logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 43

Zadie's POV:
Kasalukuyan akong nahuhugas ng mga pinagkainan ko at mga tools na ginamit ko sa pagbe-bake. Naisipan ko kasing gawan ng cupcakes sila Tita Alice, dahil ngayon ang punta ko sa kanila. Hindi ko naman matanggihan sila Vince kasi si Tita Alice na mismo ang nag-invite sa 'kin.
"Taki, Scott, 'yung pinto!" tawag ko rito nang marinig kong may nagdo-door bell. Hindi naman mahirap turuan si Taki at Scout, kayang-kaya nga nila ang mga inuutos ko. Tulad na lamang ng simpleng pagbukas ng pinto.
Nang matapos akong maghugas ay agad akong lumabas ng kusina. Gulat akong napatingin kay Vince nang makita ko itong nilalaro ang mga aso ko, ngunit sandali lang ay ningitian ko na ito.
"Ang aga mo, hindi pa nga ako naliligo," saad ko pa at tinanggal ang apron na suot ko.
"I-I didn't know na nagsusuot ka ng ganiyang damit," naiilang na sambit niya. Agad akong napatingin sa suot ko.
"Aish!" mahinang singhal ko at nakangiwing humarap dito. Nakakahiya ka talaga, Zadie! "E-Excuse me lang, gagayak na 'ko. Sorry!"
Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko at sumandal sa pinto. Hindi ko man lang naisip na nakasuot pala ako ng kupas na oversized shirt. Hanggang tuhod ko ang haba at butas pa sa magkabilang kili-kili. Wala sa sariling napailing nalang ako at nagtungo sa banyo.
Moon jja wat ssong! Moon jja wat ssong!
Nang matapos ako sa paliligo, agad kong tiningnan ang phone ko.
Mr. Villin,
Anak, hindi ko nasabi sa 'yo na pupunta pala ako ngayon sa unit mo. Gusto ko sanang makasama ka ngayon.
Pa, aalis po ako ngayon. Sa ibang araw nalang po kayo pumunta rito.
Napaupo ako sa silya at humarap sa salamin. Paano nalang kung nandito na pala si Papa? Hindi siya pwedeng makita ni Vince!
Dali-dali akong nagbihis ng formal dress at binitbit ang flat shoes ko at pocket pababa.
"Pwede na tayong umalis, saglit nalang," bungad ko rito at nagmamadaling sinuot ang flat shoes ko.
"Hindi pa naman tayo late, huwag ka masyadong magmadali—"
"Hindi!" putol ko na ikinagulat naming pareho. "A-Ah, I mean, ayos na 'ko. Let's go!"
Mabilis ko itong hinila palabas ng unit ko at sumakay ng elevator. I didn't even bother to put powder on my face. Ang mahalaga ay hindi kami mag-abot ng father ko kung nandito man na siya sa tinutuluyan ko.
"Are you okay?" tanong sa'kin ni Vince nang pagbuksan ako nito ng pinto. "You look nervous."
"Y-Yes, medyo kinakabahan lang," sagot ko rito at tuluyan nang pumasok sa loob ng kotse niya. Umikot naman siya sa kabila at sumakay sa driver's seat.
"Don't be. Mabait naman sila saka na-meet mo na si Mom at Kuya Khalil, right?"
"Oo pero, what about your Dad? Wala nga akong alam sa kaniya," I nodded.
"My dad? He's a very busy man I know. That's why minsan nalang kami mag-family dinner na kumpleto. Huwag kang mag-alala sa kaniya, mabait naman 'yon," sagot nito sa 'kin. Mahina naman akong natawa.
"Mukhang ikaw lang 'yung hindi mabait, ah? Ampon ka nga siguro, 'no?" panunukso ko rito na siyang ikinatawa namin parehas.
"Mabait naman ako sa kanila, especially kay Dad. Baka bawiin niya 'yung pagiging heir ko," nakangiting sagot nito sa 'kin at muling tumingin sa dinaraanan namin.
"Close ka rin ba sa Dad mo?" tanong ko pa habang nakatingin dito.
"Not really, minsan lang kami magkita and medyo may pagka-strict siya," sagot nito kaya agad akong napakunot ng noo. Akala ko ba mabait? Bigla tuloy akong kinabahan bigla.
Hindi ko mapigilang mamangha sa laki ng bahay nila or should I say mansion? Mala-palasyo ang dating.
"Let's go," aya niya. Agad ko naman siyang sinabayan maglakad papasok sa bahay nila.
"Good evening sir, miss," bati sa amin ng mga maids nila kaya agad ko silang ningitian.
Nang makarating kami sa sala nila, agad kaming sinalubong ng head servant nila. Assitant din daw ito ng Mom niya sa company. Mukhang dalaga pa nga siya at ang ganda-ganda niya. Familiar siya sa 'kin at mukhang nagkita na kami noon. Malamang ay noong nagpunta kami sa company nila.
"Titingnan ko lang muna kung nakahanda sila," paalam sa 'kin nito na ikinatango ko nalang. Mahigpit akong napahawak sa suot kong damit habang hinihintay si Vince.
Ito ang unang pagkakataon na ipapakilala ako ng isang guy sa parents nila. Ganito pala ang feeling, sobrang nakakakaba na nakaka-excite.
Maya-maya lang, bumalik na si Vince at inaya ako sa dining nila. Isang mahabang lamesa ang bumungad sa 'kin ngunit kalahati no'n ang may pagkain. Lilima lang naman kaming kakain, bakit sobra-sobra naman ata ang mga hinanda nilang foods?
Napahinto ako nang makita ko si Tita Alice at Kuya Khalil. Kalalabas lang din ng isang may kaedaran na lalaki galing sa kusina.
"Mom, Dad, Kuya, si Zadie. Zadie, meet my family," pagpapakilala ni Vince sa 'kin at sa pamilya niya. Agad naman akong yumuko sa kanila at bumati.
"Good evening po."
"Good evening din, Zadie, sabi ko na nga ba. Unang kita palang natin magaan na ang loob ko sa 'yo, ikaw pala ang bagong girlfriend—"
"Mom, I'm not her boyfriend yet," putol sa kaniya ni Vince. Napapakagat naman ako ng ibabang labi ko dahil sa pagkailang.
"Really? If that so, good luck to the both of you. Sana hija matagalan mo 'tong makulit kong anak!" sambit ni Tita Alice kaya mahina akong natawa. Hindi naman maipinta ang mukha ni Vince.
"Take a sit and let's eat. Masasarap itong pinahanda ni Alice para sa atin," saad naman ng father niya kaya agad kaming nagsi-upuan. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magtanong ito sa 'kin. "Ilan taon ka na ba, hija?"
"18 years old po," nakangiting sagot ko rito saka uminom ng tubig.
"Nasaan ang parents mo?"
Saglit akong natigilan at napatingin kay Vince. Ito na ang pinaka-ayokong sinasagot na tanong. I don't even know kung sinong parents ang tinutukoy nila.
"N-Nasa ibang bansa po ang parents ko," sagot ko, pinipilit na ngumiti kay Tita Alice na siyang nagtanong sa 'kin.
"Last time na dinala mo rito si Rin, kasama niya si Mr. Villin," saad naman ng Daddy niya kaya napatingin ako rito.
"Vincent!" rinig kong bulong ni Tita Alice sa kaniya ngunit nagpatuloy lang sa pagkain ang asawa niya. "Pasensya ka na, hija—"
"O-Okay lang po, wala naman pong problema," naiilang na sagot ko. Muli kaming natahimik kaya sa pagkain ko na lamang ibinaling ang atensyon ko.
"May trabaho ba ang mga magulang mo?" tanong ng Daddy niya kaya muli akong napabaling sa kanila.
"M-Meron po ang Dad ko, 'yung Mom ko naman po nasa bahay nalang. Minsan po tumutulong siya kay Dad," sagot ko. Napatingin pa ako kay Vince nang hawakan nito ang nanlalamig kong kamay sa ilalim ng lamesa.
"Both parents ni Rin nagtatrabaho right, son? Ang alam ko ang company nila ay under ng nasasakupan ni Mr. Hixson at ang isa naman ay mula kay Mr. Villin."
Wala ni isa sa amin ang umimik maging si Vince na napatango nalang sa Dad niya. Bigla akong nakaramdam ng awkwardness. Wala naman dito ang kapatid ko pero bakit siya ang pinag-uusapan namin? Feeling ko tuloy kinokompara ako ng Daddy niya sa kapatid ko.
"Dad, may problema ba kung walang sariling company ang parents ni Zad?" tanong ni Kuya Khalil kaya gulat akong napatingin dito. Hindi ko ine-expect na itatanong niya ang gano'n.
Medyo hindi rin naman big deal sa 'kin. Why? My father owns Villin Company while my Dad owns Hixson Group. The only problem is... I did not tell them about that.
"Wala naman," tipid na sagot nito sa kaniya at nakangiting humarap sa 'kin. "Huwag mo sanang masamain hija, sana hindi kita na-offend."
"A-Ayos lang po, s-sir—"
"Tita ang tawag mo sa asawa ko, tito naman sa 'kin. Kung pwede nga lang Daddy na pero kung saan ka komportable, hija," putol nito na ikinatawa nila ni Tita Alice.
"Welcome to the family, Zadie," saad naman ni Tita Alice. Medyo nagulat pa ako pero ngiti lang ang naisagot ko. Para kasing ang bilis? Welcome to family agad? Ni hindi pa nga kami official ni Vince.
***
3rd Person's POV:
"Kailan ba ang uwi ng parents mo, hija? Para naman ma-meet ko sila," tanong pa ng ginang sa dalaga habang nakaupo sila at nagkukwentuhan sa sala.
"A-Ah, hindi ko po alam, e, baka nga po hindi na," sagot ng dalaga na itinutukoy ang mga magulang nitong kumalinga sa kanila ng kakambal. Hindi naman mapigilan ng ginang ang mapanguso na parang bata na siyang ikinagulat at mangha ng dalaga. Para itong kasing edad lang nila.
"Wala ka bang connection sa kanila? May problema ba kayo?" tanong pa nito sa kaniya. Umiling naman ang dalaga sa ginang at muling nag-kwento.
"May pagka-introvert po kasi ako. Simula po nung nag-college ako, mag-isa nalang ako. May communication naman po ako sa parents ko, kaso masyado po silang busy these days," nakangiting sagot nito. Sa loob-loob niya ay mas gugustuhin nalang niyang lamunin ng lupa kaysa pag-usapan ang tungkol sa magulo niyang pamilya.
"Tungkol naman sa anak ko, kamusta na kayo?" tanong pa nito sa dalaga. Pakiramdam tuloy ng dalaga ay nasa isang job interview siya at tila hindi nauubusan ng tanong ang boss niya.
"H-Hindi pa po kami. Napag-usapan po kasi namin ni Vince Asher na siguro po, tapusin muna namin 'yung studies namin," sagot niya sa ginang dahilan nang pagtango-tango nito.
"Hindi naman siguro makaka-distract 'yon, pero kung 'yon ang desisyon niyo ni Asher, walang problema," saad pa ng ginang sa kaniya. Matamis na ngiti naman ang iginawad nito sa kaniya.
"Alam mo ba, hija, simula nang iwan ni Rin ang anak ko, nawalan siya ng gana sa lahat. Halos hindi siya makakain, makatulog ng maayos, pati ang studies niya naapektuhan rin. Maging ako ay halos mabaliw rin dahil hindi ko malaman kung paano maiibabalik ang dating sigla ng anak ko," pagkukwento pa nito sa dalaga. Tahimik na nakinig naman ito sa kwenta ng ginang. Hindi lang naman kasi ang kwento ng anak niya ang gusto niyang marinig, may gustong-gusto pa siyang malaman sa ginang.
"Nagalit po ba kayo? Nagalit po ba kayo sa ex ni Vince?" tanong ng dalaga at pasimpleng bumuntong-hininga. Para siyang binunutan ng tinik nang sa wakas ay maitanong na niya sa ginang ang kanina pa gustong itanong.
"Nagalit ako, sobrang nagalit ako at sinisi si Rin," sagot nito dahilan nang sunod-sunod na paglunok ng dalaga. Ngunit tila nakahinga siya ng maluwag sa sumunod na sinabi ng ginang. "Pero we're good now. Nakakamusta ko minsan si Rin. Siguro, nagalit lang ako nung una pero napatawad ko na si Rin."
"Mom, anong pinag-uusapan niyo?" singit ng binata matapos nitong makausap ang kapatid at ama. Nakangiting tumabi ito sa dalaga na siyang ikinatuwa ng ginang.
"You look good together, mga anak," may panunuksong sambit nito sa dalawa at matamis na ngumiti. "Finally, Asher, nahanap mo na ang magpapasaya sa 'yo, anak ko."
"Mom—"
"I'm serious, kung ako lang masusunod sasabihin ko na sana kay Zadie na sagutin ka na. Siguradong matutuwa ang mga relatives natin!" putol pa nito sa anak. Nakaramdam naman ng pagkailang ang dalaga.
"I heard hindi maganda ang comments sa inyo ng ibang students ng university?" tanong naman sa kanila ng ama niya nang sumunod din ito sa anak at tinabihan ang asawa.
"A-About that, may rumors po kasi Dad na we're in a relationship. The anti's are keep posting about us," sagot naman ng binata habang nakatingin ito sa dalaga.
"Huwag kayong mag-alala roon, anak, hindi naman sila ang nagmamahal, kayong dalawa," payo ng ginang dito na siyang ikinatango at ngiti naman ng dalawa.
"Parang kami lang ni Alice, ganiyan din kami noon. Basta huwag lang kayong papaapekto sa sinasabi ng mga tao about sa inyo. Keep fighting for you love," dagdag pa ng kabiyak nito.
"That's right and of course, you have to be honest to each other. Alam kong hindi pa kayo pero maganda na 'yung honest kayo sa isa't-isa."
Biglang namutla ang dalaga dahil sa sinabi ng ginang. Nagsimulang manginig ang mga kamay niya na pilit niyang itinatago. Pinagpapawisan din ang noo niya at halos mamula ng husto ang mga labi niya dahil sa diin nang pagkakakagat niya rito. Nang mapansin iyon ng binata ay agad siya nitong kinausap.
"Are you okay?" bulong nito sa dalaga nang magpaalam ang mga magulang nito sa kanila.
"A-Ah, o-oo, okay lang ako," sagot ng dalaga at pilit itong ningitian nang sa gayon ay makumbinsi ang binata. "By the way, makikipagkita nga pala ako kay Cloud sa MOA kailangan ko na ring umuwi."
"Is that so? Sige, magpapaalam nalang ako kay Mom at ihahatid—"
"N-No need, kaya ko na. Magpahinga ka nalang din, sandali lang naman kami ni Cloud," pagtanggi ng dalaga. Napatango na lang ang binata at sinamahan ang dalaga.
"Ihatid mo na siya, anak—"
"A-Ah, hindi na po, ako nalang po," pagtanggi muli nito sa ginang.
"Madilim na, hija, bakit hindi ka pa magpahatid?" tanong naman ng Ama ng binata sa kaniya. Bahagyang nakakunot pa ang noo nito.
"Magkikita po kasi kami ni Cloud, kaibigan ko po siya. Siya na po ang bahala sa 'kin, huwag po kayong mag-alala," nakangiting sagot ng dalaga. Nang pumayag ang mga magulang nito ay agad siyang sinamahan ng binata sa labas upang mag-abang ng masasakyan.
"Are you sure? Kahit sa labas lang ng MOA—"
"Hindi na, ayos lang talaga. Kailangan ko naring magmadali—ayan na," sagot ng dalaga at dali-daling pinara ang taxi na nakita at sumukay roon. Ni hindi na niya nagawang magpaalam sa binata.
Naiwan naman siyang nakakunot ang noo. Hindi niya mapigilang mapaisip sa biglang pag-iiba ng kilos ng dalaga.
Napailing na lamang ang binata at tuluyang pumasok sa kanilang mansion. Pabagsak itong naupo sa kama niya habang patuloy paring iniisip ang dalaga. Nag-aalala siya rito, hindi niya mapigilan ang sarili na mag-alala sa kaniya.
Makalipas ang ilang minutong pag-iisip ay kinuha nito ang susi at telepono. Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan at nagpaalam sa Ina.
"Hello, Cloud?" aniya sa pinsan nang sagutin nito ang tawag niya.
"Bakit bro? May problema ba?"
"N-Nothing. I just want to ask kung kasama mo na si bubwit?" tanong nito habang palabas ang sasakyan niya. Inihinto niya ito sa gilid ng daan at nag-focus sa kausap sa telepono.
"Si liit? Hindi ko siya kasama, nasa bahay ako."
Napakunot ng noo ang binata at basta na lamang ibinaba ang telepono. Mabilis niyang minaneho ang sasakyan patungo sa lugar kung saan nagpaalam ang dalaga. Nang mai-park nito ang sasakyan ay agad na nahagilap ng mga mata niya ang dalaga. Mag-isa itong nakatayo at nakatingin sa kawalan, mukhang malalim ang iniisip.
'Why did you lie to me?'
Hindi niya ito nilapitan. Bagkus, naglakad ito patungo sa unit na tinutuluyan ng dalaga.
***
Zadie's POV:
"Sa MOA tayo, kuya," sambit ko sa driver nang makasakay ako. Wala sa sariling napaluha ako habang nakatingin sa bintana ng taxi.
'That's right and of course, you have to be honest to each other. Alam kong hindi pa kayo pero maganda na 'yung honest kayo sa isa't-isa.'
Sunod-sunod akong napailing nang magpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Tita Alice. Para akong sinampal ng katotohanan sa sinabi niya. Hindi ko na ata kaya, hindi ko na ata kayang magsinungaling pa kay Vince.
"Ayos lang po ba kayo, miss?"
Agad kong pinunasan ang mga luha ko at tumango sa driver. Kumuha ako ng pera sa bag ko at iniabot sa kaniya.
"Dito nalang ako, kuya. Salamat po," saad ko at bumaba ng sasakyan niya. Naglakad ako papunta sa seaside. Wala naman akong ibang mapupuntahan na lugar kung saan ako mapag-iisa.
"N-Nagsinungaling na naman ako sa 'yo, Vince," bulong ko habang nakaharap sa madilim na tanawin sa seaside. Mapait akong natawa. "Hindi lang pala sa 'yo, pati sa mga magulang mo."
Nang malakas na imihip ang hangin ay agad akong napayakap sa sarili ko. Wala akong dalang kahit anong balabal o jacket, tanging dress lang ang suot ko. Mas gugustuhin ko na ito, mas gugustuhin ko na ito kaysa magkulong sa unit ko. Dito makakalanghap ako ng sariwang hangin.
"Hindi ko mapigilang mapaisip, karapat-dapat ba ako sa 'yo? Karapat-dapat ba ang katulad kong sinungaling sa kagaya mo?" bulong ko at hinayaan ang mga luha kong kusang tumulo sa magkabilang pisngi ko. Para na siguro akong baliw rito, tumatawa ako habang umiiyak. Nagsasalita pa mag-isa.
Honestly, natatakot lang naman ako. Natatakot lang naman akong magalit siya sa 'kin, magalit sila sa 'kin. Natatakot ako na mawala sila sa 'kin kaya hindi ko masabi ang katotohanan. Kaya kahit pa gustong-gusto ko nang sabihin ang lahat... hindi ko magawa.
"Miss, malamig dito. Maiksi pa 'yang suot mo, baka may mga loko-lokong makakita sa 'yo, mapano ka pa," saad ng isang ale kaya napatingin ako rito at sa suot ko.
"Pasensya na po kayo, papasok na po ako. Maraming Salamat po sa paalala," pagpapasalamat ko. Tumango lang ito sa 'kin at iniwan ako. Pinagmasdan ko naman ang papalayong pigura nito bago pumasok sa building kung saan ako tumutuloy.
Nang makasakay ako sa elevator kasama ng mga ilang mga tao, agad kong pinindot ang floor kung nasaan ang unit ko. Hindi ko naman maiwasang hindi marinig ang mga usapan nila.
'Naku! E, galit na galit nga 'yung lalaki!'
'Paano namang hindi magagalit 'yon? Ilang beses nang nagsinungaling sa kaniya 'yung kinakasama niya, 'no!'
'Oo nga, mars, kung ako 'yung lalaki? Hindi ko na paniniwalaan 'yung mga sasabihin pa sa 'kin ng babae, feeling ko kasi puro nalang kasinungalingan 'yung sasabihin niya.'
'Sinabi mo pa! Hindi deserve ng lalaki 'yon ,'no! Kawawa naman siya. Paniwalang-paniwala pa naman siya dati roon sa babae!'
Agad akong lumabas sa elevator nang magbukas iyon. Nakakailang hakbang palang ako ay nawalan na ng lakas ang mga tuhod ko kaya agad akong napahawak sa pader. Maging ang mga luha ko ay hindi ko na mapigilang itago.
Ganoon rin ba ang mangyayari sa 'kin kapag ipinagpatuloy ko pa 'to? Kamumuhian din ba ako ni Vince?
Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko nang makita ko ang lalaking kanina pa bumabagabag sa isip ko. Hindi ko maintindihan pero bigla na lamang nagkaroon ng lakas ang mga tuhod ko at nakalakad ako palapit dito.
"V-V-Vince A-Asher—"
He surveyed me from head to toe, his eyes were full of coldness and I didn't like it. "After lying to me, why are you crying?"
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya sa 'kin. Maging ang mga luha ko ay hindi ko na mapigilang huwag tumulo. Tanging pag-iyak lamang ang ginawa ko.
Sobrang pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Gustong-gusto kong aminin na sa kaniya ang lahat pero sa t'wing magtatangka ako ay para akong napipipi. Sa tuwing nakikita ko siya, nawawalan ako ng lakas.
"Sobrang lamig sa labas, so why are you crying at the seaside?!" tanong pa nito, ngunit tanging paghikbi lang ang naisasagot ko, nakatingin sa mukha niyang inis na inis sa'kin. "Aren't you going to stop crying?!"
I keep on sobbing. "I-I-I'm s-s-sorry—"
"Tumahan ka nga bubwit, do you know how terrible it looks when an ugly persons cries? Pangit ka na nga, umiiyak ka pa!" he cut me off irritably. Ngunit nagpatuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa maramdaman ko nalang ang mga bisig niyang nakapalupot sa 'kin.
"I'm sorry, nagsinungaling din ako. Maganda ka, at maganda ka parin kapag umiiyak," bulong pa nito sa 'kin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang labi nito sa gilid ng noo ko. "But I don't want to see your crying face again."
"S-S-Sorry, n-nagsinungaling ako," bulong ko pa bago humiwalay sa kaniya. Hinawakan naman niya ang dalawang balikat ko saka itinaas ang mukha ko. Wala sa sariling napangiti ako nang punasan nito ang mga luha ko.
"Listen to me very carefully, bubwit, no matter how bad and awful it is, gusto kong magsasabi ka ng totoo sa 'kin. You and I just both want the truth," sambit niya pa at pinihit ako patalikod. Naramdaman ko nalang ang malamig na bagay sa leeg ko kaya hinawakan ko iyon.
"Para saan naman 'to?" tanong ko habang nakatingin sa necklace na may pangalan ko.
"Don't you like it?"
"Gusto, kaso bakit ang liit ng name ko? Maliit na nga ako tapos—"
"Pinasadya ko talaga 'yan," putol nito sa'kin kaya mas lalo akong napanguso. Napadaing naman ako nang pitikin naman nito ang noo ko.
"Ang sama mo talaga, basta-basta ka namimitik," reklamo ko rito habang hinihilot ang noo ko.
"Huwag ka kasing nagpa-pout, ang pangit mo."
"Mas pangit ka!"
"Hindi, ikaw lang 'yung pangit. Look at your eyes, namumula na kakaiyak mo. Mas pumagit ka tuloy."
***
Lie Again
by: thesweetest_thing

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    DayupayAlexis

    I really loved the story, hoping for a Season 2 soon. I wonder if we could be great friends somehow, someday Author! Thank you for sharing a wonderful story!! <33

    26/01/2022

      1
  • avatar
    Wilson Mendoza

    wow

    09/07/2024

      0
  • avatar
    Noella Fajardo

    una palang nakaka excite na

    20/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata