay tingin sa aking suot. –maayos naman ang damit ko. Bakit kaya sila nakatingin sakin? Ano bang problema nila?” naguguluhang tanong ni Leigh sa kanyang sarili na hindi mawari kung ano ba ang nangyayari sa mga taong nasa kanyang paligid.
Halos lahat na kanyang madaanan ay napapatingin sa kay Leigh—kahit saan siya pumaroon ay hindi maialis ang kanilang tingin at talagang sinusundan nila ang dalaga ng mga tingin nila.
“Yikes! Ano ba ‘yan nakakatakot na ang ginagawa nila talo ko pa nito ang may nagawang karumaldumal na krimen o kaya parang napakarumi kong tao sa mga tingin nila,” wika ni Leigh sa kanyang isipan habang tinitignan ang mga taong kanyang madaraanan.
“Don't mind them Leigh maglakad ka na lang,” mahinang saad ng dalaga sa kanyang sarili.
Napailing na lamang ang dalaga at napakuyom ng kanyang kamay. “Yah tama! Maglalakad na lang ako hindi ko na lang sila papansinin.”
At nagpatuloy si Leigh sa kanyang paglalakad na pilit na dinidedma ang mga matang nakatingin sa kanya ngunit naagaw ang kanyang atensyon nang may narinig siyang pagbubulungan.
"Siya ba 'yong sinasabing girlfriend ni Jieun?"
Girlfriend?
Dinig at kitang-kita ni Leigh kung paano pumalatak ang babae sa may gilid ng hallway na halata ang pagkadisgusto sa dalaga.
“‘Di naman pala maganda mukha pang isip bata!" sabi ni babeng kulot na tinatapunan si Leigh nang mapanlait na tingin na may kasama pang pag-irap.
“Aba't? Bitter 'te? Inaano kita?” Sa loob-loob na tanong ni Leigh sa kanyang sarili.
Gusto ni Leigh sagutin ang babae pero iniiwasan niyang masangkot sa gulo lalong-lalo na at isang malaking gulo ang masangkot sa pangalan ng halimaw na kanyang kinatatakutan.
"Christy 'wag kang magsalita ng ganyan baka may makarinig sa ‘yo isumbong ka pa kay Jieun baka ano pa ang gawin niya sa ‘yo,” pag-awat na sabi noong lalaking katabi nito.
"I don’t care! I’m just telling what’s true look. Tignan niyo naman how ugly she is.” Sabay palatak. “Ang pangit niya!" mariing patutsada ng babaeng kulot na mukhang ayaw talaga magpaawat.
Babalewalain na lang sana ni Leigh ang mga pasaring nito ngunit mukhang sinusubukan talaga nag pasensya niya ng impaktitang babae dahilan para hindi niya nagawang mapigilan ang kanyang sarili at sinagot ang mga patutsada ng babaeng impaktita.
"Aba't? Kung makapanlait ka akala mo naman ‘e, kaganda mo naman!” Sabay tinignan ito mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha nito at binigyan ni Leigh ito ng isang ngiwi. “Ikinaganda mo na ba ‘yang makapal mong make-up na para kang siopao na may pula sa gitna sa kumakabog mong red lipstick!” At ibinaba niya ang kanyang tingin papunta sa dibdib nito at napapalatak. “Ipinagmamalaki mo na rin ba ‘yan?—” sabay nguso sa dibdib ng nagmamalditang babae. “Ilang patong ng foam ang nilagay mo para ma-achieve ‘yang fake na dibdib mo para lang bumagay diyan sa damit mo na halos kita na ang kaluluwa!”
Kasabay ng panlalaki ng mga mata ng impaktita ay napasinghap ito na halos mamula na sa galit dahil sa mga panlalit na binibigay ni Leigh sa kanya pero hindi pa doon nagtatapos na panlalait ng dalaga.
“‘Yang buhok mo—” sabay turo sa buhok ng babaeng nasa kanyang harapan. “—parang mais maliban sa wavy na nga ‘e, kinulayan mo pa ng golden yellow! Ano ka? Walking mais? ‘Yang ilong mong 'di naman matangos nilagyan mo lang ng noseline para masabing may ilong ka! Ngayon sino kaya ang mas panget sa ating dalawa ha?" nanggagalaiting tanong ni Leigh na may kasamang panunumbat sa nagmamagandang babae sa kanyang harapan.
Matapos bitawan ni Leigh ang mga salitang iyon sa pagmumukha ng nagmamagandang impaktita; isang malakas na tawanan ang bumalot sa hallway dahilan para mapatingin ang babaeng nilait ni Leigh sa buong paligid na may namumulang mga mukha.
"You bitch! How dare you to make lait me?" galit na galit na sigaw nito at akmang lulusubin si Leigh ngunit mabilis itong nahawakan ng lalaking nasa tabi ng impaktang babae.
"Christy, huminahon ka," awat noong lalaki habang hawak ang balikat nito na nagpupumilit pa ring makalapit kay Leigh.
"No! She make insulto me too much! I can’t let this impaktita just to ruin my image!" sigaw nito at may nanlilisik na mga mata habang dinuduro-duro si Leigh.
“Insulto?” pag-uulit na sabi ni Leigh at nagpamaywang sa harapan ng feeling magandang babae sa kanyang harapan.  “Hoy! Ikaw ang unang nang-insulto tapos ikaw pa ‘tong mukhang agrabyado? Kung makapang-impaktita ka, mas impakta ang pagmumukha mo ‘yan! Lalong-lalo na ugali mo! At para sa kaalaman mo ikaw ang naunang nanlait hindi ako! Kung ayaw mong malait 'wag kang manlait lalo na kung alam mong dehado ka!" gigil na pangaral ni Leigh sa babae sabay pinasadahan nang mapanuring mga tingin mula ulo hanggang paa nito.
Muling nagsitawanan ang mga estudyanteng nakakasaksi sa mala-shooting act na ginagawa nina Leigh at ng babaeng kulot.
"I hate you!" nanggigigil at namumula sabi ng babaeng mapanlait na feeling victim pero ang totoo ay defeated sa kamalditahan ni Leigh.
"I hate you more!" saad ni Leigh na may buong diin at hindi aatrasan na awra ang babaeng kulot sa kanyang harapan.
Nang sa tingin ni Leigh ay hindi na ito lalaban ay tinalikuran niya na ito at naglakad palayo sa lugar na ‘yon at duimiretso na sa kanyang classroom.
Napapalatak si Leigh nang makaupo na siya sa kanyang upuan na may kasamang panliliit ng kanyang mga mata. “Manlalait ka pikon ka rin pala. Mga tao nga naman, mapanlait pero hindi nila tinitignan ang sarili nila kung hindi ba sila kapintas-pintas. Bulag sa sariling kagandahang peke naman. Makaalis na nga lang dito, mga taong tulad nila hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras,” mahina niyang usal.
Muli siyang napapalatak sa labis na pagkadismaya at the same time, palatak na may tagumpay. “Akala mo naman kung sinong maganda nagmukha tuloy siyang katawa-tawa sa kapipilit na maging maganda. Hindi na nga maganda sa pisikal na anyo pati ugali nakikisama,” saad ni Leigh na may nakaramdam nang irita nang maalala niya ang aastahin ng babaeng kulot kanina.
Sa labas ng university,
Dahil sa labis na pagkabagot ni Leigh ay naisipan niyang maglakad-lakad ngunit hindi niya alam kung saan siya pupunta.
"Saan kaya ang—"
Hindi natuloy ang kanyang sasabibin nang biglang may humatak at tumakip sa kanyang bibig. “WT! Anong nangyayari?”
Pilit niyang tinignan kung sino ang humatak sa kanya ngunit hindi niya magawang makita kung sino ito dahil sa may mga suot itong maskara itim.
"Hmm! Hmm!"
Pilit na kumakawala si Leigh sa pagkakahawak ng lalaki ngunit mas malakas ito at kahit anong pwersa ang kanyang gawin ay hindi niya magawang makakawala sa mga hawak nito.
"Bilisan mo na!" saad ng lalaking nasa itim na van.
Shit! Ano ‘to? Saan nila ako dadalhin? Anong ginawa ko para masangkot sa ganito?
Mabilis at buong lakas na hinatak ng lalaking may hawak kay Leigh papunta sa iitim na van at dali-dali itong isinakay doon habang nanatili ang kamay nito na tinatakpan ang kanyang bibig.
Sino ba sila?
Iginala ni Leigh ang kanyang mga mata ngunit wala siyang makita na magbibigay sa kanya ng clue kung sino ang mga taong ito o kung sino man lang may pakana ng lahat ng ito.
“Shit! Sino may gawa nito?” natataranta niyang tanong sa kanyang sarili na pilit na inaalala kung sino ang maaaring gumawa nito sa kanya at isang tao lang naman ang sumagi sa kanyang isipan na nakairingan niya kani-kanina lamang.
Si Walking mais! Siya lang naman ang nakasagutan ko kanina. Maaaring siya ay may kagagawan nito! Pero kailangan ba talagang umabot siya ganito? Anong balak niya sa pagpapadampot niya sa akin?
Gulong-gulo ang isipan ni Leigh nang sandaling iyon at the same time binabalot siya ng kaba at takot sa maaaring gawin ng mga ito sa kanya.
No! Hindi ako pwedeng mamatay!
Ikinumpas niya ang kanyang sarili at pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ng lalaki.
“Hmm! Hmm!”
“Ano ba? Huwag ka ngang malikot!” singhal sa kanya ng lalaking may hawak sa kanya ngunit hindi nagpaawat si Leigh at pilit na kumakawala sa pagkakahawak nito dahilan para maibaling sa kanila ang tingin ng lalaking nasa tabi ng driver seat.
"Pare, ang ingay! Patahimikin mo nga ‘yan!" iritang saad ng lalaking sabay may hinagis na bote sa lalaking may hawak kay Leigh.
Gamit ang isa kamay ng lalaking may hawak kay Leigh ay dinukot nito ang panyo sa kanyang bulsa at binuhos ang laman ng bote sa panyong hawak nito. Matapos noon ay biglang itinakip sa ilong ni Leigh ang panyong binuhusan niya ng likido nasa bote. Akala ni Leigh ay wala lang ‘yon ngunit nang dumikit iyon sa kanyang ilong ay bigla siyang nakaramdam nang kakaiba at habang tumatagal na nalalanghap niya iyon ay nakaramdam siya na unti-unting pagkahilo hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Ano na ba ‘tong nangyayari?
NAKARAMDAM si Leigh nang pananakit sa kanyang ulo nang manumbalik ang kanyang malay.
“Ano bang nangyari? Shit! Ang sakit ng ulo ko,” saad niya sa kanyang sarili.
Ididilat niya na sana ang kanyang mga mata nang makarinig siya ng mga tinig ng kalalakihan.
"Pare ang ganda niya." Dinig na dinig ni Leigh na sabi ng isang lalaki na halatang manyakis base sa kanyang tono ng pananalita. Nakaramdam naman ng kaba ang dalaga nang sandaling marinig niya ang nakakadiring pagnanasa ng isang lalaki sa kanya.
“Ano bang nangyayari? Nasaan ba ako? Bakit may mga lalaki rito?” tanong niya sa kanyang sarili sabay napakagat sa kanyang labi.
Nakararamdam man ng kaba ay pilit ni Leigh inalala kung paano siya napunta sa mga kamay ng mga kalalakihang ito. Matapos ang paghahalughog ng kanyang alaala ay doon niya lang muling naalala kung ano ang nangyari sa kanya kanina bago siya nawalan ng malay. Dinampot pala siya ng mga hindi niya kilalang mga lalaki at pinaamoy ng amonia dahilan para mawalan siya ng malay.
“Shit! B’wiset na walking mais na ‘to! Nag-hire pa talaga ng mga tao para lang makaganti sa akin. Lagot talaga ang impaktang ‘yon sa sandaling makatakas ako sa mga pangit na ‘to!” gigil na saad ni Leigh sa kanyang isipan.
"Manahimik ka riyan Teo! 'Wag mo 'yang papakialaman!" maawtoridad na awat ng isang lalaki.
"Pero—"
Aangal pa sana ‘yong isang lalaki nang biglang nagsalita ‘yong lalaking nang awat sa kanya kanina.
Shit! Sino ba ang mga lalaking ito kinakabahan ako masyado base pa lang sa boses nila!
Pilit na ikinalam ni Leigh ang kanyang sarili ngunit ang lakas ng tibok ng kanyang puso na para ba siyang tatakasan na nito.
Shit! Leigh, sinasabi ko sa ‘yo tigilan mo na ang kakakape walang magandang dulot ‘yan sa ‘yo! Tignan mo ang nangyayari sa ‘yo ngayon?
Halos gusto na maiyak ni Leigh nang sandaling iyon ngunit kinalma niya ang kanyang sarili dahil wala naman magagawa ang kanyang pagluha para makaalis siya sa lugar na ito. Pilit niyang pinakalma ang kanyang puso na kumakabog nang sobra dahil sa labis na kaba.
Shuta talaga!
"Teo! Maru! Gisingin niyo na 'yang babae!" utos ng lalaking umaawat kanina sa lalaking manyak.
Muling kumabog—mas dumoble ang lakas at bilis na pagkabog ng kanyang puso nang marinig niya ang mga yabag ng taong inutusan ng lalaki na papalapit sa kanyang kinalulugaran.
Shit! Huwag naman na mangyari na katapusan ko na ‘to.                                                      
"Hoy! Gising!"  sigaw ng isang lalaki kay Leigh na may kasamang pagsipa pa sa paa ng dalaga para gisingin ito.
“Aba't? Napakabastos ng kumag na ito, ‘a! Hindi man lang marunong gumalang sa babae anong akala niya sa akin lalaki? Aso? Para sipa-sipain ng ganito? Akala mo kung sino makagising sa akin parang alipin lang,” gigil na saad ni Leigh sa kanyang isipan.
"Tabi nga riyan!"
Dinig niyang utos ng isang lalaki at bigla na lang niyang naradaman na may humawak nang mahigpit sa kanyang mukha dahilan para idilat na ni Leigh ang kanyang mga mata at panlisikan ito ng kanyang mga mata ang lalaking nasa kanyang harapan.
"Aray naman! Masakit!" singhal na angal ni Leigh sa lalaking nasa kanyang harapan habang tinatapunan niya ito ng mga masasamang tingin. “Ano? Hindi mo ba ako bibitawan? Masakit!” Muli, mariing napaangal si Leigh dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanyang baba.
“Anong problema ng gago na ito ni hindi ko nga ito kilala pero ang init na agad ng dugo sa akin? Well, the feeling is mutual! Ano ba kasing kailangan nila sa akin? Bakit ba nila ako dinala rito? May nabangga ba ako ng hindi ko nalalaman at may naniningil sa akin ng ganito? Malaman ko lang talaga na si Walking mais may pakana nito makakatikim talaga ang impakta na ‘yon sa akin!” paghihimutok at labis na nanggigigil na saad ni Leigh na ultimo gusto niya ng mangagat nang sandaling iyon.
“Anong tinitingin-tingin mo sa akin ng ganyan, ha?” tanong nito na may pandidilat pa ng mga mata kay Leigh sabay tinampal ang ulo ng dalagagamit ang hintuturo nito.
Nag-init ang ulo ni Leigh dahil sa ginawa ng lalaking mukhang bakulaw sa kanyang harapan dahilan para umandar na naman ang pagkabastos ng bunganga ng dalaga at sinagot ang kumag sa kanyang harapan.
“Malamang may mata ako. Magtaka ka kung bulag ako at nakatingin sa ‘yo. Ulol!” gigil na saad ni Leigh sa bakulaw na nasa kanyang harapan dahilan para sakmalin nito ang kanyang mukha ng kamay nito.
“Pinipilosopo mo ba ako?” mariing tanong nito sa dalaga na bakas ang inis sa mga mata nito na siyang mas ikinalaki nito.
“Just saying facts,” pagtataray na sabi ni Leigh na wala man lang katakot-takot sa maaring gawin sa kanya ng lalaking nasa kanyang harapan.
Muli na naman nanlaki ang mga mata ng bakulaw na lalaki at humigpit ang pagkakahawak sa mukha ni Leigh.
“May ilalaki pa ba ang kanyang mga mata? Sa tuwing pandidilatan niya ako lumalaki pa lalo ang kanyang mga mata may balak ata itong talunin si Kim Goodman sa paluwaan ng mga mata,” sarkastikong pamimilosopo ni Leigh sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang lalaking mukhang bakulaw.
Inilapit ng lalaki ang mukha nito kay Leigh at mas pinandilatan siya ng mga mata nito. “Baka nakakalimutan mo kung ano ang kinalalagyan mong sitwasyon ngayon? Kaya kung ayaw mo mapaaga ang biyahe mong langit maghunos-dili ka sa pagsasalita mo.”
Nanggigil na talaga si Leigh sa gagong nasa kanyang harapan. Wala man lang paggalang sa babae kung ‘di lang siya nakatali marahil ay nasabunutan niya na ito—pero ramdam ng dalaga ang panginginig ng kanyang tuhod nang sandaling iyon dahil sa nakaramdam na ito ng takot lalo sa pamumula ng mga mata at pag-dilate ng mga pupil ng bakulaw na nasa kanyang harapan na tanda ng nakadroga ito.
“Shit! Ano ba ‘tong kinasangkutan ko? Bakit kailangan ko mapunta sa ganitong sitwasyon?” murang tanong ni Leigh sa kanyang sarili na nagsisimulang bumilis na naman ang takbo ng kanyang puso.
Ramdam niya na ang panginginig ng kanyang kamay pati ang pangangatog ng kanyang mga tuhod dahil sa pinaghalong kaba at takot sa posibilidad na maaaring gawin sa kanya ng mga lalaking ito.
Diyos ko, tulungan niyo po ako.
Napalunok si Leigh nang malalim nang biglang  umi-squat sa kanyang harapan ang gago at tumingin sa kanyang mga mata nang diretso. "Alam mo bang maraming atraso ang b’wiset na boyfriend mo na 'yan samin?" panimulang tanong nito sa akin.
Napakunot naman ng noo si Leigh sa sinabi nito. "Boyfriend?" pag-uulit at naguguluhang tanong ni Leigh na may labis na pagtataka.
Binitawan ng bakulaw ang kanyang mukha at dinuro-duro si Leigh. "'Wag ka ng magkaila alam kong ikaw ang girlfriend ng hayop na Kenji na 'yon!" galit na sigaw nito sa  dalaga.
WT! Boyfriend? Si Kenji? Oh, com’on! Siya ba ang dahilan kung ba’t ako narito? Takte ka talagang halimaw ka! Wala ka talagang magandang dulot sa buhay ko!  Puro na lang gulo ang kinasasangkutan ko ng dahil sa ‘yo. Una si Mr. Calvou, sunod si Walking mais, ngayon naman itong tanga na ‘to!
"Hindi ko siya boyfriend! Baliw ka ba?" mariing tangi ni Leigh.
Pumalatak naman ang lalaki at binigyan si Leigh nang tingin na may labis na panggagalaiti. “Wag ka ng magkaila alam ko na ang tungkol sainyo at ikaw ang magiging kabayaran ng lahat lahat na ginawa niya samin!" galit na saad nito kay Leigh.
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko nga boyfriend 'yang Kenji na sinasabi mo kaya bakit ako ang magiging kabayaran sa hidwaan niyong dalawa? Nagkamali ka ng dinukot na babae dahil hindi ako ang girlfriend niya! " mariing saad ni Leigh na patuloy niyang isinasaksak sa maliit na kokote ng tangang lalaki na ito na wala naman talagang namamagitan sa kanilang dalawa ng halimaw na ‘yon.
"Manahimik ka masyado kang madaldal! Hindi mo ako maloloko! Ikaw at ikaw ang magiging kabayaran ng lahat!" matigas nitong saad.
“Aba't! Sira ulong gorillang ito, ‘a! Sinabi ng hindi ako girlfriend ng hinayupak na iyon kahit na siya na lang ang kahuli-hulihang lalaki sa mundong ito ang matira hinding-hinid ko siya pipiliin na maging boyfriend mas lalo na hindi rin itong gorillang ito!” gigil na gigil na saad ni Leigh sa kanyang isipan.
“Nagsasabi naman talaga kasi ako ng totoo. Hindi niya ako girlfriend. Bakit ba ayaw mong maniwala?” saad ni Leigh na pilit na tinatago ang panggigigil sa kanyang ngipin.
“Huwag mo akong gaguhin dahil alam kong paraan mo lang ‘yan para palayain kita, pwes, diyan ka nagkakamali.”
Shit! Wala ‘tong kakapuntahan kahit na paulit-ulit akong magpaliwanag sa tanga na ‘to, pero hindi ko naman p’wede hayaan na ako ang mabuntungan ng galit niya dahil sa sarili nilang issue.
Napatiim-bagang si Leigh at napakagat sa kanyang labi. “Shit! Mukhang walang ibang tao ang makakapagligtas sa akin sa sitwasyon ko ngayon kun’di ang taong labis kong kinakatakutan ko. Ang taong hindi ko nanaisin na maging boyfriend. Pero ang tanong darating ba siya para iligtas ako? Sino na lang magliligtas sa akin kung hindi siya ang darating ngayon? Meron pa bang magliligtas sa akin?” tanong niya sa kanyang isipan.
Lord, ngayon lang po ako hihiling pero sana naman ambunan niyo kahit konting awa si halimaw para may magligtas man lang sa akin.
"Sira ulo ka ba? ‘E, ni ‘di ko nga kilala 'yang sinasabi mong Kenji tapos ako pa ang gagawin niyong kabayaran? Ano ang akala niyo sa ‘kin pambayad utang?" pagkukunwari ni Leigh, nagbabaka sakaling bumenta at pakawalan siya ng mga ito.
"Aba't! Hoy babae ka! 'Wag mo akong matawag-tawag na sira ulo mas sira ulo ang boyfriend mo!" galit na bulyaw ng gorilla sa kanya pabalik.
"Boyfriend? ‘E, wala nga akong boyfriend! Paulit-ulit na lang tayo. Ano bang hindi mo maintindihan sa sinasabi ko? Ilang beses ko pa ba kailangan ulitin sa ‘yo para maintindihan mo? May utak ka ba?” sarkastikong tanong ni Leigh sa gorillang nasa kanyang harapan. “Alam mo dapat nasa mental ka e! Sira ulo ka!" Dagdag niya na labis ang panggigigil sa tanga na ‘to.
"Wag kang magkaila na ‘di mo kilala ang hinayupak na si Kenji Shaunn Delos Reyes dahil alam kong ikaw ang girlfriend niya!"
“Saan mo naman kasi nakuha ‘yang fake news mo na ‘yan? Kay Chocolate Nguso? Realiable ba source mo?” sarkastikong tanong ni Leigh sa gorilla na gigil na gigil na siyang sampalin ang lalaking ‘to sa labis na katangahan nito.
“Huwag mo akong pinagmumukhang tanga! Hindi ako uto-uto!”
“Talaga ba? ‘Di mo knows.”
Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Leigh dahilan para pumutok ang kanyang labi at malasahan niya ang pakla ng dugo.
“WT? Ano bang ginawa ng halimaw na iyon sa gorillang ito at grabe na lang ang galit nito sa kanya pati ako nadadamay?
Gusto ni Leigh ng maluha nang sandaling iyon ngunit pilit niyang pinigilan. Kinagat niya ang kanyang labi para mapigilan ang mga nagbabadayang luha sa kanyang mga mata dahilan para mas malasahan niya ang pakla sa kanyang bibig.
Idinura ni Leigh ang laway na may bahid ng dugo saka buong tapang na hinarap ang gorilla sa kanyang harapan. "Ilang beses ko ba kailangang ulit-ulitin na 'di ko naman boyfriend ang lalaking 'yan, ‘e, baka nagkakamali ka lang! Wala akong boyfriend at 'di ako magkakaboyfriend ng isang halimaw na tulad niya!" pagbibigay niyang diin sa bawat salitang binibitawan ng kanyang bibig.
“Tangina naman maniwala ka naman, ‘o!” murang pakiusap ni Leigh sa kanyang isipan.
"Wag mo ngang bilugin ang ulo ko alam kong ikaw ang girlfriend niya!"
Napapikit si Leigh ng kanyang mga mata nang mariin at idinilat din. "E, buang ka pala! Sinong may sabing ako girlfriend niya? Palpak naman niyang informant mo mali-mali impormasyon sinasabi sa ‘yo!"
"Leche ka! Masyado kang madaldal! Kahit na hindi ikaw ang girlfriend niya gagamitin pa rin kita para mapapunta rito ang hinayupak na 'yon at mapagbayaran sa pagkamatay ng kapatid ko!"
Nagulat si Leigh sa kanyang mga narinig, “wait—siya ba ang—”
Nanariwa sa kanyang alaala ang nangyari kagabi.
Shit!
“Namatay ba siya o may iba pang tao na pinatay si Kenji? Pero, bakit? Bakit kailangan niyang umabot sa ganoon? Bakit kailangan niyang pumatay?” naguuguluhang tanong ni Leigh sa kanyang sarili at hindi makolekta ang mga piraso sa kanyang isipan.
"At kahit na anong paliwanag mo dawit ka na sa gulong ng gagong iyon."
“WT! No! bakit kailangan kong madamay sa gulo nila? Shit! Ayoko pang mamatay! Somebody help me! Ayokong masayang ang buhay ko dahil sa gorillang ito. Lord help me!” pagmamakaawang saad ni Leigh na halos maluha-luha sa nangyayari sa kanya ngayon.
Unti-unti niya nang nararamdaman ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Ang lahat ng tapang at kapilosopohan na kanyang tinatago ay tuluyan ng naglaho at napalitan nang matinding takot. Ayaw niya pang mamatay. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Hindi niya man siya gusto… kinatatakutan niya man siya ngunit siya lang ang natitira niyang pag-asa. Umaasa siyang may kabutihan pa rin sa puso nito. Umaasa siya na ililigtas siya nito.
Kenji, please help me…

Book Comment (24)

  • avatar
    Czarina Sangrador

    its so nice

    13/05/2025

      0
  • avatar
    Germaine Dala

    the story is beautiful

    30/03/2025

      0
  • avatar
    Yeoona

    madam author every when po kayo nag uupdate?? i am bitiiin sa storrrry 🥲

    16/02/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters