“OKAY, Miss Rona. Add that appointment in my schedule.” Kinakausap ni Richard sa kabilang linya ang sekretarya niya. “Yes, Sir. Ako na ‘pong bahala dito.” sagot ng sekretarya niya. “Thank you.” aniya at ibinaba na ang kanyang cellphone. Nadagdagan na naman ang schedule sa organizer niya. As usual, his company’s clients. Napakadami rin niyang kailangang kausapin na kapwa importanteng personalidad na kilala rin sa pagnenegosyo. He was running their family business because he was the sole heir of a business tycoon Enrico Morales. Siya ang CEO at Presidente ng Asian Blue Realty Estate, a progressing one in the field of realty estate. They were modelling modern houses. After that, construction overtook. Then, promotion in the market. Hindi mumurahing mga bahay ang itinatayo nila. The least price they built worth five million. Bale dalawa ang kompaniya nila. The other one was managed by his own father, an advertising company. Sa ibang kompaniya ng mga tiyuhin niya ay stockholder na lang sila. Pinili niya ang pamamahala sa real estate dahil mas nakaka-relate siya roon kaysa sa advertising. Nag-iisa lamang siyang anak. Ang masaklap ay hiwalay na ang mga magulang niya for three years at may iba nang kinakasama ang ama niya. Kaya nagkaroon siya ng kaunting sama ng loob sa Papa niya, lalo na ngayong may malalaking sakit na iniinda ang Mama niya. Pero anong magagawa niya? Gustuhim man niyang magkabalikan ang mga magulang ay hindi na maaari. Lulong na lulong ang ama sa kinakasama nito. Mabait lang ang ina niya kaya hindi na ito nagrereklamo pa. Ang katwiran nito ay naroon naman daw siya para alagaan ito. Quarter to eight na. Medyo tinanghali siya ng gising. Hatinggabi na nang makauwi siya sa condo niya. Pagkauwi niya galing ng opisina ay dumiretso siya sa isang sikat na cold bar. Kasama niya ang malapit na kaibigan at mapagkakatiwalaang business partner na si Miguelito, Miguel for short. Kababata niya ito. Halos sabay silang lumaki at palaging sila ang magkalaro noong sila ay mga musmos pa lamang. Mas matanda ito sa kanya ng ilang taon at halos pareho lang din sila ng height, six flat. Matinik ito pagdating sa babae. Napaka-chickboy ng kaibigan niyang ito. At babae ang pakay nito sa bar kagabi. Gusto lang niyang mag-relax kaya sumama siya kay Miguel. Masyado na siyang subsob sa trabaho kaya pinagbigyan na niya ang sariling mag-unwind muna kahit sandali lang. Hindi boring ang pagsama niya kay Miguel kahit first time niyang nakapunta sa bar na iyon. Bagong tayo ang establismiyento sa kahabaan ng Tomas Morato. He was starting to enjoy the night because of the local band performing at the stage. The song was something metallic that could be dragged anyone to be alive. Maging ang mga performers sa entablado ay— to the highest level ang energy. At higit sa lahat, hindi boring ang partner niya. Yes, he had a partner, a sexy and a beautiful lady. Dalawang babaeng naggagandahan ang kusang nagpakilala sa kanilang dalawa ni Miguel. Pagkatapos ng pag-iintroduce sa isa’t-isa ay pinaupo nila ito at naki-join na rin ang mga ito sa inuman nila. Napag-alaman niyang sikat na international model si Amarie Gonzaga. Palibhasa ay hindi siya madalas manood ng mga fashion show kaya hindi niya ito nakikita kahit pa mayroon silang advertising company. Kahit ganoon ay nabighani agad siya sa ganda at sa mahubog na katawan nito. Kilala pala siya ni Amarie at iyon daw ang unang pagkakataon na nagkaharap sila. Good chance to be with her because she was really a pretty woman and nice to be bonding with. Ang kasama ni Miguel na si Margarette ay isa ring ramp model, kasamahan ni Amarie. Pagsapit ng hatinggabi ay nawala ang dalawa. Saan pa ba pupunta ang mga ito? Knowing, Miguel, hindi na siya magtataka. Inihatid niya si Amarie sa tinutuluyang condo nito sa Makati nang walang nangyari sa kanila bagama’t hindi ito nangiming magparamdam sa kaniya na gusto siya nito. Hindi naman sa hindi niya type ang modelo. Kung hindi niya mahal ang isang babae ay hindi niya ito ikinakama. Heto siya ngayon. Puyat pero kailangang bumangon at magtrabaho. Kung tutuusin ay siya ang boss at maaaring hindi na siya pumasok sa umagang iyon. Pero hindi ganoon ka-iresponsable ang ugali niya. Hindi rin siya sanay na walang ginagawa. Nang magtapos siya ng Business Administration ay agad na siyang sumabak sa training sa mismong kompanya nila. Hanggang sa ibigay sa kanya ng Daddy niya ang posisyon nito bilang Presidente ng Asian Blue. Nagmana nga siya sa Daddy niya pero hindi sa pagiging babaero nito. Stick-to-one lang siya. Ibinalik niya sa pagda-drive ang atensiyon. Pero naramdaman niyang malambot ang isang gulong ng kotse niya. Kung itutuloy niya ang pagmamaneho ay tiyak na ma-pa-flat iyon ng tuluyan. Sasaglit muna siya sa suki niyang auto shop. Nang lumiko siya sa isang pagliko sa kanan ay isang babae ang nakita niyang nakatayo sa tabi ng kalsada. Malayo pa lamang siya ay naagaw nito ang pansin niya. Dahan-dahan siyang nagmenor. Hindi dahil sa naka-all white ang babae—a blouse and a culduroy short, kundi sa nakakahalinang facial features nito na umakit sa kaniya. He was used to see some beautiful women around. But this one was odd from others. Kay amo ng mukhang iyon na tila noon lang siya nakakita ng tunay na maganda sa tanang buhay niya. At hindi niya agad magawang iiwas ang paningin dito. Itinigil niya ang kotse sa tabi ng daan at pinagmasdan itong mabuti. No doubt, the woman was naturally beautiful without the benefit of make-up. Tinted ang salamin ng bintana ng kotse kaya hindi siya nito nakikita. Nasa tapat lang niya ito at hindi niya alam kung may hinihintay itong tao o nag-aabang ng traysikel. Ilang dipa lang ang layo niya sa magandang babae kaya malaya niyang nakikita ang magandang hubog ng katawan nito na tila nililok ng isang iskultor. Her small waist could fit a man’s hands perfectly. The woman’s face matched the body. Abala na ito ngayon sa pag-aayos ng kung anumang nasa basket nito. Tila may binibilang doon. Hindi niya alam kung bakit siya bumaba ng sasakyan at dinala ng kaniyang mga paa sa kinaroroonan ng babae. Napansin siya nito kay nagtama ang kanilang mga mata. Her beautiful almond-shaped eyes widened when she saw him as if she recognized him. How did the woman know him? Hindi niya alam kung gaano siya kasikat para makilala nito. Minsan na kasi siyang na-interview na mag-guest sa isang TV talk show as one of the most-sought-after bachelor figure. “Alphred Bargaz?” natutuwang tanong nito na ikinakunot ng kaniyang noo. Bumaba ang mga mata nito mula sa kaniyang ulo hanggang paa. Nagtatakang itinuro niya ang sarili. “Ako ba ang tinutukoy mo?” Lumingon siya. Baka nasa likuran lang niya ang kinakausap nito. “Oo, hindi ba’t ikaw si Alpphred Barggaz, ‘yong artiista?” sabi pa nito, nakangiti. Napagkamalan pala siya nito sa ibang tao at sa isang artista pa. “Sorry, but I’m not him. Kamukha ko lang siguro.” Ngumiti siya. Ngayong nakikita na niya ito nang walang nakaharang na salamin sa pagitan nila ay lalo siyang napahanga sa sobrang ganda nito. Mas maganda pa ito sa isang anghel. Mistula itong diyosa o isang diwata na naligaw sa mundo ng mga tao. Nakita niyang nawalan ng kislap ang mga mata nito nang sabihin niyang hindi siya si Alphred Barggaz. “Akala ko, ikaw na ‘yong idol ko. Hindi pala.” Aktong tatalikod ito nang pigilan niya ito sa braso. “Wait!” Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit ayaw niyang umalis ito. Kung bakit nanghihinayang siya na hindi ito makilala. Napatingin ito sa kamay niyang nakahawak sa braso nito. Napapahiyang inalis niya iyon. Pinasadahan siya nito ng nagdududang tingin. “Sino ka? Paano kang napunta sa lugar na ito? ’Yang ganda ng suot mong iyan, napadpad ka rito?” He was looking intently at her lips while she was talking. Her lips opened in a beautiful curve. Naisip niya kung gaano ba katamis ang mga labing iyon kapag hinalikan niya. “Sa bahaging ito ako dumadaan kapag pinupuntahan ko ‘yong suki kong auto shop.” He explained. “Bakit ganyan ka kung makatitig sa akin?” Nakasalubong ang mga kilay na sinita siya nito. Napakaganda ng babae pero hindi niya inaasahan na may katarayan ito. But he understood her for that. Isa kasi siyang estranghero rito. “G-gusto ko sanang makipagkilala sa iyo, Miss, kung puwede lang.” Kabado siya pero hindi naman mahahalata. First time niyang kabahan sa ganitong klase ng babae na isang simple lamang. “At bakit naman ako magpapakilala sa iyo? Eh, hindi naman kita kilala.” pagtataray nito. “Kung puwede lang naman, miss.” kakamut-kamot sa ulong wika niya. Ewan ba niya kung bakit natotorpe yata siya. “Sinabi nang hindi nga kita kilala, mister. Excuse me, marami pa ‘kong ilalako. Puwede bang tumabi-tabi ka muna sa daraanan ko?” Medyo lumakas na ang bibig nito kaya nakaagaw na sila ng atensyon sa mga taong dumadaan sa kalsada. Nilakasan niya ang loob. Willing talaga siyang malaman ang pangalan at tirahan nito at hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha iyon. Ngayon lang siya nagka-interes ng ganito sa isang babae. Mabilis niyang hinarangan ang dadaanan nito. “Ano ba? Marami pa akong ititinda. Utang na loob! Marami na kong nasasayang na oras kaya pwede bang huwag kang humarang diyan?” anitong nakataas ang isang kilay. Napansin niya ang ilang supot ng yema sa basket nito. “Binibenta mo iyan?” tanong niya. “Oo, bakit?” masungit na sagot nito. “Papakyawin ko na. Bibilhin kong lahat pero sasabihin mo sa akin ang pangalan mo at kung saan ka nakatira.” Bahala na kung magalit man ito. Lihim siyang napangiti nang mapakunot-noo ito. Ang cute kasi nito sa hitsura nito. Ang ganda pa rin nito kahit naiinis. Ano ba ‘tong nangyayari sa akin? Bakit ganito ang epekto sa akin ng babaeng ito? Sa pagtataka niya ay biglang umamo ang mukha nito.
this story is amazing
15/09/2024
0nice
09/07/2024
0goodstory
02/11/2023
0View All