“HMMMMM! Good morning, Goddess” nag-iinat na nagmulat ng mata si Moriz. Napakakomportable ng tulog niya ngunit napalitan iyon ng lungkot nang maisip niyang naroon pa rin siya sa bahay ng kidnapper niya. Nanghihina siyang bumangon at dumiretso sa banyo ng kwarto. Kumpleto ang gamit. May shower room, bath tub, at kumpleto rin ang mga gamit panligo mula sa mga bagong towel, sabon, shampoo, facial wash, and even feminine wash. Oh Gosh! Namula siya sa isiping bumili ng feminine wash ang mga kidnapper para sa kaniya. Nang makapaghilamos ay agad bumalik sa kama at natagpuan ang dalawang binata na nakaupo sa sofa ng kwarto, parehong busy sa paglalaro ng isang mobile game. Umirap siya rito at nakasimangot na umupo sa kama. “What are you doing here?” Napalingon sa kaniya ang dalawa at inginuso ni Warren ang tray ng pagkain na nasa bed side table. Lumapit siya rito dahil kumakalam na rin ang sikmura niya magmula pa kahapon ngunit pagkakita niya sa tray ay agad na namang uminit ang ulo niya. “I DON’T FREAKING LIKE THIS!” Aligagang lumingon sa kaniya ang dalawang binatang naglalaro. Nalaglag pa ang cellphone ni Lans dahil sa gulat at napatalon naman sa upuan si Warren. “What the—, defeat” pagmumurang usal nito at naiinis na ibinalik sa bulsa ang cellphone. Inis ring kinuha ni Lans ang nalaglag na cellphone. Sabay silang lumingon sa dalaga at nagpapalitan ng mga masasamang tingin. “Why are you shouting, brat?” hindi mapigil ang inis sa tono ng boses ni Warren, mukhang hindi pa rin makapaniwala sa pagkatalo. Nagpapapadyak namang itinuro ng dalaga ang tray ng pagkain. Maluha-luha ang mga mata. “I don’t like this egg! Don’t you have any matinong pagkain aside from this?” naghihysterical nitong sigaw. Napapahikbi na ng kaunti at dinaig pa ang nadedepress na tao. “Ano ba sa tingin mo ‘yan, hindi matinong pagkain?” salubong na ang kilay ni Warren at parang any time ay sasabog ito sa inis dahil sa pagiging maarte ng dalaga. “For your information, miss. Egg is delicious and nutritious. Napakademanding mo naman.” Hindi natinag ang dalaga at nagpatuloy sa pagpapadyak ng paa, animo’y batang nagtatantrums. “I don’t care! I don’t like this!” “Draco is the one who decides what you have to eat or not.” Hindi lumingon dito si Warren. Naiisip pa rin nito ang ginawa sa kaniya ng dalaga kahapon nang bigyan niya ito ng pagkain. “At bakit naman ninyo susundin ang siraulong ‘yon? Sinabi rin ba niyang gutumin niyo ako?” “Hindi ka magugutom kung hindi ka mag-iinarte diyan.” Lans said as he scrolled though his social media account. “But I want fruits, kahit prutas lang naman oh. Just give me pear or grapes, kahit isa lang” maluha-luha nitong sambit. Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan at sabay na napailing. Sinapo ni Lans ang kaniyang noo at hinila si Warren palabas ng pinto. *** “HMMMMMMM…” punong puno ng pagkain at halos hindi makapagsalita si Moriz. Naawa marahil ang dalawa sa kaniya at ipinuslit siya ng ilang tangkay ng ubas mula sa ref ni Draco. Nagmistula siyang patay-gutom pero wala siyang pakialam. Nagkecrave siya sa prutas. Hindi na maawat sa pagnguya ang dalaga at nakangiwing nakatingin lang sa kaniya ang dalawa. Mauriz felt so full kahit prutas lang ang kinakain niya and it tastes heaven for her. “Thank you so much… what is your name again? Darren? Ranz?” sambit niya sa pagitan ng pagnguya. “It’s Warren, not Darren” saad ng binata sa