HINANAP NA NAMIN SA BUONG UNIVERSITY SI KANDIS PERO WALA TALAGA. Nag tanong tanong na rin kami sa mga students na nag aaral dito ngunit wala silang nakitang Kandis. "Kailan pa ba nawawala si Kandis?" pag aalala kong tanong. "Kanina naisipan ni Kandis na umuwi sa bahay nila nung oras ng lunch ta's tumawag 'yung mom niya sa'kin kung nakarating na raw ba si Kandis sa University. Akala ko nag gala lang si Kandis sa University pero nagtaka na 'ko nung may mga na-skip na siya na mga klase." Paliwanag ni Idelle. "Pero Idelle, hindi gumagala si Kandis ng mag isa lalo na't maraming bullies dito sa University dahil sa skin color niya." Clancy. "Nasaan na kaya si Kandis? Nilibot na natin 'yung buong University pero wala siya!" pag aalala pa ni Eryl. "What if maghiwa-hiwalay tayo para mahanap siya?" "Great idea!" sang ayon ni Eryl. "Sandali lang, hindi pa ba tayo pwedeng mag report sa mga pulis na nawawala si Kandis?" Clancy. "Hindi pa pwede, kailangan 24 hours na siyang hindi nakikita para maconsider na nawawala nga siya." Eryl explained. Sa totoo lang ay hindi na talaga namin alam kung saan hahanapin si Kandis. Lahat kami ay kinakabahan. Marami ang nambubully kay Kandis dahil sa Skin Color niya. Half Black American si Kandis kaya ganoon ang kaniyang kulay. Marami ang nanglalait sakaniya kesyo isang uling lang daw siya sa University. Nakakainis 'yung mga ganoong tao, kaya iyon din ang dahilan kung bakit kami lang ang kaibigan niya. Narito ako sa likod ng University. Sobrang dilim. I turned on my flashlight. "Kand—" Natikom akong bigla nang makita ko si Kandis. "Shh." She signed na manahimik ako. Kahit nasa madilim kaming lugar ay nakikita ko pa rin ang pasa niya rito sa dilim. Halos manlumo ako sa nakikita ko ngayon kay Kandis. Naka tago kami ngayon sa likod ng sasakyan. Tatlong babae at dalawang lalaki ang nakita kong mukhang may hinahanap. Naka silip lang kami sa ibaba. Papalapit na sila, Kandis! tumataas taas ng sabay ang kilay ko na para senyasan si Kandis sa nakikita ko. Mabuti nalang at naiintindihan niya ang gusto kong iparating. Napatingin kaming pareho sa ilalim ng sasakyan. Dahan dahan kaming pumailalim sa ilalim ng sasakyan. Sobrang hirap pumailalim. Ang sikip, ang hirap gumapang. Naka tingin kami sa mga paa nila na umiikot sa paligid ng sasakyan. Kabado kaming pareho dahil baka maisipan nilang sumilip dito sa ibaba, diyos ko h'wag sana! Nagka tinginan kami ni Kandis ng makita naming sumakay silang lahat sasakyan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat na ba kaming umalis? Kaso papaano kung may lumabas pa? Diyos ko help us. Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman kong may humawak sa kaliwang paa ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Takot at kaba ang bumalot sa sistema ko. Katapusan na ata namin 'to. Pilit ko paring tinakpan ang bibig ko para hindi makalikha ng ingay. Mahina ang naging tili ko dahil sa tinakpan ko ang bibig ko ng palad ko. Nagulat ako ng hilahin kami palabas ng kung sino. Helppppp!! Nanlaki ang mga mata ko sa taong hindi ko inaasahan na iyon ang humatak saamin palabas. "Chad!?" I whispered. I shook. I'm so disappointed. "What are you doing?" iritado kong pabulong na tanong sakaniya. Ang tono ko ay sobrang hindi talaga makapaniwala sa ginawa niya. "Stop acting like a baby, let's go!" Hindi ko inasahan ang magiging sagot niya. Let's go? What? mabilis kaming sumunod ni Kandis sakaniya. "Sandali lang, narinig niyo ba 'yon?" "'Yung alin?" "Sandali lang andito pa ata yung babaeng uling na 'yon!" Lumabas ng sasakyan ang isang babae. Kasunod naman niya ang isa pang babae. Nakita ko isang sasakyan. Tinignan ko muna ang paligid namin. Walang tao rito. Dahan dahan ko 'yong binuksan at hinatak ko si Kandis papasok sa loob at dahan dahang sinara ang sasakyan. Si Chad naman ay naka tago sa gilid ng pader. Tagaktak na ang pawis ni Kandis. "Halika na! Malapit na mag curfew hours!" sabi pa ng isang babae. Habang patagong naka silip ay nakita ko naman ang babaeng iyon na palingon lingon sa paligid na bumalik sa sasakyan. Mukhang hindi pa rin mapakali ang babae. Hanap na hanap pa rin siya. Nakakainis. Naka hinga ako nang maluwag luwag nang makalayo na an sasakyan na sinasakyan nila. Matapos nilang makalayo ay lumabas na kami ng sasakyan nang mabilis dahil baka may maka kita pa saamin. "Ihahatid ko na kayo pauwi." Ani Chad. "Thanks but no thanks, tatawagan ko nalang sila Wayne. By the way thank you for helping us." I smiled. "Thank you Mr. Austin!" matamis na ngumiti si Kandis. MARAMI ANG NAGING GANAP BUONG MAG HAPON. Sobrang naging busy na rin kami dahil sa mga maraming pinapagawa ng mga teachers namin. Halos puro pag sagot ng summative and quizzes ang inatupag namin. Marami kaming na missed dahil puro discussion ang inatupag nung mga nag daang linggo. "Kamusta?" nagulat ako sa biglang pag sulpot ni Chad. "Okay naman(?)" nag tataka ako sa mga pag lapit lapit niya dahil nakaka panibago lang talaga para sa'kin. "Kerstein!" tawag ni Clancy. Nag sulputan na rin sila Eryl, Kandis at Idelle. "Yep?" "Tara punta tayo sa Circle!" aya ni Kandis. "Sorry hindi ako puwede, kailangan kong mag review. Remember periodical exam na natin bukas." Tanggi at paalala ko sakanila. "Oo nga pala!" kibit balikat ni Idelle. "Saglit lang naman tayo roon!" pag pupumilit pa ni Kandis. "H'wag na!" tanggi ni Clancy. "Ano ba 'yan!" biglang lungkot si Kandis. "Edi bukas nalang, pag tapos ng exam, diretso tayo sa Circle para unti lang dala natin!" ideya ni Eryl. "Epiphany!" "Uy Eryl, may tumatawag sa'yo sa likuran." Clancy. Nalingon kaming sabay sabay roon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang Crush ko na si Edsel. OMG! "Oh, hi!" bati sa'min ni Edsel. "Hello!" I smiled. "Eryl kailangan natin pag meetingan bukas 'yung tungkol sa fundraising." Edsel. "Bakit pa? Akala ko ba tapos na? Natapos na natin 'yon nung isang linggo ah!" Eryl. "Si Alison kasi may gusto pang idagdag kaya ayon sabi ko tatanungin muna kita, Epiphany." Edsel. "Osige pupunta ako!" tango ni Eryl. "Guys I'm sorry hindi ako makakasama bukas!" Eryl. "Huh? eh teka, mas nauna naman kami kay Edsel!" kontra ni Kandis. "Hayaan mo na Kandis, baka nakakalimutan mo mas kailangan nila Edsel si Eryl dahil president siya ng school." Paalala ni Clancy. "Bakit saan ba kayo pupunta bukas?" tanong ni Edsel. "Pag tapos sana ng PE didiretso kami ng Quezon Memorial Circle." Sagot ko. Napa tango tango naman si Edsel. "Chad!" lumapit sakaniya ang isang lalaki. "Pre?" "Tara na, andoon na sila Ivan!" tumango naman si Chad sa lalaki. "Kerstein, mauna na 'ko ah, chat nalang kita." He smiled. Tumango lang ako. "Boy friend mo, Kerstein?" tanong ni Edsel. "Ha? hindi! hindi!" mariin kong tanggi. "Oh okay." Edsel. "Ohshasha, dito na kami Edsel, thank you sa pag sabi." Eryl. "Ay mga dai, daan muna pala tayo sa room nila Sran!" Eryl. "Huh ano namang gagawin natin doon?" Idelle. "Ibibigay ko lang sakaniya 'tong pera." Eryl. "Kayo nalang ni Kerstein ang pumunta roon, aantayin nalang namin kayo sa may school gate." Idelle. "Sandali- teka!" "Bakit Kers? 'di ba gusto mong makita si Gilbert? ayan niya! samahan mo na si Eryl pumunta sa twin niya!" may halong pang aasar sa tono ni Kandis. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mangiti sa pang aasar niya.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Para po mapa bilis ang aking pag kita ng pera
19/03/2025
0ang Ganda 💓
23/11/2024
0wiwo I love you
19/11/2024
0Xem tất cả