Tahimik lang kami habang pabalik na sa bahay ni Jacob. Naglibot-libot muna kami saglit kanina bago naisipang umuwi. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano 'yong naramdaman ko kanina, nalilito na rin kasi ako eh. Naiyak ako sa kinuwento kanina ni Jacob pero alam kong may iba pang dahilan kung bakit ako naiyak. Siguro dahil sa buntis ako kaya paiba-iba ang emosyon ko? Ang OA ko naman kasi kanina eh. "May gusto ka bang bilhin?" biglang tanong ni Jacob. "Huh? W-Wala," medyo nanginig pa ang boses ko. Tiningnan niya ako saglit at ibinalik din agad ang tingin sa kalsada. *** Isang linggo na ang nakalipas at biyernes na ngayon, ngayong araw na rin ang check up ko. Lumabas na ako ng kwarto at ang bumungad agad sa akin ay ang bunganga ni Lara. "Oh my gosh! Excited na akong makita ang baby niyo." niyakap niya ako nang mahigpit. Ang sigla niya ah, mas excited pa siya sa amin eh. Excited naman ako pero mas excited talaga si Lara. "Kung maka-excite ka riyan parang ikaw 'yong tatay eh," sabi ko sa kaniya at sinimangutan niya lang ako. Tiningnan ko si Jacob na tahimik lang kaming pinagmamasdan. "'Wag ka ngang ano riyan, Sash. Pasalamat ka nga't may magbibigay ng regalo diyan sa anak mo eh." nakangusong sabi ni Lara. "Kaya ko namang bigyan ng regalo ang anak ko eh." binelatan ko siya. "Aysus.." tukso niya saka tiningnan si Jacob. "Syempre dahil nandito din naman si Daddy Jacob." Tiningnan ko si Jacob na nakangisi na ngayon. Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na ako palabas, sumunod naman sila. Pero hindi pa rin tumitigil si Lara sa kakasalita. Nag-convoy lang kami dahil may dala namang sasakyan si Lara. Hindi ko na naman naintindihan ang nararamdaman ko dahil naiilang na naman ako. Matagal-tagal na kaming nagsasama ni Jacob sa iisang bubong pero naiilang pa rin ako. Tahimik lang kami buong byahe at nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nang nakarating na kami sa clinic ni Dra. Reyes ay kinabahan na ako, hindi ito ang first time ko pero kinakabahan pa rin ako. Ano kayang magiging reaction ni Jacob? Pumasok na kami at nakaready na ang mga gamit pati na rin si Dra. Pinabihis niya muna ako ng hospital gown bago pinahiga sa kama. Nagsimula na rin siya sa mga gagawin niya. Tiningnan ko ang screen at nakita ko ang isang parang bilog, medyo lumaki na siya kumpara noong una kong punta rito. Binalingan ko si Jacob na nasa gilid ko at nakatitig lang siya sa screen, hindi na nga halos gumagalaw eh. Titig na titig siya na para bang kung kumurap siya ay mawawala iyon. Habang si Lara naman ay nakanganga at namamanghang nakatingin din sa screen. "Hmm... Healthy naman ang babay mo." sabi ni Dra. matapos ang ultrasound. "Kumain ka rin ng maraming healthy foods at uminom ng vitamins nang sa gano'n ay maging healthy pa lalo si baby." Ngumiti siya sa akin at nginitian ko rin siya. "And also, avoid stress, Sash, you already know that. I suggest na pumunta ka sa mga lugar na presko ang hangin, mas maganda iyon. Kung gusto mo lang naman," huminto siya. "Pero kung sana nandito ang Tatay ng anak mo ay mas maganda para naman mabantayan ka niya. Pero okay rin namang maging single mom basta't kaya mo siyang buhayin, tutal may mga kaibigan ka naman na magbabantay at tutulong sa 'yo." ngumiti siya sa akin at tiningnan pa sina Jacob at Lara. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay Lara na halata rin ang gulat sa mukha at si Jacob naman na seryoso lang nakatingin kay Doktora. Tumikhim si Lara. "U-Uh.. Doc... ito po 'yong tatay ng anak ni Sashira," awkward na sabi ni Lara at tinuro pa si Jacob. "Oh!" nagulat rin si Doktora. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Jacob. "Oh.. Sorry.. akala ko kasi single mom siya eh. No'ng una mo kasing punta rito, Sash, ay wala ka namang kasama at sabi mo... wala kang asawa... kaya..." nag-iingat niyang sabi. "I'm sorry ulit." "Uh.. okay lang po." nginitian ko na lang siya. Seryoso pa rin si Jacob habang nagbibigay pa ng payo si Dra. Reyes. Ang awkward lang talaga. Pagkatapos ng payo ni Doktora ay lumabas na kami, napahinga ako nang malalim at gano'n din si Lara. Lumapit si Lara sa akin at nasa likod lang namin si Jacob. "Hindi mo pala sinabihan agad si Daddy Jacob?" bulong ni Lara habang naglalakad kami palabas. Nagkibit balikat ako. "Hindi ko rin naman kasi alam kung paano ko sabihin eh. Ikaw sana 'yong isasama ko kaso wala ka naman," bulong ko rin sa kaniya. "Hindi ka kasi nagsasabi kung aalis ka eh." Ngumiti lang siya sa akin at nagpeace sign pa. "Hindi naman ako ang tatay ah, bakit ako ang isasama mo?" Inismiran ko lang siya pero nginisihan niya lang ako. Pagkauwi namin ay umuwi na rin si Lara dahil tinawagan siya ng boss niya. Pumunta na muna ako sa kusina at uminom ng tubig. "Bakit nga ba hindi mo sinabi sa akin agad?" halos mapamura naman ako sa biglaang pagsulpot ni Jacob, muntik ko na ring maibuga ang iniinom ko. "A-Ang alin?" kahit alam ko ang tinutukoy niya ay nagtanong pa rin ako. Bahagya akong lumayo sa kaniya nang lumapit siya sa akin. Inilapag ko rin sa lamesa ang baso. "About your pregnancy," seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Napalunok ako. Tumawa ako nang bahagya para mabawasan ang kaba. "Ano... kasi... hindi ko naman alam kung... nasaan ka," dahilan ko na lang. Naglikot ang mga mata ko at hindi siya matingnan nang diretso. "Nagkita naman tayo sa labas ng clinic pero... tumakbo ka. Bakit?" nagkasalubong na ang kilay niya. Humakbang siya ng isang beses na ikinataranta ko. Napapikit din ako nang mariin nang maalala ko ang araw na nagkita kami sa labas ng clinic. Oo nga pala at nagkita kami no'n! "A-!kala ko lang kasi... na wala kang pakealam..." nag-iwas ako ng tingin. Mas lalo namang kumunot ang noo niya. "Kung wala akong pakealam hindi na sana kita sinundan palabas no'n, kaso nakasakay ka na ng taxi kaya hindi na kita naabutan," may halong galit na ang boses niya. Kinabahan ako. "I'm sorry. N-Natakot lang kasi ako kaya ako tumakbo..." Bumuntong hininga siya at pumikit nang mariin. Napalunok naman ako nang makita na ang gwapo niya pala kung nakapikit at kung nagagalit. Umiling ako. Ano ba 'tong iniisip ko, nagawa ko pa talagang mamuri ha? Nang dumilat siya ay nag-iwas agad ako ng tingin at yumuko na lang at pinaglaruan ang mga daliri ko. "Gusto mo bang magbakasyon?" Napatingin ako sa kaniya at nagulat sa biglaan niyang pag-aayang magbakasyon. Na-excite ako pero hindi ko pinahalata, mukhang galit pa siya kanina tapos ngayon ang bilis nawala. Parang ako lang din eh. Tumikhim ako. "Talaga? Kailan naman? At saan tayo... pupunta?" kalma lang ang boses ko, nagkukunwaring walang pake. "Saan mo ba gusto?" tanong niya, nakatingin pa rin sa akin. Nag-isip ako ng lugar na pwede naming puntahan pero wala naman akong alam na magagandang lugar dahil hindi naman talaga ako gumagala. Wala rin naman akong kaibigan na isasama kaya sa bahay at sa eskwelahan lang umiikot ang mundo ko noon. Boring talaga ang buhay ko noon eh. Buti na lang at dumating si Lara. "Ah..." nagkamot ako sa ulo. "W-Wala kasi akong alam na magandang lugar eh, kaya... ikaw na lang bahala." Tumango siya "Okay. So, when do you want to go?" tanong niya ulit. "Kahit kailan," simple kong sagot pero sa loob-loob ko ay sobrang excited na. "Sa susunod na araw. May aasikasuhin muna ako bukas at maghanda ka na rin ng damit mo." Ngumisi ako sa kaniya at agad na tumango. Hindi ko na naitago ang excitement ko dahil sa susunod na araw agad, akala ko matatagalan pa. Hindi ko nga lang alam kung saan kami pupunta pero wala akong pakealam dahil first time ko talagang gumala.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
good very lovely
03/12/2024
0Yuo
03/10/2024
0thanks
08/08/2024
0Xem tất cả