logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 48

Zadie's POV:
"You don't have to explain, Zad."
"A-Ate Za," umiiyak na tawag ko sa kaniya nang balak ko i-explain sa kaniya ang mga nangyari.
"You don't have to explain dahil naiintindihan ko," sambit ka niya kaya napatigil ako sa pagpupunas ng luha ko. She smiled. "Nung pinatayan niyo ako, napaisip ako at doon na-realize ko na wala ka namang kasalanan."
"A-Ate, I lied—"
"It's doesn't matter to me, my dear sister. Matagal na kaming tapos ni Vince. To be honest, masaya ako para sa inyo. I hope dumating 'yung araw na maging official kayo!" sambit pa niya na mas lalo kong ikinagulat. I thought magagalit siya pero I'm very thankful kay Keid, Ara and to my Dad. Binigyan nila ako ng lakas ng loob para umamin. "Ngayon lang ako nag-browse sa social media, kailan mo ba siya balak sagutin?"
Natahimik ako ng ilang segundo, ngunit agad ko rin siyang ningitian ng pilit. I actually don't know. Ni hindi ko pa nga alam kung mapapatawad niya ako just like our friends did.
"I-I don't know, m-maybe after I confess to him," halos pabulong kong sagot ngunit sapat lang para marinig niya.
"Magiging mahirap pero I'll help you kung magkaproblema man," she said.
"Thank you, Ate Za. Thank you sa pag-intindi, sa lahat."
"Wala 'yon, ano ka ba! I'm just being a Ate to my dear sister," she answered and we both smile. She's so sweet! "Oh, siya babye muna, sis!"
"Bye, Ate Za," paalam ko at nagtungo sa kusina kung nasaan si Papa. Almost one week na siya rito, hindi ko nga alam kung umuuwi pa siya sa mansion.
"How's your talk with your Ate?" tanong nito sa 'kin na siyang ikinangiti ko at naupo sa upuang kaharap niya.
"You're right, Dad. Naintindihan niya ako, sana lang... sana lang ganoon din si Vince," I answered.
"I sure he will," tipid na sagot niya sa 'kin. Napangiti lang ako at nagsalin ng juice sa baso niya.
"Staring is rude, Pa," pagbibiro ko rito na siyang ikinatawa namin parehas.
"Nagtataka lang ako sa mga ngiti mo nak, parang kanina lang para kang lantang gulay."
"Lantang gulay is too much, Pa! Hindi naman ako gano'n kanina!" depensa ko at ngumuso.
"If you consider that man as an air, you should get married."
My eyes widened. "Married?! Seryoso ka, Pa?" hindi makapaniwalang tanong ko ngunit mukha ngang seryoso si Papa. "Bakit naman hangin? Ang baduy naman no'n, Pa, like the air? Ano po 'yon? Someone I can't live without?"
"Pft! Ang baduy nga no'n, nak, but that's not what I mean. What I mean is someone you need. Someone you can freely breathe."
Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip sa sinabi ni Dad, but what if nalaman niya ang totoo? I feel sorry for him. So much that I can't put it in words.
Do I deserve a man like him? A man who did nothing but understand love and make me happy. While I did nothing but lie to him.
***
"Mag-iingat kayo mga anak!"
"Yes, Pa!" sagot ko rito at mabilis na hinablot ang susing pinapaikot-ikot ni Cloud sa kamay niya. "Ako muna magda-drive, okay?"
"Zadie, no!"
"Tsk! May dadaanan pa tayo, sige na!" pagpupumilit ko at naunang lumbas ng elevator. Nagpaunahan kami sa pagsakay sa driver's seat at ako ang nauna. "Ikot na roon!"
"Aish! Ano bang trip mo ngayon?" may bahid ng inis na tanong niya. I just laughed as an answer. Sa totoo lang wala akong ganang lumabas ngayon, pinilit lang talaga ako ni Dad at ng mga kaibigan namin.
Dumaan kami para magpa-gas. Kay Papa kasing kotse ang ginamit namin dahil ginamit ni Tita, mommy ni Cloud, ang sasakyan nila.
"Bibili lang ako ng coke," paalam ko kay Cloud at bumaba sa kotse.
Hindi ko maiwasang tingnan sa salamin ang mukha kong hindi maipinta. Wala talaga akong gana ngayon. Akala ko sisigla ako kapag sinubukan kong mag-drive pero mukhang hindi.
Matapos kong bumili ng coke ay agad akong bumalik.
"Should I drive?"
"No!" mabilis kong sagot, ngunit hinarangan ako nito pasakay sa driver's seat.
"I'll drive!"
"Go get in the car!" maawtoridad na utos ko sa kaniya na kaagad niyang sinunod. Wala naman na siyang magagawa, pft! "Why do you look so nervous? As if namang ngayon lang ako nag-drive!"
"I'm just keeping an eye on you just in case."
"'Sus! I'm good, aren't I?" tanong ko pa at mas binilisan ang pagmamaneho nang sumigaw ito.
"Damn it! Slow down, liit!"
Tumawa lang ako at binigalan ang pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa bar. Bigla akong nakaramdam ng kaba, at mas malala ito kumpara noon. Ngayon na alam na nila Keid at Ara ang lahat, hindi ko na alam kung ano pang mukhang maihaharap ko sa kanilang lahat.
"Zadieee!"
"Babeees!"
"Bro!"
Pilit na ngiti ang isinagot ko sa kanila at naupo sa gilid, nang maupo sa harapan ko si Vince.
"Bubwit," tawag pa niya sa 'kin ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay. "Ang pangit mo."
I just frowned at him. Nang mag-vibrate ang cellphone ko ay agad kong napatingin doon kasabay ng mahinang pagtawa niya. I was shock when I took up my phone and looked at it.
It was my photo that he uploaded with a caption: I'm good at controlling myself but why can't I control my feelings for you?
"Why are you looking at me like that?" nakakuno't noong tanong niya. Umiling lang ako at malalim na huminga. Why can't I tell you my real identity? I used to be brave and I never afraid to lose someone or something but why I'm so afraid that I might lose you? I heard him sigh. "Hindi mo na naman ba ako kakausapin?"
"I'm sure pag-uusapan na naman nila tayo sa ginawa mo," sambit ko at iniwasan ang mga tingin niya. We're not in a relationship but his header on Twitter, featured photo on Facebook, on Instagram is me. He even posted my pictures too, whether they were stolen or not. "I think you need to ask me first and get my permission."
It caught him off guard. "W-What?"
"W-Wala," tipid na sagot ko at pinagtuunan nalang ng pansin sila Ara. Pinagtawanan ko ito nang bigla itong mapatid.
"Zadie," tawag nito sa 'kin ngunit hindi ko siya pinansin. Wala ako sa mood, ayoko siyang kausap. Normal lang naman 'to sa mga babae, 'di ba? "I'm talking to you."
"Pft! Papaiyakin niyo na naman si Zemie!" sita ko sa dalawa, kay Yna at Keid. Wala na naman kasi ngayon si Sir Yuan.
"Hey, Zadie," muling tawag sa'kin ni Vince kaya hinarap ko ito at tinaasan ng kilay. Mas dumoble ang kaba ko. Hd used to call me bubwit and not my real name. "Tsk! Bahala ka na nga riyan."
Pare-parehas kami natigilan sa biglang pag-dabog ni Vince at pag-alis nito. Napaiwas lang ako ng tingin sa kanila nang sa 'kin sila nagtatakang tumingin. Para bang nagtatanong kung anong nangyari kay Vince.
"C-Cloud," tawag ko rito at iniligpit ang mga gamit ko. "Ipapasundo kita o mag-tataxi ka?"
"Ha? Aalis ka na ba?"
"Yea. Wala na akong gana," sambit ko at iniwan sila roon. Bago ako nagpunta sa parking ay naisipan ko munang mag-cr.
'Ano bang nangyayari sa 'kin?'
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, ngunit agad ko rin itong pinunasan at humarap sa salamin. Hindi ko 'to maso-solve kung hindi ako aamin kay Vince. Matapos kong gawin ang dapat kong gawin sa cr ay agad akong nagtungo sa parking lot at umalis.
Kuno't noong napatingin ako sa rear view mirror. Napansin ko kasing parang may kung ano sa likod, ngunit wala naman akong nakita. Napailing nalang ako at tiningnan ang phone ko na kanina pa nagvi-vibrate.
'I think you need to ask me first and get permission.'
Agad akong napapreno at inihinto sa gilid ng highway ang kotse ko. Parang kanina lang sinabi ko na ako ang header niya sa Twitter, featured photo niya sa Facebook at ang picture naming dalawa na profile sa Instagram, pero ngayon wala na.
"A-Aray, pvta ang sakit!"
"Akala ko mamamatay na'ko!"
Agad kong pinunasan ang mga luha ko at gulat na napatingin kay Ara at Keid. "A-Anong ginagawa—"
"Tang*na naman, Zadie! Alam mo bang bawal ang mag-cellphone kapag nagda-drive!?" sigaw sa 'kin ni Keid at malakas akong binatukan.
"Damn it! Akala ko mamamatay na tayo!" sigaw naman ni Ara. I can't help but to chuckle.
"B-Bakit kayo nandito? S-Sorry, nasaktan—"
"Malamang! Nauntog kaya kami sa upuan!" putol sa 'kin ni Ara, panay naman ang hilot nila sa noo nila.
"Aish! Tara na nga sa dorm! Doon ka muna matulog, alam naming hindi ka okay kaya kami nagtago rito!" saad naman ni Keid kaya sinunod ko na lamang ang sinabi niya.
***
Ara's POV:
"Ang sakit parin talaga ng ulo ko!" reklamo ko habang kasalukuyan kaming pabalik sa dorm namin.
"Napaka-arte naman, baka 'yan pa ang pag-usapan natin kaysa i-comfort si Zadie?!" prangkang sambit ni Keid na ikinairap ko.
"Hindi niyo naman kailangan na i-comfort pa ako, ayos lang ako—"
"May-ayos ba na ganiyan ang mukha?! Akala mo ba 'di namin nakita 'yung pag-iyak mo kanina habang nakatingin ka sa phone mo?" putol ko sa kaniya saka kami patagong bumalik sa dorm namin.
"Ano na, Zadie? Inamin mo na ba kaya gano'n si Vince?" tanong sa kaniya ni Keid pagkapasok na pagkapasok palang namin sa dorm. Naupo naman kami sa kama at naglagay ng una sa hita.
"H-Hindi pa, I-I can't. I-I d-don't know how—"
"Shh, huwag ka nang umiyak, Zadie," bulong ko rito at hinawakan ang mga kamay niya. Umiling lang ito sa amin kaya nagkatinginan kami ni Keid.
"S-Siguro dapat ko nang tapusin 'yung sa 'min ni Vince after I tell him all my lies."
"Zad—"
"This is too much, kasalanan ko ang lahat. Hindi ko na siya kayang harapin na parang inosente ako at walang ginawang masama—"
"Zadie naman!" putol ko sa kaniya at tiningnan si Keid na hindi makapagsalita. Alam kong bago lang sa kaniya ang ganitong pangyayari. Hindi siya sanay sa mga ganito kaya alam kong pati siya ay naguguluhan.
"'Yon lang ang naiisip kong paraan, k-kailangan ko na rin sigurong l-lumayo sa inyo," sambit pa ni Zadie habang patuloy lang ito sa pag-iyak. "B-Babalik na si A-Ate Za. Babalik na siya at wala na akong p-puwang pa sa grupo niyo—"
"Tang*na pala! Alam mo ba ang mga pinagsasabi mo, Zad?! Anong ibig mong sabihin?! Na ikaw 'yung pumalit kay Rin at kapag bumalik na siya aalis ka na?!" hindi makapaniwalang sambit sa kaniya ni Keid kaya agad ko itong pinigilan ngunit tinabig lang niya ang kamay ko. "Hindi basketball team 'tong grupo 'to, Zadie! Gano'n ba ang tingin mo sa 'min? Gano'n ba, ha?! Sa tingin mo ba ginawa ka lang naming sub dahil pagod na 'yung isa at kapag okay na aalisin ka na ulit?!"
"Keid—"
"Zadie, hindi kami ganoon! Kung alam mo lang na mas malapit na ang loob namin sa 'yo, sa inyo ni Cloud kaysa kay Rin! Bakit kailangan humatong sa ganito?!"
"I-I-I-I'm s-s-sorry—"
"Zadie!"
"Zadie!"
Napasigaw kami ni Keid nang biglang mawalan ng malay si Zadie. Hindi ko maaaring sisihin si Keid, tama naman ang lahat ng sinabi niya. Ang sakit sa part namin, lalo na sa part ko at part ni Keid na sobrang napalapit na kay Zadie na ganoon ang gusto niyang mangyari.
"Zadie, I'm sorry. I-I'm sorry—"
"Tama na Keid, hayaan mo munang makapag-pahinga si Zadie. Pagod na siya physically at mentally," pigil ko kay Keid at tiningnan si Zadie.
"K-Kung tayo kaya ang magsabi kay Vince? Tayo 'yung mag-explain! I-Ikaw, makikinig siya sa 'yo—"
"Do you think magugustuhan ni Zadie ang gagawin natin? Pangungunahan natin siya, Keid!" putol ko rito at iniwasan siya ng tingin. Alam kong may posibilidad na maunawaan ni Vince kung ako ang magsasabi pero ayokong pangunahan si Zadie. Alam kong alam din ni Keid na dapat si Zadie ang magsabi. "Zadie is just out of her mind earlier. Kaya niya siguro nasabi ang mga 'yon. Mas pipiliin ko pang magalit sa 'kin si Vince dahil sinikreto ko 'to kaysa pangunahan si Zadie."
"P-Pero tinanong ko na si Vince, tinanong ko na siya tungkol doon."
"A-Ano?!" gulat kong tanong dito ngunit imbes na sumagit ay iniabot lang niya ang phone niya sa 'kin.
"Tinanong ko kung anong mararamdaman at gagawin niya kapag isa sa pinaka-importanteng tao ang nagsisinungaling sa kaniya," sambit pa niya.
"K-Keid—"
"Huwag kang mag-alala 'yon lang ang itinanong ko."
Hindi na ako nagsalita at binasa ang conversation nila ni Keid.
'May tanong lang ako'
'What?'
'What if isa sa mga importante sa buhay mo e, nagsisinungaling pala sa 'yo all this time?'
'Oh?'
'Anong gagawin mo?'
Mahigpit akong napahawak sa cellphone ni Keid at unti-unting ini-scroll down ang convo nila.
'Anong tanong 'yan? Bakit bigla mong itinanong?'
'Sagutin mo nalang, daming tanong, e!"
'Tsk! E, 'di nagsinungaling siya sa'kin,'
'Ayusin mo naman, Vince!'
'If I trusted someone but he/she is only lying to me, of course, I will feel betrayed.'
'Pero kung reasonable naman, baka mapatawad ko siya pero hindi 'yon ganon kadali, Keid. What will you feel if someone you trusted is not trusting you?'
'Gano'n?'
'Yeah. Depende siguro sa sitwasyon, ano bang problema? Tell me.'
'Wala! Salamat!'
"Ano sa tingin mo?" tanong niya sa'kin. Ibinalik ko naman ang phone niya at malakas na napabuntong-hininga.
"Reasonable naman 'yung kay Zadie, hindi ba?"
***
Lie Again
by: thesweetest_thing

Bình Luận Sách (63)

  • avatar
    DayupayAlexis

    I really loved the story, hoping for a Season 2 soon. I wonder if we could be great friends somehow, someday Author! Thank you for sharing a wonderful story!! <33

    26/01/2022

      1
  • avatar
    Wilson Mendoza

    wow

    09/07/2024

      0
  • avatar
    Noella Fajardo

    una palang nakaka excite na

    20/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất