logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 04: Is it me? Or him?

Pag pasok ko palang sa gate nila ay may isang aso na ang lumapit. Nanlaki ang mga mata ko roon. Unti unting binabalot ng kaba ang buo kong sistema. Maliit lang ang aso mukhang bata pa (puppy) pero natatakot talaga 'ko.
Tuloy lang si Chad sa pag lakad pero ako, nakahinto lang ako. Hindi ako maka galaw dahil ayaw pa ring umalis nitong maliit na aso'ng 'to sa harapan ko. Nalingon naman si Chad sa likuran niya siguro ay napansin niyang walang naka sunod sakaniya.
Bumalik siya sa'kin. "T-takot ako sa aso.." Kabado kong sinabi.
"Arf! Arr." Tahol ng Aso.
Nanginig ang tuhod ko sa tahol ng maliit na aso. WTF!
"Hindi naman sila nangangagat." Ani Chad. "Kahit na. I hate dogs." Takot kong sinabi. Ngumisi naman siya.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Shu! Doon muna kayo!" utos ni Chad sa maliit na mga aso. We? Mukha bang susunod sakaniya 'yan? Hindi ko talaga minsan sila maintindihan, pero sabagay hindi talaga dahil wala akong alaga. Lumayo naman ang puppies. Hawak niya ako sa kamay at sinundan ko lang siya ng lakad. Medyo malamig ang kamay ko. Nahihiya na talaga ako, jusme. Ba't ba kasi may aso sila eh.
"Arf!" sa gulat ko ay napa kapit ako kay Chad. Diyos ko! Tulungan niyo 'ko, ilayo niyo 'tong mga aso'ng 'to. T_T
"It's okay." He smiled.
Naka pasok na kami sa loob ng bahay nila. Ang mga puppies naman ay hindi na sumunod pa sa loob. Woh! Grabi ang kaba ko roon ah!
"Okay ka lang ba?"
"Oo."
"Upo ka muna."
Kinuha niya 'yung mga bond papers niya pati na rin iyong portfolio niya.
"Tulungan na kitang mag sulat, nasabi kasi rin sa'min ni Ma'am na hanggang bukas nalang pasahan para sa mga late passers."
"Thank you!" he smiled.
Sinimulan ko nang gawin ang ilan dito. Nahihiya pa rin ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi ganoon kagandahan ang sulat ko. Nakakahiya sobra.
"Masungit ba sainyo si Ma'am?" basag niya sa nakakarinding katahimikan. Buti sinimulan niya kundi hindi ko rin talaga siya kakausapin. Hindi ko alam pero napaka mahiyain ko. "Hindi naman sakto lang pero alam mo nakakainis lang kasi madalas siyang mag pareport pero hindi naman nag tuturo. Puro lang siya 'report niyo gan'to, report niyo gan'yan. Nakakainis." Iritado kong kwento. Natawa naman siya sa kwento ko. "Totoo naman, ako nga tinutulugan ko lang sa klase 'yon!" he laughed. Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Huh? Pa'no? I mean, kasi 'di ba, ang higpit nun saka pa'no ka makaka tulog sa classroom eh ang madaming epal na cm." Hindi talaga ako makapaniwala. "Iba sa'min, ako 'pag matutulog ako kukuhanin ko 'yung manila paper ng ibang grupo, syempre 'yung tapos nang gamitin. Iyon isasapin ko sa baba." Ngisi niya. "Buti nakaka tulog ka sa ganon tapos maingay pa 'yung teacher." Marahan akong natawa sa sobrang hindi maka paniwala sa ikinukuwento niya.
Napa haba ang kwentuhan namin habang gumagawa ng project niya. Dumating ang isang matanda, siguro lola niya 'to.
Natameme ako bigla. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobra 'kong nahihiya, hindi ko alam. Hindi ako makapag salita.
"'La! si Kerstein, kaibigan ni Wayne, tinutulungan niya 'kong gumawa ng project." Pakilala sa'kin ni Chad sa lola niya. "Hello po!" I smiled. Diyos ko! Hindi ko alam gagawin ko. Ano ba dapat? Kinakabahan ako nang sobra sobra. Ngumiti lang din ang lola niya sa'kin matapos mapatingin sa mga papers.
Sumunod naman si Chad sa lola niya. Kinakabahan talaga ako. I don't know kung okay lang ba sa lola niya na andito ako.
"Kerstein, bibili lang muna ako ah."
Tumango naman ako. Bumaling akong muli sa isinusulat ko. Habang nag susulat ay nakita ko naman sa gilid ko ang lola ni Chad. Help! Kinakabahan talaga ako. Siguro manahimik at dapat amg focus nalang ako sa pag susulat. Kerstein h'wag kang papahalata na kinakabahan ka, okay? Kalma..
"Totoo ba 'yan?" nagulat ako sa pag tanong niya sa'kin. "P-po?"
"'Yang ginagawa mo, totoo bang kay Chad 'yan? Tinutulungan mo siya?"
"Opo, tinutulungan ko nalang po siya mag sulat kasi masyado pong marami 'to, baka kulangin po oras niya." Ngumiti ako. Tumatango tango naman siya.
Malakas ang kabog ng dibdib ko sa mga oras na ito. Abot langit ang kaba ko, hindi ko alam kung bakit.
Napatingin ako sa suot ko. Mas nahiya ako nang maalala kong naka dress pala ako. Aurgh! Nakaka inis! Ba't nga ba kasi ako naka dress? Nakaka inis naman! Nakakahiya. Ang OA ko rito. Yes, naka black dress ako at may design 'tong flowers. Hala shete! Nakakahiya talaga! Siguro iniisip ng lola ni Chad na ang OA ko talaga, ba't ba kasi? Hayst.
Hindi na siya muling nag salita. Nag cecellphone nalang siya kaya ako ibinaling ko nalang muli sa pag susulat ang atensyon ko.
Ilang sandali lang ay dumating na si Chad. May dala siyang soft drinks at burger.
"Kain muna tayo!" kumuha siya sa may kusina ng baso.
"Okay lang, busog pa 'ko." Tanggi ko.
"De sige na, tara na!"
Hinatak niya 'ko papunta roon. Inilapag niya 'yung burger sa may upuan.
"Sige na kumain ka na!"
"Busog pa naman ako, okay lang."
"Wala nang ibang kakain niyan, sige na!" pamimilit niya. Nababasa niya siguro na binabalot lang ako nang hiya. Hindi kasi ako sanay na ako ang nililibre kaya nahihiya talaga 'ko.
Hindi na 'ko nag pabebe pa kaya kumain na rin ako. Baka mainis pa siya sa'kin.
"Thanks!"
He smiled.
Matapos non ay bumalik na 'ko sa ginagawa namin. Tinatapos na namin 'yon.
"Chad!" tawag galing sa labas.
Napatayo naman si Chad ng may tatlong lalaki ang dumating. Ang isa ay may hawak na bola.
"Bakit pre?" Chad.
"Oh sino 'yan Chad? Bago mong Jowa?" tanong ng isang lalaki na naka kulay Blue.
"Ganda nun Chad ah, naks! Galing mong pumili ah!" pang aasar ng naka kulay Black.
"Parang hindi naman taga rito 'yan? Parang ngayon ko palang nakita 'yan." Sabi nang may hawak ng bola.
"Hindi! kaibigan 'yan ni Clancy!" sagot ni Chad.
"Ba't ano bang ginagawa niyo rito?" pag iiba ni Chad. "Aayain ka sana namin mag laro kaso may bisita ka, next time nalang!" natatawang sabi ng naka Blue. "Tara na!" aya ng naka black sa dalawang kasama niya.
Halos isang oras pa ang tinagal namin sa pag gawa at habang gumagawa ay nag kukuwentuhan kami ng mga keme namin sa buhay. Sa totoo lang, I like him. Hindi siya boring na tao, like me.
"Balik na 'ko kila Clancy. Sabay kasi kami ni Kandis pauwi eh." Sabi ko. Tumingin siya sa wrist watch niya. "Ay sorry alas singko na pala." Aniya.
"Dito na po 'ko!" Paalam ko sa lola niya. Ngumiti naman ito at tumango.
'Pag labas namin ng bahay nila ay nakita ko ang mga puppies na maihimbing na natutulog. Wooh buti nalang!
"Sige na, bumalik ka na roon!" sabi ko sakaniya no'ng narito na kami sa gate nila.
"Ihahatid na muna kita."
"H'wag na, nakakahiya naman, masyado na kita naabala!" nahihiya kong sagot.
"Ako nga dapat mahiya kasi ako nangopya sa'yo." Natawa siya sa sinabi niya.
Nakakahiya talaga, Kerstein.

Bình Luận Sách (36)

  • avatar
    Anjo Santillan

    Para po mapa bilis ang aking pag kita ng pera

    19/03/2025

      0
  • avatar
    BulabosShanghai

    ang Ganda 💓

    23/11/2024

      0
  • avatar
    Nitan Smith

    wiwo I love you

    19/11/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất