logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 44

Zadie's POV:
"Pumasok ka na," aniya, nakangiti sa akin.
"I-Ingat ka, thank you rito," sagot ko bago tuluyang pumasok sa unit ko. Napansandal ako sa pintuan matapos ko itong isara. My tears fell.
Agad ko itong pinunasan, pinipigilan ang mga paghikbi ko. Despite of being a liar, nagawa parin niya akong patawarin at bigyan ng necklace. Napatingin ako kay Scott at Taki na parehas tumahol at sumalubong sa 'kin.
"Kumain na ba kayo—"
"Kumain na sila, anak."
"P-Pa," gulat na tawag ko sa kaniya nang magsalita ito. Lihim akong napahawak sa dibdib ko. N-Nakita kaya niya ako?
"Kamusta anak? Tinawagan ko si Cloud, ang sabi niya nasa bahay ka raw ng boyfriend mo," sambit nito sa 'kin. Mas lalo tuloy dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko.
"A-Ah, P-Pa—"
"You don't have to explain, anak. Malaki ka na, hindi naman ako hahadlang," muling putol nito sa 'kin saka ngumiti ng matamis.
"P-Pero Pa, hindi ko naman po siya boyfriend. Hindi ko pa po siya boyfriend, promise!" sagot ko naman nang mapansin ko ang tingin niyang para bang hindi siya naniniwala.
"Pft, all right. Magpalit ka na at tatawag na ang ate mo. Gusto niyang makausap tayong dalawa kaya pumunta ako rito."
Hindi ko na naitago ang gulat na naramdaman ko nang banggitin niya ang tungkol sa kapatid ko. Isang buwan na rin ang nakakalipas magmula nung huli kaming magkausap dahil busy kaming parehas sa school.
"Alam na niyang magka-ayos na tayo, anak, kaya sige na at tatawagan ko na ang Ate Za mo."
Wala akong nagawa kung hindi ang tumango. Mabilis akong nagtungo sa kwarto ko upang magpalit ng pantulog bago lumabas.
'You can do this, Zadie. You can face your sister!'
"Here she goes, Zarine. Come here, anak," tawag ni Papa. Unti-unti ay nagagampanan ko na rin ang pagiging anak sa kaniya at nasasanay na akong tawagin siyang Papa.
"Zadie! How are you? It's been a long time!" bati sa 'kin ni Ate Za matapos kong maupo sa tabi ng father namin.
"A-Ate, o-okay lang ako!" sagot ko sa kaniya at palihim na kinurot ang pisngi ko. I cracked into an awkward laugh. "O-Oo nga, ang tagal na nung huli tayong mag-usap."
"Right, It's good to know that you're okay. I'm so glad too that you and Dad are now on good terms. How 'bout our mother?"
Nagkatinginan kami ni Papa dahil sa huling sinabi ni Ate Za sa 'kin. Until now, she still believes that someday, magkakaayos din kami ni Mrs. Villin.
To be honest, bata palang ako ay matanggal ko nang tinaggap na hindi kami magkakaayos kailanman. Ma-pride na kung ma-pride pero sa lahat ng ginawa niya sa 'kin, at sa kakambal ko ay hindi ko makakalimutan basta-basta. I will never forgive her.
Her sins are unforgivable.
There was a short pause of silence until our father cleared her throat. "Let's not talk about that, ano nga palang sasabihin mo sa amin anak?" pag-iiba nito kaya muli akong napatingin sa kaniya.
"Ah, yes, I really have a good news for everyone!" excited na sagot samin ni Ate Za kaya maging kami ay napangiti rin.
"What is it, Ate Za?"
"Tomorrow will be my graduation and in two weeks, makakabalik na ako sa Pilipinas!"
From that moment, I felt like someone just splashed cold water on my face, waking me up.
'In two weeks, makakabalik na ako sa Pilipinas!'
I tried my best to keep looking at my sister but my gaze went down, my hands trembling. Hindi ko alam ang mararamdaman. Para akong masisiraan ng ulo sa mga nangyayari.
"Hindi ba kayo masaya? Bakit ganiyan ang mga reaksyon niyo?"
"T-That's not it, Zarine. I'm very happy and proud of you. It's good to hear na makakabalik ka na. N-Nagulat lang kami ng kapatid mo," nakangiting sagot sa kaniya ni Papa at umakbay sa 'kin. Pilit naman akong ngumiti.
"I-I'm so happy for you, Ate Za," halos pabulong ko na lamang na sagot sa kaniya. I think I got suffocated for a bit. Halos hindi mapakali ang mga mata ako.
Darn! Para akong may ginawang krimen at natatakot na mahuli!
What should I do now? How will I cover up this mess? Damn it! Halos pagpawisan ako sa narinig ko mula sa kaniya. Hindi ko na alam kung ano nang gagawin ko ngayon.
"I can't wait to see you, anak. Alam kong ganoon din ang Mom mo at ang kapatid mo."
"Yes, Dad. I can't really wait to see you too, my Mom and especially Zadie!" sagot sa kaniya ni Ate Zarine, mamatamis ang mga ngiti.
Paa nodded, glacing at me meaningfully. "Kailangan mong gabayan ang kapatid mo, anak. Alam mo bang nagdadalaga na itong kapatid mo?"
Kaagad na nanlaki ang mga mata ko, hindi malaman ang gagawin. "P-Papa! Is not the right time for—"
"Is that true, Zadie? Who's that lucky guy? I badly want to know him," putol sa 'kin ni Ate Za kaya sunod-sunod akong napalunok.
How can I say that the guy I like is her fiancée? Sa mga oras na iyon ay gusto ko na lamang maglaho bigla. Gusto kong iwasan ang mga tanong nila ngunit wala akong magawa.
Natawa si Papa. "She's right, anak. Sino ba ang lalaking 'to? Mabait ba 'yan, anak? Maaalagaan ka, may galang—"
"P-Pa! A-Ano po bang s-sinasabi niyo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Sana tamaan ng kidlat 'yung wifi para mawalan kami ng signal o kaya sana lamunin nalang ako ng lupa! Damn it! Kailangan ko ng himala ngayon.
"Kapag umuwi ako, ipakilala mo agad siya sa 'kin, Zadie. Promise me!" sambit naman ni Ate Za. Palihim akong nagpunas ng pawis ko at malalim na huminga. What should I do now? Think! Zadie, think!
"Dapat sa akin muna anak, I'm your father!" nakakunot ang noong sabi naman ni Papa.
"Whatever, Dad," sagot sa kaniya ni Ate Za habang nanatili naman akong walang imik at naiilang na ngumiti sa kanila. "I need to end this call, may aasikasuhin pa 'ko. Bye, Zadie, Dad! I miss you both and I love you!"
***
Zarine's POV:
Kasalukuyan akong naglalagay ng mga goods na pinamili ko kanina sa kahon na ipapadala ko sa Philippines. Malamang mas mauuna pa akong dumating kaysa sa kahon na ito. Napahinto pa ako nang makita ko ang itim na box sa ilalim ng kama ko. Nakangiting kinuha ko iyon at tiningnan ang mga laman.
'This was our memories back then, The team bawal lumabas and The team pwedeng lumabas.'
Unti-unting nawala ang mga ngiti ko nang makita ko ang litrato namin ni Vince.
The guy who I love the most.
The guy who I want to spend my whole life with.
The guy whom I'll marry soon.
Ngunit sa isang iglap, naglaho ang lahat.
"Rin! Nand'yan si Khalil!" tawag sa 'kin ni Ara kaya agad ko itong nahampas. Isigaw ba naman na nandiyan na si Khalil?!
"Huwag ka ngang maingay! Ayokong malaman niya na crush ko siya, 'no!" bulong ko rito saka nakangiting tiningnan ang grupo ng boys papunta sa direksyon namin.
"Guys, may sasabihin ako sa inyo," sambit pa niya habang tumatawa. Kitang-kita ko tuloy ng dalawang mata ko ang nakakaadik niyang mga ngiti at mapuputing ngipin.
Bakit kaya sinasabi nilang walang pefect sa mundo, samantalang kaharap ko lang ang lalaking 'yon ngayon?
"Ano na naman 'yon, Kuya Khalil?" tanong sa kaniya ni Keid bago niya isubo ang fries na dinakot niya sa pinggan.
"Actually, kay Rin lang talaga ako may sasabihin," sagot niya kaya gulat akong napatingin dito habang nagpapalit-palit naman ng tingin sa 'kin ang mga kasamahan namin. "Rin, I like you."
'Rin, I like you.'
'Rin, I like you.'
'Rin, I like you.'
Parang sirang plaka ang utak ko dahil nagpaulit-ulit doon ang apat na salitang sinabi niya. Totoo ba 'to? Hindi ba ako nananaginip?
Hindi ko malaman ang sasabihin. "A-Ano? G-Gusto mo rin—"
"A-Ah, pinapasabi ni Vince. Nandoon siya sa likod ng building niyo, hinihintay ka niya," putol niya sa 'kin na mas lalo kong ikinagulat, ngunit may kung ano sa loob ko na para bang na-disappoint ako.
"Si Vince? Oo nga, bakit wala siya rito ngayon—"
"Hinihintay nga niya si Rin! Hindi mo ba narinig? Aish! Maglilinis kasi ng tainga, babe!" putol ni Axel kay Keid nang magsalita ito kaya agad siyang binato ng french fries ni Keid.
"Break na tayo, remembrance? And for your information, araw-araw ako naglilinis ng tainga, 'no!" ganti ni Keid, panay pa ang pag-irap nito.
"You must go there right now, Rin. He's waiting for you," sambit muli ni Khalil kaya napatingin na lamang ako kay Ara. Ano nang gagawin ko ngayon?
"Sasamahan na kita, Rin. Let's go," bulong sa 'kin ni Ara at mabilis akong hinila.
Mahina akong natawa nang maalala ko ang araw na 'yon. Sobrang disappointed ako dahil akala ko gusto niya rin ako, kapatid pala niya ang nagkagusto sa 'kin. Paano nga ba niya ako magugustuhan? Ang tahimik ko noon, hindi ako masyadong nakikipag-usap, komplikado pa ang pamilya ko.
Noong araw ring 'yon pinuntahan namin si Vince. Ara told me na why don't I give him a try? Malay ko raw kung si Vince pala ang para sa 'kin.
And I can't believe na magkakagusto rin ako sa kaniya. He's so sweet, caring, super understanding and good-looking guy with a good heart. Sobrang kilala sila ng kuya niya at ang mula ulo hanggang kuko nila sa paa, crush ng lahat.
But then, hindi nawala ang pagtingin ko kay Khalil. Since, I was 15, crush ko na ang taong 'yon. Oo, minahal ko si Vince pero at the same time unti-unti ring lumalalim ang feelings ko towards Khalil hanggang sa ipagkasundo ako ng parents ko.
Daryl is very kind and sweet, but I will prefer one of those siblings than marrying him. Kakakilala ko lang sa kaniya and yet he told me that he loves me already. How is that possible? I don't even belive in love at fist sight.
Sunod kong tiningnan ang litrato na kuha sa amin ni Keid noong nag-propose sa 'kin si Vince. Ngunit hindi sa 'kin o kay Vince napako ang tingin ko, kun 'di kay Khalil na nakita ko sa picture. I can see from his eyes 'yung sakit na naramdaman niya noong mga panahong 'to.
Yes, I cheated on Vince. After six months of being with him, Khalil confessed his feelings towards me. Ang sabi niya matagal na niya akong gusto, ngunit nagkataon na umamin sa kaniya ang kapatid niya that's why he helped him to be with me.
It breaks my heart, really. Imagine, he sacrifices his feelings for me para lang sa kapatid niya without knowing that I like him too. He broke my heart and yet I'm proud of him too. He did it for Vince, his brother.
We've been together, yes. Naging kami habang kami ni Vince. Aaminin ko na malaki ang kasalanan ko kay Vince. For all he have done for me, nagawa pa ko siyang lokohin.
Ayoko sanang tanggapin ang proposal niya dahil mas mahal ko ang kuya niya pero wala akong magawa. His family and friends are right there in front of me. Ayokong ipahiya siya, ayokong masaktan siya, ayokong magmukha siyang kaawa-awa sa harap nila.
"Are you crazy, Zarine?! What have you done?!" sigaw sa 'kin ni Mom nang sabihin ko sa kanila ang tungkol sa pag-yes ko kay Vince.
"Lower your voice, Ivory. Baka naririnig ka ng fiancée ng anak mo, hindi pa nakakalayo 'yon!" saway sa kaniya ni Dad, ngunit tiningnan lang niya 'to ng masama kaya wala nang nagawa pa si Daddy. Until now, under parin siya ni Mom.
"Akala ko ba kayo ni Khalil? Bakit ka pumayag?! Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo sana pinadala na talaga kita sa Canada!" sigaw muli ni Mom kaya napayuko nalang ako.
"M-Mom, I love him too, mas gugustuhin ko nang ikasal sa kaniya kaysa kay Daryl—"
Napahinto ako nang malakas na sampal ang isagot sa 'kin ni Mom. Tuluyang tumulo ang mga luha ko habang nakahawak sa pisngi ko.
"Ivory!" sigaw sa kaniya ni Dad at itinago ako sa likuran niya. "Tama lang ang ginawa ng anak ko. Dapat lang na putulin na niya ang namamagitan sa kanila ni Khalil dahil malaking pagtataksil 'yon sa boyfriend niya!"
"Nababaliw ka na rin ba, Zoren?! Ang bata pa ng anak mo!"
"Mom, hindi naman kami agad-agad magpapakasal—"
"Huwag kang sumagot! I don't need your explanation, Zarine! Mas gugustuhin ko pang ikasal ka kay Khalil o Daryl dahil sila ang heir ng pamilya nila! Anong mapapala mo kay Vince?!" sigaw nito.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. All this time, pera at kayamanan lang ang mahalaga kay Mom. 'Yon lang at wala nang iba. Just like what she did to Dad, pinakasalan lang niya 'to dahil sa yaman.
"Ikaw ang nababaliw, Ivory! Hindi pa ba sapat sa 'yo ang lahat ng meron tayo? Ang Villin Company? Ang tinatayong business ng family mo? Buhay ng anak mo 'yung pinag-uusapan natin dito! Nagiging sakim—"
"Sige, ituloy mo! Ituloy mo at hinding-hindi mo na ako matatawag na asawa! Kayang-kaya kitang iwan, Zoren!" sigaw sa kaniya ni Mom kaya natahimik si Dad. Hinawakan ko ang braso nito at inilingan siya. Ayokong mag-away sila ng dahil sa 'kin. Ayokong magkasira silang dalawa.
"Pupunta akong Canada! Mag-aaral ako sa Canada para takasan si Vince! Hindi ako magpapakasal sa kaniya, so please... stop this Mom, Dad!" sigaw ko at saka humagulgol.
Dahil doon nagpasiya akong iwan ang Pilipinas at mag-aral sa Canada. Ayoko rin namang magpakasal sa hindi ko naman talaga mahal. Mas mahal ko si Khalil at ayokong saktan si Vince.
"Fool, nasaktan mo na silang dalawa, Rin," bulong ko at pinunasan ang luhang tumulo galing sa mga mata ko. Ang hiling ko nalang ngayon ay sana masaya na silang dalawa, lalo na si Vince. Alam kong sobrang hirap nang mga pinagdaanan niya ng dahil sa 'kin.
"I miss you, guys. Malapit na, malapit na tayong magkita-kita."
***
Lie Again
by: thesweetest_thing

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    DayupayAlexis

    I really loved the story, hoping for a Season 2 soon. I wonder if we could be great friends somehow, someday Author! Thank you for sharing a wonderful story!! <33

    26/01/2022

      1
  • avatar
    Wilson Mendoza

    wow

    09/07/2024

      0
  • avatar
    Noella Fajardo

    una palang nakaka excite na

    20/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata