logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 4

"YEAH, Mom. Uuwi na po ako mamaya." nakangiting pakikipag-usap ni Warren sa kabilang linya. Mamaya na ang balik ng dalawang magkaibigan sa Manila. 
Nakamasid lamang dito si Moriz na wala pa ring gana. Namumungay ang mga mata nito at nangangayayat na. It's been 3 days since she found out that her father left the country without contacting her. Wala siyang maayos na tulog at palagi siyang umiiyak sa mga nakalipas na tatlong araw. Hanggang ngayon ay umaasa siyang may gagawing mabilis na hakbang ang kaniyang ama upang bawiin siya ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkol doon. Mukhang walang ginagawa ang kaniyang ama. 
"Hey, uuwi na ako mamaya." Naputol ang pag-iisip ng dalaga nang magsalita si Warren. Napairap siya dito at humiga ng kama upang magtalukbong ng kumot. Mainit ang ulo niya. 
"Tsk, I don’t even care about you." Walang gana niyang sagot. 
"Wala din akong pakialam sa'yo pero nag-aalala ako. Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka kumakain. Ilang araw ka nang walang maayos na kain." 
Parang may humaplos sa puso ni Moriz nang marinig ang sinabi ni Warren. Matagal na panahon na nang huli niyang marinig ang salitang "nag-aalala" mula sa ibang tao. Kadalasan ay walang pakialam sa kaniya o di kaya'y inaaway siya dahil sa pagiging brat niya. Tuloy ay parang gusto niyang bumangon at yakapin ang binata ng wala sa oras. For a short period of time, she felt the presence of her brother through Warren. Ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi siya dapat nagtitiwala lalo na at ang mga ito ang nagdala sa kaniya sa sitwasyon na ito. 
"Just leave and don't ever come back. Hindi ko kayo kailangan at wag ka ng umasa na kakain ako ng mga cheap na pagkain dito." Sa halip ay sagot niya. Parang gusto niyang magsisi sa sinabi nang walang imik na lumabas ng kwarto ang binata. 
NAGISING si Mauriz dahil sa kumakalam na sikmura. She's starving. Nasapo niya ang tiyan nang kumulo itong muli. Nanghihina ang mga binting umalis siya ng kama. Binuksan niya ang kulay gray na kurtina ng glass window. Maganda ang view ng dagat at sa palagay niya'y mga nasa alas dos pa lang ng hapon dahil sa sikat ng araw. Saglit siyang nasiyahan sa tanawin. She loves oceans. 
Ngunit naputol ng kaniyang kumukulong tiyan ang konsentrasyon niya sa pagsilay sa magandang view. Hinayaan niya munang nakabukas ang kurtina at muling pumunta sa kama at naupo. Ayaw niyang lumabas ng kwarto dahil mataas ang pride niya. Hinihintay niyang dalhan siya ng pagkain ng kaniyang kidnappers ngunit makalipas ang ilang minutong paghihintay ay wala pa ding nadating na pagkain. Napapikit siya sa inis nang maalalang wala nga pala sina Warren at Lans dahil umalis na mula pa kaninang umaga. 
“So it means…” napangiwi si Mauriz nang maisip na sila lang dalawa ni Draco ngayon sa loob nga bahay. She doesn’t want to be alone with him. Aminado siya sa sarili na natatakot siya. 
Hindi niya kayang pakisamahan sa iisang bubong ang kidnapper na iyon. Masyadong seryoso at nakakaintimidate ang paraan nito ng pagtingin. It was the same eyes she saw at the party. Those cold eyes. 
Ang kaninang kumakalam na sikmura ay napalitan ng sumasakit na puson. Hinaplos niya ito ngunit naramdaman niyang tila lalo lamang itong sumasakit. Shit! Mukhang magkakaroon pa yata siya. 
Maya-maya pa'y hindi lang puson ang sumasakit sa kaniya. Maging ang kaniyang binti, balakang, braso, dibdib, at ulo ay sumasakit na rin. Kahit lanta ay nanghihina siyang tumayo ngunit napatigil nang maramdamang may likidong tumulo mula sa kaibuturan niya. Nanlalaki ang matang lumingon siya sa kamang inupuan niya kanina at ganoon na lang ang pagkadiri ng makita ang hindi kalakihang mantsa ng dugo. 
"Oh, fuck. Not now, not now!" angil niya at hindi mapakaling nagpaikot-ikot sa kwarto. Dire-diretso siyang tumungo sa banyo at naghanap ng napkin ngunit nadismaya siya nang walang makita. Napatingin siya sa kulay purple niyang cotton short. Tumalikod siya sa salamin at sinipat ang puwitan at labis na napamura sa nakita. Mayroon siyang tagos! 
Hindi na nag-abala pang magpalit ng short si Mauriz dahil madudumihan din naman iyon sapagkat wala siyang napkin. Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto. Mabuti na lamang at hindi 'yon inilalock ng kaniyang kidnappers. 
Hindi niya alam kung nasaang floor siya ng bahay. Nang makalabas ay medyo nalula pa siya sa laki ng bahay. Saka niya napagtantong nasa 2nd floor siya dahil sa hagdan pababa at ang main door na sigurado siyang mayroong security lock. Kahit gustuhin niyang tumakas ay hindi niya magawa. Ang kailangan niya ngayon ay ang sagot sa problema niya. Binuksan niya ang lahat ng kwartong madaanan ngunit walang mahagilap na tao. Wala siyang choice kundi ang umakyat sa ikatlong palapag. 
Sa bawat hakbang sa kulay gray na hagdan ay parang puputok ang puson niya at patuloy sa pagtulo ang likido mula sa kaniya. Nanghihinang itinuloy ni Moriz ang pagchecheck ng mga kwarto. There was no one around. She regretted not speaking properly to Warren earlier. Now, she had no one to turn to for help. As she was descending the stairs, she came across the only room at the end of the hallway near the house's mini-library. Katapat nito ay ang parang style office na kwarto. Lumapit siya dito nang nakahawak pa rin sa puson. 
Nakita niya ang nakaengrave na letter 'D' sa pinto. Agad niya itong binuksan at inilibot ang paningin sa kwarto. She closed her eyes to savor the sweet scent of the room. It was so fragrant that she felt like she never wanted to leave. Naputol ang kaniyang pagdeday-dream nang sumiklab na naman ang sakit sa puson niya. 
"Argh!" 
She looked around and her gaze landed on the man on the terrace of the room. He was sitting and facing a laptop. 
It’s Draco. 
Hindi na siya nag-atubiling kumatok at dire-diretso siyang pumunta sa kinaroroonan ng binata. Wala na rin siyang pakialam kung sino man ang kausap nito dahil napansin niyang nagsasalita ito. 
"Hey! Come here, I need you!" sigaw niya sa nakikipag-usap na lalaki. Gulat na napalingon rito ang binata at hindi mawari ang hitsura ng tumawag. Gulo-gulo ang buhok at mahigpit na hawak ni Moriz ang puson. 
"Come on, huwag kang tumingin lang diyan, stupid!" muling sigaw nito at may maluha-luhang mga mata. 
"Who is she?" saad ng kausap ng binata nang makita si Moriz. Nakakulay puti itong blouse at nakasalamin. Maganda ang kausap nito at mukhang matalino. Sasagot na sana si Moriz nang biglang isara ni Draco ang laptop at nagmamadali siyang pinuntahan upang titigan nang nakakunot ang noo. 
Noon lamang narealized ni Moriz ang hitsura ng lalaki. Topless ito at nakaboxer short lamang. Dumagdag pa ang nakatali nitong gabalikat na buhok. Napalunok siya nang maramdaman ang pagkakalapit nilang dalawa. Alam niyang nakita ng binata ang ilang beses niyang paglunok. Naaamoy niya ang mabangong amoy ng nito, amoy chocolate. Nakakaakit. 
She closed her eyes and tried to push aside the screaming thoughts in her mind. Draco was incredibly handsome, lalo na ngayong napansin niya na kaliligo lamang nito dahil sa pagtulo ng tubig sa buhok nito. Moriz took in his entire appearance, from his thick eyebrows, brown eyes, and well-defined nose, to his thin, red lips, and finally, her gaze settled on his Adam's apple. 
Napakagat-labi siya at pinigilan ang sariling magnasa sa kidnapper niya. Kumunot-noo siya at bahagyang itinulak ang dibdib ng kaniyang kaharap. 
Hindi siya makatingin dito ng diretso. Ngunit kahit na ganoon ay napansin niyang ibang-iba ang hitsura ng lalaki ngayon dahil hindi ito kagaya ng dati na palaging mainitin ang ulo. Maaliwalas ang mukha nito ngayon. Mukhang dahil ito sa kausap kanina sa laptop. 
‘Maybe his girlfriend’, sigaw ng utak niya. 
"Do you need anything?" tanong ni Draco. Mapang-akit ang boses nito sa pandinig ni Moriz. Hindi pa rin siya tumitingin dahil sa pagkailang sa pagkakalapit nila. 
"C-can you ummm, b-buy me a uhmm," utal na saad niya. Mas lumapit sa kaniya ang binata at mas lalong hindi siya nakaatras dahil nasa likod na niya ang malamig na glass door ng terrace. Kinorner siya ng binata gamit ang isang kamay na nakahawak sa glass door. Malakas na malakas ang tibok ng puso ni Moriz at hindi niya iyon maintindihan. 
"Buy you what?” 
"Ummm..." 
"Tell me, where can I buy that 'ummmm'?" Draco playfully said in his cold yet husky voice. Moriz felt so tempted everytime he looked at her kidnapper's adam's apple sa tuwing lumulunok ito. 
Ayaw naman niyang tumingin sa mukha nito dahil baka mas lalo siyang mailang. Naramdamang muli ni Moriz ang pagtulo ng likido sa kaniya na nagpagising sa kaniyang diwa. Bakit ba siya nagpapadala sa mapang-akit na kidnapper na ito? 
"Draco, please I really need a napkin. I have a uhmm, you know, period." nahihiyang pag-amin niya. Tinanggal na ng binata ang pagkorner sa kaniya at lumayo ng kaunti sa dalaga. Naging maluwag na ang paghinga ni Moriz. 
"What do you want me to do?" 
"Malamang bumili ka ng napkin! Stupid!" naghihysterical na sigaw ni Moriz. Hindi na niya makontrol ang sarili. Nanlalagkit na siya at parang bumalik na sa dating pag-iisip ang utak niya. 
"And who says that you can demand on me?" Draco brushed the hair that covered his eyes. 
"Bakit ba ayaw mo? Ako na lang ang bibili." Tumalikod si Moriz at dumiretso patungo sa loob ng kwarto. Amang lalabas na siya nang maramdaman ang panghihina. 
Napaupo siya sa kama ng binata at tuluyan ng napahiga nang maamoy ang matamis na scent dito. She even took a deep breath of the bedsheet, her eyes closing, but she was startled when a man’s grip pulled her off the bed. Moriz slightly tap her chest. 
Her body collided with Draco’s. For a brief moment, she felt a rush of nervousness being so close to a hot man. Moriz's heart began to race once again. 
"Fine, I’ll buy you a napkin on one condition," Draco said in a deep voice. He released Moriz's hand and glanced at his bed before looking back at her. Moriz had never seen him smile. He really had this intimidating aura yet irresistible charm. 
"W-what?" 
"Susundin mo ang lahat ng utos ko at ang una doon ay maglinis ka ng buong bahay."  Napapikit sa inis si Mauriz at umalis sa harap ng binata. Kung kanina ay pinupuri niya ito, ngayon ay napalitan na ng pagkabadtrip ang kaniyang nararamdaman. 
"No way!" she shouted. “How dare you! No, I will never do that!” 
"No way means no napkin as well?" Hindi man ngumingiti ay alam niyan nang-aasar ang tono ng pananalita ni Draco. 
"Sinabi ko nang ako ang lalabas." Moriz insisted. As if naman ay papayagan siya nito ngunit sinubukan pa rin niya. 
"Do you think there’s a store in the middle of nowhere?" 
Moriz thinks for a moment. Oo nga naman, tila nasa isa silang isla. At mukha ring walang kalapit na mga store ang lugar na ito nang lingunin niya kahapon sa bintana. 
"Then pahiram ng sasakyan mo!" Hindi pa rin nagpatinag si Moriz. She’s in her desperate era. Muntik pa niyang sisihin si Lans at Warren sapagkat hindi kasama ang sanitary napkin sa ibinili nitong gamit para sa kaniya. 
"Do you think I’ll let you get out of this house?" 
"Fine! Fine. Shit. Ako na ang maglilinis, just give me my napkin." Napapasukong sabi ni Moriz. Sobra siyang naiirita sa trato ng lalaki. Masyadong mayabang at matigas ang puso. 
"And next is, wash my clothes including my bedsheet na nilagyan mo ng —." 
Nanlalaki ang matang napatingin si Mauriz sa kama ni Draco. Napatakip siya sa bibig at nahihiyang lumingon sa binata. 
"O-okay, my napkin please. Pakibilisan!" At dali-dali siyang bumalik sa kwarto niya. Ni hindi na niya maramdaman ang sariling nagugutom dahil sa mga nangyari sa kwarto ng kidnapper niya. 
'Is this the start of our ill-fated relationship?' said Moriz as she walked down through her door. 

Komento sa Aklat (48)

  • avatar
    Pierce John Karl

    thank you

    13/10

      0
  • avatar
    RegachoRocelyn

    I'm interested

    12/10

      0
  • avatar
    Myles Panis

    i love this

    08/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata