logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 53

Zadie's POV:
Dali-dali akong bumangon nang magtungo sa kwarto ko si Scott at talunan ako. Minsan talaga nakakatakot itong dalawang alaga ko. I mean, they know how to open the door. Paano nalang kung magnanakaw pala 'yon?
"Pa, ikaw ba 'yan?" tanong ko at isinara ang pinto ng kwarto ko. Nagulat naman ako nang makita ko si Ara na nakatayo at nakangiti sa'kin. "A-Ara, w-what are you-"
Nagulat ako nang bigla itong lumapit sa 'kin, kalaunan ay niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko naman ito pabalik, pinigilan ang sarili ko na maiyak. I thought she's mad at me, dahil sa ginawa ko.
"Sorry, hindi ako nagsabi, akala ko kasi iiwasan mo ako kapag sinabi ko na pupuntahan kita."
"H-Ha?"
"Sabi kasi sa 'min ni Cloud ayaw mo nang kausap. Ikaw lang din ang wala sa bar. Kaya ito," dagdag pa niya. Dinala ko naman siya sa veranda ng kwarto ko at doon pinaupo.
"Hindi ka ba galit sa 'kin?" pambabasag ko ng katahimikan. Itinali ko pa ang buhok ko na tinatangay ng malakas na hangin at muling nagsalita. "H-Hindi ba kayo galit sa 'kin ni Keid?"
"To be honest, nagalit ako sa 'yo pero napaisip din ako. I-I want to know kung alin doon ang totoo, 'yung sinabi mo ba sa amin o 'yung sinabi mo kay Vince?"
My gaze went down, biting my lower lips. Should I say the truth? I really don't know kung ano ang sasabihin ko. Ayokong magkagulo pa, pero gusto ko rin maging totoo kay Ara. Siya lang ang nagtiwala sa akin, sila ni Keid. Mas lalo lang akong guguluhin ng konsensya ko kapag itinago ko ang totoo sa kanila. I don't want to do the same mistake.
"Pero bago 'yon, are you okay?" she asked.
I smiled bitterly before responding, "You know I have to. May mga plano na ako and I'm sure by that makakalimutan ko rin ang lahat."
Yes, napag-isip isipan ko na why don't I live in Canada? Why don't I continue my studies there? Siguro nga, tama si Dad. It's better to go to Canada than to stay here.
"I'm sorry, Zadie, wala kaming magawa para sa 'yo. K-kahit alam naming ikaw 'yung mahal ni Vince but still he doesn't want to-"
"Nah, it's okay. It's all my fault, Ara. Hindi niyo kailangan o wala kayong kailangan gawin. Desisyon naming dalawa ni Vince 'to," I cut her off and smiled, kahit pilit lamang ang mga 'yon.
Napag-isip-isip ko rin dahil sa mga nakita at nabasa ko, does he really love me?
'Do you really love me?' I asked him. Tumingin naman ito sa'kin at nagkunot ng noo.
'Ano bang tingin mo?' tanong din niya kaya napaisip ako at agad ding tumango.
'Oo, mahal mo 'ko,' sagot ko pa.
'Of course, I do,' pagsang-ayon niya sa 'kin. Lihim pa akong napangiti lalo na't nang halikan niya ang noo ko. 'I hope you know how much you mean to me, bubwit.'
Wala sa sariling napailing ako at mapaklang natawa. It sucks. Our situation sucks. I chose to lie again and say the words that aren't true. Alam kong wala ni isa roon ang katotohanan, alam ng puso't isip ko iyon. While he chose to believe what I've said and marry my sister. Parehas kaming may pinili, sadly, hindi namin nagawang piliin ang isa't-isa.
That's life...
"Tell me the truth, Zad. Ano roon ang totoo? Ano ba ang totoo? Do you really love him or not?"
Saglit akong natahimik ngunit kaagad din akong tumingin ng diretso sa kaniya at nagsalita. "Yes, I do love him. I really do."
I made up my mind. For once, I just want to be honest. For once, I want to be true to myself. I want to be honest with my emotions, how I truly feel.
Ayoko munang lokohin ang sarili ko at balewalain 'yung nararamdaman ko. I want to cry and shout in anger.
"Z-Zadie-"
Tumango-tango ako. "For once, I want to be honest to you. So if you're going to ask me if I truly love him, yes... I do. If you're going to ask me how am I, I wouldn't lie to you anymore and tell you I'm okay," sambit ko pa at hinayaan ang mga luha kong tumulo. "B-Because for once, I want to tell you that I'm not. I'm not okay, Ara."
I've never been okay since I decided to change myself into someone I promised I would never become. I'm such a fvcking liar, damn!
"I want to be honest with you, to myself, to everyone who keeps on asking me how am I," I went on.
"Then tell me the whole truth, Zad. Honesty is the only in you that you could offer to," she said. Napatingin naman ako sa kaniya. "Isipin mo ako si Vince, now tell me kung ano talaga 'yung nararamdam mo."
Ewan ko ba pero para akong maamong tuta na buong-pusong sumunod sa amo niya. I looked at her eyes as if it was him and said, "N-None of that was a mistake, a misunderstanding, or a lie. T-The w-way I treat you is real. T-the way I feel about you is all real."
It's freaking real.
Another wave of tears fell from my eyes. "B-But I hope you understand why I'm doing this. I hope you know that I haven't left you," I whispered but enough for her to hear. I just realized that he just does want I want. Ginawa lang niya ang gusto kong mangyari. "I know you only permitted all of this even if you don't want to," I laughed, pinupunasan ang mga luha ko. "Y-You asshole, you always give me what I ask for."
"Zadie..." tawag sa 'kin ni Ara at mabilis akong nilapitan at niyakap. Umiyak lamang ako sa balikat nito.
Damn it! Bakit ganito? Ako ang puno't dulo, ako 'yung may gusto nito, desisyon ko 'to, pero tang*na lang bakit ako 'yung nasasaktan ng ganito?! Hindi ko maintindihan!
***
Ipinaghanda ko nang makakain si Cloud. Matapos kasi ang iyakan naming dalawa ni Ara ay nagpaalam na ito sa 'kin dahil may gagawin pa raw siya. Nagulat nalang ako at si Cloud naman ang nanggugulo sa 'kin ngayon.
Busy sila Ara ngayon dahil malapit na silang gr-um-aduate, pero hindi pa roon natatapos ang journey niya. Ten years ata ang gugugulin niya sa pag-aaral.
"Okay ka na?" he asked. Napataas naman ako ng kilay at saka ngumiti.
"Mukha ba akong hindi okay?"
"Malay ko ba kung totoo 'yan o nagsisinungaling ka na naman sa 'kin," sagot pa niya na siyang ikinatawa ko.
"Okay nga lang ako," sambit ko pa. Ganito pala 'yung feeling kapag nailabas mo sa isang tao lahat ng saloobin mo, 'no? Parang nabawasan 'yung bigat ng dala-dala mo. Pakiramdam ko hindi ko na pasan pa 'yung mundo. "May sasabihin nga pala ako sa 'yo."
"Ano 'yon?" tanong niya ngunit nasa phone na naman nito ang tingin niya. Adik na talaga. Tsk tsk tsk tsk!
"I'm leaving."
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang bigla nitong ibinagsak ang phone niya at masamang tumingin sa'kin.
"Anong I'm leaving?! No, you're not."
I frowned. "Ayaw mo bang maging masaya ako? Ayaw mo bang makalimutan ko ang lahat?" pag-iinarte ko. I know him. Siya ang kauna-unahang hahadlang kung sakali mang umalis ako.
"Damn, how long it is? I mean, how long you will be gone?" he asked na medyo ikinagulat ko pa. Does it mean, pumapayag na siya?
"I-I planned to continue my studies in Canada, Cloud. Maybe 2-3 years?" I answered.
"Ayoko."
"Eh? Bakit? Akala ko pa naman pumayag ka na," nakangusong sambit ko.
"Yeah, I was about to let you go, but when you said 2-3 years, no way! Nasa 3rd year college na tayo, tapos 2-3 years kang mawawala? Anong gagawin mo roon? Hahanap ng foreigner na mapapangasawa?"
Kaagad ko siyang hinampas sa braso. Ano bang pinagsasabi niya? Foreigner na mapapangasawa? What the heck?!
"Hahahaha! Joke lang!" pambabawi niya habang tumatawa parin. Loko-lokong 'to! Siya kaya ang ihanap ko ng foreigner?
"Seryoso nga kasi ako Cloud, I want to go there. 'Yon lang 'yung a-alam kong paraan para hindi na ako masaktan pa," sambit ko.
"If that's what you want, sige. Wala naman na akong magagawa-"
"C-Cloud," tawag ko sa kaniya. 'Yung tono niya kasi parang nagtatampo. Hindi iyon 'yung gusto ko.
I want his permission. I want him to support me.
"Sige na, sapat na sa'kin 'yung sinamahan mo 'ko rito at hindi ka sumama sa parents mo papuntang Korea. I'll support you, liit."
Kaagad ko siyang niyakap hanggang sa tapik-tapikin nito ang braso ko dahil nasasakal na siya. Natatawang binitawan ko naman ito.
"Patayin mo 'ko sa pagmamahal hindi sa ganiyang paraan!" reklamo niya kaya mas lalo akong natawa.
"Dapat pagbalik ko may girlfriend ka na. Baka naman may gusto ka prin sa 'kin pagbalik ko?!" pang-aasar ko pa rito.
"Baka naman din! Wala na akong gusto sa 'yo, 'no! Feelingera ka!" sagot niya na mas lalo kong ikinatawa. Ang sarap talaga niyang asarin, kaya ipinagpatuloy ko pa.
I smiled as I leaned closer to him. "Talaga? Wala na?" tanong ko pa. Nagpigil naman ako ng tawa nang makita ko ang sunod-sunod na paglunok nito. "Hahahahaha!"
"Nakakainis ka, liit! Ang pangit mo!"
"Whatever!" sagot ko sa kaniya at mas lalong tumawa.
Iniwan ko naman na ito sa kusina at ipinagpatuloy ang pag-iimpake ko. Maglalaro lang naman siya roon at kakain. Nasabi ko na rin sa kaniya ang dapat kong sabihin kaya okay na ako.
Buo na ang desisyon ko at wala nang atrasan 'to. Pupuntahan ko nalang si Papa sa bahay nila para sabihin sa kaniya na pumapayag na ako.
***
Zarine's POV:
"Bagay na bagay sa 'yo, Rin!"
"Oo nga! Ang ganda mo!"
Napangiti naman ako kay Keid at Yna. Sila ang kasama ko ngayon dito sa store nila Tita Alice para isukat ang gown ko.
"Ms. Villin, ready na ang groom niyo," tawag sa 'kin ni Ms. Hanna, ang namamahala rito sa store nila.
"Yie! Excited na ako para sa 'yo Rin!" nakangiti at nanunuksong saad ni Yna. Nakangiti lamang si Keid sa 'kin. Malalim naman akong napabuntong-hininga bago lumabas ng silid na pinasukan namin kanina.
There, I saw my soon-to-be husband. My groom was wearing a complete tuxedo including vest, white bow tie and tails, and shirt with black trousers. He really looks good with that suit and I can't deny it.
"There he is! Bagay na bagay, 'di pa po, ma'am?"
"You look good together," pagsang-ayon ni Tita Alice na siyang kasama rin namin.
"Picture-an namin kayo!" sambit naman ni Yna. Iniabot ko naman ang phone ko sa kaniya at ngumiti sa camera.
Matapos naming isukat ang mga isusuot namin ay kaagad na nagpaalam sa 'kin si Vince.
"Okay lang, kakain muna siguro kami nila Yna. I know you're very busy. I understand," I answered him and kissed him on his cheeks. "Take care!"
Nakangiting pinagmasdan ko ang papalayong sasakyan nito. Saka naman napadako ang tingin ko sa singsing na isinuot niya sa 'kin nang magkita kami. Hindi ito 'yung singsing na ibinigay niya sa 'kin noong nag-propose siya.
Nasaan na kaya 'yon?
Napaatras ako at lihim na napahawak sa chest ko nang biglang may kotseng huminto sa harapan ko. I was shocked when I saw him na lumabas sa sasakyan. "K-Khalil, what are-"
"Get in."
"What?! You're telling me to get in? Why on earth would I do that-"
"Sakay kung ayaw mong buhatin kita at ako mismo ang magsakay sa 'yo," he cut me off again. Bigla naman akong nakaramdam ng takot at sumunod sa kaniya. His voice, his gaze, they are so damn scary!
"Where are we going?" tanong ko nang paandarin nito ang sasakyan niya. Hindi naman niya ako pinansin at mabilis na nagmaneho. "Damn it! Slow down!"
Still, he didn't listen to me.
"Khalil, ano ba! Slow down! We might get crash!" I shouted. And again, he didn't listen hanggang sa napaiyak nalang ako. Naramdaman kong unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan hanggang sa huminto kami sa gilid ng highway.
"Don't cry."
I didn't listen to him.
"Tsk! I said don't cry! Aren't you going to stop crying?!" he shouted at me.
I looked at him with disbelief. "A-Ano bang sa tingin mo ang ginagawa mo?!" sigaw ko sa kaniya at patuloy lang sa pag-iyak. "Ano bang ginagawa mo, ha? Nababaliw ka na ba?!"
"Yes, I am! Binabaliw mo 'ko Rin! You made me like this!" he shouted back. Ramdam ko ang sakit sa mga boses niya. I want to hurt myself for hurting my love. "A-Akala ko ako 'yung mahal mo? Why you ended up being with him and marrying my brother now?!"
"I-I need to do that, Khalil!" I shouted back, tears keep falling from my eyes.
"Did you love me?" he asked.
Yes, I did. Even now, I'm still into you, my love.
"D-Did you miss me? No, did you ever miss me? Even once?" tanong pa niya. I can't help but cry harder. Don't do this to me, my love. Please don't do this. "Kasi ako, araw-araw! I longed for you every moment!"
I felt my heart break into a tiny million pieces but I composed myself, wiping the tears in my face before averting my gaze at him. "Let's stop this nonsense, Khalil. Wala nang patutunguhan 'to kung ano mang namamagitan satin," sagot ko sa kaniya, nanatili ang mga tingin ko sa bintana.
"Gano'n-gano'n na lang ba, Rin? Iniwan mo ako tapos ngayon nandito ka na ulit, magpapakasal ka sa iba? Nasa tabi na lang kita, pareho na lang tayo ng hangin na nilalanghap, pero bakit pakiramdam ko milya-milya parin ang layo mo sa 'kin? I can't reach you for pete's sake!" hindi makapaniwalang sabi niya sa 'kin.
I want to say sorry to him. I really want to beg for his forgiveness, hug him, and shower him some kisses, but I couldn't.
"K-Khalil-"
"I will make you come back to me, Rin."
I'm sorry, Khalil. I want to but it won't be easy...
***
Lie Again
by: thesweetest_thing

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    DayupayAlexis

    I really loved the story, hoping for a Season 2 soon. I wonder if we could be great friends somehow, someday Author! Thank you for sharing a wonderful story!! <33

    26/01/2022

      1
  • avatar
    Wilson Mendoza

    wow

    09/07/2024

      0
  • avatar
    Noella Fajardo

    una palang nakaka excite na

    20/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata