logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

PART 6 KABANATA 5

ASHANTI (POV)
I was just standing here.
I don’t know why… but I couldn’t move my body. I just stared at Blake, walking slowly toward me.
Nang ilang metro na lang ang layo niya sa akin, tumigil na siya.
His bloody eyes stared at me, kaya medyo nailang ako.
Nang medyo okay na ang pakiramdam ko, dahan-dahan akong umatras palayo kay Blake.
Tinaasan ko siya ng kilay bago nagsalita.
"What are you doing here? Hindi ko alam na ang prinsipe ng mga bampira ay isa palang trespasser," sabi ko sa kanya.
Ngumisi lang siya sa akin, kaya naman nakaramdam ako ng kaba.
"I know you feel it. I know you feel me. Your heart recognizes me, but you always deny it," sabi pa niya… habang ako'y umiling lang.
"I feel it too, Ashanti. He is our mate," dagdag ni Dani, ang inner wolf ko. I closed our mindlink agad para hindi ko na marinig ang mga susunod pa niyang sasabihin.
"Come on, Blake… umalis ka na. Kapag nalaman nila Kuya na andito ka, baka kung anong gawin nila sa’yo." Tinaboy ko siya, pero parang bato lang siyang nakatayo sa harap ko, nakatitig nang mariin.
"I know you won’t let them hurt me," sagot niya, panatag at punong-puno ng determinasyon. Tinaasan ko ulit siya ng kilay.
"You sure?" nanghahamon kong tanong.
Ngumisi lang siya at dahan-dahang lumapit sa kinatatayuan ko.
Aatras sana ulit ako… pero parang may kung anong puwersa ang pumipigil sa akin. Hanggang sa hindi ko namalayan, nasa harap ko na pala siya.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hapitin sa bewang at mahigpit na niyakap.
"Do you believe me… when I say, even if you're not my mate, I would still choose you over her?" malambing niyang bulong habang yakap-yakap ako.
Napatawa ako nang sarcastic.
"Kailan ka pa naging joker, Blake? Sinong tanga ang pipili sa hindi niya mate kaysa sa totoong itinakda sa kanya?" inis kong tugon.
Narinig ko ang mahinang tawa niya, kaya medyo nakiliti ako.
Sh*t! Bakit ganito ang epekto niya sa akin?
‘Cause I’m your mate.
Napaatras ako dahil sa narinig ko. The heck?! Sino ‘yon?
"That’s me..." nakakaloko niyang sagot, sabay lapit at hawak sa kamay ko.
"Just accept it. I am your mate. It hurts me every time you deny me as yours." Kita ko ang pait at sakit sa mga mata niya habang sinasabi iyon.
Hindi ko alam pero may sumakit din sa dibdib ko. Ganon na ba ako kamanhid para hindi ko mapansin? Na ang lalaking kinaiinisan ko sa school ay siya palang itinakda sa akin ng buwan?
"I always dream about you every night. Then one day, something weird happened. Every time I saw you smiling at another guy, I felt my heart breaking. Until I realized... you are my mate. That’s why naglakas-loob na akong umamin kanina—but you just laughed at me," mahabang paliwanag niya.
Nakaramdam ako ng inis sa sarili ko.
"Ikaw rin kasi! Akala mo lahat puro biro. Yan tuloy, nag-confess na pala ang mate natin kanina pero pinagtawanan mo lang," ani Dani.
"Shut up, will you?!" gigil niyang sagot kay Dani. Tumahimik na lang ito.
Bumalik ako sa pagtitig kay Blake at nahihiyang yumuko para itago ang pamumula ng mukha ko. Sh*t! First time kong gawin 'to sa isang nilalang.
"Uhm... Blake, I’m sorry. Sorry if I denied you as my mate. But from now... I realize I don’t need to pretend anymore. Sa totoo lang, matagal ko nang alam na mate kita. But I ignored it... kasi natatakot ako. Alam mo naman, diba? Magkaaway ang mga lahi natin."
Yes, that’s my biggest secret. Na hindi ko masabi kahit kanino—lalo na sa dalawang kapatid ko.
Na ako’y nakatadhana sa future vampire king.
Kita ko ang gulat sa napaka-gwapo niyang mukha.
"F*ck!" malutong niyang mura, kaya mabilis ko siyang nilapitan at tinakpan ang bibig niya.
"Don’t shout! Baka marinig ka nila sa baba," saway ko.
Naramdaman ko na naman ang mga braso niya na mahigpit na pumulupot sa bewang ko.
Tiningala ko siya, at tinitigan ang napaka-gwapo niyang mukha.
‘She’s so lucky,’ ani niya sa isip.
"Yeah... you’re so lucky to have me as your mate," sagot ni Blake.
Dahil sa gigil, piniga ko ang matangos niyang ilong.
"Gosh! Don’t read my mind, will you!" inis kong sabi.
Bigla na lang may pumasok na tanong sa isip ko kaya tumigil ako sa pagharot.
Seryoso akong tumingala kay Blake at dahan-dahang ikinawit ang mga braso ko sa leeg niya.
"Blake..." tawag ko habang nakatitig sa tsokolate niyang mga mata.
Alam kong hindi siya agad sasagot, kaya nagpatuloy ako.
"Paano tayo?" tanong ko.
Tinitigan niya muna ako bago sumagot.
"Anong ‘paano tayo’?" balik niyang tanong habang abala sa pag-amoy ng buhok ko.
"Siguradong tutol sila sa atin... ang pamilya ko, ang pamilya mo, lalo na ang mga elders at ang council ng ating lahi," sabi ko.
Naramdaman kong humigpit ang yakap niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, pero ramdam ko: I feel safe in his arms.
Biglang naging kulay dugo ang kanyang mga mata at lumabas ang kanyang perpektong pangil habang sinasabi ang mga salitang nagpapatunaw sa puso ko—at nagpalis ng takot.
"Even if our races are against us, I don’t care! What really matters is that we’re together. No one will tear us apart. Because I, the future king—Blake Axel Blood—promise that I will protect you and love you until our very, very last breath."
After his overwhelming speech, I tried my best to reach his lips and gave him a warm kiss.
Yes, ako ang unang humalik.
And yes… we’re kissing under the red moonlight.
This time, I also promised myself
I will protect him too.
I will protect the man who caught my tangled heart.

Book Comment (63)

  • avatar
    Rochelle Mondin

    Nice story

    08/09/2023

      0
  • avatar
    Ken Salinay

    Ken

    01/11/2024

      0
  • avatar
    Arvin Pamfilo

    ang ganda ng kwento

    23/10/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters