logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

I had a wonderful high school life. I had a lot of friends. As in walang secret. Walang drama. Masaya lang ako. Unlike ngayong college. Ayoko ng drama, e. Kaya ayoko ring may makaalam ng mga issue ko sa buhay. Ayokong kaawaan ako. At ayoko rin na madala ako sa masama dahil kailangan kong may mapatunayan sa buhay kong ito. Kaya pinipili ko lang din kung sino ang kakaibigan. Kaso hindi pala iyon napipili. Kusa silang dumarating. 
Tapos mare-realize mo na lang, kaibigan mo na sila. Hindi mo alam kung kailan nagsimula ang pagkakaibigan. 
Nobita: It's not your job to do it, Jols. 
Me: Ayos lang. 'Tsaka mahilig din naman akong mag-edit ng videos. 
Pinag-uusapan namin ni Nobita iyong tungkol sa video na kinunan ko kahapon sa first gig nila outside school na hindi ko pa naman nasisimulan dahil kasalukuyan akong nasa grocery store. Bilin ni Tita Lucia na sa mall daw ako mag-grocery dahil ang cheap daw sa palengke. Hindi niya alam na fresh from the farm ang mga gulay, karne, at isda do'n. Arte talaga! Hindi naman mayaman. Mayabang lang. 
Nobita: Focus kay dew? 
Me: 'Di, ah. Mahirap pero lahat naman kayo, may bida-bida moment sa video. Ako pa ba! 
Napangiti ako nang maalala kung gaano sila kagaling kahapon tumugtog. Kinakabahan man, natakpan naman iyon ng pagmamahal nila sa ginagawa nila. Litaw na litaw ang passion sa musika. Hindi lang para magmayabang. They were just doing their love... and that is to make music. And to share that to their listeners. 
Napatigil ako sa pagtutulak sa cart ko nang may bumunggo do'n. Kunot ang noo ko nang tingnan ko kung sino ang hinayupak na 'yon. 
"Opps, nabangga! Kaka-cellphone mo 'yan," ani Loida, pinsan ko, na nakataas ang isang kilay sa akin. May kasama siyang dalawang babae--sila 'yong pumuputak na mga manok sa loob ng cubicle. Dinamay pa si Jolina sa kagagahan nila. Naiirita tuloy ako! Pero ayokong patulan si Loida dahil hindi pa ako p'wedeng umalis sa boarding house nila. "Ang tagal mo naman yata. Hinahanap na 'yan ni Mommy." 
"What do you mean, Loida? Magkapatid kayo?" gulat na tanong ng maliit na babae na may makapal na eyeliner. 
"Of course not! Katulong namin siya." Inirapan nila ako bago nila ako nilubayan. Parang diring-diri pa sila sa akin kung makatingin. Duraan ko kayo diyan, e! 
"Katulong pala 'yong lumalandi kay Argus?" rinig kong sabi no'ng babae. 
"Wala naman siyang pag-asa kay Argus," sagot ni Loida. 
Nabaling ang atensyon ko sa nag-text sa akin. Si Nobita. Inaaway ako ng fan girls niya at wala siyang kalam-alam. Ayoko pa naman ng issue. Pero ayoko namang iwan si Nobita. Masyado na akong komportable sa kanya para lumayo pa. Isa pa, ayokong isipin niyang kasalanan niya kaya ako nabu-bully. Umiling ako nang mabilis! 
"Hangga't hindi ko ikamamatay, walang problema," sabi ko sa sarili at nagpatuloy na sa grocery. Mabilis din akong natapos. Nasa counter na ako at pina-punch na ang mga pinamili ko. Nagkatinginan kami ng cashier nang may makuha siyang malaking upo sa cart ko. At sunod no'n ay baby oil. "Hindi po akin 'yan!" depensa ko agad. Tiningnan ko agad kung sino ang mga nakakita sa akin. May ilang nagbubulungan at mukhang pinapaliwanag kung anong gagawin ko sa mga 'to. May ibang natatawa. 
Putang ina naman, oh! 
Sa hindi kalayuan ay nakita ko sina Loida na pinagtatawanan ako. Nagvi-video naman 'yong isa niyang kaibigan. Napasapo na lang ako sa noo ko sa sobrang kahihiyan. Sa laki ng upo na 'to, baka hindi na ko makalakad niyan! 
"Ayos lang 'yan. Mahirap talaga kapag walang boyfriend," nakangising sabi ng cashier. Bago niya pa i-punch 'yong upo at baby oil ay inagaw ko na iyon sa kanya. Pulang-pula na ang mukha ko sa sobrang hiya. At kahit may aircon ay pinagpapawisan ako. 
"May nanti-trip lang po sa akin. Check niyo pa po sa CCTV, hindi ako ang naglagay nito," nakangusong sagot ko na tinawanan niya lang. Aba! 
I-uumpog ko talaga 'to kay Loida! Ipapalaklak ko rin sa kanya 'tong baby oil! 
Hanggang sa maka-uwi ay badtrip ako. Pinaglaba pa ako ni Tita Lucia ng mga damit nila. Hapon na rin ako natapos. At dahil may exam pa kami ay kailangan ko ring mag-review. Hindi ko na na-reply-an si Nobita sa huling text niya. Tinatanong niya kasi kung nasaan ako. Wala na! Papanaw yata ako sa sobrang kahihiyan kanina sa grocery store. 
Noong Monday, usap-usapan na ako. Alam ko na rin naman kung bakit. Kalat na 'yong video ko na nasa grocery store. Pinost ng kaibigan ni Loida sa page ng school. 
Nag-comment pa nga ako, e. Sabi ko, "Sus! Nahiya ka pa! Gusto mo lang ipasabay sa 'kin para 'di halatang ikaw ang gagamit." 
Pero syempre, walang naniwala sa akin! Naging laughing stock na tuloy ako. Ang daming reply sa comment ko na puro pambabastos. Madali rin kasi akong nakilala ng schoolmates ko dahil kay Nobita. I didn't know na sikat na pala ako rito at naghihintay lang silang may gawin akong nakakatawa para ipahiya nila ako. 
"Hi, Jolina," bati sa akin ng isang lalaki na may nakakaasar na ngisi nang makapunta ako sa building ng BSA. Lahat naman yata sa araw na ito ay nakakaasar. "You don't have to it alone. Malaki naman 'yong akin, e." Natawa siya at 'yong mga nakarinig. 
Inirapan ko siya at saka tumigil sa paglalakad para harapin siya. Nakataas-noo pa ako dahilan para lalo siyang mapangisi. "Sige nga, patingin! Hubad na!" hamon ko sa kanya na lalo niyang nginisihan. Pati mga nakarinig ay napatingin sa amin at mukhang nag-eenjoy sila sa eksena. "Nahihiya ka, 'no? Liit kasi. Sing liit ng utak mo." 
Nag-walk-out na ako at nagmadaling makapasok sa classroom. Nakakairita talaga! Lahat sila, ako ang topic. Inisiip talaga nila na ipapasok ko 'yon sa sarili ko? Ano ako? Tigang?
"Kunwaring jolly, nasa loob naman pala ang kulo," parinig sa akin ng isa kong kaklase kaya sinamaan ko siya ng tingin. Since day one, ang sama na ng tingin nito sa 'kin, e. Si Kia! Dahil lang ba sa hindi siya tinabihan ni Argus sa upuan? Hatawin ko siya ng upuan diyan, e. 
"Huwag mo 'kong simulan, Kia. Baka baklasin ko 'yang mukha mo!" 
Napasinghap silang lahat. Agad ay nilubayan nila ako. Hindi ako para magpaapi! Kahit pa magkampihan sila, hindi ko sila uurungan. Nakilala nila akong approachable na tao kaya huwag nilang babaguhin 'yon. Mabuti akong kaibigan pero gumaganti rin ako sa mga kupal. 
"Hindi ako naniniwala," ani Charlie na nilapitan na ako rito sa upuan ko. Umupo siya sa pwesto ni Nobita. "Binu-bully ka ba ng fans ng Echo Sonic?" 
"Masama bang gumanti sa bully? Mamaya kasi, baka may magulpi ako." Matalim lang ang tingin ko sa lahat ng nakatingin sa akin na may halong panghuhusga. Jusko! Monday na Monday! 
"P'wede natin silang i-report. Sasamahan kita. At kung hindi man ikaw ang bumili no'ng upo at baby oil, p'wede naman siguro nating hingiin ang CCTV footage." 
Napasimangot ako at napatingin kay Charlie. "Salamat, ha. Nakakairita ang araw na 'to." 
Mahina siyang natawa. "Kaya mo 'yan. I'll help you. Hindi matatapos ang pambu-bully sa 'yo kung iisa-isahin mo sila." 
Tumango na lang ako. Umalis din agad siya nang dumating na si Argus at tahimik na umupo sa tabi ko. Nakita niya na kaya 'yong post tungkol sa akin? Bakit parang wala lang sa kanya? Ilang minuto kaming tahimik na nakasandal sa upuan nang lumingon siya sa akin habang salubong ang mga kilay. Mukhang nakahalata na siya sa nangyayari. 
"Why are they looking at you like that?" 
Nagkibit-balikat ako. Mukhang wala siyang alam. Mabuti na rin 'yon. Mapahiya na sa lahat, huwag lang kay Argus. Hindi lang nila alam pero malakas mang-asar ang isang 'to. 
"What?" iritableng tanong ni Argus sa mga kaklase namin dahil ayaw nila akong tantanan ng mapanghusgang tingin. 
Ngumisi si Kia habang nakataas ang isang kilay at nakahalukipkip pa. Maglalakad na sana siya papunta rito. Pero bago pa siya magsalita ay dumating na ang prof namin. At dahil wala kaming break sa umaga, kahit papaano ay naging payapa ako sa upuan ko. Walang gumugulo sa akin. Ngayon lang ako natuwa na puno ang schedule namin. Kaso 'yong mga estudyante sa labas, panay sulyap sa akin at kay Argus.
Nang lunch break na, bago pa lumapit iyong mga kaklase naming babae para magsumbong kay Nobita, hinila niya na ako palabas ng building. Siya na rin ang nagbitbit ng bag ko hanggang sa makarating kami sa hiwalay na building. Hindi siya kumikibo kaya kinakabahan ako. Nagpatianod lang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa isang music room. May piano, mga gitara tulad ng bass guitar, electric guitar, acoustic guitar, drum sets, at piano. May mga trumpet din. Walang katao-tao rito. Kahit maraming gamit ay malinis pa ring tingnan ang music room. May mga picture din ng Echo Sonic sa dingding. Picture nila habang nagpe-perform.
"Tell me what happened," ani Argus nang harapin niya na ako. Ang higpit din ng hawak niya sa bag ko. Ang bigat pa naman no'n. May laman kasing laptop at mga libro.
Malakas akong bumuntong-hininga at saka kinuha ang cellphone ko. Mukhang wala 'tong balak na tantanan ako. Talagang hinila pa ako rito para magisa niya ako. "Oh!" Pinakita ko sa kanya ang post tungkol sa akin na bumibili ng upo at baby oil. 
"What's with that?" tanong niya habang nakakunot ang noo. Pero pansin ko ang unti-unting pagpula ng mga tainga niya.
Itinago ko ang cellphone sa bulsa. "Green minded ang mga tao mag-isip, e." 
Tiningnan niya lang ako ng puno ng pagtataka. Hindi niya ma-gets? Oh my gosh! Ang inosente naman ng isang 'to. Ayokong dumihan ang utak niya. Pero bakit namumula ang mga tainga niya? "Come on, straight to the point, Jols." 
Napasimangot ako. "Iniisip nila na gagamitin ko 'yong upo tapos pampadulas 'yong baby oil." 
"What?" gulong-gulong tanong niya. Napa-pokerface ako sa kanya. Makuha ka naman sa tingin, Nobita! Ayokong i-detalye ang lahat. Ramdam ko na nga ang init ng mukha ko, e. Maya-maya ay nawala na ang confusion sa mukha niya at saka mabagal na napatango. "Oh," mahinang sambit niya sabay ngisi. "Kasya ba 'yon?" 
Hinampas ko siya sa braso na tinawanan niya lang. "Hindi nga ako ang bumili no'n! May naglagay lang sa cart ko!" 
"Saan ka ba kasi nag-grocery?" 
Iyon lang ang pinag-usapan namin buong lunch. At dahil nagluto siya kaninang umaga, pinagbaon niya na rin ako para hindi na kami lumabas pa. Baka abutan pa kami ng ulan. Isa pa, naparami na naman daw ang luto niya. Nandito lang kami sa music room. Nakinig lang siya sa lahat ng inis ko sa araw na 'to. Pero iniwasan kong mabanggit na naiinis sa akin ang mga tao dahil napapalapit ako sa kanya. 
Ayokong iwasan ako ni Nobita. 
Kaya kong tiisin 'yong bullying, e. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Pero sigurado akong mahihirapan akong makahanap ng matinong kaibigan kung pati si Nobita, lalayo. 
"Sarap talaga ng luto mo, Nobita! Bakit hindi ka na lang nag-chef?" manghang wika ko kaya napangiti siya at napapailing habang kumakain kaming magkaharap. Magkadikit iyong table ng armchair namin kaya magkaharap kami ngayong kumakain habang nasa gitna ng music room.
"Thank you, Jols. Naka-reserve na 'to sa mapapangasawa ko," aniya kaya nginisihan ko lang siya ng nakakaloko.
"Swerte niya naman," sabi ko sabay subo ng pagkain.
Mahina siyang natawa habang nakatingin sa akin. "Mas swerte ako kapag napansin niya ako."
"Oh? So may crush ka na?" gulat kong tanong dahilan para magulat din siya. Hindi agad siya nakapagsalita habang nakatulala sa akin. "Sino 'yan? Bakit hindi ko alam?" Sino 'yan para makilatis ko! Shuta? May nagugustuhan na siya? Bakit parang hindi ako masaya?
"Wala," aniya sabay gulo sa buhok ko habang natatawa kaya tinulak ko palayo ang kamay niya habang masama ang tingin sa kanya. "I mean mas maswerte ako kung magugustuhan din ako ng taong nagugustuhan ko."
"Sus! Baka mamaya niyan, isa sa mga kaklase natin?"
Ngumisi lang siya at nagkibi-balikat. Bakit parang oo, isa sa mga kaklase nga namin? Nakakairita talaga ang araw na 'to! Kailangan kong maging mapagmatiyag para malaman ko kung sino.
"Next sem na 'yong research natin." Busy na siya sa pagligpit ng mga Tupperware na pinagkainan namin at gano'n din ako. Ang sarap ng luto niya. Hindi nga ako naniniwala na siya ang nagluto nito, e. Pero swerte talaga ng mapapangasawa niya. "May naisip ka na bang ka-group?" 
Umiling ako. "Ikaw? May naisip ka na? Piliin mo 'yong hindi pabigat at may ambag, ha." 
"Tayo na lang kaya?" 
Umangat ang tingin ko sa kanya dahilan para magtama ang tingin namin. "Sure ka ba sa 'kin?" 
Napangiti siya at saka tumango. "May choice ba ako?" 
"Wala! Pero tatlong member ang kailangan do'n, e. Kunin kaya natin si Charlie?" 
Alam kong may group of friends si Charlie sa classroom namin pero limang magkakaibigan sila, e. Siguradong may dalawang hindi mapapasama. Pipilitin namin si Charlie na kami ang piliin. Sa talino no'n, baka mag-best in research pa kami. Dagdag mo pa 'tong si Nobita na bini-basic lang ang Math. 
Nakatayo na kami ni Nobita at palabas na ng music room nang mapalingon ako sa labas. Ang gulo ng mga tao do'n. 'Yong dati kong tahimik na buhay, pinagtatawanan na. Kairita talaga si Loida! 
Nabaling ang tingin ko sa loob nang may marinig akong naggigitara. I saw Argus sitting on a chair while playing the acoustic guitar. Akala ko ay electric guitar lang ang kaya niya, e. Napangiti ako at saka bumalik sa pagkaka-upo. Focus na focus siya sa tinutugtog. 
"Ilang awit pa ba ang aawitin o giliw ko..." Ligaya by Eraserheads! Pero hindi ito katulad ng melody ng Eheads. This time, mas mellow, mas mahinahon. Ang sarap sa tainga ng malamig niyang boses. Mababa lang pero hindi sintonado. "Ilang ulit pa ba ang uulitin o giliw ko..." Parang lahat ng pangamba ko sa labas, naglaho nang gano'n lang. Ang soothing pakinggan! 
I can listen to him all day... pero syempre, hindi ko sasabihin. 
"Ilang isaw pa ba ang kakainin o giliw ko..." kanta pa niya. 
"Kumakain ka ba no'n?" biro ko dahilan para matawa lang siya pero hindi siya tumigil sa pag-plucking. Na para bang kabisado na ng mga daliri niya ang strings kahit hindi siya tumingin do'n. 
"Oo naman." Still, nagpi-play pa rin siya ng guitar habang nakangisi sa akin. Galing! Kaya niyang makipag-usap kahit tumutugtog. Grabeng muscle memory 'yan. Tumahimik na lang ako dahil gusto ko siyang marinig kumanta. "Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo... Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko..." 
Tahimik akong natawa nang ngitian niya ako. Pinatong ko na lang ang mga siko sa table at ang baba sa mga kamay ko habang pinanonood siya. Maganda ang boses ni Nobita. Hindi man katulad ni Francis na pang-banda talaga, mas gusto ko 'tong pampakalma. 
Parang rollercoaster 'yong araw ko. Nagsimula akong badtrip, sunod ay kalmado, at syempre, mukhang magtatapos pa yata ng badtrip ulit. Kasi noong nag-part time na naman ako sa registrar, mapanghusga pa rin ang tingin ng mga tao. Buti nga at hindi naman gano'n ang iniisip ni Miss Lottie. 
"Kaya walang napapalapit na tao diyan kay Argus, e," napapailing na wika ni Miss Lottie habang sa records ang tingin. Kaharap ko siya pero nasa magkaibang table kami. "Kasi may kausapin lang siyang babae, binu-bully na ng iba. Isa pa, iwas din sa tao si Argus. Hindi ko alam kung bakit. Masyado yatang introverted." 
"So 'yong banda lang po talaga ang kaibigan niya?" usisa ko pa. Hindi tamang pag-usapan si Argus pero curious ako sa sinabi ni Miss Lottie. 
"Since high school pa yata silang magkakaibigan." Umangat ang tingin niya sa akin. "Madalas kong makitang mag-isa ang batang 'yan na inaasikaso ang mga requirements niya. Minsan naaawa na lang ako pero madalas, nakakahanga siya. Kasi kaya niyang kumilos mag-isa. Pero no'ng dumating ka, natuwa ako kasi may kaibigan na siyang madalas niyang kausap." 
Pilit akong ngumiti at binalik na lang sa trabaho ang atensyon. Ang lala pala ng obsession ng mga nagkakagusto kay Argus. 
"Kaya kung gusto mong makipagkaibigan diyan kay Argus, dapat ay matibay ang loob mo," paalala pa ni Miss Lottie. Napasimangot na lang ako. Pati ba naman sa pakikipagkaibigan, kailangan maging matapang! Ugh! 
I tried to shut the world down. Ni hindi ako nag-online para hindi ko makita ang mga kupal na netizen. Kung makapagsalita naman kasi sila sa akin, parang may ginawa akong sobrang samang bagay. Alam niyo 'yon? May video lang na may upo at baby oil, ang dami na nilang nasabing masakit. Sabihin na nating oo, ginagawa ko nga iyon. Ano naman sa kanila? Puke ba nila 'to at nakiki-alam sila?
Parang hindi ako tao, ah! Parang hindi ako masasaktan sa mga pinagsasasabi nila. 
Nobita: Hi, Miss Upo.
Me: Block kaya kita?
Nobita: Mami tayo? Review na rin. 
Napairap ako bago nagligpit ng mga gamit at lumabas. 10PM pa lang naman at kahit anong pilit kong matulog dahil gusto kong mag-review sa madaling araw, hindi ko naman magawa. Masyadong distracted ang utak ko sa pinagsasasabi ng mga tao. Madaling sabihin na huwag magpaapekto pero naaapektuhan talaga ako, e.
Bitbit ang bag ko na may lamang mga libro at laptop, pumuslit na ako palabas. Naka-jorts lang ako na cotton, puting loose t-shirt na may maliit na print sa bandang dibdib, at saka tsinelas. May soot din akong baseball cap para hindi maambunan. Literal na nakapambahay lang ako.
"Sarado," sabay naming sambit ni Nobita habang nakatingala sa Chinese restaurant na nakasara. 10PM na nga pala. Usually, nagsasara sila nang maaga kapag wala nang masyadong kumakain. 
Napatingin si Nobita sa cellphone niya nang may nag-text do'n. Pareho kaming naka-baseball cap at puting t-shirt. Pero siya ay nakaitim na loose pants. Naka-white crocs din siya. Tapos 'yong manggas ng white shirt niya ay hanggang siko. Ang luwag yata ng T-shirt niya. Pero dahil matangkad siya, para pa rin siyang model sa porma niya.
"Coffee shop tayo." Hinila ako ni Argus pero hinila ko rin pabalik ang kamay ko. Kaso hindi niya ako binitawan. Para tuloy kaming naglalaro ng tug of war. "Why?" 
"Wala pa akong budget para do'n. 7eleven na lang," alok ko. 
"It's fine, libre ni Dew. Para raw sa pag-edit mo ng video. Nando'n siya, nagpa-part-time." 
Seryoso ba? Ang Dew na 'yon ay manlilibre? "'Di naman kailangan ng bayad. Nagkusa naman ako." 
"Minsan lang 'yon manlibre kaya sulitin natin. Hindi ako ililibre no'n kung hindi ka kasama," sabi pa niya at mukhang desidido siyang magpalibre kay Dew kaya nagpunta na kami sa coffee shop na malapit lang din sa school. Baka rin kasi hindi na manlibre si Dew next time.
Dahil gabi na ay walang masyadong tao sa loob. Kung meron man ay may kanya-kanya naman silang mundo. Ang ilan ay nag-aaral, ang iba ay nagtatrabaho sa laptop nila, at ang iba ay tulala lang. May ibang nagdi-date pa yata. Dahil malaki ang café, hindi crowded tingnan ang place. Umupo kami ni Nobita sa gilid, katabi ng malaking pader na gawa sa makapal na salamin. Mula rito ay kita na namin ang malaking bakanteng lote na puro damo lang ang meron. Nasa likuran iyon ng cafe. May mangilan-ngilang sasakyan ang dumadaan sa highway. 
Magkatabi kami ni Nobita sa couch na kulay baby blue na may mataas na sandalahan kaya hindi ko masyadong kita iyong mga costumer na narito. Ang cute ng café na 'to. Instagramable! May saksakan din sa tabi namin. 
"May napili ka na?" tanong ni Nobita matapos naming tingnan ang menu. Tumango lang ako at sinabi sa kanya ang sa 'kin. Siya na lang daw ang mag-oorder para may maiwan sa table namin. Pinanood ko siyang pumunta sa counter. Ang friendly ng mga barista rito. Todo ang ngiti nila habang kausap si Nobita. Nakikipagtawanan pa pero ngingiti lang ang lalaki. Ay wala na! Kinilig na sila. Pero nasaan ba si Dew? Akala ko ay dito siya nagpapart time.
ako sa couch. Sakto namang dumating si Dew at mukhang nagmamadali pa. Inakbayan niya agad si Nobita bago sila nagpunta rito. Magkatabi silang umupo sa harapan ko. Ayaw kasing bitawan ni Dew si Nobita, e. 
"Thank you sa libre, Dew. Pero hindi naman na kasi kailangan," bungad ko sa kanya. Nakasandal lang ako sa couch na parang tamad na tamad umayos ng upo. Feel at home agad ako. Dagdag pa na nakapambahay lang ako. Bigla lang kasi akong hinila rito ni Nobita, e.
Napakamot siya ng batok at parang nahihiya habang natatawa. Nakapambahay lang din si Dew. Mukhang hindi siya naka-duty ngayon. "Kamusta naman pala 'yong video?" nakangiti niyang tanong.
"Inaayos ko pa. Pero malapit na 'yon. Hiwalay 'yong performance sa behind the scenes niyo, ah." Ngayon pa lang ay natatawa na ako sa behind the scenes nila. Doon ko kasi nilagay lahat ng edits kung saan ang funny lang nilang panoorin. Walang kaseryusohan sa buhay.
"Grabe, excited na ako sa kakalabasan!" Dew giggles pero natigilan siya nang may ibulong sa kanya si Nobita. Tumango si Dew at naging seryoso na ulit. "Pinost ko na ang salarin," seryosong sabi niya kay Nobita.
"Ha?" sambit ko.
"'Yong tungkol sa vid---" Napatigil siya nang tapikin siya ni Nobita sa balikat na para bang inaawat siya nitong sumagot. Sakto namang tawag na si Nobita sa counter para kunin ang order namin.
"Ano ba 'yon?" bulong ko kay Dew.
Ngumisi siya bago yumuko para makalapit sa akin. Umusod din ako sa upuan para magkalapit kami. "Pinakuha sa akin ni Argus 'yong CCTV footage sa mall na pinag-grocery-han mo. Kitang-kita 'yong tatlong babae na sini-set-up ka. Kaso parang ayaw ipasabi sa 'yo ni Argus."
Agad kaming umayos ng upo ni Dew nang tuluyang makalapit si Nobita. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero isa lang ang malinaw---hindi ako nagkamaling kaibiganin si Argus. Pinagtatanggol niya ako kahit hindi ko alam.
Siya 'yong kaibigang mapagkakatiwalaan kahit pa nakatalikod ka sa kanya.
Napangiti ako kay Argus kahit nagtataka siya. Hindi man ako ang babaeng nagugustuhan niya, maswerte pa rin ako dahil naging kaibigan ko siya.
To be continued...

Komento sa Aklat (14)

  • avatar
    SibbalucaJasmin

    makakakuha ka Ang limpak limpak na pero dahil dito

    05/12

      0
  • avatar
    VIVIAN M.AURINO

    I am sow happy

    12/11

      0
  • avatar
    Sambronaeruld

    thank you

    10/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata