Keid's POV: "Zadieeeee!" Mabilis akong tumakbo papunta rito nang makita namin silang nag-aabang sa amin. "Zad! Kumain na ba kayo?" tanong sa kaniya ni Ara. "Oo, si Zadie puro buko pie ang kinain, kayo ba?" sagot ni Cloud matapos nitong makapagpaalam sa kaibigan nila. "Hindi pa, bibili nalang siguro kami ng pagkain dito," sagot ko naman. "Cloud, tara na magsimula na tayo," aya naman ni Gunner sa kaniya. Nagpaalam sila sa 'min kasama si Axel at Yna. Ang mga loko, excited na excited sumakay ng rides. "Aba, lima nalang tayo rito, ah!" saad ko nang magpaalam din sa amin sina Zemie at Sir Yuan. "Kumain muna kaya kayo?" suhestiyon ni Zadie. "Kami nalang bibili ni Vince, ano bang kakainin mo Ms. Felts?" tanong sa kaniya ni Tyrone kaya lihim akong napangisi. Tamang pasikat talaga ito, e. "Libre niyo ba?" tanong ko kaya agad na nagkatinginan ang dalawa. "Tayo nalang bumili ng—shfksisnxks!" Hindi namin mapigilan mapangiti nang biglang hilahin ni Vince si Zadie at takpan ang bibig nito. Gentle lang iyon at pagkatapos ay inakabayan niya si Zadie. Mabilis namang lumayo ni Zadie ngunit nahuli parin siya nito. No doubt, magkaibigan nga sila ni Tyrone. "Eherm, pasintabi sa mga jowala!" pagpaparinig ko. Ara chuckled. "Sana all, 'di ba?" "Nandito naman ako Ms. Felts, ah!" saad sa kaniya ni Tyrone. Nakangiwi naman akong dumistansya sa kanila. "Ibili niyo na nga lang kami, nakakahiya naman kasi sa 'kin, 'di ba?!" saad ko. Umalis naman ang dalawa kaya agad kaming nagkatinginan na tatlo. "Saan tayo ngayon?" tanong ni Ara. "Kung sumakay muna kaya tayo sa kakaunti ang pila? I'm sure kapag natapos tayo, makakabalik na sila," sagot ko na ikinatango naman nila. Nakasakay na kami sa iba't-ibang rides ngunit hindi pa nakakabalik ang dalawa. Bumalik kami sa tapat ng space shuttle kung saan kami nag-usap-usap, ngunit maging doon ay wala rin sila. "Tawagan mo na kaya?" saad ni Ara kay Zadie. "Oo nga Zad, nagugutom na talaga ako," pagsang-ayon ko. Muli akong luminga-linga nang makakita ako ng dalawang babaeng tumatawa habang kausap ang dalawang lalaki. Kaagad na umarko ang kilay ko at nagkibit-balikat. "Mukhang hindi na natin kailangang tawagan ang dalawa." "H-Ha—sila ba 'yon?" tanong ni Ara nang makita rin ang nakikita ng dalawang mata ko. "Hindi ba si Jasmine 'yon?" "Oo, siya nga," sagot ko habang matalim na nakatingin sa bruhang si Jasmine. Nagulat naman ako at mahinang napadaing sa biglang pagsiko sa 'kin ni Ara. Hahampasin ko na sana siya nang inguso niya si Zadie. "Zad—" "Gumilid kayo," utos nito sa amin. Dahil sa sobrang sama ng mukha niya, agad kaming napasunod. "Hello?" Pinigilan ko si Ara nang balak nitong pigilan si Zadie. Nakangisi ko namang pinagmamasdan si Vince na kausap si Zadie sa telepono. "Loud speaker mo!" bulong ko kay Zadie na siya namang ginawa niya. "Nasaan kayo ni Ty?" tanong sa kanila ni Zadie. Matalim siyang nakatingin sa dalawa na kausap si Jasmine at ang isa pang kasama nito. "A-Ah, bumubili kami ng pagkain niyo, madami kasing nakapila," rinig naming sagot nito. My eyes widened in betrayal, jaw dropped. Pasugod na sana ako sa dalawa nang pigilan ako ni Zadie. "Ah, gano'n ba? Akala ko kasi kayo 'yung nakita naming nakikipag-usap at tawanan sa dalawang babaeng taga-Hixson," sagot ni Zadie kaya gulat kaming napatingin sa kaniya ni Ara. Hindi ko mapigilang mapangisi nang makita kong luminga-linga si Vince sa paligid. Nang makita kami nito ay agad ko siyang kinawayan. Para naman siyang nakakita ng multo at mabilis na siniko si Tyrone. Enjoy na enjoy ang babaero, oh. "Ngayon ko lang nakitang namutla si Vince, parang nakakita ng multo, ah!" nakangising saad ko nang makita ko itong kinakausap si Tyrone habang na sa amin parin ang tingin. "Fvck! Umalis na sabi tayo!" rinig kong sigaw nito kay Tyrone. Nagulat naman ako nang yakapin ng dalawang bruha si Vince at Tyrone. "Hoy, saan kayo pupunta?!" Hindi ko malaman kung sino ang susundan ko sa dalawa, ngunit nang mabilis na sinundan ni Vince si Zadie ay agad akong tumakbo papunta kay Ara. "Yah, bruhang mukhang espasol! Boyfriend ko 'yang niyakap mo!" Natigilan kami pare-pareho dahil sa sinabi ni Ara sa kasama ni Jasmine. Maging si Tyrone ay tila hindi makapaniwala sa sinasabi niya. Sunod na tumingin si Ara kay Tyrone, naniningkit ang mga mata nito. "You'd better finish up within 1 minute or else I will kill you... kasama ng babae mo, babe," saad pa nito at hinila ako palayo roon. Nang makalayo kami ay agad ko itong pinaharap sa 'kin. "Kayo na ni Tyrone?! Bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin? Kailan pa? Nilagawan ka man lang ba—" "Syempre, joke lang 'yon!" Confusion swallowed me. "H-Ha—" "Nakita mo ba 'yung reaksyon ng dalawa? Epic, 'di ba? 'Yon lang 'yung gusto kong makita kaya ko ginawa 'yon!" saad pa niya kaya hindi na ako nakapagsalita pa. Akala ko si Zadie ang pinaka-hindi kapani-paniwala pero itong si... wala akong masabi! "Halika na Keid, hanapin na natin sila Yna." *** Zadie's POV: "Bubwit, kausapin mo naman ako." I rolled my eyes in the air as I keep on walking in a faster pace when suddenly, Vince stopped me by blocking my way. Iniwasan ko naman kaagad ang mga tingin niya sa'kin at tinabig siya, ngunit hinawakan lang nito ang kamay ko. "Zadie—" "Bakit ba?" iritable kong tanong sa kaniya. Maging ako ay hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. Hindi naman kami pero bakit ako ganito? "I-I'm sorry, ayoko lang namang magalit ka—" "Sa tingin mo ba hindi ako magagalit kahit hindi ko kayo nakita?" putol ko sa kaniya. Napailing nalang ako. "Nevermind. Huwag mo nang isipin 'yung sinabi ko. Doon ka na sa Jasmine mo." "Zad naman—" "Bakit? Ang saya mo nga, 'di ba? Saka ano bang karapatan ko? Wala namang tayo," muli kong putol sa kaniya at naglakad palayo. Hindi naman niya ako tinantanan. "Nasa educ tour tayo, I think we should enjoy this moment kaysa awayin mo 'ko," saad pa niya kaya hindi ko maiwasang mapataas ng kilay. "Bakit? Ikaw naman talaga ang nang-aaway—" "Ewan ko sa 'yo!" saad ko at hinayaan nalang siyang sundan ako. "Ipapakilala na kita kay Mom at Kuya." Agad akong napahinto at gulat na humarap sa kaniya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya ngunit nang makita ko ang seryosong mukha niya, agad akong napailing. "Alam mo naman siguro 'yung estado ng pamilya namin, heir nila ako. Dapat nilang malaman—" "Speed ka, e, 'no? Ayoko nga!" "Bubwit," tawag pa niya matapos niyang kunin ang mga kamay ko. "Ipapakilala lang naman kita. I don't see anything wrong with that. Saka alam mo naman na napag-uusapan na 'yung tungkol sa atin." "I'll think about it," sagot ko at hinila siya sa pilahan. "Pero huwag mong asahan na papayag agad ako." "Bubwit naman, magdi-dinner lang naman tayo," pagpupumilit pa niya. Napailing naman ako. Kahit naman na-meet ko na ang parents niya, e, nakakahiya parin. Saka katulad ng sinabi niya, marami ang tumututol kahit hindi pa kami. Ano pa nga bang ine-expect ko? Siya ata ang tagapag-mana ng pamilya nila. Natural, malaki ang expectations nila sa kaniya. "Gusto mo dalhin mo rin parents mo.". From then, I felt something stuck in my heart. Napailing ako. "W-Wala rito parents ko," naiilang kong sagot, nakatingin sa mga nakasakay sa space shuttle. "Nasaan ba sila? Kahit minsan hindi mo man lang sila ikinukwento," tanong pa niya. I clutched on my chest as I felt that I skipped a heartbeat. "Zad—" "Nasa ibang bansa ang Dad ko pati si Mom, may trabaho sila," maikling sagot ko sa kaniya. Saglit siyang natigilan ngunit agad din ako nitong hinala pasakay ng space shuttle. "T-Teka, wait, mamaya na tayo!" pigil ko sa kaniya. Ilang beses na akong nakakapunta rito, pero kailanman ay hindi ko nag-try sa mga ganitong rides. "Pft! Hindi ka takot sa mga ugly creatures pero sa rides, takot ka?" natatawa at hindi makapaniwala niyang tanong. Napairap naman ako at sumakay roon, pero alam kong kitang-kita niya ang panginginig ng mga kamay ko. "Shocks, wala pa pero—" "I'm here, huwag kang matakot," bulong niya sa 'kin matapos niyang hawakan ang mga kamay ko. Hindi ko mapigilang magsisisigaw habang nakasakay kami sa ride. Halos pagpawisan ako samantalang halos maiyak naman siya sa kakatawa sa akin. "Bwisit! Hindi ka nag-enjoy sa ride, sa reaksyon ko ikaw nag-enjoy!" inis kong saad sa kaniya nang makababa kami. Muli lang siyang tumawa ng malakas. "Maglibot nalang muna tayo, nahihilo na 'ko." *** Vince's POV: "Retreat na bubwit." "Ay, pvta hinahabol ako!" saad nito kaya agad ko siyang tiningnan ng masama. "Bakit?" "Language! Sino nagsabi sa 'yong pwede ka magmura?" "W-Wala—ampvta, namatay tuloy ako!" sigaw niya kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. "Magmumura ka pa o hahalikan kita?" I tried to joke to scare her which made her stun for a moment. I then chuckled and continue playing nang hampasin niya ako. "Bwisit!" "Bakit? Madami kayang babae ang gustong matikman ang labi ko—" "Pwes, huwag mo 'kong igaya sa kanila!" putol niya sa 'kin habang nasa screen ng phone niya ang tingin. Napatigil naman ako sa paglalaro at tinitigan siya. I still can't believe na magiging ganito kami kalapit sa isa't-isa. She never fails to make me smile and amuse me. "Stating is rude, Vince Asher," saad niya at sinalubong ang mga tingin ko. "Brace yourself from now on, bubwit," saad ko at ginulo ang buhok niya saka tumingin sa mga students na dumadaan sa harapan namin. "I'll never let you go from now on." "Aish! Nasaan ba sila Ara? Tawagan mo nga sila—" "Ayoko nga, guguluhin lang nila tayo. Don't you want to be with me?" I asked. She smiled geniunely and answer, "Oo, mas gusto ko kasama sila Ara." "Who do you really want? Me or Ara?" Her eyebrows furrowed. "Bakit ganiyan 'yung tanong mo? It's not like I was talking about another man, babae naman 'yung pinag-uusapan natin, ah. Nasaan na ba 'yon?" sagot niya kaya mas lalong naningkit ang mga mata ko. "Tsk! Why do you keep looking for her?" "Bakit ba? E—" "When you're here with me?" putol ko sa kaniya. She looked at me in disbelief, ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay tumawa siya ng malakas. "Ano bang problema mo? Nagseselos ka ba?" she asked kaya agad akong umiling. Nagseselos? Bakit naman ako magseselos? "You sound as if you're jealous." I sighed. Oo na, talo na ako. "Selos ka nga, 'no?" "Why? Can't I jealous of a girl? Mas gusto mo nga siyang kasama kaysa sa future boyfriend mo," saad ko na siyang ikinatigil niya. I secretly smiled and leaned closer to her. "For this time and forth, ako lang dapat ang iisipin mo." "Sino ka para diktahan ako?" tanong pa niya kaya napailing nalang ako. Ganiyan ba talaga ang mga babae? Ang hilig-hilig makipag-away at ayaw pang magpatalo? "Halika na nga," saad ko rito at hinala siya patayo. "Mag-picture nalang tayo kaysa sumakay tayo sa mga rides!" saad niya kaya agad kong kinuha ang camera niya ilang beses siyang pinicturan. "Hoy! Hindi pa ako ready, e!" "Pft! Ang panget!" asar ko kaya agad niyang kinuha ang camera niya sa 'kin. Mabuti na lamang at agad ko iyong tinaas. "Hindi mo abot, bubwit." "Kapag 'yan naabot ko, tatamaan ka sa 'kin! Amin na!" saad niya at habang tumatalon-talon maabot lang 'yon. "Okay na kasi," sagot ko at mahina siyang tinabig. Hindi sinasadyang na-out of balance ito at bumagsak sa damuhan. "Napakasama mo!" inis na singhal niya sa 'kin. Agad ko naman siyang tinulungang tumayo. I can't help but to laugh harder at her. "Hoy, kayo, nakita niyo 'yon? Ganiyan kasama itong si Vince Asher!" "Hahaha! Ang payat mo kasi!" "Oo nga ang liit pa, konting tabig lang, tumba kaagad, pft!" "Aba't—" "Pft! Huwag mo nang patulan," natatawang saad ko at hinila ang braso niya. Inis naman itong tumingin sa 'kin. "Bakit ba lagi mo nalang silang pinagtatanggol? May gusto ka rin ba sa kanila?" Muli akong natawa. "Ayaw lang kitang mapasama. Minsan bawas-bawasan mo 'yang katapangan mo. Hindi maganda sa babaeng kung kani-kanino ka pumapatol. Dapat sa 'kin lang." "Bahala ka na nga riyan, tinulak mo kasi ako, e!" "Mahina lang naman 'yon!" sigaw ko rito nang maglakad ito palayo. Napapailing na sinundan ko ito ng tingin bago sumunod sa kaniya. Many said that I am with the wrong person. There are some who are asking me why I choose to like her. But for me, mayroon siguro akong daan-daang rason kung bakit siya ang napili kong gustuhin at mahalin. It's my choice, either to love or not to love. My choice is not just caring about her but also choosing to love that person. "Kumain muna tayo, bubwit," saad ko rito nang maabutan ko siya. Ang mahalaga naman sa amin ay wala kaming natatapakan na ibang tao. Actually, napag-usapan na namin 'to ni Zadie. Hindi naman magiging madali ang sitwasyon namin dahil ako ang heir ng pamilya at maraming nakakaalam no'n. I hate to admit it but there were times I wish I was just a normal child and not a heir. It's complicated and hard, many people are having a high expectations to you that you should meet. If not, they will judge you and bring you down. Mas masarap mamuhay ng simple lang, 'yung wala kang kailangang patunayan sa lahat kung hindi sa sarili mo lang. 'Yung magpapakatotoo ka lang at hindi iisipin ang sasabihin ng iba, Zadie once said and I somehow agreed with her. But I hope she understand my situation, our situation rather. She nodded, a small smile curved her lips. "Sige, tapos puntahan natin sila Keid." I just wish for one thing: I hope you do not judge us. Ako ang pumili sa kaniya. Ako ang magmamahal sa kaniya. *** Lie Again by: thesweetest_thing
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 51 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (63)
DayupayAlexis
I really loved the story, hoping for a Season 2 soon. I wonder if we could be great friends somehow, someday Author! Thank you for sharing a wonderful story!! <33
I really loved the story, hoping for a Season 2 soon. I wonder if we could be great friends somehow, someday Author! Thank you for sharing a wonderful story!! <33
26/01/2022
1wow
09/07/2024
0una palang nakaka excite na
20/08/2023
0View All