Zadie's POV: "Pupunta ba tayo, Cloud?" "Oh, bakit parang wala ka sa mood? Are you okay? May nararamdaman ka ba?" sunod-sunod na tanong niya sa 'kin nang abutan ko siya ng juice. Pabagsak akong naupo sa upuan at nakangusong humarap sa kaniya. "Wala lang, gabi na kasi—" "Pft! Joke ba 'yan? Halos abutin nga tayo ng ala-una sa bar tapos sasabihin mo gabi na?" hindi makapaniwalang sabi nito. "Ayoko muna silang makita, Cloud," bulong ko ngunit mukhang hindi niya narinig. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko pa sila haharapin. Oo, matapang ako, amazona na kung amazona, makapal din mukha ko, pero sobra-sobrang kahihiyan na 'yung ginawa ko. "Hurry up, kanina pa sila nandoon," saad niya at naunang tumayo palabas ng kusina. Nang mapansin nitong hindi ako nakasunod ay mabilis niya akong binalikan at hinila. "Hindi ka ba excited na makita sila?" "Cloud, ayoko talaga," pigil ko rito ngunit hindi ako pinansin ng lokong ulap. "Special day para kay Keid 'to, magtatampo 'yon kapag hindi tayo pumunta. Isa pa, isang linggo narin noong huli tayong nag-hang out," pamimilit pa nito sa 'kin. Hindi na ako nakipagtalo pa, ayoko rin namang magalit o magtampo sa 'kin si Keid dahil special nga naman ang araw na 'to for her. Ngayon kasi ang tatlong taon niya sa pagiging vlogger. "Fix yourself, liit. Tingnan mo nga 'yang mukha mo sa salamin!" sambit pa nito at ibinaba ang salamin na nasa kotse niya. Napatingin naman ako sa salamin. Nakabusangot ang mukha ko, kaya agad ko 'yung pinalitan ng seryosong mukha, 'yung casual lang. Hindi masungit, hindi rin naman jolly kung tingnan. Kailangan kong panagutan 'tong sinimulan ko. Bukas o sa susunod, sasabihin ko na talaga kung ano at sino talaga ako. Ayoko nang magpanggap pa. Ayoko nang patagalin pa ito at paabutin pa sa pag-uwi ni Ate Za. Sasabihin ko na rin sa kaniya ang tungkol dito. "I said, we're here!" My mind came back to reality when Cloud raised his voice. I flashed an awkward smile at him. "A-Ah, oo nga," sambit ko, nagmamadaling tinanggal ang seat belt bago lumabas ng kotse niya. "Are you really okay?" may bahid na pag-aalalang tanong niya. Pagtango na lamang ang isinagot ko at naunang pumasok sa loob. Malamang nandito na sila, napansin ko na kasi ang mga sasakyan nila. "Hi Zad!" "Yo, guys!" "Dumating din!" Ningitian ko lamang sila at naupo sa gilid. Maging si Vince ay hindi ko nagawang lapitan, buti na lamang at busy siya sa cellphone niya. "So, guys... congrats sa 'kin, thank you sa inyo and let's partyyy!" sigaw ni Keid at ininom ang bote ng beer na in-order nila. Lihim akong napangiti, ilang buwan ko na rin silang kasama. Hindi ko na alam kung kaya ko pa ba silang iwan o kalimutan kapag nangyari ang kinakatakutan ko. "Hi, Zad!" bati sa 'kin ni Ara kaya ningitian ko ito nang pilit. Nakakunot-noong humarap naman ito sa 'kin at sinalat ang noo't leeg ko. "Wala ka namang sakit, ah, ba't ang tahimik natin?" "Baka nag-away sila ni ano," pabulong na sabi naman ni Keid nang maupo ito sa tabi ko. Napakunot naman ako ng noo at napatingin sa direksyon ni Vince na siyang ninguso niya. Wala akong ibang ginawa kun 'di ang magbuntong-hininga. Will he let me explain why I did all of this? Will he let me explain why I have to hide my real identity? Will he forgive me for what I've done to him? Napabuntong-hininga akong muli bago isandal ang likod ko sa couch, closing my eyes. Naiisip ko palang 'yung magiging reaksyon niya parang naiiyak na ako sa kaba. "Zadieeeee! Earth to Zadie-babes! Are you there?! Naiwan ba 'yung dila mo sa unit mo?!" Napamulat ako at napatingin kay Keid, nagtataka at bahgyang nagulat sa pagsigaw niya. "H-Ha? Yeah, I'm fine," sagot ko kay Keid at pilit na ngumiti. Nagulat naman ako nang hilahin niya ako patayo at saka ako niliglig nang niliglig. "Gising ka na ba? Gusto mong ulitin—" "Okay lang talaga ako. No need to do that again," mabilis na sagot ko rito na siyang ikinatigil nila. Why? Did I say something wrong? "Come here, Zad," tawag sa 'kin ni Cloud, ngunit nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko ay ito na ang lumapit sa 'kin at inakbayan pa ako. "What's your problem? Ang cold mo, ang pangit ng mukha mo, ano bang problema?" "Wala namang problema sa 'kin, ah? Anong bang nangyayari sa inyo? Kayo lang nagsasabi na hindi ako okay, e!" sagot ko sa kaniya na may kataasan ang boses. Napabuntong-hininga nalang ako nang mapadako ang tingin ko sa mga kasamahan namin na nakatingin parin sa 'kin. "Excuse me." Mabilis akong bumaba at naghanap ng bakanteng table na natagpuan ko naman sa bandang gilid. Pabagsak akong naupo sa upuan at muling nagbuntong-hininga. Ano bang nangyayari sa 'kin? *** Ara's POV: "Anong nangyari roon?" "Hindi natin alam," sagot ni Aenna, nkatingin kay Zadie na pababa ng hagdan. "Feel ko na 'yan kanina pa, e," sambit ko naman na ikinatingin nila sa 'kin. "Iba 'yung aura ni Zadie, mukhang may problema." "May nangyari ba nung papunta kayo rito?" takang tanong naman ni Axel kay Cloud. She used to be a jolly, silly and a talkative girl just like me and Keid. Kaya lahat nalang kami ay nagulat because of her sudden changes. Umiling ito. "N-Nothing. Ganiyan na siya nung nagpunta ako sa unit niya," sagot naman sa kaniya ni Cloud kaya mas lalo akong napakunot ng noo. "Ganiyan naman talaga si Zad—" "Hindi, 'no! Kahit noong una, tahimik lang siya. Hindi rin naman gano'n katahimik pero hindi siya cold!" pagsalungat sa kaniya ni Keid. Kahit magulo ang sinabi nito ay naintindihan ko naman. "Baka inaway ni Vince?" sambit naman ni Yna. Lahat tuloy kami ay napatingin kay Vince na kanina pa walang imik at nakatutok lang sa cellphone niya. "See? Parang walang narinig, oh!" "Siguro nga, hindi man lang sila nag-usap o nagkatinginan kanina, e!" pagsang-ayon naman ni Tyrone at hinablot ang headphone na nakasuot kay Vince. Iritable itong tumingin sa amin. "Nag-away kayo ni Zadie, 'no?" tanong ko rito, but instead of answering my question bumaba lang siya. Susundan ata si Zadie, pero bastos parin 'yung hindi niya sinagot ang tanong ko! "Hindi sila nag-away. Actually, kanina pa inis 'yon dahil bigla nalang siyang hindi nire-reply-an ni Zad," sagot ni Gunner. Buti pa ang lalaking 'to kahit hindi tinatanong, sumasagot. "Alam ko na!" sigaw ni Zemie na medyo ikinagulat ko pa. Mahina itong tumawa nang makita niya ang mga reaksyon namin. Bigla-bigla nalang kasi sisingit, ang tinis pa ng boses pft! "Oh, sige, ano 'yon?" "Baka may regla si Zadie!" sigaw nito. Agad namang tinakpan ni Sir Yuan ang bibig niya. "Zemie!" "Zemie, shh!" "Bad mouth! Dapat diyan pinuputulan ng dila!" sambit sa kaniya ni Keid kaya agad itong humagulgol. Sabay-sabay ba naman namin siyang sawayin. "Tsk. Ms. Frenniere, ikaw na naman—" "Bakit ako ngayon ang papagalitan mo, Sir?" halos hindi makapaniwalang tanong nito. At nakuha pa niyang magtaray. "Pwede naman kasing may red days, red tide, o mens hindi 'yung ano! Ang pangit pakinggan!" Pfft! Damn, this witch is making us crazy. We couldn't help but cry in so much laughter. *** Zadie's POV: Gulat akong napatingin kay Vince nang maupo ito sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. "Are you done talking to that man? Do you even know that fvcking ugly guy?" tiim bagang na tanong nito sa 'kin kaya muli akong napatingin sa lalaking kumausap sa 'kin. "Ano bang sinasabi mo?" tanong ko at ibinalik ang tingin sa kaniya. Mas lalong nagdilim ang mukha nito, ngunit nanatili lang akong walang emosyon. "If you know him, where do you first see him, and what did you do with him?" muli niyang tanong. Mas seryoso na ang mga boses niya ngayon. He also grinned his teeth right after he questioned me. I sighed before replying, "I don't know him, he just approached and asked something." "Really?" "Yeah." "Bakit hindi mo man lang ako nire-reply-an kanina?" tanong pa niya kaya hindi ko na mapigilang mapakunot ng noo. "Answer me, bubwit." "Late ka mag-reply," tipid kong sagot at iniwasan ang mga tingin niya. I'm actually not in the mood right now. Gusto kong umuwi, gusto kong mapag-isa at mag-isip. Sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko ang mga kasalanan ko. Natatakot na akong makita siya, at mas natatakot na akong makausap at makasama siya. "You didn't even bother to answer my calls. Dapat tinawagan mo ako kanina," saad pa niya ngunit nanatali lang akong walang imik. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Paano ko ba siya mapapaalis? What is happening to me? This is so fvcking hard! "V-Vince Asher, pwede ba—" "Wait and see," he cut me off, his face holding no emotion. "I won't think of you at all for now on." "Then go!" Napahampas ako sa lamesa. "Parang gano'n lang? Maliit na bagay lang, kailangan ba lagi akong tatawag at magre-reply sa 'yo?!" Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Naramdaman ko na lang ang mga paa ko na naglalakad papunta sa parking at pumasok sa loob ng sasakyan ni Cloud. 'Then go! Parang gano'n lang? Maliit na bagay lang, kailangan ba lagi akong tatawag at mag-rereply sa 'yo?!' My eyes slowly widened as the realization hits me. W-what I have done? Did I really say those words?! Naipukpok ko ang ulo ko sa upuan. Sa mga sandaling iyon ay nilalamon ako ng konsensya. Hindi ko dapat siya sinigawan at sinabihan ng ganoon. I almost jumped from my seat when someone knocked on the window. Kaagad ko iyong biniba at ang nakangiting si Gunner ang sumalubong sa akin. Ningitian ko ito pabalik kahit pilit lamang ang mga iyon. "Gusto mong sumama?" he asked, wriggling his eyebrows. "Saan?" takang tanong ko, luminga-linga pa para tingnan kung may kasama siya. "Magpapahangin, iinom, maggagala," sagot niya, nakapamulsa na. "Arat na, mukhang kailangan mo rin 'yon. Nakita ko kayo ni pareng Vince kanina. LQ?" Bahagya akong natawa na may kasamang pagbuntong-hininga bago lumabas ng kotse ni Cloud. Ite-text ko na lamang siya na sumama ako kay Gunner. Mas mabuti na siguro ito. I felt so guilty sa lahat nang nangyari. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga nasabi at ginawa ko. Hindi lang kay Vince, even to Keid! Inaya ako ni Gunner na maglakad nalang. Wala naman kasi siyang dalang sasakyan, nakisakay lang din siya. Pumayag naman ako dahil mukhang masayang gawin iyon ngayong gabi. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin, nakaka-relax. Hindi masyadong malamig sa balat, sakto lang. Tahimik lang kaming dalawa sa mga oras na iyon. Mabuti nga iyon dahil mas lalo kong nare-realize ang mga bagay-bagay. Hindi ko ma-explain pero parang unti-unti kong na-f-feel na tama lang ang ginawa ko. It's the right thing to do para layuan nila ako. Para iwasan at ayawan ako ni Vince. Ganito rin naman ang mangyayari kapag nalaman nila ang totoo, 'di ba? Mawawala rin sila. Mawawala rin si Vince. Wala sa sariling napatango-tango ako. That's right, Zadie. Ganiyan nga ang gawin mo, maging cold ka, huwag mo silang kausapin, awayin mo sila nang sa gayon layuan ka na nila. They doesn't deserve you. You're such a freaking liar. "Let's go, may convenience store roon, oh," aya niya, nakaturo sa convenience store na bukas pa hanggang ngayon kahit wala na silang customer. Napalingon ako sa likuran namin at ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita kung gaano na kalayo ang nalakad namin ni Gunner. Natawa pa nga siya nang makita ang reaksyon ko. "Sobrang lalim kasi nang iniisip mo, hindi mo na namalayan," sambit pa niya. Bahagya rin akong natawa bago kami tuluyang pumunta ng convenience store. Nag-stay ako sa labas habang siya naman ang bumili ng maiinom at makakain namin. "May binili akong beer at chips. Nagpaalam na rin ako sa tindera, we can stay anytime we want." Napangiti ako. "Salamat." "Would you mind kung itatanong ko kung anong problema? Napansin naming hindi maganda ang aura mo ngayon. Nanibago nga ako, e." Inilapag niya sa lamesa ang apat na can beer na binili niya at dalawang malaking chips. Kinuha ko ang isa at binuksan iyon saka dali-daling tinungga. "Wala naman akong problema," pagsisinungaling ko rito matapos sumama ang mukha ko. Masyado ko atang binigla ang sarili ko sa beer. Gunner crossed his arms. "Okay, I respect if you don't want to talk about it, but you can't lie to us, Zad. Alam naman naming lahat na may problema ka. I mean, lahat naman ng tao nagkakaproblema. Kahit si Keid na mukhang baliw, may problema rin sa buhay." "May kaibigan kasi ako," sambit ko na ikinakunot ng noo niya. That friend is just me. "May itinatago kasi siya, ayaw niyang sabihin kahit kanino maging sa mga kaibigan niya o sa taong gusto niya." "Then?" "Namomoblema siya kung sasabihin na niya o huwag nalang kasi kapag sinabi niya..." Napahinto ako at napabuntong hininga bago ipagpatuloy ang sasabihin ko. "B-Baka layuan at iwan siya ng mga 'yon." "Hindi ko alam kung anong ipapayo ko sa kaniya," dagdag ko pa at saka muling tinungga ang laman ng can. "Don't you trust us?" tanong niya na siyang ikinagulat ko. Alam ba niyang sarili ko ang tinutukoy ko? "H-Ha—" "Itanong mo sa kaniya 'yon. Kung wala kasi siyang tiwala sa inyo masakit sa part niyo 'yon. Malay mo kamo maintindihan niyo naman, o kaya matulungan niyo siya kung ano man 'yon," dagdag pa niya kaya natahimik nalang ako. Alam kong maiintindihan ako ni Cloud dahil siya na ata ang pinaka-understanding na taong kilala ko, pero kayo? Maiintindihan niyo rin kaya ako kagaya ng pag-intindi ni Cloud sa akin? Mas malaki ang kasalanan ko sa inyo. "Hindi naman siguro kailangang sabihin pa 'yon sa gusto niya." "I mean ka-mu parang gano'n," sambit ko pa. "E, 'di dapat you must trust him more, magiging boyfriend mo 'yon in the future, dapat lang honest ka!" sagot niya kaya napaiwas nalang ako ng tingin. What should I do now? Galit na sa 'kin si Vince dahil sa ginawa ko kanina. "W-What if kapag umamin siya... kapag umamin siya ay iyon pa 'yung mag-cause ng break up o paglayo sa kaniya ng lalaki?" "It depends on the guy, Zad. Baka naman maliit na bagay lang 'yon mapapatawad ka niya for sure. Kung malaki naman, ewan ko nalang," sagot naman niya at binuksan ang ikalawang can beer. Ang bilis niyang maubos 'yung isa. "Pero kung ako sa friend mo sasabihin ko na habang maaga kaysa naman sa iba pa niya malaman." "Baka hindi niya masabi kasi ayaw niyang maiwan—" "Parang ang labo naman no'n," putol sa 'kin nito na siyang ikakunot ko naman ng noo. "Bakit naman naging malabo?" "Takot siyang iwan siya? It means hindi basta-basta lang 'yung sikreto no'n, pero kung talagang mahal mo 'yung lalaki, sasabihin mo 'yung totoo no matter what it takes," he answered. "Ngayon nag-aalala siya kung anong magiging reaksyon ng mga kaibigan niya at nung lalaki na para bang ayaw niyang malaman o magalit 'yung mga iyon sa kaniya. Alam naman niya palang ikakagalit nila iyon, hindi pa niya sinabi hanggang maaga." I sighed, he has a point. Kung may sapat na lakas ng loob lang ako, sana sinabi ko na kaagad sa kanila. "Kulang siya sa pagtitiwala, or baka wala siyang tiwala roon sa lalaki o kahit sa inyo na kaibigan niya—" "Is not that," putol ko sa kaniya. Totoo naman, e, hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila. "N-Natatakot lang siguro siya—" "E, 'di sana nga umamin na siya una palang," putol niya sa 'kin kaya napatigil ako. "Wait, why you keep on defending her? May point naman ang pinagsasabi ko, ah?" "O-Of course, she's my friend—" "Friend mo rin naman ako, ah," sambit niya kaya napailing nalang ako at mahinang natawa. "Basta sabihin mo sa kaniya 'yon, hindi tama 'yung ginagawa niya." "I-I will." "Love? Pft!" he chuckled, umiling-iling. "Hindi love 'yon, selfishness 'yon. Sarili lang niya ang iniisip niya." "Grabe ka naman," nakasimangot ko sabi. "Oh, bakit? Ano ba kasi iyong sikreto niya at hindi niya masabi? May pinoprotektahan ba siya o 'yung sarili lang niya iyon?" "Of course, she's also protecting her friends," I replied, hiding my trembling lips underneath the canned beer. "Paano niya mapoprotektahan kung walang kaalam-alam 'yung mga kaibigan niya? Ang hirap naman no'n." Napailing si Gunner at napabuntong-hininga. Sinuklay pa ang buhok gamit ang mga daliri. "Pero dapat sinabi niya parin. Ang selfless niya na may pagka-selfish, gets mo ba?" Napatango ako. "Medyo." "Basta gano'n 'yung tingin ko. Opinyon ko lang naman 'yon," aniya at bahagyang tumawa. "Parang ako lang kay Yna noon." Kaagad akong kumontra rito. "Selfless ka lang, hindi ka selfish. You let go of her, that's not selfish," sambit ko, amusement was written in my eyes. "Sobrang selfless mo kasi okay lang sa 'yo na masaktan at magparaya para sa ikasasaya ng iba. Okay lang sa 'yong magsakripisyo basta para s ataong mahal mo. You're really amazing and a really good guy, Gunner. I admire you for that." "Crush mo na ako niyan? Baka awayain ako bigla ni Vince, ah." Kaagad ko siyang binato ng naubos kong canned beer. Nakailag naman siya at malakas na tumawa, halatang nang-aasar. Nakuha niya pang magbiro sa seryosong usapan namin. "Pero seryoso, naging selfish din naman ako kay Yna. May mga araw na hindi ko siya pinapayagan sa mga lakad niya. May mga araw na nagiging mahigpit ako, gago, palainom, at sarili ko lamang ang iniisip ko," aniya, bunuksan ang chips na binili niya saka inalok sa akin. "Kaya nga siguro nasakal siya at nabaling sa iba ang atensyon." Natahimik ako. Para sa akin ay hindi naman ka-selfish-an iyon. May mga pagkakataon talaga na kailangan nating bawalan ang isang tao dahil baka nasosobrahan na sila. Hindi rin naman masamang isipin natin ang sarili natin paminsan-minsan. Kung puro nalang kasi ang iba, paano naman tayo? Paano naman 'yung sarili nating kaligayahan? Kung tutuusin ay mas selfish nga ako. Mas deserve ko nga ang title na iyon. Sa sobrang ka-selfish-an ko, hindi ko nagawang sabihin sa kanila ang totoo. Mas pinili kong maging masaya kasama silaat hindi inisip ang mararamdaman nila. Hindi siguro ako makokonsensya ng ganito kung una palang ay naging tapat na ako hindi lang sa kanila kun 'di pati sa sarili. Wala sa sariling natawa ako. Ang hina kong tao, ang hina-hina ko pala talaga. Isang pagpapangap lang ang pagiging matapang ko. Isang maskara na tatakip sa tunay kong pagkatao. *** Lie Again by: thesweetest_thing
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 69 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (63)
DayupayAlexis
I really loved the story, hoping for a Season 2 soon. I wonder if we could be great friends somehow, someday Author! Thank you for sharing a wonderful story!! <33
I really loved the story, hoping for a Season 2 soon. I wonder if we could be great friends somehow, someday Author! Thank you for sharing a wonderful story!! <33
26/01/2022
1wow
09/07/2024
0una palang nakaka excite na
20/08/2023
0Xem tất cả