logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 1

Gia,
"Ma, alis na po ako!" nagmamadaling paalam ko nang makalabas ng kwarto.
"Anak, teka lang muna, hindi ka pa kumakain, ah!" habol sa 'kin ng aking pinakamamahal na mama. Agad akong napahinto at nakangiting niyakap si mama.
"Isang good luck kiss nalang, Ma. Ayos na 'ko roon," sagot ko sabay kindat.
"Ikaw talagang bata ka, manang-mana ka talaga sa papa mo," nakangiting sambit ni mama saka ako pinugpog ng halik.
"Ganito rin ba ka-sweet si papa noon, Ma?" nakangising tanong ko na ikinangiti ni mama ng matamis. Hay. Kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi parin nawawala ang pagmamahal ni mama kay papa.
Nakakatuwa.
"Paano ba 'yan, Ma, kailangan ko na pong umalis baka ma-late ho ako," pag-iiba ko saka muling niyakap si mama.
"Mag-iingat ka, anak. Goodluck sa exam mo, alam kong kayang-kaya mo 'yan."
"Salamat, Ma, para po ito sa inyo!" nakangiting sagot ko bago tuluyang umalis.
Ako nga pala si Giana Marie Silvestre, seventeen, ang kaisa-isang anak ng pinakamaganda, pinakamasipag at pinakamabait kong mama at papa. Syempre saan pa ba ako magmamana, e, 'di sa kanila lang ni papa.
Ang papa ko naman ay namatay dahil sa sakit na kanser. That was 10 years ago. Bata pa ako noong nawala si papa, I was only 7 that time. At sa pagkawala ni papa, doon ako natutong tumayo sa sarili kong mga paa. Bata palang ako ay natuto na akong magtrabaho para narin makatulong ako kay mama. Pero dahil sa kagustuhan ni mama na makapagtapos ako, gusto niyang tumigil ako sa pagtatrabaho. Edukasyon lang daw ang maipapamana nila sa 'kin ni papa. Ito ako ngayon senior high school na this year.
Physical Appearance ko? Isa lang naman akong dakilang nerd sa dati kong school. May makapal na salamin, gulo-gulong buhok at manang manamit. 'Di raw uso sa 'kin ang pag-aayos. Actually, hindi nga ako nagme-make up o kahit anong burloloy sa katawan. Oo, minsan nabu-bully ako dahil sa hitsura ko, pero hinahayaan ko nalang. Lahat ng mga salitang binabato nila sa 'kin, pasok nalang sa kabila at saka ilalabas sa kabila.
Sabi nga ng mama ko, 'wag daw akong papaapekto sa mga sinasabi ng mga taong nasa paligid ko. Ang mahala ay totoo ako sa sarili ko, at wala akong natatapakan na iba. Just be yourself.
Emotionally, sobrang hina kong tao. Iyakin din ako. Sanay ako sa pakikipaglaban, 'yan ang tinuro sa 'kin ng papa ko bago siya mawala. Wala raw kasing akong mga kuya o kapatid na poprotekta sa akin kaya dapat daw kaya ko ang sarili ko. Pero may mga kahinaan din ako at mga kinakatakutan. Mailap din ako sa tao.
At ngayon, papunta ako sa isang sikat na eskwelahan para kumuha ng scholarship. Bata palang ako, pangarap ko nang makapag-aral sa Averil. Halos lahat naman ata pangarap makapasok at makapag-aral dito.
Sino ba naman ang tatanggi sa napakalaking campus na ito?
May mga dorm pa na pwedeng tuluyan at lahat ng kailangan mo nandito na. Lahat ng mga courses at opportunities para maging successful, dito mo makikita. Kapansin-pansin din ang logo nito kung saan nandoon ang hitsura ng prinsesa na may hawak na bow and arrow. Sa pagkakaalam ko iyon ang simbolismo ng prinsesa, pero nakakalungkot din ang bali-balitang pagkawala ng prinsesa. Mag-iisang taon na, wala paring nakakaalam kung nasan ito.
Maraming nagsasabing patay na siya, ngunit may ilan paring naniniwalang buhay pa ang prinsesa at babalik pa ito, tulad ko.
Buhay siya at babalik siya.
Hindi ko man nasasaksihan pa ang mga nangyayari sa loob ng eskwelahang 'to, madaming nagsasabing nawala ang dating ganda at sigla ng Averil. Ang dating pantay na trato sa isa't isa unti-unting nawawala. May mga nagmamataas na, may mga gumagawa na ng bawal at lumalabag sa policy ng school. At ang mas malala pa roon, may mga balita ring kumakalat na papalitan ang pangalan at gagawa ng bagong policy ang school. Sana naman hindi totoo lahat ng iyon.
"Ma'am, nandito na po tayo." Natigil ako sa pagmumuni nang magsalita ang tsuper na sinasakyan ko. Agad akong nagbayad at bumaba.
Umawang ang bibig ko. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala sa ganda at laki ng Averil. Labas palang masasabi mong sobrang ganda na, lalo na siguro ang loob nito. Parang ang Prinsesa Averil, taglay niya ang kagandahan sa loob at sa labas.
"Good day, miss, isa po ba kayo sa kukuha ng scholarship exam?"
Sobrang nakakamangha lang talaga...
"Miss? Okay lang po ba kayo?"
Sana.. Sana makapasok ako rito. This is it. Gia, this is it!
Napatigil ako nang biglang may umubo sa gilid ko.
"Ay! Kuyang guard, magandang umaga ho, kanina pa po kayo riyan?" nahihiyang sambit ko.
"Opo. Ang sabi ko po, rito ang daan patungo sa examination room," nakangiting sagot ni Kuyang guard.
"Pasensya na po, Kuya, ah. Ang ganda po kasi ng Averil, nakakamangha," nahihiyang sagot ko bago nagpaalam. Tinahak ko ang daang tinuro nya papuntang examination room.
Nakayuko akong pumasok ng silid. Ramdam ko ang mga mata nilang natingin sa 'kin. May mga nagbubulungan rin, at tulad nang nakasanayan ko binalewala ko nalang lahat ng iyon.
'Oh my gosh, bakit pinapasok 'yan dito?'
'Oo nga, e hindi sya bagay rito. Mukhang mangkukulam!'
'Makapasa kaya 'yan? Hitsura palang bagsak na, e.'
'Sigurado ako, hindi yan makakapasok dito.'
'Hindi siya bagay rito. Mas bagay siya sa mga cheap na school.'
'Kung ako sa kaniya, hindi ko na itutuloy ang pagkuha ng scholarship dito.'
Kaya mo yan Gia. Hayaan mo na sila, walang sinomang makakahadlang sa pangarap mo. Para sa pamilya!
"Good morning, everyone! I'm Mrs. James, your proctor for today. I hope ready na kayo, dahil mag-i-start na tayo in 5 minutes."
Agad akong napaayos ng upo nang pumasok ang isang babaeng medyo may kaedaran na. In 5 minutes? Jusko Lord kayo na po ang bahala sa 'kin. Pa, tulungan mo po ako. Alam kong pinapanood niyo ako, at lagi kayong nakabantay sa 'kin.
"Okay, students, you may start now. Good luck."
* * * * *
Someone's POV,
Habang tumatakbo ang oras ay mas lalong kinakabahan ang dalaga. Halos pagpawisan siya sa sobrang pressure. Sino nga ba naman ang hindi ma-pe-pressure? Nakataya sa exam na iyon ang kinabukasan at katuparan ng pangarap ng karamihan.
At nakakasiguro naman akong makakapasa ang dalagang ito. Dahil naniniwala akong siya ang magiging susi, upang hindi matuloy ang binabalak nilang masama sa kaharian ng Ethiopia.
Ang batang ito ang siyang magpapabago sa isip ng hari, at ng sambayanan na sinasakupan ng Ethiopia. Nawa'y gabayan siya ng kaniyang magulang at ng nakakataas.
Napatingin ako sa orasan, malapit na.
"Paano kapag hindi 'yan nakapasa?" Napatingin ako sa babae'ng nagsalita sa gilid ko. "Anong gagawin mo?"
Pinagmasdan ko mula sa aming pwesto ang dalaga. Kung titigan mo itong mabuti at susuriin may ganda itong itinatago. At kung pagmamasdan mo siya ngayon, determinadong-determinado itong sagutan ang papel na hawak.
"Madam..."
I chuckled. "Huwag mo siyang maliitin, hija. Kilalang-kilala ko ang batang iyan," I told her.
"Paano ho kayo nakakasigurong siya ang hinahanap natin?" nagtatakong tanong niya at tiningnang mabuti ang tinutukoy namin. Napangiwi pa siya na siyang ikinatawa ko.
"Don't judge the book by its cover, hija." I let out a short laugh. "Makikita natin."
"Time's up! You may now take your break, and thank you for joining. I hope lahat kayo ay makapasa. Hintayin niyo na lamang ang aming tawag o abangan sa facebook page ng Averil ang announcement."
***
THE LOST PRINCESS SERIES
by: thesweetest_thing

Book Comment (156)

  • avatar
    Ro Se

    bitin😭

    17/09

      0
  • avatar
    Nadia Chicote Dusol

    still here, waiting for this story:(

    22/02/2025

      0
  • avatar
    Regine Copina

    Ang Ganda nman

    21/12/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters