ILUMINA (POV) “Clover, saan ka na naman nagtungo? Bakit ang dumi mo na naman?” tanong ko sa aking alagang kuneho… pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Kaya winagayway ko ang aking isang kamay at may inusal na dasal. Biglang nagliwanag ang aking palad, kasabay nito ay ang pagliwanag ng katawan ng aking kuneho. “Uulitin ko ang aking tanong, Clover... saan ka na naman ba nagtungo? Bakit ka ganyan kadumi?” tanong ko muli sa kanya, may halong pagtataka. Parang maamong tuta itong tumingala sa akin sabay sabing... “Pasensiya na, Ilumina... ako’y nakipaglaro lamang sa isang Tagalupa,” sagot niya. Nagulat ako sa aking narinig. “A—ano? Nakipaglaro ka?! Paano kung dakpin ka niya? Paano kung ibenta ka niya sa ibang Tagalupa? Ano, maiiwan na naman akong mag-isa?” sunod-sunod kong tanong. “Hindi naman sa gano’n. Alam kong mabait siya at wala siyang masamang intensyon. Tandaan mo, Ilumina... hindi lahat ng Tagalupa ay masama, kagaya ng iniisip mo,” matapang ngunit malamig niyang tugon. “Para sa’yo... oo, hindi lahat masama. Pero kahit kailan, hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila kay Ina,” malamig kong sagot, at ginamit ko ang aking kapangyarihan upang maglaho. Ngayon, nakaupo ako sa itaas ng bubong ng aking tore. Gusto ko lang pagmasdan ang kagandahan ng paligid... at ang ningning ng buwan ngayong gabi. Bukas ay kaarawan ko na. At sa pagsapit ng gabi, iyon na rin ang hudyat para lisanin ko ang aking tore. Tumingala ako sa kalangitan at nagbitaw ng isang pangako—pangakong tutuparin ko pagkatapos ng aking misyon. Pumikit ako nang biglang humampas sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Pagdilat ko ng aking mga mata, napabalik-tanaw ako sa mga pangyayaring matagal ko nang ibinaon sa limot. --- [ANG NAKARAAN] Masayang naglalaro ang isang batang babae sa ilalim ng mga matataas na bulaklak, habang ang kanyang ina ay tahimik lamang siyang pinagmamasdan. “Ika’y lumaki nawa na puno ng kabutihan ang puso, aking Celestina… at maging matatag sa kahit anong pagsubok ang ibigay sa’yo,” mahinang bigkas ng kanyang ina habang nakatanaw sa anak na abala sa paglalaro. “Ina!” tawag ng maliit na tinig. Nakita niya na lang na tumatakbo papalapit sa kanya ang kanyang anak. Kahit bata pa lamang ito, litaw na litaw na ang kagandahan nito… Sa mala-kagubatan niyang mga mata, sa malambot at itim na buhok, sa matangos na ilong, at sa hugis-pusong mukha... sigurado siyang libo-libong kalalakihan ang mabibighani sa kanyang anak balang araw. Hindi niya napansin na nakalapit na pala ito sa kanya. “Ina, ang lalim naman yata ng iniisip niyo,” nakangiting sabi ng bata. Mahinang natawa ang ina dahil sa kapansin-pansing obserbasyon ng anak. Binuhat niya ito at pinaupo sa kanyang kandungan. “Ilumina, mangako ka sa akin na kahit kailan, hindi ka magtatanim ng sama ng loob sa mga Tagalupa o kahit kaninong nilalang,” wika niya. Tumango-tango naman si Ilumina. “Ayoko ng tango-tango lang. Ilumina Celestina Hedalgo,” dagdag pa niya, sabay bigkas ng buong pangalan ng anak. “Opo... pangako 'yan, Ina.” Sa katagang iyon ay naging panatag ang kanyang puso. Nasa silid na sila at handa nang matulog nang biglang magsalita ang batang babae. “Ina, pwede niyo po ba akong kantahan?” malambing na pakiusap ng bata. Hinalikan muna siya ng ina sa ulo bago sumagot. “Oo naman, mahal kong anak,” sagot niya. Nagsimula siyang humuni... hanggang sa kinanta na niya ang paboritong awitin ng kanyang anak. Nakita niya ang unti-unting pagdampi ng antok sa mga mata nito. Pero bago tuluyang sakupin ng kadiliman ang diwa ng bata, may sinabi itong nagpaluha sa puso ng ina. “Mahal ko kayo ni Kuya... Ina,” mahina ngunit malinaw na bulong ng kanyang bunsong anak. Hinalikan niya ito sa noo at inayos ang kumot nito. “Magkikita rin kayo sa tamang panahon, Celestina ko...” bulong niya, bago tuluyang lumabas ng silid. --- [KASALUKUYAN] Kamusta na kaya ang aking nakatatandang kapatid? Alam niya na kay Ina ay pumanaw na? Bakit hindi niya ako pinuntahan noong panahong kailangan ko siya? Naalala niya pa kaya kami—ako? Maraming tanong ang laman ng isipan ko… at alam kong ako lang ang makakasagot sa mga ito sa aking pagbaba sa lupa. Tumingala ako muli sa langit. Aking Ina… sana ako’y iyong mapatawad sa aking desisyon. Nais ko lang gawin ang tama. Sana ako’y iyong suportahan. Mahal na mahal po kita. Pagkatapos kong sambitin iyon, nagpasya na akong bumalik sa loob. Lumalamig na sa labas. Unang bumungad sa akin si Clover. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay. “Ilumina, bati na tayo,” basag niya sa katahimikan. Hindi ako pinalaki ni Ina na marunong magkimkim ng galit. Pero dahil sa trahedyang nangyari, natutunan ko kung paano. “Ilumina, patawad…” dagdag pa niya. Hindi ko na siya natiis. Kinarga ko siya at niyakap ng mahigpit. “Matitiis ba kita? Alam mo naman, ikaw na lang ang natitira kong pamilya... ayoko lang na mapahamak ka,” sabi ko habang yakap ko pa rin siya. “Mahal na mahal din kita, Ilumina,” sagot niya pabalik, kaya mas lalo ko siyang niyakap. Si Clover na lang ang natitira kong pamilya—at hinding-hindi ko hahayaan na mawala siya sa akin. --- GOLDEN CRESCENT PACK ASHANTI (POV) Kakauwi ko lang galing school and you know what? I am super duper hagard na and tired—gosh. And my eyes? Gosh, nawala na ang pagka-innocent nito… dahil sa abnormal na lalaking iyon. Imagine, nag-half naked ba naman sa harap ko! Then he said he's my mate daw?! Eh wala naman akong na-feel na attraction between us eh. Like duhh! Ako pa gagawin niyang... bb! Pagpasok ko pa lang sa mansion, bumungad na agad sa akin ang bitchy face ni Shanara. Wow. Just wow. Kina-career niya talaga ang pagiging temporary Luna ng pack na ’to ah… how dare her. “Oh... hi, sister-in-law. Good evening,” bati niya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at malamig na sabing: “You know what? Stop calling me sister-in-law, ’cause it irritates me so much.” Tumalikod na ako, pero bago tuluyan, may pahabol pa ako sa kanya: “And by the way… don’t expect too much. ’Cause you know what? The real Luna has already arrived.” At iniwan ko siyang tulala. Hmp. Bagay lang sa kanya ’yon. She’s so felingera. Wala naman siyang ibang maipagmamalaki except sa kalandian niya. Duhh. That bitch. I hate her so much. Napadaan ako sa veranda ng aming mansion… kaya napatingin ako sa buwan. At laking gulat ko nang makita ang kulay nito. What the hell is happening to the moon?! Bakit pula?! Blood moon na ba ’to?! Sh*t.
Nice story
08/09/2023
0Ken
01/11/2024
0ang ganda ng kwento
23/10/2024
0View All