Prince Cris, Walang gustong umimik sa aming dalawa nang makasakay kaming pareho. Naging tahimik tuloy ang aming byahe. Nagulat pa ako nang makitang tulog na ang kasama ko, si Gia. Saglit ko pa itong tiningnan bago dumiretso sa kanila. Yes, alam ko kung saan siya nakatira. Nagpalingap-lingap ako para hanapin si Gia. Nasan na ba ang babaeng 'yon? Ano na kayang nangyari sa kaniya? "Bro, mauna na kayo may pupuntahan lang ako," paalam ko sa kanila at nagmamadaling sumakay ng kotse. Hindi ko na pinansin ang pagtawag nila at agad na pinaharurot ang kotse ko, para sundan si Gia na nagmamadaling sumakay ng tricycle. Dahan dahan ko itong sinundan hanggang sa huminto ito sa isang bahay. Simple lang ito pero may kalakihan din. Matapos kong masigurong ligtas siyang nakauwi sa kanila ay bumalik na 'ko sa cafe at naabutan doon si Prinsipe Malix. "Oh, bro, bakit nandito ka pa?" takang tanong ko. Sa halip na sagutin ako nito ay nakatanggap ako ng malakas na batok. "Aray! Problema mo?!" inis kong tanong. Balak ko pa sanang gumanti nang magsalita na ito. "Engot, sa 'yo ako sumasabay, 'di ba? Tapos iniwan mo 'ko?" sagot nito kaya napakamot nalang ako sa batok ko. Oo nga pala, nakalimutan ko. "Oh, ano pang hinihintay mo sakay na, bro, kung ayaw mong maiwan ulit," sambit ko pa saka pinaandar ang sasakyan. "Okay lang bro, sanay naman akong naiiwan—aray!" Parehas kaming natawa sa kalokohan niya. Sanay maiwan? E, siya nga 'tong laging nawawala nalang basta basta. "G-Gia, your highness. Gia," panggigising ko rito. "A-Asan na tayo?" gulat na tanong nito. Her eyes widened in shock. Namula pa ang pisngi niya. Ang lapit kasi ng mga mukha namin sa isa't-isa. "Nandito na tayo sa inyo, your highness," sagot ko saka bumaba para umikot at pagbuksan siya ng pinto. "P-Paano mo nalaman ang bahay ko?" takang tanong niya na tinugunan ko ng ngisi at kindat. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Parang BDO lang, your highness. I find ways," sagot ko pa rito at muling kumindat na ikinairap niya. Ang sungit talaga. "'Yung mga gamit mo pala," pag-iiba ko saka kinuha ang mga gamit niya sa likod ng kotse. "A-Ako na, salamat," medyo inaantok pang sabi nito saka kinuha sa 'kin ang tatlong supot. "Ako na, your highness. Pagod ka na, oh," sagot ko at muling binawi ang mga pinamili niya. Wala naman na siyang nagawa at pinapasok ako sa loob ng bahay nila. Nagulat pa 'ko nang may isang babaeng may ka-edaran na ang nakaupo sa sala. "Magandang gabi ho," bati ko rito. "Ma, bakit hindi pa kayo natutulog?" sambit naman ni Gia at nagmano. Nanay niya pala. Bakit parang hindi sila magkamukha? "E, hinihintay kita nak, baka kasi ang dami mong dala at hindi ka pa kumakain—" "Ma naman, mas pagod na po kayo sa 'kin, dapat natulog na kayo," putol dito ni Gia. Lihim akong napangiti. Kahit may pagkamasungit ito ay may itinatago rin palang ka-sweet-an. "Sino nga pala itong kasama mo, nak? Boyfriend mo ba 'yan? Ang gwapong bata, ah," baling sa 'kin ng mama ni Gia na ikinagulat ko. "Ma! Hindi po, si Prinsipe Cris po iyan. 'Yung lagi niyong pinapanood sa TV," sagot ni Gia na mas ikinagulat ko. Laging pinapanood? Pftt. "Ay, siya na ba 'yan? Ang prinsipe ko? Nak, picturan mo nga kami dali! Napakagwapo naman talaga!" "Mama! Nakakahiya kayo, para kayong bata, e!" saway rito ni Gia, kaya hindi ko na napigilan ang tawa ko. "Napaka-kj naman ng anak ko," sagot pa nito saka humarap sa 'kin at bumulong. "Pagpasensyahan mo na, ginoo. Masungit talaga 'yan mana sa tatay." "Pftt. Okay lang po ma'am," sagot ko saka bumaling kay Gia. "Ah... Gia, ma'am, mauuna na po ako. Malayo layo rin po kasi ang uuwian ko," paalam ko. "Ah, gano'n ba, sige, mag-iingat ka. Gia, ihatid mo nalang siya sa labas ako nang bahala rito," sagot ng mama nito kaya agad akong nagpasalamat. "Una na 'ko. Good night," paalam kong muli kay Gia. Pasakay na sana ako nang tawagin ako nito. "Prinsipe Cris, s-salamat," sambit niya saka ngumiti na ikinangiti ko rin. Muli akong kumaway bago pinaandar ang kotse ko. Hay, Gia you made my day. * * * * * Gia, Isang buwan ang nakalipas simula nang ihatid ako rito. Simula rin noon ay hindi na kami nag-usap pa ng prinsipe. Kinabukasan ay nakita ko siya sa cafe, pero agad ko itong iniwasan. Ayokong mapahamak ang prinsipe dahil sa 'kin, at ayoko rin makarinig ng masasamang salita galing sa mga taga-hanga nito. Napansin din siguro ng prinsipe ang pag-iwas ko at tinanong ako tungkol dito, pero mas pinili ko nalang tumahimik at muling umiwas. Matapos no'n ay nagpahinga nalang muna ako sa bahay. Tumutulong kay mama sa pagtitinda sa palengke at kung minsan naman ay nasa bahay lang habang hinihintay ang pasukan. At ngayon ito na nga ang pinakahinihintay ko. Napagdesisyunan kong mag-civilian muna dahil iyon din ang sinabi sa announcement ng mga nakapasa. Mamaya ko palang kasi makukuha ang uniform ko, mga libro at pati na rin ang ID ko. "Ma, alis na po ako!" excited kong paalam. "Ang saya saya ng anak ko, ah. Mag-iingat ka roon, Gia. Sana matupad mo ang mga hangarin at misyon mo roon," makahulugang sagot ni mama na ikinangiti ko. "Opo, Ma, magtatapos po ako sa Averil." Matapos kong kumain ay agad akong umalis para pumasok. Maaga pa pero sobrang dami ng estudyante ang nandito, kaya nakayuko akong pumasok ng gate. 'OMG! A nerd? Paano 'yan nakapasok dito?' 'For sure isa 'yan sa mga mabubully rito.' 'Yuck! Nakakatakot siya!' 'Nerd?! Tch! Hindi siya bagay rito!' 'May bagong pangalan na naman sa Q-list!' Ilan lamang 'yan sa mga naririnig kong bulungan sa paligid ko. Hindi ko na lamang sila pinansin at dumiretso ng office para kuhanin ang uniform at mga gamit ko. "Good morning po," bati ko kaya napalingon sa 'kin ang dalawang babae. Mukhang may katandaan na ang isa, ang isa naman ay mukhang dalaga pa. "Ms. Silvestre?" kaagad na tanong nito kaya napatango agad ko. "Sa 'yo nalang kasi ang naiwan dito, hija. Welcome sa Averil, sana maging maganda ang pagpasok mo rito." "Shaina, pakibigay na ang mga gamit niya," utos pa nito sa babae. Agad namang umalis si Ms. Shaina. "By the way, I'm Mrs. Faulter, the principal here in Averil. At iyon naman si Shaina ang katuwang ko rito sa office," pagpapakilala niya. Mrs. Faulter? Bakit pamilyar ang apeylido niya? Parang narinig ko na kasi iyon. "Here's your uniform, Ms. Silvestre. Your books, I.D and of course, your locker's key," sambit nito sa 'kin habang isa-isang binibigay ang mga gamit ko. "Thank you, ma'am," sagot ko at nagpaalam na para magbihis. "Ah, may kailangan pa po kayo, ma'am?" takang tanong ko nang makita kong nakasunod sa 'kin si Ms. Shaina. "Ah, sabi ni Madam samahan daw kita malawak pa naman itong school," sagot nito kaya napatango naman ako. "Ito ang locker mo, Ms. Silvestre, pwede mong ilagay riyan ang mga librong hindi mo pa gagamitin," saad nito sabay turo ng locker ko. "Tara na. Magpapalit ka pa ng uniform mo," pag-iiba nito at ginaya ako papuntang restroom. Agad akong pumasok ng isang cubicle at nagpalit ng damit. Kulay itim ang palda nito at longsleeve naman ang uniporme. Itim din ang necktie at medyas na may logo ng school. Ikaw ang bahala kung gusto mo ng mahaba o maiksi. Pinili ko ang mahabang medyas. Buti nalang at mahaba rin ang napatahi kong palda at hindi masyadong fitted ang damit ko. Hindi tulad nu'ng sa mga nakita ko kanina, halos lumuwa na ang mga maseselang bahagi ng katawan nila at halos makitaan na sila sa sobrang ikli ng mga palda. "It suits you, Ms. Silvestre, pero mas maganda sana kung medyo iklian pa ng kaunti ang palda mo," bati naman nito sa 'kin nang makalabas ako. "Ah, hindi na po, ma'am. Mas kumportable po ako sa ganito," sagot ko na ikinatango naman nito. "By the way, Ms. Silvestre, here's your schedule and nakalagay narin diyan ang section mo. Have a good day!" sambit pa niya bago ako iwanan. Agad kong tiningnan ang papel na ibinigay nito sakin. 12-Natalia? Fourth floor, building— "Dad, okay lang ako rito. H'wag na ho kayong mag-aalala." Napahinto ako nang may narinig akong boses at mukhang may kausap sa phone. Nagkunwari akong naghuhugas ng kamay nang mapansin kong papasok siya ng restroom. Naramdaman ko ang pagtingin nito sakin kaya agad akong napayuko at patuloy lang sa paghuhugas ng kamay. Palabas na sana ako nang— "G-Gia?" I froze for a moment when the woman beside me just call my name. Who did she- "Gia, wait! Is that you?" tawag pa nito sa 'kin. Unti-unti ko naman itong nilingon at agad na namilog ang mga mata ko sa nakita ko. "Shaira—" "Oh my ghad, Gia! Ikaw nga!" tili nito sabay yakap sa 'kin na mas lalo kong ikinagulat. "Dito ka pala nag-aaral?" "Ah... oo ito nga, oh, parehas tayo ng uniform," sagot ko rito na ikinatawa naming parehas. "Anong strand mo? Baka parehas tayo?" tanong nito sakin. "S-STEM—" "Anong section ka? Baka magkaklase tayo!" excited nitong tanong. Agad ko namang inabot sa kaniya ang papel na hawak ko. "OMG! 12-Natalia?! Magkaklase tayo sissy! Ang swerte natin, alam mo ba 'yon?" muli nitong tili. "Swerte? Bakit naman? Pasensya na, ah, bago lang kasi ako rito," sagot ko. "Okay lang 'yon, sissy! Akong bahala sayo, tara na!" sambit nito saka ako hinila. "Uy, teka 'yung mga libro ko," nakasimangot na sambit ko rito. Natawa naman siya saka namin iyon binalikan. "Ang cute mo mag-pout sis! HAHAHA. Iwan mo muna 'to, saka ito. Mamaya nalang natin balikan, after break pa naman 'yan," saad nito nag-alangan pa ako nu'ng una hanggang sa kuhanin niya iyon sa 'kin. "Susi mo?" Agad kong ibinigay sa kaniya ang susi ko at tinuro ang locker ko. Matapos niyang ilagay ang mga libro ko ay agad ako nitong hinila papuntang gym. "At dahil madami pa namang oras, magiging tour guide mo muna ko, dahil itu-tour kita sa Averil!" excited nitong sabi na ikinatawa ko. "Ikaw talaga. Sige na nga," iling iling na sagot ko rito. "Ito ang gymnasium ng Averil. Actually dalawa 'yan, isang open at isang closed nando'n naman sa dulo 'yung isa," paliwanag nito at sunod naman naming pinuntahan ang cafeteria at ang unang building. "Dito naman ang mga room ng bawat club, may dance club, choir, science at madami pang iba! Sa gilid niyang ang auditorium." "E, ano 'yung katabi ng office?" tanong ko. Napansin ko iyon kanina habang papunta ng restroom nahihiya lang akong itanong kay Ms. Shaira. "Doon nagmi-meeting ang mga officials. Actually, bawal nga pumasok doon, e, lalo na kapag may meeting ang daming bantay," sagot niya. Napatango na lamang ako. "Sa likod naman ng building ng mga club rooms ay dorm ng boys. Actually, dalawang building 'yung nasa likod niyan. Sa girls naman 'yung isa." "Nagdo-dorm ka ba?" I asked her. "Hindi pumayag si Dad," she answered and forced a smile. Napatango nalang ako dahil mukhang nalungkot siya roon. "Ito naman ang gymnasium na isa. Diyan ginaganap ang mga sports dito sa Averil," nakangiting saad nito. Hindi na kami nag-abalang pumasok at dumiretso na sa room namin. "So ito na nga Gia, ang swerte natin kasi sa section A tayo napunta!" "Section A?" takang tanong ko dahil Natalia ang name ng section namin. "Oo, section A ang Natalia. First name ng prinsesa. Section B naman ang Rain, at C ang Laxus!" paliwanag nito. "Lahat ba ng grade level gano'n ang name ng section?" tanong ko, pero agad itong umiling. "Hindi. 'Yung iba pangalan ng mga kapatid at mga magulang ng prinsesa. Pero tatlo lang din bawat grade level. Konti lang kasi ang nag-aaral dito kumpara sa ibang school," sagot niya. "Masyadong mahal, saka konti lang ang nakakapasa sa scholarship exam," dagdag pa nito. "O-Okay," I simply said. "At hindi lang 'yon Gia, alam mo bang sa section A lahat nakabilang ang mga prinsipe at prinsesa ng Ethiopia?" sambit nito na ikinahinto ko sa paglalakad dahil sa gulat. "Kaya ang swerte swerte natin, sis! Ngayon ko lang sila naging kaklase simula nung nakapasok ako rito sa Averil." "Totoo ba 'yan?" paninigurado ko na tinugon naman niya ng sunod sunod na tango. Napalunok ako bigla. Kalma, Gia, kalma. Maraming prinsipe at prinsesa sa kahariang iyon. "Kaya halika na, sis! Baka nandoon na si Prinsipe Klevin!" tili nito. Ang hilig niyang tumili kapag excited o baka ngayon, e, kinikilig 'to. "Hoy, ano ka ba 'wag ka ngang tumili!" saway ko rito. "Palibhasa kasi, hindi mo pa sila nakikita. Naku, baka nakita mo ang mga 'yon maging crush mo rin sila!" tukso nito na ikinailing ko. "Kahit kasing gwapo pa n'yan ang mga k-pop, hinding-hindi Shai. Pag-aaral ang pinunta ko rito hindi 'yang mga prinsipe prinsipe na 'yan," sagot ko at nauna nang maglakad. "Sungit naman nito!" rinig kong bulong pa nito. "Sis! Hintay naman, oh!" Nang makarating kaming room ay agad ko itong hinila sa pinakadulo. "Sis, ba't naman dito? Doon nalang—" "Oh, e, 'di roon ka na," putol ko sa kaniya. "Basta rito ako uupo." "Sabi ko nga," bulong nito. Maya maya pa ay nagsipasukan na ang mga kaklase namin kasunod nito ang isang babae. "OMG! Si Mrs. James adviser natin? Ay naku, Gia, super bait n'yan!" bulong ng katabi ko. Sabay sabay kaming tumayo ng pumasok ito. "Good morning, class!" masayang bati nito samin na agad naman naming sinagot. "Good morning, ma'am!" "So I will be your adviser for this school year. Kilala ko naman na kayong lahat except sa transferee natin," pagpapatuloy pa niya. Nagulat pa ko nang binalingan ako nito ng tingin. "Ms. Silvestre, right? Halika rito, hija, magpakilala ka sa kanila," tawag nito sakin. Nahihiyang tumayo naman ako at pumunta sa gitna. Sa tabi niya to be exact. "Tell us your name, age, hobbies, favorite color, number, or sports hija," nakangiting aniya. "G-Good morning everyone, I-I'm Giana Marie Silvestre. Gia for short, 17 years old and my hobbies are reading books and watching movies," panimula ko at huminga ng malalim bago magpatuloy. "My favorite color is black while my favorite sport is arnis." "Thank you Ms. Silvestre. Actually, class isa siya sa mga nakapasa sa scholarship exam here in Averil," sambit ni ma'am. Nakakatuwa siyang pagmasdan hindi naaalis ang ngiti sa kaniyang mga labi. "In-e-expect ko na maganda ang pakikitungo niyo sa kaniya. Section A kayo." "Sis, sabi sa 'yo, e, mabait 'yan. Laging nakasmile, 'no," bulong sa 'kin ni Shaira na ningitian ko naman. "Again welcome to Averil Ms. Silvestre I hope—" "Ano ba, umayos ka nga!" "'Wag nga kayong magulo riyan!" "Tss. Kasalanan niyo 'to, e!" Nahinto ang pagsasalita ni Mrs. James nang makarinig kami ng malalakas na boses ng mga lalaki na parang nag-aaway pa ata. Pero mas ikinagulat ko ang pagtili ng mga babae kong kaklase. E, anong meron? "Sis, nandiyan na silaaa!" tili rin nitong si Shaira kaya napatingin din ako sa bintana. Sunod sunod na naglalakad ang lima—este anim na lalaki at huminto sa pintuan. "Ma'am, sorry, we're late." My eyes widened as my lips slowly parted, staring at the group of students who entered our classroom. No, This can't be Gia. This can't be! *** THE LOST PRINCESS SERIES by: thesweetest_thing
bitin😭
17/09
0still here, waiting for this story:(
22/02/2025
0Ang Ganda nman
21/12/2024
0View All