pagbanggit ng mali sa pangalan niya. Tumaas lang ng kilay ang dalaga at nagpatuloy sa pagnguya. “Whatever you say,” mataray nitong sagot. “Pwede bang lubos-lubusin niyo na ang pagiging mabait sa akin at itakas niyo na rin ako dito?” maya-maya’y lakas loob na pakiusap niya. Natawa naman ng bahagya ang dalawa. “Well, ikaw na yata ang pinakademanding na kidnap victim sa buong mundo” ani Lans. Napasimangot naman si Mauriz sa sagot nito. Mukhang walang pag-asa ang mga ito na tulungan siya. “Magkanong ransom ba ang kailangan niyo? Ibibigay ko lahat once you get me out of here.” Muli na namang natawa ang dalawa and this time, mas malakas. “What’s so funny? Diba kaya niyo nga ako kinidnap kasi kailangan niyo ng pera or maybe this is really because of that bitch Brienne” “Mukha ba kaming nangangailangan ng pera? And please, Brienne Aviona has nothing to do with this,” saad ni Lans sa pagitan ng pagtawa. Sa palagay niya ay mabubulunan na si Brienne Aviona dahil madalas na binabanggit ng dalaga. Oo nga naman. Masyadong maganda ang mukha at pangangatawan ng mga ito at nasisiguro ni Moriz na mula sa mayamang pamilya. Nag-isip pa si Moriz ng ibang pwedeng ioffer sa dalawa. Tinigilan muna niya ang pagkain ng grapes para mag-isip. “E kung sasakyan? Kotse?” umiling ang dalawa at ipinakita ang napakaraming susi ng kotse na nasa bulsa nila. Mayaman. “Free ticket to Japan?” “I’ve been there last week” bored na sagot ni Warren. “House and Lot?” “We have so many properties” sagot naman ni Lans. Wala ng maisip na offer si Moriz ngunit napangiti siya nang may mag sink-in sa utak. “Girlfriends?” nakangiti niyang saad nang maisip ang mukha ng dalawa niyang kaibigan na sina Therese at Faye. Patawarin siya ng mga ito sa pagbubugaw na ginagawa niya ngayon. Napataas ang kilay ng dalawa at sumimangot. “Ano namang tingin mo sa amin, easy to get? Ano bang pangalan niyan?” saad ni Lans. Napatingin at natatawang binalingan ni Warren ang kaibigan. “I don’t do girlfriends pala kaya huwag na” nagbago ang isip na saad ni Lans. Nanghihinayang na napatingin siya rito at napalingon naman kay Warren na nakakunot-noo. “What? I don’t like commitments” seryosong saad nito kahit hindi naman niya tinatanong. Tuluyan ng nawalan ng pag-asa si Mauriz. Nagpatuloy na lang siya sa pagkain ng ubas. “Then why did you kidnap me, then?” nagtatakang tanong niya. Nagkatinginan ang dalawa at napamaang. “It’s not our story to tell,” Lans said in between sighs. Kumain na lang si Moriz nang walang makuhang matinong sagot sa dalawa. Nasa ganoon siyang posisyon nang biglang gumalaw ang door knob ng kwarto, akmang may papasok. Nanlalaki ang mata ng tatlo na nakatingin sa isa’t-isa. Mas mabilis pa sa alas kuwatro na inihagis niya sa kamay ni Warren ang natitirang bungkos ng ubas na agad namang nasalo ng huli. Agad siyang tumakbo papunta sa tray ng pagkain at madudulas pa dahil sa kintab ng tiles. Mabilis niyang isinubo ang isang buong itlog. Napapikit siya ng malasahan ang itlog, hindi talaga siya sanay. Hindi niya mahagilap sa utak niya kung bakit niya iyon ginawa gayong pwede naman niyang isisi sa dalawang kasama ang pagbibigay. Ewan nga ba at nag-automatic ang kaniyang katawan. Hindi niya gusto ang nakakamatay na titig ni Draco. Pumasok ang binata sa kwarto at nagtataka ang mukhang bumaling sa dalawa na magkaiba ang direksyon ng tingin. Kumakain ito ng grapes na mas lalo niyang ipinagtaka. Ang pagkakaalam niya ay apple at guava ang kinakain ng mga ito. Samantala, nakatalikod naman ang dalaga na kumakain. Patay-malisyang tumingin sa kaniya si Warren at nang-aalok pa ng grapes. “Gusto mo?” Umiling naman ang binata. “This is very delicious” ani Lans nang nakangiwi. “Yeah, super delicious” gatong naman ni Warren na nakapikit pa. Sa loob loob ng dalawa ay gusto na nilang isuka ang kinakain. They really don’t like grapes. “Why are you eating that?” takang tanong niya sa dalawa. Nagkatinginan naman ang mga ito at naghahagilap ng isasagot. “Because… because she told us that she doesn’t like to eat eggs.” alinlangang sambit ni Lans. Napatango naman si Warren at sumang-ayon sa sagot ng kaibigan. Halos mabulunan si Mauriz dahil sa pag-amin ng dalawa. Ang akala pa naman niya ay magandang pakiusapan ang mga ito. Tiningnan niya ng masama sina Lans at Warren at inirapan ang mga ito habang nginuguya ang natitirang itlog sa bibig niya. Lumapit si Draco sa dalaga at iniabot ang kaniyang cellphone. “Ask your father to bring back the ring at makakauwi ka na” maikling litanya nito. Walang nagawa si Mauriz kundi idial ang number ng kaniyang ama. Gusto na rin niyang makalaya sa kung ano mang prank na ito. And besides, she needs to know what really happened between this man and her dad. Imposibleng dahil lang sa isang singsing kung bakit nito nagawang itago si Moriz. She’s definitely sure there’s something more to that. Nabuhayan si Moriz nang biglang tumunog ang tawag, senyales na sinagot ito ng nasa kabilang linya. “Hello, Dad? Dad, can you hear me? Dad, listen. I’m here at –“ “Ms. Moriz” Nadismaya si Moriz nang ibang boses ang narinig, mula sa secretary ng kaniyang ama na si Kenneth. “Where’s my dad?” she said. Her father’s secretary let out a loud sigh before answering. “He left.” Nangunot ang noo ni Mauriz. Her father left? “S-saan siya pumunta?” “He didn’t tell me anything, Ms. Moriz. Where are you? I will locate that phone para matagpuan kita. Describe the place and I will call the police.” Bagsak ang balikat na tumingin siya sa kawalan. “N-no, Kenneth. Just don’t mind me. I am okay. Tell my father that he doesn’t need to worry about me.” Seryosong ang mga mata ni Moriz. Hindi niya alam kung ano ang maiisip sa mga sandaling iyon. “No, Ms. Moriz. I’m going to locate that phone. The police said na nahuli na ang kidnapper mo, but it’s not true. The media is suspicious about Brienne Aviona.” “Just do what I said!” sigaw niya na may himig ng hinanakit at pagtatampo. Paano nagawa ng ama niya na umalis at pabayaan siya sa ganitong sitwasyon? Inihagis niya ang cellphone at walang emosyong tiningnan ang seryosong mukha ni Draco. Wala na siyang pakialam sa mga maaaring mangyari o kung mapagbintangan man si Brienne Aviona sa nangyari sa kaniya. Draco brushed his shoulder-length hair and closed his eyes. Hindi na nag abala pang kunin ni Draco ang cellphone na inihagis niya. Dire-diretso itong lumabas ng silid kasunod ang dalawang kaibigan. Naiwan siyang tulala at doon lang nagsink-in sa kaniya ang ginawa ng ama. Nasasaktan siya at kahit na alam niyang may dahilan ito, hindi dapat siya nito pinabayaan sa ganitong sitwasyon. No one can calm her anger. And that anger can be a reason for her to stay here, at her kidnapper’s house.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
thank you
13/10
0I'm interested
12/10
0i love this
08/02/2025
0Tingnan Lahat