logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 47

Ara's POV:
"Zadie?! Ikaw ba 'yan, Zad?!"
Gulat akong nagpapalit-palit ng tingin kay Rin at Zadie na gulat na gulat din tulad namin ni Keid.
"A-Ate Za," pagtawag ni Zadie kay Rin na mas lalo kong ikinagulat. Ibig sabihin talaga ngang magkakilala sila? Anong ibig sabihin nito?
'Kilala mo ba si Zarine, Zad?'
'N-no, I don't know her. Nagulat lang ako sa biglang pagsigaw ni Vince, pasensya na.'
I thought she doesnt know Rin? Sa pagkakatanda ko isa sa amin ang nagtanong kung kilala niya si Rin, pero ang sabi niya hindi?
"Magtatampo na ako sa inyo, hindi niyo man lang sinabi sa 'kin na kilala niyo si Zadie!" sambit pa ni Rin na walang kaalam-alam sa nangyayari rito ngayon.
We don't even know that you and Zadie are connected!
"A-Ate Za—"
"Dapat pala sa 'yo ako magtampo!" putol sa kaniya ni Rin kaya napatingin kami kay Zadie. "Hindi mo man lang nasasabi sa 'kin na kilala mo na sila!"
"Hep! Hep! Hep!" singit ni Keid habang nakataas ang parehong kamay nito. "M-Magkakilala kayo? Seryoso ba?"
"Oo naman, kilala namin ang isa't-isa!" sagot sa kaniya ni Rin, ngunit nang tingnan ko si Zadie ay naglulumikot ang mga mata nito. Hindi siya makatingin ng diretso sa kahit sino man sa amin.
"Langya! E, siya 'yung tinutukoy namin Rin, siya 'yung nililigawan ni Vince! Zadie babes, alam mo ba na ex-fiancée siya ni Vince?"
Nanlaki ang mga mata ni Rin. "W-What?! A-Anong sinasabi—"
"Ate Za, let's talk later, okay? I need to clarify things to them. Please, mamaya na tayo mag-usap, bye!" nagmamadaling sabi ni Zadie at pinindot ang end call. Gulat naman kaming napatingin sa kaniya.
"A-Anong ibig sabihin niya, Zad?" I asked her.
"I-I'm s-sorry," tanging sagot sa amin ni Zadie ngunit mas nagulat kami sa biglang pag-iyak nito at pagbagsak sa sahig. "I-I'm sorry. I-I'm really sorry. Nagsinungaling ako."
"Zadie, anong bang nangyayari sa 'yo?! Bakit ka nagso-sorry?! Tumayo ka nga riyan, bruha ka!" sambit sa kaniya ni Keid at tinulungan siyang tumayo. Agad ko rin siyang nilapitan at inalalayan paupo sa kama ko.
"I'll let you explain yourself, Zad. Makikinig kami, at hangga't kaya namin hindi ka namin iju-judge," sambit ko kaya nagtatakang napatingin sa 'kin si Keid. Kahit talaga kailan ang hina ng ulo niya.
"What do you mean, witch?"
"Bobo naman! 'Di ba sinabi ni Zad sa atin dati na hindi niya kilala si Rin?" sagot ko.
"Malay mo after no'n saka lang niya nakilala si Rin! No judgement nga, 'di ba? Bakit parang galit ka?!"
Natahimik ako sa sinabi ni Keid. Hindi ko rin alam pero may kutob ako na matagal na silang magkakilala. May kung ano sa loob ko na parang alam ko na kung anong namamagitan sa kanila. Ang kailangan ko nalang ngayon ay ang confession ni Zadie para matapos na ang lahat ng nasa isip ko at naiisip ko.
"M-Matagal na kaming magkakilala," nakatungo ang ulong sabi ni Zadie. Parehas naman kaming hindi nakaimik ni Keid.
"What do you mean, Zadie?"
"M-Magkapatid kami."
Para akong binuhusan ng isang timbang tubig sa sinabi niya. Oo, may kutob na ako na magkamag-anak sila o magkaibigan, pero hindi ko inaasahan na magkapatid sila. Halos hindi ako makapaniwala. Paanong nangyari?!
"S-She, A-Ate Zarine Ycà Villin, is my sister."
Damn it! Para akong nabibingi sa mga sinasabi ni Zadie! Magkapatid ba talaga sila? I knew it! Alam ko na may kakaiba sa una palang pero bakit hindi ko 'yon pinansin?! Bakit binalewala ko lang lahat ng guts ko?!
'Yung regalo niya kay Keid, it's Louis Vuitton Sunglasses for pete's sake! How can she buy that sunglasses worth of 650 dollars? Gano'n ba sila kayaman? Didn't she told us na mag-isa nalang siya? Wala akong kilala na ganoon kayaman at maglalabas ng ganoon kalaking pera bukod kay Rin!
'Yung bag at slippers, I can't believe na bibili siya ng ganoon kamahal na bag dahil lang sa camping and she even buy slippers! Samantalang ako, matagal ko nang pinag-iipunan 'yung slippers na 'yon!
'Yung picture ng family niya, kaya pala medyo hindi ako naniwala na sila ang magulang niya. They even look familiar! At hindi lang 'yon, hindi sila magkamukha! 'Yon lang din ang kaisa-isang litrato ng parents niya.
She knows how to drive a freaking car!
She is famous!
She is rich!
What the heck?!
"A-Anak ka sa labas?"
Palihim kong kinurot sa tagiliran niya si Keid. Nababaliw na ba siya? Anak sa labas?!
"Aray! Pvta! Bakit ba, e, Chrysler ang surname niya, Villin si Rin. Malay mo anak siya sa labas ng Mommy ni Rin!"
Umiling naman si Zadie at tinuyo ang mga luha niya. Ito ang pangalawang beses na nakita ko ang seryoso at walang emosyon nitong mukha.
Ilang beses siyang huminga nang malalim bago muling nagsalita. "My real name is Zadie Aria Chrysler Hixson."
H-Hixson? Hindi ba iyon din ang pangalan ng school nila? Hixson University? Huwag niyang sabihing...
"The one you saw on my Facebook, that's my parents, Mr. Ariano Hixson and Mrs. Inna Chrysler Hixson. My Dad is the founder of H-Hixson University." Sinabi niya ang mga iyon nang hindi tumitingin sa amin, pumipiyok pa nga ang boses niya.
Hindi ko mapigilang mapatakip ng bibig ko at mapatingin kay Keid at ganoon din ito. Halos lumuwa ang mga mata niya sa sobrang gulat at pasukan ng langaw ang bibig niya. Kilalang-kilala namin si Mr. Hixson, siya ang nagtayo ng Hixson University at tumulong para maitayo ang Toxillo University!
They are Rin's grandparents!
"P-Pero akala ko magkapatid kayo ni Rin?" tanong ko nang maalala ko ang sinabi niya. Kung parents niya sila, ibig sabihin tita siya ni Rin at kapatid niya si Tita Ivory.
She smiled bitterly and answer, "Kapatid ko siya, anak ako ni Mrs. Ivory and Zoren Villin. They are my biological parents."
Hindi ko maintindihan, bakit si Mr. at Mrs. Hixson ang pinakilala niyang parents sa amin? Ngayon ko lang din na-realize na kamukha nga ni Mr. Hixson 'yung pinakita niya sa 'kin noon.
"Teka nga! Bakit hindi ko ma-gets?!" sambit ni Keid habang nakabusangot ang mukha nito. I sighed, same Keid, same. Hindi ko rin maintindihan!
"It's complicated, Keid—"
"Sabihin mo na Zadie, paano ka namin maiintidihan at matutulungan kung hindi mo sasabihin sa amin ang lahat?" putol ko rito na siyang ikinatigil niya.
To be honest, medyo disappointed ako. I thought buo na ang tiwala sa amin ni Zadie. I thought wala na siyang anumang tinatago sa amin. Malaki pala, malaki pala ang tinatago niya sa 'ming lahat.
"T-Tatanggapin ko pangju-judge niyo, sorry kung hindi ko sinabi kaagad," sambit ni Zadie at muling napabuntong-hininga. Nagkatinginan naman kami ulit ni Keid at sabay na bumaling kay Zadie nang magsalita ito. "Pagkapanganak na pagkapanganak sa 'kin ni Mrs. Villin, binigay na niya ako kay Dad and Mom, 'yung grandparents ko. Bakit? Ayaw nila sa'kin, hindi ko alam kung bakit basta ayaw lang nila sa 'kin."
"Binigay nila ako nang walang pangalan, damit, o kahit ano. Ni hindi rin nila ako itinuring na parang isang anak," pagpapatuloy pa niya at mapaklang tumawa. "Lumaki akong may sama ng loob sa kanila. Lumaki ako nang hindi sila kinikilala bilang mga magulang ko. Sinubukan ko namang ipilit ang sarili ko sa kanila, pero ipinagtatabuyan lang nila ako."
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Hindi ko man alam 'yung buong storya, kitang-kita namin 'yung sakit sa mga salita ni Zadie habang nagku-kwento siya.
"Z-Zadie-babes, tama na. Huwag mo nang ituloy," sambit sa kaniya ni Keid matapos niya itong yakapin. Mahina namang natawa si Zadie ngunit may mga luhang tumulo mula sa mga mata niya.
"Zadie, kami dapat 'yung mag-sorry. Hindi namin alam 'yung story pero nag-doubt kami kaagad," sambit ko naman at niyakap din siya. I never expect na ganito pala ang storya ni Zadie. Sa kabila ng sobrang jolly at mga kalokohan niya, may dinadamdam pala siya. Malaki pala ang problema niya at hindi iyon biro.
"A-Ako 'yung may kasalanan, guys. Ako 'yung nagsinungaling hindi lang sa inyo, sa lahat, pati kay Vince," sambit niya kaya agad akong napahiwalay sa kaniya. Hindi ko man lang naisip 'yon.
"Z-Zadie, a-ano nang balak mong gawin?" tanong sa kaniya ni Keid.
"Kung kapatid mo si Rin, sorry to say this pero malaking problema 'to Zadie. Mahirap 'to para kay Vince," sambit ko.
"H-Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kaniya," sagot nito na ikinatingin namin sa isa't-isa ni Keid.
"M-Maiintindihan naman siguro ni Vince, mahal ka niya, Zad."
"Huwag mo sanang mamasamain, kaya ba hanggang ngayon hindi mo sinasagot si Vince?" tanong ko pa.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong tungkol doon. Hindi lang naman ang kapakanan ng team at image namin ang inaalala ko, si Vince. Kaibigan ko siya, kaibigan namin siya at kung sino man ang mas nakakakilala sa kaniya, ako 'yon. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya tungkol dito.
"I'll take that as a yes, Zad," I went on.
"Ara naman—"
"Nag-aalala rin naman ako para sa kaniya lalo na kay Zadie. Paano kung magalit sa kaniya si Vince? Alam ko na alam ni Zadie kung gaano siya kagusto ni Vince. He trusted Zadie so much!" putol ko kay Keid. Hindi ko na maiwasang magtaas ng boses pero agad din akong nag-sorry.
"S-Sasabihin ko naman, e, n-natatakot lang ako—"
"Hindi mo kailangang matakot, Zadie. Kung talagang mahal mo si Vince, sasabihin mo sa kaniya 'yung totoo," putol ko sa kaniya. Hindi ko rin mapigilang hindi mapabuntong-hininga.
"T-Tama siya, Zadie, gusto man kitang kampihan pero nag-aalala ako sa inyo," pagsang-ayon naman sa'kin ni Keid.
"P-Patawarin niyo ako. Kasalanan ko lahat," pabulong na sambit samin ni Zadie kaya agad ko itong inilingan.
"Hindi ka naman namin sinisisi, Zad, magkakaibigan tayo rito," paliwanag sa kaniya ni Keid.
"Zad, makinig ka sa 'kin," sambit ko at pinunasan ang mga luha niya. "Maiintindihan ka nila, okay? He will understand. Sabi nga ni Keid, he truly loves you at totoo 'yon. Kapag alam na niya kung anong dahilan, mapapatawad ka niya. Huwag kang matakot Zad, mas lalala ang problema mo kung sa iba niya malalaman."
"I-I don't know where to start, hindi ko alam, Ara. What if he hates me after that? What if—"
"Zadie, wala pa nga, e, wag kang mag-overthink! Hindi makakatulong 'yang what if's mo!" putol sa kaniya ni Keid.
"Maniwala ka sa 'min, Zad. Maniwala ka, hindi magagalit sa 'yo si Vince. Magalit man siya saglit lang pero kapag nalaman na niya 'yung reason mo, maiintindihan niya!" pag-uulit ko nang mabawasan ang takot niya. Ito lang naman ang maitutulong namin sa kaniya. Hindi naman pwedeng kami ang magsabi.
"Anong nangyayari rito? Anong meron at nag-iiyakan kayo?"
Napahinto kami at napatingin kay Yna at Aenna na takang-taka sa 'min. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko bago humarap sa kanila.
"N-Nag-aano kasi kami... ahm—"
"Ano?! Nag-papaunahan kayo mag-iyakan gano'n?"
"Oo! 'Yon nga, wala kaming magawa, e. Hehehehe!" sambit ni Keid na siyang ikinatango namin nila Zadie para maniwala ang dalawa.
"Ang baduy niyo," komento naman ni Aenna. Nagpaalam naman ako sa kanila na magbabanyo lang at hinila si Zadie.
"Kailan pa kayo nagsasabay sa cr?!" tanong ni Yna. Hindi ko na lamang siya pinansin at isinara ang pinto.
"B-Bakit hindi mo sinabi sa kanila?" tanong sa 'kin ni Zadie. Napasandal naman ako sa pinto at pilit siyang ningitian.
"May araw para roon, sa ngayon maghilamos ka muna at naiihi ako," sagot ko sa kaniya at tumawa. Para talaga kaming mga tanga, iyak-tawa ampvta! "Talikod na, makita mo 'yung pinanggalingan mo!"
"Oo na, nay!" natatawang sagot niya at saka naghilamos ng mukha. Hindi ko mapigilang magbuntong-hininga at mapatingin kay Zadie. Naawa ako para sa kaniya. Alam kong maling kaawaan siya pero hindi ko maiwasan.
"Hindi ba alam 'to ni Rin?" tanong ko sa kaniya na siyang ikinatigil niya.
"H-Hindi, balak ko namang i-explain sa kaniya ang lahat. Hindi ko lang talaga alam kung saan sisimulan—"
"Maiintindihan ni Rin 'yon, Zadie. Wala na siyang feelings kay Vince, sinabi niya sa 'min," putol ko sa kaniya.
"P-Pero—"
"Mas nag-aalala lang ako sa reaksyon ni Vince, pero okay na ba kayo ng parents mo? Alam mo naman siguro kung bakit napunta sa Canada si Rin?"
She nodded. "Alam ko pero hindi naman 'yon ang kinakatakot ko. Hindi naman ako magagalaw ni Mrs. Villin hangga't nasa poder ako ni Papa, ni Mr. Villin."
"Nagkaayos na kayo?" tanong ko at tumango naman siya.
"Remember when I lost for 3 days, telling you that I was with my family?" Pinunasan ni Zad ang mukha niya at malungkot na ngumiti. "Hindi rin totoo 'yon. T-The truth is I was with Mrs. Villin. Nagkita kami nu'ng lumabas ako ng company nila Vince."
"W-Wait, iyon ba 'yung nag-camping kamo kayo?" paninigurado ko. Muli siyang tumango bago tumingin sa itaas, pinipigilan ang mga luha niya.
"I... I-I was kidnapped, Ara. She let me stay in her penthouse, suffering. I was alone. May nagbabantay nga sa akin puro naman mga lalaki." Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. "Mabuti nalang at hindi nila ako ginalaw. I was just lucky that Mr. Villin got to recued me, but imagine if he didn't know."
"Z=Zad..." Hindi ko alam ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Gusto kong magalit sa ginawa nila kay Zadie.
"My mother almost killed me, and it still hurts. No hindi ko alam kung anong gagawin sa mga oras na iyon. She even threaten me about you guys and Cloud confirmed it to me. Totoong galing sa kaniya ang mga letter na natanggap niyo noong wala ako."
Hindi na ako nakatayo pa mula sa bowl. Mabuti nga at nakaupo ako rito kun 'di ay baka nawalan na ako ng balanse sa panghihina ng mga tuhod ko. Hindi ko kinakaya ang mga rebelasyon na sinasabi ni Zadie sa akin.
Totoong may hinala na ako tungkol doon pero sa tuwing sasabihin ko iyon kay Cloud ay hindi niya ako pinakikinggan. Ayaw niyang tanggapin ang mga sinasabi ko, palagi niyang sinasabi na prank lang iyon at may nanti-trip lang sa amin.
"Sinubukan kong magsabi pero nauunahan ako ng takot," Zadie continued, wiping her tears away. "Ayokong saktan niya kayo, ayoko ring iwasan niyo ako at magalit kayo sa akin sa oras na malaman niyo. Ang hina-hina ko, sorry."
Tumayo ako at nilapitan siya. Pareho na kaming nakasandal sa pinto. "Naiintindihan ko, hindi mo kailangan mag-sorry. Okay lang."
"Paano s-sila?" she asked, her voice was broke.
"Kaya mo 'yan, Zadie, nandito kami ni Keid. Sabihan mo lang kami," nakangiting sambit ko pa sa kaniya. Sana lang ay maayos na ang lahat. Sana walang masamang mangyari. Kilala ko si Vince pero kung talagang mahal niya si Zadie, aalamin niya 'yung dahilan at makikinig siya rito.
Sa ngayon, ipapaubaya ko nalang muna kay Zadie ang lahat. Alam ko na aamin din siya. Matapang si Zadie, pero ngayon na pinanghihinaan siya ng loob, kami ni Keid ang tutulong sa kaniya.
We will always be at her back.
***
Lie Again
by: thesweetest_thing

Bình Luận Sách (63)

  • avatar
    DayupayAlexis

    I really loved the story, hoping for a Season 2 soon. I wonder if we could be great friends somehow, someday Author! Thank you for sharing a wonderful story!! <33

    26/01/2022

      1
  • avatar
    Wilson Mendoza

    wow

    09/07/2024

      0
  • avatar
    Noella Fajardo

    una palang nakaka excite na

    20/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất