logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

Iris’ POV
"Miss, employee ka ba dito?"
I facepalm myself mentally. I forgot.
"Ah no. In the future siguro. Magiging boss mo din ako" ngiting sabi ko dito kaya natawa ito.
"Sorry, Maam. Bawal ho kayong pumasok. Employee lang ho at yung may ari ang pwedeng pumasok"
Nilabas ko yung school I.D ko at pinakita. When he saw my name, he went paled and panic,
"S-Sorry po, hindi ko alam. Wag nyo po akong tatanggalan ng trabaho. May mga anak po ako. Anim po ang anak ko at lahat mga bata pa"
Ay grabe si kuya. Dami sinabi.
"No worries. You're just doing your job. God job anyway, pagbutihin mo ang trabaho okay? Dahil sa inyo safe lahat ng employees. I will ask my dad na dagdagan ang salary nyo" sabi ko at pumasok ng company.
"S-Salamat ho maam Iris!"
Kumaway lang ako ng patalikod.
Mr. Samuel Sanchez. I know him. O
4 months from now may mga taong manloloob sa isa sa mga Jewelty store namin. Ilang linggong mapapanood sa balita ang hold-up-an sa TV. Maraming tao ang mamamatay at mapapahamak. At dahil dyan unti unting masisira ang reputasyon ng kumpanya. Our company will experience one of its greatest setbacks.
Mr. Sanchez helped the group to enter our company. Why? I asked my dad to fire him. Kagaya kanina, hindi nya ako hinayaang pumasok. During that time hindi ko dala ang ID ko kaya hindi nya ako pinaniwalaan. First time ko kasing pumunta ng company. I was so stupid, that I just need to call my dad so I can enter and just fired him without any explanations. During that time, kinailangan din nya ng malaking halaga sa nalalapit na panganganak ng asawa sa ika pito nitong anak. Dala ng kagipitan at galit ay nagawa nitong gamitin ang nalalaman about sa company para makapasok sila. Nanlaban din ang ilan sa mga securities kaya nagkaroon ng shoot outs. Maraming nadamay na empleyado. Ang pinakamasama ay maraming namatay. In the end, the media found out what I did, making our brand’s reputation bad.
And it's my fault. Again.
Napabuntong hininga ako at napangiti ng mapait. Habang dumadaan ang araw narerealize ko kung gaano ako kasama. Hays.
"Hi Miss, Beautiful!" napataas ang kilay ko ng may sumulpot sa harap ko na feeling gwapo. Nilagpasan ko lang sya kaya napakamot ito sa ulo.
"sunget naman. Magpapakilala lang" natawa ako at napahinto. Sa totoo lang hindi naman ako naiinis.
I faced him and crossed my arms.
"Go ahead, magpakilala ka" narinig kong tumawa ang ilang empleyado. Namumula na kasi ang mukha nito at hindi maka tingin sa akin. Puro yabang naman pala.
"I-I'm Charles Alfonso, an accountant, 24 years old, single . How about you miss?" sabi nito sabay kindat.
Napangiti ako.
"I'm Iris Austin, a student and your future boss, 18, single. Okay na??"
Napasinghap sila sa gulat at nanlalaki ang mga mata. Si Charles naman ay namutla habang nakatulala sa akin. Naramdaman ko ang pagbabago sa paligid. Everyone becomes stiff and frightened.
I can't blame them. Though they don't know how i look like, they know how brat and selfish i am. Rumors is like a wildfire. Mabilis kumalat.
"S-Sorry po" nakayukong sabi nito.
Napapa iling na lumapit ako dito.
"hey" tawag ko dito. Dahan dahan itong nag angat ng tingin.
"Ouch!"
Natawa ako ng malakas. Napalakas ata yung pitik ko sa noo nya.
"May ginawa ka bang kasalanan? Wala naman diba? Bakit ka nag sosorry?"
Umiling iling sya habang naka ngiti at hawak ang noo. Parang baliw. Psh.
"Back to work people" palakpak ko kaya sabay sabay silang nag sipulasan at bumalik sa kanya kanyang gawain.
Tumalikod na ako at pumasok ng elevator. Nahagip pa ng paningin ko ang mga matang naka tingin sa akin.
'Charles Alfonso huh? '
I have the urge to laugh right now. I accidentally met him. That lazy bastard tsk hahaha!
I won't let you escape my company. I better make use of his brains. A year from now, he will leave Austin Corp to join another company, and that's because he fell in love with the owner's daughter. Like a lovesick puppy, he changed from a lazy playboy into cunning financial director. He is famous because he is the reason why that company jumped from Class B into A class in span of one year.
I remember Dad's face fell in shock and disbelief during an elite gathering. Who would not? That person is just a simple accountant in our company. 
-
.
.
Charles Alfonso POV
God! I just saw your greatest creation.
Hanggang ngayon nakatulala pa rin ako. Sino bang hindi? I met my Boss' daughter. I looked stupid but it was worth it. Nakatitigan. Nakausap. At napitik pa sa noo. Hahahaha! Kinikilig ako!
"Para kang tanga jan Charles. Magtrabaho ka jan kung hindi isususmbong kita kay maam Iris!" napasimangot ako, pero napangiti din pagkatapos.
"Mind your own business, panget" oo panget talaga sya. Ako kasi ang pinakagwapo sa department namin. Lahat ng tumatabi sa akin nagiging pangit.
"Yabang. Oo gwapo ka ng kaunti pero hindi ka magugustuhan ni Maam Iris"
"That's below the belt. Kapag yan nagkatotoo sasamain ka sa akin!" sabi ko na naka amba ang kamao. Susuntukin ko talaga to.
"Chill bro. Biro lang" naka taas ang dalawang kamay nito. "Pero bro, di ba sabi nila masama ang ugali ng anak ni Sir na panganay? And we all know that Miss Kimi is not that bad"
"isn't obvious? Tsismis lang ang mga yon. Baka mga inggit lang. You can see how beautiful she is. Maraming maiinggit at mag hahabol"
"oo nga bro! Ang ganda ganda at ang bait pa. Ang ganda nya ngumiti at nakakadala yung tawa nya. As in matutulala ka nalang. Dinaig pa nya yung mga artista sa tv" nag dedaydream na sabi nito
"I know. Mas malapit kaya ako. Kung nakita nyo lang ang ganda ng mata nya. Para akong nalulunod pero masarap sa pakiramdam. I can die happily"
"Ang swerte mo naman bro"
"Alam ko hahaha"
Nagkatawanan ang magkaibigan. Simula din ng araw na iyon bagong balita ang nabuo ng lingid sa kaalaman ni Iris. People started talking about how kind and good she is. Not to mention that she also has great looks.
-----------------
Efraim’s POV (Iris’ dad)
"Come on Dad! Ang bagal mo!"
"B-Baby. Di ko na kaya!"
"What? E hindi pa nga tayo nakaka layo Dad! Naiiwan na tayo ni Kimi"
"Heto na, sige na"
Diyos ko namang mga bata ito, pati ako dinadamay. Hindi ko na kayang mag jogging ng ganito. Nakakapagod.
"Dad!"
Binilisan ko ang pagtakbo para makahabol sa dalawa kong prinsesa. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang pagsulyap at pagtitig ng ilang kalalakihan sa Baby at Bunso ko.
Bastards!
Mas binilisan ko ang pagtakbo. Lahat ng madadaanan ko ay sinasamaan ko ng tingin.
"Touch and even look at my daughters, i swear mata nyo lang ang walang latay mga hijo"
"s-sorry po" sabi ng dalawa sabay takbo.
"Good!" madali naman pala silang kausap
"That's embarassing" Kimi whispered while covering her eyes.
"anong nakakahiya Bunso?"
"Nagtatanong lang sila ng directions dad!"
"Bakit? Ang daming ibang tao sa paligid bakit sa inyo nag tatanong? Alam ko na mga diskarte ng mga yan. Mga kabataaan nga naman"
"Ang sabihin mo, dad. Gawain mo yan noong kabataan mo!"
"hindi!"
Magsasalita pa sana si bunso ng hinila kami ni Iris sa magkabilang braso. Natatawa ito habang hila hila kami.
"Don't fight anymore. Protective lang si dad, Kimi. Sa susunod wag tayo mag titiwala sa kung sino sino lalo na at hindi natin kilala. Mararaming- na, na r-rape sa panahon ngayon"
Yumuko ako at sinilip si Iris. Seryoso ang mukha nito at naka kunot noo. Pero ng mapansin nyang nakatingin ako ay ngumiti ulit ito.
"Pero dad wag ka din basta bastang mananakot ng mga lalaking lumalapit sa amin okay? Baka tumanda kaming dalaga ni Kimi dahil sayo"
"Right!" sabat din ni Kimi.
Napasimangot ako. Kung pwede nga lang ay hindi ko sila gusto ibigay sa kahit na sino. Sila ang kayamanan ko.
"di pa ba tayo tapos? Ang layo na ng tinakbo ko tama na" reklamo mo
"Not yet, dad. Warm up lang yon. Mag te-tennis tayo every weekend para healthy ka, okay? Tapos at least 1 hour jogging, okay? " nakapamewang na sagot ni Iris. Mas mahigpit pa ang batang to sa Mommy nya.
"o-okay" nakangiwing sabi ko. Pinagtaasan kasi ako nito ng kilay. I can't take it. Para kong nakikita ang Mom nya sa kanya kapag galit. I don't like it kapag galit ang asawa ko.
Pinanood kong pumili ng raketa ang magkapatid. Napangiti ako ng malapad habang pinagmamasdan sila. Unti unti na silang nagkakasundo ulit. At nagiging malapit na ulit sa amin si Iris. I don't know what happened to her but i am glad that she's closer now. I miss my baby princess. I want her to be happy.
Kung may magagawa lang sana ako para mapapayag si Rexel sa engagement ginawa ko na. Pero impossible. Pamilya ni Rexel ang babanggain ko. I am just a second-class businessman. My words and money is nothing to them. But i will try harder. Papalaguin kong lalo ang negosyo ko, baka sakaling pumayag sila. I will do anything.
"Dad, come here"
"I’ll be there "
Inabutan ako ng tennis ni Iris.
"tuturuan ka ni Kimi, dad. Kaya listen carefully"
"Ako???!" 
"oo ikaw. Sino ba tennis player sa ating dalawa?"
Tennis player?
Kimi rolled her eyes. Ang cute ni bunso
Hindi ko alam kung ilang oras akong tinuruan ni Kimi. Ang alam ko lang ay sobrang nag enjoy ako at masasabi kong magaling mag turo si Bunso.
Inabutan kami ng towel at tubig ni Iris. Ang sweet.
"Thanks. Saan ka galing" tanong ni Bunso kay Iris.
"Nag jogging. Bakit miss mo na agad si Ate?" Pang aasar ni Iris making kimi’s face red na ikinatawa ko.
"What the heck?!"
"Kimi! Language"
"Sorry. Nang aasar kasi si Iris"
Natawa lang si Iris. She also sticks her tongue at her. Nakakatuwa silang tingnan
"By the way Dad. Alam mo bang panlaban ng school namin sa tennis si Kimi since high school up until now?"
" Iris!!! " sabat ni Bunso
Nahinto ako sa pag inom at di makapaniwalang tiningnan si Bunso.
"Talaga?!" masayang tanong ko. "bakit di mo sinabi sa akin? Hindi man lang kami nakapanood ng mommy mo"
"i told you" Nag iwas ito ng tingin
I was stunned and felt the guilt eating me. I don’t remember and not aware of this.
"I’m sorry, bunso"
"It's okay Dad. I know you're busy. Naiintindihan ko naman" niyakap ko siya at hinalikan sa ulo. Ang laki na pala ng bunso ko.
"Pwede bang manuod ng game mo? Sabihin mo sa akin ha?"
"Pupunta ka? " Hopeful na tanong nito. Gantong ganto ang itsura nya noong bata pa kapag nanghihingi ng ice cream.
"I promise"
"Thank you " she answered with an excited smile on her face.
Napatingin ako kay Iris. Did she plan this? Sinadya nya ba talagang yayain ako para makapag bonding kami ni Kimi? I am ashamed that i didn’t know about Kimi anymore, not to mention Iris. Akala ko masyado ko ng namonitor si Iris, but i am mistaken. I don't know how she thinks anymore.
She smiled at me. I can see how happy she is while looking at us. I mouthed 'thank you'.
She mouthed 'welcome'.
I knew it. She did this.

Book Comment (121)

  • avatar
    Herchel28

    SOBRANG GANDA 😍😍😍 WAITING PA RIN SA NEXT CHAPTER 😁 WAITING DIN SA WBS😍😍😍

    15/05/2022

      2
  • avatar
    PendatunNormina

    kailan next updtaeeee

    25/02

      0
  • avatar
    Enylaehr

    for the first time, i enjoyed reading something in this app!! thank you so much for this wonderful story, i really like Iris, and i like how you write everything!!

    03/06/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters