Eliza's Point of View Opisyal ng naibalik sakin ang trono bilang pinuno nang buong Mafia. Hindi ko lubos maisip na sa pagpunta namin sa Imperyo ay ang siya ring huling beses kung makakasama ang aking ama. Nakauwi na pala kami ng Pilipinas kahapon lang dahil inasikaso ko na muna ang pagta-transport sa katawan ni daddy papunta dito sa Pilipinas, nandito kasi nakalibing si mommy kaya dun ko din siya nais na ilibing. Gusto kong kahit na hindi na sila magkasamang buhay ay magkasama naman sila sa hukay. Kaagad kong ipinaalam sa dalawa kong kapatid ang nangyari nung mismong araw na namaalam si daddy kaya ayun si Elisse hindi namin mapatigil kakaiyak. Bukas pa ng gabi ang opisyal na pagbubukas para masilayan ang labi ni daddy sa mga taong nakakakilala sa kanya dahil ang araw ngayon ay para saming mga kamag-anak na muna. "Wife.." Tawag ni Dharenz sakin, napalingon naman ako sa likuran ko. "Take a nap on that room." Paglapit niyang sabi sakin, sabay turo sa isang kwarto. "I'm fine, hubby." Sabi ko na lang sa kanya. "We both know that you're not fine, okay. So, please, take a nap on that room. Ako na ang bahala sa lahat dito, magpahinga ka na muna." Seryosong sabi ni Dharenz sakin, kaya wala akong nagawa kundi ang magtungo sa kwartong sinasabi niya para magpahinga. Pagpasok ko sa loob ay agad akong nagtungo sa kama, sobrang tahimik na para bang may sarili akong mundo sa loob ng kwartong to. Sa pag-iisip ko ay biglang nagflashback ang lahat sakin, yung mga masasayang alaala kasama si daddy nung nabubuhay pa siya. At sa kalagitnaan ng pag-alala ko ay hindi ko namalayan na may pumapatak na pa lang mga luha sa mga mata ko. Kinuha ko naman ang isang unan at yumuko, hindi ko napigilang humagulhol ng iyak sa unan. Hindi ko lubos maisip na sa tamang panahon pala ay mawawala din ang mga taong ayaw mong mawala sa buhay mo, na wala palang permanente sa mundo dahil lahat sila ay may mga oras na nakatakda kung kailan sila mawawala. Matapos kong ibuhos ang lahat ng kalungkutan ko ay pinilit kong makapagpahinga na muna para mas lakas akong humarap sa mga tao bukas paggising ko. ... Kinabukasan, naalimpungatan ako dahil sa mga boses na naririnig ko mula sa labas. Nag-stay na muna ako sa kama ng ilang minuto bago ko maisipan na bumangon na. Pagbangon ko mula sa kama ay agad ko namang napansin ang isang hygiene kit na nasa mesa, katabi ng kamang tinulugan ko. Si Dharenz siguro ang naglagay ng bagay na to dito. Kinuha ko naman yun at agad na nagtungo sa banyo para gawin ang nakasanayan ko ng morning rituals. Matapos kong gawin ang morning rituals ko at makapagpalit ng damit ay napagpasyahan ko ng lumabas ng kwarto. Natigilan naman ako ng bigla akong salubungin ng mga kaibigan ko. "Bes, E, Queen." Mahinang tawag nila sakin. "Condolence Queen." Malungkot na tonong sabi ni Shane, niyakap at bineso niya ako. "Condolence, E." Sabi naman ni Jenny, ganun din ang ginawa niya. "Condolences bes." Sabi naman ni Mitch, pati na rin siya ay ganun din ang ginawa. Nginitian ko naman sila at tinanguan bilang sagot sa mga sinabi nila. Alam naman nila na sa ngiting ipinakita ko sa kanila ay sobrang sakit sa loob ko ang nangyari sa daddy ko. "We know na hindi ka pa kumakain ng breakfast kaya mamaya ka na lang namin kakausapin, sige na, have a breakfast first." Seryosong sabi ni Jenny, ngumiti at tumango lang ako bilang sagot sa kanila. Tinap ko naman ang mga balikat nila, senyales na mauuna na muna ako sa kanila para kumain ng agahan. Kaagad na hinanap ko si Dharenz dahil sigurado akong puyat at pagod siya ngayon. Sa paglilibot ng paningin ko ay hindi makita si Dharenz. Nasaan kaya siya? "Kasama ng mga kaibigan niya si Dharenz." Napalingon naman ako sa taong nagsalita mula sa likuran ko, si Lawrence lang pala. "Kakaalis lang nila papuntang mall, may bibilhin daw si Dharenz na kailangan para sa funeral wake ni Tito Romeo, like mga pagkain at mga iba pang kailangan." Sabi niya sakin. "Sinong nagdrive?" Wala sa sariling tanong ko. "Don't worry hindi si Dharenz ang driver, alam naman namin na puyat siya eh." Sagot ni Lawrence. Mabuti naman kung ganun, ang akala ko ay siya ang nagdrive eh. "Sige na kumain ka na muna, kami na munang bahala sa mga bisita." "Sige, salamat." Tangong sabi ko sa kanya. Nagtungo naman ako sa kusina dito kung saan nandun ang mga kasambahay sa mansyon na nag-aasikaso ng mga pagkain. "Magandang umaga po, madam." Bati nila sakin pagpasok ko sa kusina. "Condolence po." Malungkot na tonong sabi nila, tumango na lamang ako. "Maupo ka na po, madam, ihahanda na po namin ang agahan mo na inihabilin ni sir Dharenz kanina." Ngiting sabi ni Kristina, na isa naming kasambahay kaya naman tumango ako. Kaagad naman nila akong inasikaso. "Salamat." Sabi ko sa kanila, matapos nilang ihain ang umagahan ko. ... Matapos ang isang oras na inilaan ko sa pagkain ay nagpaalam na ako sa mga kasambahay dahil kailangan ko pang asikasuhin ang mga taong nandun sa funeral wake ni daddy. Inihahanda na rin kasi nila ang umagahan ng mga taong nandun sa funeral wake. Pagbalik ko sa funeral wake ni daddy ay agad akong nagtungo sa coffin ni daddy, kung nasaan nandun din si Elisse na prenteng nakatayo habang pinupunasan ang salamin ng coffin ni daddy. Tinap ko naman siya sa balikat, gulat naman siyang lumingon sakin. Inakbayan ko naman siya at ipinatong niya naman ang ulo niya sa dibdib ko. "Unnie," tawag niya sakin. "Hmm.." Ungot na sagot ko sa kanya. "Ba't ganun si daddy, ba't hindi niya ipinaalam satin na may malala na pala siyang sakit? Bakit kung kailan mamamaalam na siya ay dun lang natin malalaman ang lahat? Bakit sinarili niya ang problema na pwede pang gawan ng paraan?" Umiiyak na tanong ni Elisse sakin, hindi agad ako nakasagot sa tanong niya dahil blanko rin ang utak ko ngayon. Nayakap ko na lang ng mahigpit si Elisse nang bigla na lamang siyang humagulhol ng iyak, gustuhin ko man umiyak rin ay hindi ko magawa dahil kapag sinabayan ko siya sa pag-iyak ay mas lalo siyang iiyak.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Bat wala pa yung susunod dito?
03/05
0this is so good
03/01
0beautiful
10/11
0Tingnan Lahat