Nice offer. Sa kabila ng kakulitan ng lalaking bigla na lang sumulpot sa harapan niya ay lihim na napangiti si Althea. Papakyawin nito ang tinda niya? Oo naman. Payag siya pero sinabi nitong gagawin lang nito iyon kapag nagpakilala siya. Bina-blackmail ba siya nito? Sayang ang guwapo sana nito pero hindi niya yata type ang ugali nito. Saan ka nakakita na gigipitin ka makuha lang ang pangalan mo? But in all fairness, mukha namang mabait ang lalaki. Helpless lang siguro itong malaman ang pangalan niya at iyon ang naisip nitong paraan na makilala siya. Was the guy implying he liked her? Gusto nga siya nito! Ang sarap lang sa pakiramdam na ma-realize na may pagtingin sa kaniya ang ka-look-alike ni Alphhred Brargaz. Feeling niya ay siya si Eljey Reyyes na naging girlfriend noon ng iniidolo. Kinilig tuloy siya sa isiping iyon. Sa totoo lang, nang makita niya ito ay napatanga siya rito. The good looking guy in front of her was wearing a black pair of slacks and a black coat with matching blue long sleeved inside it and a necktie. Sobrang linis din ng gupit ng buhok nito na bumagay sa outfit nito. Bibihira lang siyang maka-encounter ng isang gaya nito sa buong buhay niya. All in all, naka-business suit ito kaya naisip niyang mayaman ito. Kamukha talaga ito ni Alphredd Barggaz sa tindig at sa katawan, isali na ang guwapong mukha. Ngunit di hamak na mas maputi nga lang ito. Hindi na masama, lalo pa’t nag-offer ito na bibilhin ang natira niyang yema. Instant money agad ang hawak niya. “Okey, payag na akong bilhin mo ang mga yema ko.” deklara niya. Sobrang natuwa ito. “Pasensiya na sa iyo. Gusto ko lang talagang malaman ang pangalan mo at kung saan ka nakatira para makilala ka nang lubusan. Gusto kitang maging kaibigan. Wala akong masamang intensiyon sa iyo.” Nabasa niya ang katapatan sa mga mata nito na hindi ito masamang tao. Lumambot ang kalooban niya. Parang may mahika sa boses nito na nagpagaan ng pakiramdam niya. “Sure ka? Iyon lang talaga ang dahilan mo? Pakikipagkaibigan?” Naging mahinahon na ang kanyang boses. Bakit parang nadismaya siya na kaibigan lang ang dahilan ng pakikipaglapit nito sa kaniya? “Oo, iyon lang talaga.” nakangiti nitong sagot. Mas lalo itong gumuwapo nang lumabas ang magkabilang dimples nito. Ang lakas ng personalidad at karisma nito. Nabulabog yata nito ang mga kababaihan sa lugar nila. Dumami ang mga umuusyoso dito na parang isang artista ang nakikita ng mga kalapit-bahay niya. Kaya nagpasya siyang dalhin ito sa bahay nila. “Halika. Malapit lang dito ang bahay namin.” yaya niya. Mas mauuna pa yatang maglaway ang mga usisera kaysa sa kanya. Ito na ang nagdala ng basket niya. Hindi na siya pumalag. Kanina pa siya nangangalay sa pagbibit niyon. Animo kinuryente ang buong katawan niya nang hindi sinasadyang magkadikit ang mga kamay nila. Mukhang natalo pa niya ang Meralco sa lakas ng impact niyon. Ano’ng nangyari? May supply na ba ng kuryente sa katawan ko?” Hindi niya alam kung bakit pero kakaiba talaga ang kanyang naramdaman. Bumilis ang pintig ng puso niya, lalo na nang malanghap niya ang gamit nitong man’s cologne. Mukhang mamahalin ang pabango at bagay ang amoy sa lalaking-lalaking personalidad nito. Sandali pa ay narating na nila ang bahay na tinutuluyan nilang magkakapatid. Pinatuloy niya ito sa loob at pinaupo. Pero hindi muna ito umupo. Iginala nito ang paningin sa kabuuan ng bahay. Maliit lang iyon at may kalumaan na pero ipinagmamalaki niya iyon kahit dukha lang sila. “So, it must be your house. Nice one.” anito. “Pasensiya na kung makalat. Hindi pa kasi ako nakakapaglinis.” aniyang humihingi ng dispensa. Nasa mesa pa ang mga wrapper ng yema na ginamit niyang pambalot. “Malinis naman at cute ang bahay mo.” Nginitian siya nito. Lumitaw muli ang malalalim na dimples nito. “By the way, I’m Richard Anthony Morales. You can call me simply Richard. What’s yours?” Ang ganda pala ng pangalan nito. Pang screen name ang dating. “My name is Althea Sabel Diaz.” proud niyang tugon. Tunog-artista din ang pangalan niya. “Thea na lang ang itawag mo sa akin. Palayaw ko iyon.” Inabot niya ang kamay niya rito. Nagulat siya nang hindi inaasahang halikan nito ang kamay niya. Gusto niyang tumili pero itinikom niya ang bibig. Ramdam niya ang mga labi nito na lumapat sa kanyang balat kahit sandali lang ang itinagal niyon. It felt like magic with his frantic kiss. Parang may init na bumuga mula sa bibig nito at tumulay sa himaymay niya. Ganito ba ang pakiramdam ng nahahalikan sa kamay? May saya siyang naramdaman sa kanyang dibdib sa maigsing sandaling dumikit ang labi nito sa balat niya. Lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso. At kailangan na niya ng makakapitan dahil dumadagundong na iyon. Niyayanig ang buong katawan niya. Nadama pa niya ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi. “You’re blushing.” Naaaliw na minasdan nito ang pamumula ng mga pisngi niya. My Gosh! Ibinuking siya ng sarili niyang mga pisngi! Madali siyang mahalata kung nag-ba-blush siya dahil maputi siya. Mukhang nahahalata na siya nito na kinikilig dito kaya mabilis siyang nag-isip ng palusot. Ayaw niyang maging transparent. Nakakahiya! Baka mahalata nito ang matinding epekto sa kanya ng ginawa nito. “Punta lang ako ng CR, Richard. Iwan muna kita diyan.” paalam niya. Pasado kaya ang palusot niya? Dumiretso siya sa banyo at pinakalma niya ang sarili. Huminga siya ng pagkalalim-lalim at tumingin sa nakasabit na salamin. Namumula nga ang pahamak na mga pisngi niya. Hindi makakailang si Richard ang dahilan ng pamumula niyon. Bakit ka nagkakaganiyan, Thea? Huwag ka ngang paapekto diyan! Hindi ba’t nangako ka na hindi ka muna magkakagusto sa isang lalaki?, usig ng tinig sa isang bahagi ng kanyang isip. Natauhan siya at inayos ang kaniyang sarili. Naghilamos siya. Kahit paano ay nabawasan ang pamumula ng mga pisngi niya. Hindi na iyon halata bagama’t natural na mapupula ang mga pisngi niya. Inihanda niya ang kanyang sarili sa paglabas ng banyo. Pagkabukas niya ng pinto ay ang likuran si Richard agad ang nakita niya. Malayo-layo naman ito sa harap ng pintuan pero sadyang hinihintay talaga siyang lumabas. Nang lingunin siya nito at magtama ang kanilang mga mata ay napatanga siya. May kakaibang pang-akit ang profile nito na nasisinagan ng araw mula sa bintana ang isang bahagi ng mukha nito. She felt highly nervous again. Hindi niya alam ang tamang gagawin. Nakaharang ito sa lalabasan niya at maliit lang ang daanang iyon patungo sa sala nila. Ang lapit ng agwat nila sa isa’t-isa at pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya. “R-Richard. Excuse me.” mahinang usal niya. Pinilit niyang huwag ipahalata dito ang kaba niya. Nabasa naman nito ang iniisip niya. Nagbigay ito ng espasyong pwede niyang daanan. Agad niya itong nilampasan. Nagpunta siya sa tabi ng bintana at sumagap ng hangin. Napawi niyon ang bahagyang nerbiyos niya. Kinapusan siya ng hininga nang magkalapit sila kanina. At alam niyang habang nakatalikod siya ay nakamasid ito sa kanya. “Ahm, Richard?” tawag niya. Siya na ang unang bumasag ng katahimikan. “Nandiyan na ‘yong mga yema, bitbitin mo na. Bayad mo na lang ang hinihintay ko.” sabi niya. Malakas pa din ang kabog ng kanyang dibdib. “Thea, pwede ba akong dumalaw sa iyo rito?” pag-iiba nito ng usapan. Hindi na siya nagulat sa tanong nito. Sa mga kakaibang titig nito sa kaniya, alam niyang gusto siya nito. Iyon ang pakay nito kaya inalam nito ang bahay nila. Sa dinami-dami ng babae, bakit siya pa? Alam naman siguro nito ang agwat ng pamumuhay nila. Hindi sila bagay sa isa’t-isa. “Tatapatin na kita, Richard. Pakikipagkaibigan ba talaga ang pakay mo sa akin?” Naisip kasi niya ang mga kapatid. Nangako siya sa sarili na hindi makikipagrelasyon hangga’t hindi nakakatapos sa pag-aaral ang mga ito. Bahagyang natigilan ito. “Magagalit ka ba kung sasabihin kong iba ang pakay ko sa iyo? “Pakikipagkaibigan lang ang kaya kong ibigay sa iyo, Richard. Hindi pa ako handa sa isang pakikipagrelasyon. Inuuna ko muna ang kapakanan ng mga kapatid ko dahil ako na lang ang mag-isang bumubuhay sa kanila.” “Nasaan ang mga parents mo?” curious na tanong nito. “Patay na sila. Kaya ulila na kaming lubos. Ang focus ko ngayon ay makapagpatuloy sila sa pag-aaral upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan sa hinaharap. Iyon ang pangarap ko para sa kanila. Kaya maging magkaibigan na lang tayo. Pero kung ayaw mo—” “Okey. Let’s be friends.” Nabasa niya sa expression nito na tila natakot itong hindi niya tanggapin ito kahit kaibigan man lang. “Friends.” sabi niyang nakangiti na rito. Muli, malaya niyang nakikita ang mukha nito. Kahit saang anggulo ay lumalabas ang taglay nitong kaguwapuhan. Lumuwang naman ang pagkakangiti nito. “Thanks, Thea.” mababakas sa mukha nito ang kasiyahan. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang isang kamay niya. Napasinghap siya nang halikan nito iyon sa ikalawang pagkakataon. Pumayag siyang kaibiganin ito dahil nararamdaman niyang mabait ito. Pero ganito ba ito magpasalamat sa isang babaeng gusto nitong maging kaibigan? “Walang anuman, Richard. Eh, ‘yong kamay ko.” Hindi pa kasi nito binibitiwan ang kamay niya. Naramdaman niya ang paggaan ng paghawak nito kaya agad na niyang binawi ang kamay niya dito. “Sorry, Thea. Nadala lang ako dahil magkakaroon ako ng bagong kaibigan na kagaya mo. Alam kong magiging magandang simula ito para sa ating dalawa.” patuloy nito. Inilabas nito ang wallet at kumuha ng ilang lilibuhin. “Keep the change.” Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang halagang inilagay nito sa kaniyang palad. Ibinalik niya ang pera dito. “Richard, hindi ko matatanggap. Akin na ang eksaktong kabayaran.” “Thea, tanggapin mo na. Maliit na bagay lang ito kompara sa ginawa mong pagpapasaya sa akin ngayon.” Kinuha nitong muli ang kanang kamay niya at inilagay roon ang limang libong piso. Ibinalik na naman niya iyon dito. Masyadong malaki ang halagang iyon sa presyo ng yema. Pero ito pa rin ang nanalo sa huli. “Salamat Richard. Matanong ko lang, saan ba talaga ang punta mo?” Napatingin ito sa wrist watch nito. “Actually, meron. Medyo late na ako. Matapos kong mapaayos ang kotse ko sa talyer, sa opisina na ang tuloy ko. I have to go, Thea. But promise, I’ll be back.” Nasa pinto na ito nang tawagin niya ito. “Nakalimutan mo ang mga yema.” “Ah, oo nga pala.” Binitbit na nito ang paper bag na may lamang mga yema. “Ingat ka sa pagmamaneho.” Iyon lamang ang kanyang nasabi. Masaya at magaan ang kanyang pakiramdam sa pagkikita nilang iyon. Ngayon lang niya naranasang parang buong-buo ang araw niya. Hindi naglalaho ang kanyang ngiti hanggang sa kumilos siya sa kusina. Kung araw-araw lang sanang ay ganoon siya kasaya. Tiningnan niya ang palad. Hanggang ngayon ay hindi pa siya makapaniwalang hinawakan at hinagkan ni Richard iyon.
this story is amazing
15/09/2024
0nice
09/07/2024
0goodstory
02/11/2023
0View All