Homepage/Pregnant With My Professor's Child (Book 1)/
Chapter 4:
Bleu's POV: Linggo na ngayon, walang pasok tapos ngayon ko lang naalala 'yong pinapagawa ni Ampa. Jusko, buti naalala ko pa kasi kahapon buong araw lang akong nakahiga sa kama ko kasi feel na feel ko 'yong katamaran ko. Ngayon ko lang naalala 'yong test papers kasi nakita ko 'yong envelope sa ibabaw ng study table ko, nakita ko rin 'yan kahapon tapos sabi ko mamaya ko nalang gagawin hahahha Bumaba ako sa kama ko at naupo doon sa study table ko, uunahin kong eche-check 'yong test paper ko, syempre ako nagche-check kaya take the opportunity hahahh Teka, hindi... Uunahin ko 'yong kay Ella, tignan ko kung gaano kalaki score niya after niya akong okrayin noong biyernes. Nilabas ko 'yong mga test papers sa envelope kasama no'ng answer key, hinanap ko 'yong kay Ella pagkatapos. Napatingin ako sa pinto nang may kumatok saka bumukas ito; "Bleu, may gusto ka bang kainin?", nakasilip sa pintoan na tanong ng kasambahay naming si Cynthia. "Manang gusto ko ng prutas, burger, milktea atsaka fries... " 'Yung mukha ni Manang nabahiran ng pagkalito, "Po? Anong milktea?" Natawa ako. Hindi alam ni Manang 'yong milktea, palagi kong nakakalimutan na bibilhan ko siya para matikman niya. "Oo manang, milktea, tapos baka jowa na rin." Napalingon si Manang sa likuran niya, "Jowa ka diyan baka marinig ka ng Tatay mo." Pati jowa, ayaw! Kaya patago akong nagrerebelde eh, ang daming bawal. "Joke lang manang hahhah prutas nalang, kahit ano.", nakangiti kong sabi sa kanya. "Sige. Antayin mo saglit.", sabi ni Manang saka umalis at sinara 'yong pinto. Kaka-grocery lang ata nila ulit ng prutas kasi nauubos agad dahil sa akin, gaya nga ng sabi ko ang lakas-lakas ko kumain lately tapos sarap na sarap ako sa prutas. Pinagpatuloy ko na 'yong ginagawa ko, cheneck ko 'yong test paper ni Ella at ang overall score niya is 33/50. Para sa akin high score na 'yong 33, pero ewan ko lang sa standards ng high score ni Ampa. Pa'no kaya ang score ko nito? Hinanap ko agad 'yong test paper ko at cheneck agad 'yon nang mahanap ko. "Shhhhhhhtttt seryoso? Talaga? Sh*taaa! ", 'di ko makapaniwalang reaksyon habang sinusulat 'yong overall score ko sa taas kanang bahagi ng test paper. 45/50. Bakit 45? Langya! Hindi ako nag-study ba't 45? Hala! Teka hahahahahah Kinuha ko agad 'yong cellphone ko sa ibabaw ng kama ko, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero agad kong naisip na ipaalam kay Ampa na 45 'yong score kahit hindi ako nag-aral hahahha genius ata 'to! Hahhahaha Hinanap ko 'yong number ni Ampa sa inbox ko kasi hindi ko pa nga nase-save. Ano ba ipapangalan ko sa kanya sa contacts ko? May naisip ako hahahaha Parang akong sinapian habang tuwang-tuwa na nagta-type sa cellphone ko. "Daddy.", pigil tawa kong basa sa pinangalanan ko sa number ni Ampa sa contacts ko. Save. Matawagan nga si Daddy at ipagmayabang score ko hahahah Tinawagan ko number ni Ampa at tatlong rings bago may sumagot. [What?] Hindi pa ako nakakapag-hello, bungad sa akin 'what' agad eh... "Guess my score sa quiz mo no'ng Friday.", na-eexcite kong sabi. [The hell? Tinawagan mo lang ba ako para hulaan score mo?] Nakasimangot ako. Pwede naman sagutin agad tanong ko, nag reklamo pa eh! "Dali na, ang arte. Hulaan mo na since sinagot mo na 'yong tawag, ano ba 'yan.", sabay may pag-irap sa hangin ko pang sagot sa kanya. [Is that how you talk to your Professor, seriously Ms.Williamson?] Napa-irap ulit ako. "Hulaan mo na, ang dami mong sinasabi. Dali na!", medyo naiinis na 'yong tono ng boses ko, tinatakot ako lagi porket professor ko, pwes nasa bahay ako ngayon at wala sa school kaya walang epekto sakin 'yan. Narinig kong huminga siya ng malalim sa kabilang linya, p*tek parang nag teleport 'yong pag-hinga niya sa tenga ko, nakiliti ako bigla hahahha [45.] Nanlaki ang mga mata ko, ba't niya nahulaan? "Pa'no mo nalaman?", 'di ko makapaniwalang tanong sa kanya. [I checked your paper the moment I arrive in the office last Friday.] Alam mo 'yon? Nakaka speechless pagiging honest niya? "Bakit naman?", kunot noo kong tanong. [You looked like the only one na hindi nakikinig sa klase ko kaya I had to make sure and checked it then.] Hindi nga ako nakinig, nagkataon lang na naging 45 score ko. Isang himala. "Tss.", tanging naging reaksyon ko sa sinabi niya. Sinasabi niya sa akin na may gagawin pa siya pero kinukulit ko siya kaya 'di na namin namalayam kung gaano kahaba na 'yong napag-usapan namin, hanggang sa napunta kami sa ex-fiancee niya... Tapos tungkol sa amin. "Seryoso ka? Ba't ang bilis?" He just told me na ikakasal na 'yong ex-fiancee niya sa bago nitong boyfriend, like girl, mas mabilis pa sila kay Flash. [She's pregnant with his child, so I guess that explains why.] Natahimik ako. Nabuntis no'ng bagong boyfriend no'ng ex-fiancee niya kaya pakakasalan... What about us? What about me? Anong gagawin ni Ampa 'pag nalaman niyang buntis ako at siya ang ama? "I'm sorry... ", bigla kong nasabi. [For?] "Ikaw dapat 'yong pakakasalan niya kung hindi lang nangyari 'yong sa atin... hindi dapat ako nag-dare noon at nilapitan ka...", mahina kong sabi. Tinaas ko 'yong dalawang paa ko sa upuan, saka niyakap ang mga tuhod ko. Matagal bago siya nakasagot, he's probably thinking of what to answer... [It's bound to happen...] "What do you mean?" [Kahit hindi mo ako nilapitan no'n, there could be other women, the drug na nilagay sa inumin ko is for me to make that mistake para sirain kami ni Claire. Nagkataon lang na ikaw 'yong naunang lumapit.] Mistake... He's right tho, 'yong nangyari sa amin was a mere mistake... Pero bakit parang ang sakit pakinggan? Will the child inside me grow up as a mistake? [It shouldn't have happened. I took something important from you, it's a big mistake lalo na't you're my student.] Napangiti ako ng mapait. He's regretting what happened to us, I kinda regretted it too nung una pero no'ng nalaman kong buntis ako I kinda felt bad to regret what happened. I've always wanted to be a great mom in the future, ayokong maranasan ng anak ko ang nararanasan ko sa bahay na 'to. Kaya nung nalaman kong buntis ako, I was scared but deep inside.. There's this small happiness.. 'Yong maliit na kasiyahan na 'yon, lumalaki siya bawat araw na lumilipas... Maybe that explains kung bakit nasasaktan ako na marinig mula sa bibig ni Ampa na hindi dapat nangyari sa amin 'yon, na malaking pagkakamali lang... [How do you want me to take responsibility sa nangyari sa atin? I can't just tell you to forget about it...] "No. Let's forget about it. Gusto kong grumaduate, ibaon natin sa lupa ang nangyari, it could be both dangerous for us 'pag may nakaalam na iba. We were both to blame after all." Natahimik na naman siya sa kabilang linya na parang nag-iisip ng isasagot... "Tinatawag na ako sa baba. I'll give you the test papers tomorrow in your class. Bye." Hindi ko na siya pinasagot at binaba agad ang tawag. Binaba ko pati cellphone ko at mahigpit na niyakap ang mga tuhod ko. I heard some sayings na girls would develop some type of attachment to guys who took their first. Hindi ko alam kung ito ba 'yong nararamdaman ko kay Ampa, he indeed took something from me but he wasn't the first. Zane's POV: "Good morning class.", bati ko sa lahat nang makapasok ako sa loob ng classroom. "Good morning Prof!", bati nila pabalik sa akin kahit hindi sabay-sabay. Ibinaba ko 'yong manual ko sa mesa ko sabay napatingin sa upuan niya, kumunot ang noo ko. Where the heck is she? Napatingin ako sa pintoan nang biglang may pumasok at taas kilay ko siyang sinundan ng tingin palapit sa akin, inabot niya sa akin 'yong envelope na naglalaman ng test papers at answer sheet no'ng quiz nila last week. "Sorry, I'm late. Traffic.", tinatamad niyang sabi sa akin tapos hindi pa nakatingin. Nalilito ako sa kinikilos niya kaya hindi ko nakuha agad 'yong envelope na inaabot niya kaya siya na mismo nag lapag no'n sa mesa ko atsaka umalis para pumunta sa seat niya. Napalibot ako ng tingin sa classroom at nakitang nagtataka rin ang lahat sa inaasta niya sa harap ko, nakalimutan niya atang Professor niya ako? We were talking just fine sa cellphone yesterday nang bigla niyang ibaba agad ang tawag tapos papasok siya sa klase ko na ganyan ang inaasta? "Didn't I tell you guys that I'll mark anyone absent the moment na mas nauna pa akong pumasok sa classroom na 'to 'cause that only means one thing, you're late. I can give chance to anyone na na-late ng 5 minutes but with a valid reason... " Tinignan ko siya, "... You're late Ms. Williamson and your reason doesn't make sense especially that everyone is already here before you." Tumingin siya sa akin. Wala ba sa mood ang babaeng 'to? "So you're saying na my reason isn't valid so you're gonna mark me absent? Okay." What the fxk!? She's not even defending herself, ano na namang ginawa ko sa kanya? Tumayo siya bigla sa inuupuan niya dala-dala 'yong shoulder bag niya at akmang aalis, rinig na rinig ko ang pagbubulungan ng lahat; I need to do something. "This is not how you act in front of your teachers. I want you in my office after my class. Sit down." Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. "I said sit down.", nilakasan ko ang boses ko kaya tumahimik ang lahat sa pagbubulungan and I felt relieved na nakinig siya sa akin, umupo siya ulit sa inuupuan niya. I don't know what's her problem, I need to talk to her later. Bleu's POV: Nakaupo ako ngayon sa loob ng opisina ni Ampa. Pagkatapos ng klase niya kanina, balak kong tumakas kaya lang nakita niya ako agad at pinaalala sa akin na kailangan ko raw pumunta sa opisina niya. Ewan ko ba kung ba't ganun 'yong kinikilos ko kanina. Paulit-ulit ko na 'tong sinasabi pero grabe 'yong mood swings ko, pag gising ko kaninang umaga, si Ampa agad sumagi sa isip ko kaya Automatic na nasira araw ko kaya bw*set na bw*set ako. Na-late rin ako kasi hilong-hilo ako kanina tapos tinatago ko 'yong pagsusuka ko. Hindi ako nag almusal kahit pinagluto ako ni Manang ng paborito kong adobo kaya lang nahihilo at nasusuka ako lalo sa amoy. Biglang bumukas 'yong pintoan ng opisina niya saka siya pumasok. Nakaupo ako sa harap ng table niya. Sinara niya 'yong pinto at naglakad patungo sa akin, naupo siya sa harap ko doon sa swivel chair niya. "Hindi ko nagustuhan ang inasta mo kanina sa harap ng klase.", panimula niya. "Stop talking to me like I'm a child, I'm fcking 20.", inis kong sagot. Sinamaan niya ako ng tingin. "Can you watch your language? You're not talking to just anyone here! Professor mo ako!", medyo malakas niyang pagkakasabi. Umiwas ako ng tingin at hindi ko siya sinagot. "Why are you acting like this? We did a mistake but that doesn't mean you can disrespect me at umakto na parang hindi mo ako guro!", medyo mahina niyang pagkakasabi, takot sigurong may makarinig. Napatingin ako sa kanya ulit. "Wala ka na bang ibang sasabihin? Aalis na ako." Tumayo ako sa pagkakaupo kaya napatayo rin siya, "Ms. Williamso—" "Stop calling me Ms Williamson, okay? May pangalan ako!", "What's wrong with you? I call my students by their surnames!" "I'm not just a student! We fcked, okay?" Nanlaki 'yong mga mata niya at agad akong nilapitan, "Lower it down, you're talking too loud. Yes, we did and we both know it's a mistake th—" "Dammit! Stop saying it's a mistake! Kahapon ka pa!" "Ms.Williamson, I am not liking your behav—" "I said stop calling me that!" Napatakip siya sa bibig ko kasi lumalakas na 'yong boses ko, galit na galit na ako. Kahapon pa siya paulit-ulit sa mistake na 'yan! "Ano bang problema mo? Why are you acting like this?" Tinanggal ko 'yong kamay niya sa bibig ko. "Kahapon ka pa. Bw*set na ako sayo.", sabi ko habang nababasag na 'yong boses ko. Kumunot noo niya. "Anong kahapon? Ayos ng pag-uusap natin kahapon, wala akong ginagawa sa'yo." Tumitig siya sa mukha ko. "Ms.Williamson, Ms.Williamson ka pang nalalaman diyan t*ngna mo." "Ano ba? Hindi ka ba titigil sa kakamura mo sa akin? I'm not giving anyone a special treatment porket may nangyari sa atin, guro mo ako, learn to respect me." 'Di ko na napigilan sarili ko kaya napatakip na ako sa mukha ko kasabay no'ng pag-iyak ko. "Sht.", hindi niya napigilan 'yong sarili niyang mag mura. "Like what the heck is wrong with you? Alisin mo nga 'yan!" Tinanggal niya 'yong pagkakatakip ng mga kamay ko sa aking mukha, nang magawa niya 'yon ay tinulak ko siya; "Stop treating me like a child, stop treating me as your student, stop mentioning the word mistake! Pagkatapos no'ng nangyari sa atin, I've always felt so horrible and you keep making it worst!" Napasuklay siya ng buhok, "That's why I asked you yesterday, how do you want me to take responsibility sa nangyari sa atin? You said na ibaon sa lupa lahat, that's what I'm doing, then suddenly you're acting like this!" "Responsibility? Can you really do it? What if I ask you to date me to take reponsibility, gagawin mo ba?" Natigilan siya sa sinabi ko. Sabi ko na nga ba. Why am I even thinking about that? Sa'n ba 'yon galing? It's not like my feelings ako sa kanya, no'ng nalaman kong malabo na magkabalikan sila ng ex-fiancee niya parang sumaya ako kasi it's like a chance to tell him na buntis ako, na kahit wala kaming nararamdaman sa isa't-isa, we can make it worth para sa magiging anak namin... Who knows? Baka matutunan rin namin mahalin ang isa't-isa? But then he keeps saying it was a mistake and I kept feeling bad about it, naaawa ako sa anak ko, ayokong lumaki siya tapos malalaman niyang out of mistake? Gusto kong lumaki siya sa masayang pamilya. "You know that's not possible. You're my student.", sagot niya pagkatapos ng mahaba niyang katahimikan. "I'll change schedules. Ayoko ng makita ka." Tinalikuran ko siya at naglakad na para lumabas nang pigilan niya ako gamit sa pag hila sa akin pabalik kaya napaharap ako ulit sa kanya; "Sabi mo gusto mong grumaduate? What you want is too risky, it'll be too dangerous sa oras na may makaalam. I don't care much sa mangyayari sa akin kasi I am supposed to stop teaching anyways after ng pag palit ko kay Mrs. Rodriguez but what about you? You have a great future ahead of you, malayo pa mararating mo.", nakahawak sa braso ko niyang sabi. "Just stay with me until I graduate, nobody has to know. Walang mangyayari kung walang makakaalam except us." Napabitaw siya sa akin saka napahilot sa sentido ng noo niya, "Oh god, I can't believe a student is negotiating this to me right now... " "Kasasabi ko lang kanina tigil-tigilan mo ako sa kaka-student mo diyan.", inis kong sabi. Napatingin siya sa akin na parang nag-iisip, "Are you really sure about this? Like what do you gain if we're going to do this?" Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman niyang buntis ako, ang plano ko is to date him until I graduate, at sa mga oras na 'yon ay gagawin ko lahat para magustohan niya ako 'pag nag tagumpay ako doon ko na sasabihin sa kanya ang totoo.. Desido na ako, I want to give my child maybe not perfect but a complete family. "Just until I graduate. It's risky but it's how I want you to take responsibility since you asked for it." Napasandal siya sa table niya at nag-isip ulit. Nakatayo ako sa harap niya with my fingers crossed, hoping he'd agree. Napatayo siya ng maayos. "Nobody else should know about our relationship, it's only between us. In my class, act like a student and respect me as your professor, basically show me some respect in front of everyone.", bigla niyang sabi. "Anong ibig sabihin n'yan?", taka kong tanong. "Rules for dating me." Nanlaki ang mga mata, namuo ang isang ngiti sa mga labi ko, sa sobrang saya ko ay napalukso ako ng yakap sa kanya, gulat niya akong sinalo... "Sht am I even doing the right thing? Why the heck am I doing this.... ", rinig kong reklamo niya pero wala akong pake, ang importante pumayag siya. "No unnecessary skinship in public, don't be too clingy and obvious to avoid speculations, adding that to my rules that you need to abide.", patuloy niya saka tinulak ako mahina palayo sa kanya. "Just be a good boyfriend to me until I graduate, that's my only rule.", sabi ko. "Yeah, whatever. Just leave already, your next class is starting soon.", parang jet lag pa sa nangyayari niyang sabi. "Wala bang kiss?", pabiro kong sabi sabay ngumuso pa sa harap niya nang itulak niya noo ko gamit hintuturo niya; "Jesus Christ, it's my office, you unholy thing. Leave." Natawa ako sa reaksyon niya, hindi ko na siya kinulit kasi parang nalilito pa siya sa nangyari. Nagpaalam ako ulit sa kanya bago ako lumabas para pumasok sa susunod kong klase. I've accomplished the first step of my plan, now I need him to fall for me. Zane's POV: Nasa loob ako ng opisina ko ngayon, kahapon pa ako lutang kasi hindi ko alam kung tama ba naging desisyon ko sa pag payag sa kagustohan ng babaeng 'yon. I'm kinda worried, this is really complicated lalo na't she's a graduating student at kahit na temporary professor lang ako ng University na ito, a student-teacher relationship is still forbidden. I think I heard she's 20 years old? I'm fcking turning 26 in the next few months, that means i'll be 6 years older than her, this is just so wrong. Well, the fact na hindi ko naman talaga siya magiging estudyante kung hindi ko lang tinanggap 'yong offer na palitan si Mrs. Rodriguez sa semester na 'to which is tinanggap ko lang dahil hinahanap ko siya noon at nalaman kong sa La Sobremesa University pala siya nag aaral and it turned out that I got the offer the same time I knew she is attending this school. I started teaching when I was 21, I was ahead of my batch. Dapat magre-retire na ako sa pagtuturo after teaching for almost 6 years kasi i'll be taking over our family's business, i'm retiring after the semester ends but it still feels wrong to date a student especially way younger than me. I've been always so strict and serious about teaching, i've encountered a lot of seduction and temptation from my other female students before, there even one student who tried to bribe me in exchange of dating her secretly, that is so wrong and I don't allow that kind of behaviour so pinaalam ko sa parents niya, so they transferred her to a different school after that. I was never once tempted, I hate those kind of stuffs at isa pa at that time I was already dating Claire but look at what I've fcking done, I messed up big time! Sino ba mag-aakala na sa karamihan ng babae sa club no'ng gabing 'yon ay isang estudyante ko pa nagawa 'yon? It's not like 'yong nangyari sa amin ay sinadya, I was under the control of an arousal drug and alcohol, while she was dead drunk... It's not anyone's fault, we weren't on our right minds no'ng ginawa namin 'yon. Walang sekretong hindi nabubunyag, and i'm really afraid na baka masira ko ang kinabukasan ng babaeng 'yon dahil lang sa nangyari sa amin. Nilalaro ko 'yong ballpen ko habang nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip kung anong gagawin ko, kung sasabihin ko ba sa kanya na binabawi ko 'yong pag sang ayon ko kahapon, basta ewan ko, i'm actually quite knowledgeable in a lot of stuffs kaya nga naging guro ako and why I was ahead of my batch pero tangina nabobobo ako sa ganitong sitwasyon. Napatigil ako sa paglalaro ng ballpen ko at napatingin sa pintoan nang may kumatok, naupo ako ng maayos at sinuot 'yong glasses ko. "Come in.", ani ko. Bumukas 'yong pinto, akala ko kung sino, siya lang pala. Pumasok siya at sinara ang pinto. "What are you doing here Ms. Williams—", hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng samaan niya ako ng tingin, "Wag mo nga kasi akong tawaging Ms.Williamson 'pag tayong dalawa lang.", ani niya. Nasanay akong tawagin siyang Ms. Williamson, ni hindi ko nga maalala pangalan ng babaeng 'to dahil sa rason na 'yon. "Call me by my name, try mo.", sabi niya sabay naupo sa harap ng mesa ko. "What's your name again?", 'di ko nga maalala, kaya lang sumama 'yong Timpla ng muka niya para akong natakot sa buhay ko at sa isang iglap naalala ko agad pangalan niya... "B-bleu, right?", tanong ko. Ngumiti siya nang marinig pangalan niya. Women, see how fast their mood changes? They can be mad at you for a second, and the next second is they're already smiling like nothing happened. "Anong ginagawa mo dito?", tanong ko ulit. Hindi siya pwede palaging pumupunta sa office ko, baka makahalata 'yong ibang mag estudyante. May inilapag siya sa mesa ko na hindi ko napansin na dala-dala niya nang pumasok siya. Is that a lunchbox? Bleu's POV: Dinalhan ko siya ng lunch, hindi ako nagluto syempre, the food was cooked by Manang Cynthia for me kaya lang ng buksan ko kanina nasusuka ako kaya kesa sa itapon ko ay ibibigay ko nalang kay Ampa. "Why are you giving this to me?", tanong niya habang binubuksan 'yong lunchbox sa harap niya. "Ohhhhhhh", reaksyon ko sabay napaatras kasi hindi ko gusto 'yong amoy ng niluto ni Manang, taas kilay na napatingin sa akin si Ampa. "What's with the reaction? Are you giving me a spoiled food?", inamoy niya 'yong pagkain sa loob ng lunchbox at kumunot noo niya. "This smells alright ba't ganyan ka maka-react?", nagtataka niyang tanong. Inatras ko 'yong inuupuan ko ng medyo malayo sa mesa niya at sinundan niya lang ako ng tingin. "I'm not a fan of that food.", pagsisinungaling ko nalang. Tinakpan niya 'yong lunchbox at tumingin sa relo niya. "Thank you for this, i'll eat it later. Anyway,..." Ano na naman sasabihin niya? "... Stop going here in my office frequently. If you keep doing that, mapapansin agad ng nakakarami at baka magtaka, I told you, we should avoid speculations... It's not good for the both of us if a word gets out." Napairap ako. Ang seryoso masyado, ganyan ba makipag-usap ang boyfriend sa girlfriend niya? The way he talks to me ay parang estudyante niya parin ako kahit kami lang dalawa andito. "Ganyan ka ba makipag-usap kay Claire?", malayo sa sinasabi niyang sagot ko. "What do you mean?", he asked with his eyebrows furrowed. "I mean, no'ng kayo pa ni Claire... Paano kayo mag-usap?" "Why are you bringing her up? I'm trying to move on.", may halong inis niyang sabi. Tinignan ko lang siya na parang inaantay ko 'yong sagot niya sa tanong ko; "We talk normally, what answer are you expecting? Just like how other couples talk." I crossed my legs. "So hindi gaya ng pakikipag-usap mo sa akin?" "She was my girlfriend and you're my student, of course, there's a big difference on how I talk to you and how I talk to her." Pinanliitan ko siya ng mata, I gave him a very unpleasant look... Hindi ko nagustohan sagot niya, sabi na nga bang estudyante parin tingin niya sa akin. Naintindihan niya ata ang binigay kong tingin kaya nag-explain siya agad. "Okay, i'm sorry. We're indeed in a relationship now, pero iba 'yong sa amin ni Claire, minahal ko siya, while wala akong feelings sayo." Yeah right, minahal... Past tense kahit alam kong minamahal niya pa rin hanggang ngayon. "I can't help it that I only see you as my student." No'ng una, banas na banas ako sa word na mistake, ngayon nadagdagan, banas na banas ako sa katagang estudyante. This can't be it. Ang tigas ng lalaking 'to, if hahayaan ko lang siya na tratuhin ako bilang estudyante lang then baka hindi na mag bago 'yon kahit we're in a secret relationship right now, I need to do something. In order to make progress sa relasyon na 'to, kailangan kong gumawa ng paraan para makaalis sa student zone na 'yan. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at naglakad palapit sa kanya, huminto ako sa harap ng mesa niya. "What?" "Do you remember every details of what we did that night?", biglaan kong tanong, nagulat ko pa nga ata siya sa tanong ko. "I don't. Which is a good thing.", sagot niya sa akin. Nginitian ko siya. Isinampa ko sa mesa niya ang dalawang kamay ko as I leaned closer to him, medyo napa atras siya; "Then maybe that explains why kung bakit you talk to me like I'm a kid, na I'm just your student kasi if only you have remembered every details of what we did that night you wouldn't be able to see me as a student anymore." Nakita Kong napalunok siya ng laway kaya mas lumapad ang ngiti ko. "I would appreciate it if you could lean back, baka may makakita sa atin.", tanging nasagot niya sa sinabi ko. "We're dating dahil sa kagustohan ko, but i'm not really happy on how you treat me kaya babaguhin ko 'yon." Kumunot ang noo niya. "And how do you plan on doing that?" Is he challenging me, perhaps? "I'll be someone you won't be able to resist." Hinigit ko 'yong necktie niya saka siya hinalikan sa labi. Matagal bago siya nakapag react, I was there kissing him for almost a minute hanggang sa buong pwersa niya tinulak 'yong mesa niya para umatras 'yong inuupuan niyang swivel chair kasama siya. Napatayo siya agad at napahawak sa necktie niya. "You're insane! That was dangerous!", 'di makapaniwalang niya sabi. Natawa ako. "Namumula ka Prof." "Namumula my ass." Mas natawa lang ako sa sagot niya. "I'll give you more kisses next time but as of now, I still have classes to attend. I'll see you around.", sabi ko at kinindatan siya. Tumatawa akong lumabas sa opisina niya pero nang makalabas ako sa library ay agad akong napaupo sa unang upuan na nakita ko. Kanina pa nanghihina tuhod ko dahil sa ginawa ko, mukhang matapang lang ako kanina pero sasabog na 'yong puso ko sa sobrang kaba. I actually did that. Napahawak ako sa labi ko at parang t*nga 'di ko namalayan nakangiti pala ako ng sobrang lapad.
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 99 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (600)
nikolzyn
nakakiyak yung kay kevin bonga magpaiyak ni ante,hope na makagawa ka na ng book 2 nakakabitin at the same time maganda den yung flow ng kwento bwisit lng talga si claire😑
06/08/2022
2
EnteriaElla
Shet author ito yung pinaka magada at masakit nabasa ko dito plss drop the book 2 na po😭😭btw po di po ako makapaniwala na wala kang passion dito ang ganda mo po ng pagkasulat nyo parang pang professional datingan!!:)
01/08/2022
3
gomezmaicy
😍😍😍grabe super ganda nito wala akong nilaktaw kahit konti lahat binasa k..lalhat ng emosyon talagang madadama m sa story n ito kikiligin matatawa at maiiyak k..galing ng pagkaka sulat m author..excited n ako para sa book 2 aabangan k tlga yun..thank u sa napaka gandang story 😊
nakakiyak yung kay kevin bonga magpaiyak ni ante,hope na makagawa ka na ng book 2 nakakabitin at the same time maganda den yung flow ng kwento bwisit lng talga si claire😑
06/08/2022
2Shet author ito yung pinaka magada at masakit nabasa ko dito plss drop the book 2 na po😭😭btw po di po ako makapaniwala na wala kang passion dito ang ganda mo po ng pagkasulat nyo parang pang professional datingan!!:)
01/08/2022
3😍😍😍grabe super ganda nito wala akong nilaktaw kahit konti lahat binasa k..lalhat ng emosyon talagang madadama m sa story n ito kikiligin matatawa at maiiyak k..galing ng pagkaka sulat m author..excited n ako para sa book 2 aabangan k tlga yun..thank u sa napaka gandang story 😊
29/07/2022
3View All