KITANG-KITA ni Leigh kung paano bugbugin ng lalaki ang isa pang lalaki halos maligo na ito sa sarili niyang dugo at hindi na rin halos makilala dahil sa sabog na ang pagmumukha nito. Sa madaling salita, halos mapatay na nambubugbog ‘yong isa pang lalaki. “No! Mapapatay niya na ito! Nakakatakot siya! Sobrang nakakatakot!” sabi ni Leigh sa kanyang isipan na nababalot ng tao sa kanyang kinatatayuan. Gusto niyang awatin ang binatang nanbubugbog na itigil na ang ginagawa nito pero pinangungunahan naman siya nang matinding takot. Sa bawat suntok at sipa na ginagawa nito sa lalaking binubugbog ay nadadama rin ni Leigh na animo’y siya ang binubugbog nito. Matapos pa ang ilang suntok at sipa na ibinibigay nito sa lalaki ay tumigil na rin ito. Binitawan na ng binata ‘yong lalaki na kung saan basag-basag na ang pagmumukha, mukhang nakuntento na ito sa ginawa niya sa kawawang lalaki. "Walang kwenta!" Sabay alis. Ano ba siya? Wala ba siyang puso? Grabe! Nagawa niya iyon sabihin sa lalaking halos wala man lang kalaban laban sa kanya? Napakawalang puso niya! Tao pa ba siya sa lagay niyang 'yan? Parang hindi siya tao sa ginagawa niya. Halimaw ba siya na nagkatawang tao lang? Bakit niya nagagawa ang gan’yang bagay sa taong alam niya namang walang kalaban-laban sa kanya? Mamamatay tao ba siya? At dahil sa naaawa si Leigh sa lalaking binugbog nito ay kinuha niya ang kanyang phone at tumawag sa 911. "Hello, may nangangailangan po ng tulong dito. Urgent po! Nag-aagaw buhay na po siya andito po sa San Roque Street pakipuntahan naman po siya. Please! Salamat po," dali-dali niyang sabi at nang matapos niyang maibigay ang impormasyong ay agad ni Leigh pinatay ang tawag. “Siguro naman kahit sa ganitong paraan matulungan ko man lang ang kaawa-awang lalaking ito,” mahina niyang usal sa kanyang sarili. Naghintay pa ang dalaga nang ilang sandali hanggang sa nakita niya na dumating ang ambulansiya at agad na inasikaso ang lalaking nakahandusay sa kalsada. "Gosh!" napabulalas na singhap ng babaeng paramedic. "Anong nangyari sa kanya?" tanong ng lalaking kabababa palang mula sa driver seat. Napapailing ang isang lalaking paramedic habang sinusuri ang lalaking binubugbog kanina. “Grabe naman ang may gawa nito sa kanya. Mukhang matindi ang galit!" saad nito. "Mad dog lang ang makakagawa ng ganito,” pagbibigay diin ng driver. "JC, Roy! Tulungan niyo ako!" utos na sigaw ng babaeng paramedic. Agad namang kumilos ang mga paramedics at isinakay ang lalaki sa ambulansiya para madala na rin ito sa ospital. Nakahinga naman si Leigh nang maluwag at handa nang umalis sa lugar na iyon nang bigla siyang mapalukso sa kanyang kinatatayuan na nagdala ng matinding pagkabog sa kanyang puso nang may makita siyang lalaking nakatayo sa kanyang likuran. "Pitong Puting Pating!" Gulat na gulat na bigkas ni Leigh na may kasamang panlalaki ng mga mata at napahawak sa kanyang mga tainga. "Anumang nakita mo, nakita mo. ‘Wag kang makikialam kung ayaw mong madamay," malamig pagkakabigkas ng binatang nasa kanyang harapan. “Gosh! Nangangatog na ang mga binti ko! Hindi na ako makahinga nang maayos. Help me! Ayaw ko pang mamatay sa kamay ng halimaw na ito. Tulungan niyo po ako,” pagmamakaawa ni Leigh sa kanyang isipan. Halos gusto ni Leigh na umiyak na nang sandaling iyon pero pilit niyang pinipigilan ang kanyang sarili at baka ano pa ang gawin sa kanya ng binatang ito. Bigla namang inangat ng binata ang kamay nito dahilan para mapapikit si Leigh nang biglaan sa labis na takot. Naramdaman niyang lumapit pa lalo ang binata sa kanya at naramdaman niya ang mainit na paghinga sa kanyang tainga na mas lalong nagpbigay lamig sa kanyang katawan nang sandaling iyon. "Kung ayaw mong matulad sa kanya ‘wag na ‘wag kang magsusumbong o pagsasabihan ng nakita mo ngayon sa kahit na kanino. Naiintindihan mo?" pagbabanta nitong paalala kay Leigh. Sa sobrang takot naman ng dalaga ay sunod-sunod na pagtango na lang ang nagawa nito. Matapos noon ay iniwan nito si Leigh na nag-iwan ng kakaibang aura na labis na nagbigay ng takot sa dalaga. Naglakad na naman ang binata papalayo kay Leigh matapos nito masabi ang kanyang babala. Halos mapahandusay ang dalaga sa kalye dahil sa sobrang takot na naramdaman niya nang sandaling iyon. Habol ang paghinga ni Leigh kasabay noon ay ang paghawak nito sa kanyang dibdib. "Grabe nakakatakot siya! ‘Yong mga mata niya kitang-kita na handa talaga siyang pumatay ng tao kahit babae! Shit! Muntik na akong maihi sa sobrang takot!" takot na takot na pagbubunton ng dalaga. Sa sobrang takot ay dali-dali na umuwi ang dalaga at baka balikan pa ako noong halimaw na 'yon. “Shit! Killer ba siya? Bakit ganoon siya? Wala ba siyang puso? Tao pa ba siya o alien? Sa’n ba siya galing kung tao man siya anong klaseng tao ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Leigh sa kanyang sarili na labis na hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan ng gabi ito. SA BAHAY, Halos hindi mabura sa isipan ni Leigh ang mga pangyayari kani-kanina lang hanggang ngayon ay binabalot pa rin siya nang matinding takot. Sobrang nakakatakot at napakarahas talaga ng lalaking kanyang nakita. “Ano bang ginawa ng lalaking ‘yon sa kanya at halos patayin niya na lang sa pambubugbog?” naguguluhang tanong niya sa kanyang sarili. “Ang nakita mo, nakita mo. Wag kang makikialam kung ayaw mong matulad sa kanya.” “Grabe talaga siya wala man lang ba talaga siyang puso at ganoon na lang siya makapagbitaw ng mga pagbabanta at sa babaeng tulad ko pa talaga? Grabe nakakapang hilakbot naman ang pagkatao niya. Isa siyang HALIMAW!” mariing saad ni Leigh sabay inihampas sa kanyang unan sa higaan. "Anumang nakita mo nakita mo. Wag kang makikialam kung ayaw mong madamay." “Ano ba iyan nakakatakot talaga siya hanggang ngayon ramdam na ramdam pa rin ng katawan ko ang takot,” natatakot niyang sabi. Kahit na wala hindi na siya nakatayo at nakaunat na ang kanyang mga binto ay ramdam na ramdam pa rin ni Leigh ang sobrang panangangatog ng kanyang mga binti. Sinubukan niya iyong himas-himasin para mawala ang pangangatog nito ngunit bigla siyang napalukso sa kanyang pagkakaupo sa labis na gulat nang tumunog bigla ang telepono. "Ay! Kabayong buntis! Ay shit!" napabulalas niyang sabi ng wala sa oras. “Sino ba kasi itong magiging dahilan din ng kamatayan ko? Hindi niya ba alam na kita na hindi pa ako nakaka-recover sa pangyayari kanina tapos gugulatin pa ako ng ganito?” saad niya sa pagitan ng kanyang malalalim na paghinga. Huminga siya nang mangilang ulit para maikumpas ang kanyang sarili bago niya sinagot ang tawag. "Hello, Jo residence,” bungad niyang sabi nang sagutin niya ang tawag. Hinintay niya na magsalita ang nasa kabilang linya pero isang nakakabulahaw na boses ang sumalubong sa kanya na halos ikabingi ng kanyang tainga. "Hoy bakla! Saan ka na naman nanggaling at nagawa mong indianin na naman ang beauty ko!” sigaw sa kanya ng magaling niyang bestfriend. "Aray naman, Max! P’wede pakihinaan naman ng boses mo? Hindi naman ako bingi saka masakit sa tainga ang boses mo, alam mo 'yon?" paalala niya sa kanyang kaibigan ng may bahagyang pagkainis sa kanyang tono nang pagsalitaan niya ito. “Itong babaeng ito hindi ba siya marunong makiusap ng hindi sumisigaw? Bingi ba ang mga nakakausap niya at kailangan sobrang lakas ng boses?” Sa loob-loob niyang sabi. "Kasi naman saan ka ba nanggaling? Ba't hindi ka dumating nagmukha na naman tanga ang beauty ko," saad ng kaibigan niya na may bahid ng pagmamaktol sa boses nito. "Anumang nakita mo, nakita mo. ‘Wag kang makikialam kung ayaw mong madamay." Nabalot na naman ng takot ang kanyang katawan nang umalingawngaw ang mga katagang sinabi sa kanya ng lalaki kanina. "Hoy bakla andiyan ka pa ba?" bulahaw na tanong sa kanya ni Max dahilan para matauhan ang dalaga. “Isa pa ito, bakit ginagawang mahirap ang buhay ko ngayon? Ano ba ang nagawa ko sa nakaraan at ganito ang nangyayari sa akin ngayon?” tanong ni Leigh sa kanyang sarili na labis nanlulumo sa mga nangyayari sa kanya ngayong gabi. "Masama ang pakiramdam ko kaya 'di ako nakapunta," pagsisinungaling ni Leigh sa kanyang kaibigan. Ayaw niya na mas lumaki pa ang issue kanina baka hindi niya na kakayanin na madagdagan ang takot na kanyang nararamdaman at baka tuluyan na siyang malagutan ng hininga. “No! hindi ko pa nga nakikita ang taong magmamahal sa akin ng habangbuhay tapos mamamatay na ako kaagad? No, I can’t afford that to happened! Ayaw ko pang mamatay ang dami ko pang gustong gawin sa buhay. Gusto ko pang magkajowa,” sabi niya sa kanyang sarili habang pilit na pinapakinggan ang mga sinasabi ni Max. "Lumang tugtugin na 'yan bakla magpalit ka naman ng alibi! Saan ka ba talaga nagpunta at—" Pinutol ni Leigh ang pagsasalita ni Max. “Wala akong pinuntahan, masama talaga ang pakiramdam ko," matigas na pagbibigay diin ng dalaga. "Masama—" "Sige kita na lang tayo bukas, bye." Sabay baba ng telepono at bagsak ng kanyang katawan sa kama. “Ano bang nangyayari ngayon? Bakit nagkakaganito? Ano bang nagawa kong mali? Bakit kasi nandoon pa ako?” nasisiphayong tanong ni Leigh na nakatingin kisame. Bwesit na bwesit siya sa kanyang mga paa dahil sa kung saan-saan kasi nito gustong pumunta nadamay pa tuloy siya sa isang gulo na hindi niyan naman dapat kasangkutan at pinuproblema. Sa halip na dagdagan ang kanyang pagkainis ay naisipan niya na lamang na matulog baka sakaling mawala at makalimutan niya ang lahat-lahat na nangyaring sa gabing ito. Sobrang naging mahaba din ang araw na ito para sa kanya kaya kailangan niya na rin na magpahinga. “Sana naman 'wag ko ng mapanaginipan ang lalaking iyon. Ayoko mamatay ng dahil sa bangungot,” hiling ni Leigh bago niya tuluyang ipinikit ang kanyang mga mata. KINABUKASAN, Pagmulat ni Leigh ng kanyang mga mata laking gulat niya nang makita niya ang malalambing, cute at pamilyar na mga mukha sa pagdilat ng kanyang mga mata. Anong ginagawa nila rito? "Mommy! Si Ate Leigh gising na!" sigaw ni SaJun. Naibaling ni Leigh ang kanyang tingin sa babaeng na kakapasok lang ng kanyang k'warto. "Gising ka na pala, Leigh," nakangiting bati ni Tita Hany sa kanya na may ubod na lambing mga ngiti sa mga labi nito. "Paanong—" "Good Morning, Ate Cute!" Sabay-sabay na bati ng apat na kambal sa kanya na sina Cess, Pam, Geli at Vince. Naguguluhan ang dalaga sa kanyang nakita at kung totoo ba na narito silang lahat. Panaginip ba ang lahat ng ito? Biglang bumukas muli ang pinto para maibaling ni Leigh ang kanyang tingin doon at bumungad sa kanya ang isang lalaki. "Oh! P’kin, gising ka na pala,” nakangiting salubong bati ni Yeshun, ang kanyang tito. Nanlaki ang mga mata ni Leigh at napasigaw sa labis na tuwa nang makita niya ang kanyang tito. Napatayo siya sa kanyang pagkakahiga at patakbong lumapit papapunta sa kanyang Tita Hany at Tito Yeshun sabay niyakap sila nang napakahigpit. "Kailan pa po kayo dumating? Super na-miss ko po kayo!" tuwang-tuwa at sabik na tanong ni Leigh sa kanila nang maialis niya ang pagkakayakap sa dalawa. Hindi umumik ang kanyang tito at tita at tanging mahinang tawa ang itinugon sa kanyang naging kilos at asal. “Bakit po? May nagawa po ba akong mali? Bawal po ba na ma-miss kayo?” sunod-sunod na tanong ni Leigh na medyo nailang sa mga titig at ngiti sa kanya ng kanyang tito at tita. Masaya lang naman ako, ‘e. Mali ba na maging masaya dahil sa nakita ko sila? E, sobrang na-miss ko naman talaga sila.” Sa loob-loob ni Leigh. "Kani-kanina lang lang p’kin,” nakangiting sagot ni Yeshun. "Ate Cute, kami ba wala rin bang hug?" Sabay-sabay na sabi nina SaJun at ng apat na kambal na nagpapa-cute sa harap ni Leigh. "Syempre meron," masayang tugon ni Leigh at isa-isa niyang niyakap ang kanyang mga napaka-cute na mga pamangkin. "Hmm... Ang cute niyo talaga,” nanggigigil na sabi ni Leigh sa mga pamangkin niya at isa-isang pinisil ang mga cute at malalambot na pisngi nito. "Mas cute ka, Ate Cute,” sabay-sabay at masigla sabi ng kanyang mga pamangkin. Natawa na lamang si Leigh sa kanyang mga pamangkin. “Tignan niyo nga naman, “Kids don’t lie,” saad niya sa kanyang sarili. "O, siya! Tama na 'yan magsibaba na tayo nang makapaghanda na ang Tita Cute niyo, bago pa siya mahuli sa pagpasok niya sa school," aya ni Yeshun sa kanyang mga anak pababa. “Opo!” magalang na tugon ng mga bata at isa-isa silang sumunod sa kanilang ama pababa papunta sa dining area. “Baba na kami, Leigh. Sunod ka na lang, ha?” nakangiting wika ni Hany. “Sige po, Tita Hany,” nakangiting tugon ni Leigh. Matapos noon ay lumabas na ng kanyang k’warto ang kanya tita kaya nagsimula na siya mag-ayos ng kanyang sarili at ng kanyang pinaghigaan. Dali-daling nagpunta si Leigh sa C.R para mag-toothbrush at nagsuklay pakatapos ay bumaba na rin ito. Nakita niya na naghihintay ang lahat sa kanya para sabay-sabay na silang kumain dahilan para mapangiti siyang muli. “Na-miss ko ‘to,” wika niya sa kanyang sarili at binilisan ang kanyang paglakad para makapagsimula na silang kumain. “Tara na po, kain na tayo,” aya niya sa kanyang tito at tita at mga pamangkin nang siya’y makaupo. “SaJun, lead the prayer,” wika ni Hany sa kanyang panganay na anak. At nagsimulang sambitin ni SaJun ang dasal bago kumain. “In the name of the Father, of the Son, of the Holy Spirit, Amen.” “Amen.” Matapos noon ay isa-isang kumuha ng pagkain ang mga bata maging ang mag-asawa at si Leigh. "Kayo talaga, Tita kapag dumarating kayo palagi niyo na lang ako sinusurpresa. Hindi niyo man lang hilig ang magpasabi,” saad ni Leigh bago isinubo ang kanyang pagkain. Nagsitawanan naman ang mag-asawa. "Hindi ka na nasanay, P’kin alam mo naman ‘yang Tita mo laging pabigla-bigla,” tumatawang wika ni Yeshun. "Si Tita talaga talo pa ang mga manliligaw palaging may surpresa,” pagbibirong sabi ni Leigh. Nginitian lang ni Hany si Leigh at nagpatuloy sa pag-inom ng tsaa nito. Naging masaya ang umaga at breakfast ng dalaga kasama ang kanyang tita at tito at sa lima nitong pamangking sobrang kukyut na labis na nakakagigil at masarap pagpipisilin. Ang saya talaga tuwing nakakasama ko sila. Hindi maalis ang tuwa sa kanyang kaloob-looban lalo na ngayon na makakasama silang muli ng kanyang itinuturing na pangalawang pamilya matapos ang lahat na nangyari sa kanyang pamilya. Laking pasasalamat na lamang ni Leigh na nariyan ang kanyang tito at tita para gabayan at pasayahin siya at hindi hinahayaang mag-isa lamanag. "Ang sarap po talaga ng luto mo, Tita 'di pa rin kumukupas,” pagpuri ni Leigh sa kanyang tita na sobrang nasasarapan at ini-enjooy ang pagkain sa inihanda nitong almusal. "Mag-aral ka na kasi magluto para na rin ‘yan sa magiging asawa mo. Kawawa naman ng magiging asawa mo kung palagi kayong fast foods,” hikayat na sabi sa kanya ni Hany. "Tita naman, ‘e,” napangusong awat ni Leigh. Biglang napalingon si Yeshun sa orasan. "P’kin wala ka bang pasok?" pagtatakang tanong ni Yeshun sa kanyang pamangkin dahil sa hindi pa ito tumatayo sa pagkakaupo nito. Napabalikwas naman ang dalaga sa kanyang pagkakaupo at napatingin sa orasan. "OMG!" bulalas nitong sabi na may panlalaki ng mga mata. Agad na uminom ng tubig si Leigh at dali-daling napaktakbo papuntang sa kanyan k’warto at mabilis na kumilos para makaligo at makapag-ayos ng kanyang sarili. "Mahuhuli na ako! Ano ba 'yan? Ba’t ko ba nakalimutang may pasok ako?" natatarantang pangaral ni Leigh sa kanyang sarili. Halos hindi na magkamayaw ang dalaga sa sobrang pagmamadali ngunit kailangan niyang bilisan ang kanyang kilos kung ayaw niyang mahuli sa pagpasok. At mukhang dahil anak ata siya ni The Flash ay wala pang dalawampung minuto ay nakapag-ayos na siya ng kanyang sarili. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan at nagpaalam sa kanyang tita at tito at sa kanyang mga pamangkin na binigyan niya ng tig-iisang halik sa noo bago tuluyang umalis ng bahay. Mabilis naman nakarating sa university si Leigh gawa ng ‘di naman kalayuan ito pero kailangan niya pa rin magmadali dahil nakakahiya naman na ang lapit na nga lang ng bahay niya nahuli pa siya. Takbo-lakad ang ginawa ng dalaga para hindi siya masyadong ma-haggard at iwas na rin sa mga tingin ng ibang tao na magmukha siyang tanga dahil sa kamamadali. Sa labis na pagmamadali ay hindi niya namalayan na may mababangga siya dahil sa nakayuko itong tumakbo. Well, sino ba ang tumatakbo ng nakatingala? “Aray! Shit! Bwiset naman! Bakit ngayon pa? Ang sakit sino ba itong taong pader na ito at nakaharang pa talaga sa dadaanan ko?” mahinang mura ni Leigh habang hinihimas ang kanyang noo. Lalo namang nairita si Leigh dahil hindi man lang siya nitong gawang tulungan kita ng nasaktan ito mula sa pagkakabangga. “Takte! Ang sakit tuloy ng p’wet ko,” daing ni Leigh. Habang iniinda ni Leigh ang sakit ng pagkakabagsak ng p’wet ko at noo niyang nakabangga ay itiningala niya ang kanyang ulo para makita kung sino ang nakaharang sa kanyang daraanan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya kung sino ang taong nakabalandra sa kanyang daraanan. "I-ikaw?" nauutal na bigkas ni Leigh at napaturo sa lalaking nasa kanyang harapan. Oh no! Not now. Bakit ba sa lahat ng timing ito ang wrong timing? Ang daming pagkakataon bakit ngayon pa? Pag-inuulan ka naman nga ng kamalasan. God help me ayaw ko pa pong mamatay. Tulungan Niyo naman po ako. Napadasal nang wala sa oras si Leigh sa labis na takot nang makita niya ang binata. Tinititigan lang siya nito na may mga matang animo’y mangangain ng buhay. “Gosh! Ang mga mata niya talagang handang pumatay nakakatakot talaga!” sa loob-loob ni Leigh na kinakain na ng takot lalo na hindi pa nawawala sa kanyang alaala ang ginawa nito kagabi. Halos tinawag na ang dalaga ang lahat ng santong alam niya para lang iligtas siya pero mukhang walang nakakarinig sa kanya dahil nakatitig pa rin sa kanya ang binata. Wala siyang nagawa kung ‘di ang humingi na lang ng tawad para hindi na ito magalit sa kanya kahit na siya ang nasaktan siya na lang nagpakumbaba para isalba ang kanyang buhay. "So-sorry—" Lalong napaatras ang dila ni Leigh at napatigil sa pagsasalita at napapikit ng kanyang mga mata dahil sa pagkilos ng binata kung kaya bigla niya namang itinaas ang kanyang mga braso at iniharang iyon sa kanyang ulo bilang depensa kung sakaling saktan siya nito. Pinakinggan niyang mabuti ang ang naging kilos ng binata habang nanantili sa ganoong posisyon bilang handa sa kung anong gagawin nito sa kanya pero lumipas na ang ilang segundo pero wala pang lumalanding na kahit ano sa kanyang katawan. Kaya dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at tiningnan ang nangyari pero laking gulat niya ng wala na sa kanyang harapan binata. Lumingon siya sa kanyang likuran kung saan nakita niya itong naglalakad papalayo na sa kanyang kinaroroonan. “Shit! Akala ko papatayin niya na ako sobrang lakas ng kabog ng puso ko,” sabi ni Leigh na nakahinga na nang maluwag habang hawak-hawak ang kanyang dibdib. Labis ang kanyang pagkatakot nang sandaling iyon ngunit nawala ang lahat ng takot ni Leigh nang bumalik sa kanyang ulirat na mahuhuli na siya sa kanyang klase. Agad namang napatakbo nang mabilis ang dalaga papunta sa kanyang classroom. "Ay ano ba ‘yan may klase pa ako!" inis niyang sabi habang tumatakbo at habol ang kanyang paghinga. Takbo-lakad iyon ang kanyang ginawa hanggang sa makita niya na ang pinto ng kanyang classroom at walang ano-ano’y agad niya itong binuksan at sabay yuko at sabing, "Ma'am, sorry I'm late!" nakayuko niyang paghingi ng dispensa. Hinintay niyang may magsalita ngunit wala siyang narinig na sermon o kahit boses man lang ng kanyang professor. “Bakit walang nagsasalita? Bakit hindi ko marinig ang boses ni Ma'am?” nagtatakang tanong niya sa kanyang sarili. Dahan-dahan niya namang itinaas ang kanyang ulo para makita kung naroon ba ang kanyang professor at nang maitaas niya na ang kanyang ulo ay she just find out na wala ang kanyang professor sa harapan. Napasapo naman ng kanyang ulo si Leigh. “Another katangahan moments mo na naman Leigh. Epic failure!” nahihiya niyang sabi sa kanyang sarili. Narinig niya naman ang tawanan ng kanyang mga kaklase dahil sa ginawa niyang katangahan. "Leigh, ano bang nangyayari sa ‘yo? Ang aga-aga pa kaya anong late na pinagsasabi mo riyan?" nagtatakang tanong ni Bry na may kasamang pangungunot ng noo nito. "Ay naku! Nakalimutan na naman siguro ni Leigh na advance ang orasan niya ng 30 minutes,” sabi ni My na umiiling-iling. "Oo nga pala advance ang orasan ko sa bahay!” Muli ay napasapo si Leigh sa kanyang noo dahil sa pagiging makakalimutin niya. Epic failure talaga! Nagsitawanan na lang ang mga kaklase ni Leigh dahil sa ka-engotan at makakalimutin ng dalaga. Sa sobra niyang hiya ay tahimik na naglakad na lamang siya papunta sa likuran kung nasaan ang kanyang upuan at inubob na lang ang kanyang mukha sa kanyang arm chair. “Grabe! Sobrang nakakahiya talaga ang ginawa ko!” hiyang-hiya niyang sabi sa kanyang sarili. Wala siyang pinansin kahit isa sa sobrang kahihiyaan na kanyang sinapit kaya natulog na lamang siya para hindi niya na maalala ang sandaling iyon na punong-puno ng kanyang ka-engotan. "MS. JO! MR. DELOS REYES!"
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 81 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (24)
Czarina Sangrador
its so nice
13/05/2025
0
Germaine Dala
the story is beautiful
30/03/2025
0
Yeoona
madam author every when po kayo nag uupdate?? i am bitiiin sa storrrry 🥲
its so nice
13/05/2025
0the story is beautiful
30/03/2025
0madam author every when po kayo nag uupdate?? i am bitiiin sa storrrry 🥲
16/02/2025
0View All