logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

S I X
“Pssst… Bata! Ikaw ba si Connor Saavedra?” Malakas na boses ng lalaking malaki ang katawan, puno ng tattoo ang mga braso at leeg ang narinig ni Connor na tumawag sa kaniya.
Nilingon niya ang lalaki habang naglilinis ng banyo ng mga preso. Sasagot na sana siya ngunit ng lumingon siya ay agad siyang pinaulanan ng suntok ng lalaki. The man is six feet tall and is over two hundred pounds. He is bulky at alam na agad ni Connor na wala siyang laban dito.
“Ikaw ang pumatay sa anak ni Governor Natividad na si Krysta. Kaya tanggapin mo itong mga suntok na ito. Para malaman mo kung ano ang pakiramdam ni gov ng mamatay ang kaniyang anak dahil sa iyo!”
Hindi lang suntok ang natamo ni Connor kundi pati sipa at inbinalibag pa siya ng lalaki. Ang ibang mga preso naman ay tila tuwang tuwa pa at nagchi - cheer pa nga ang mga ito sa ginagawa sa kaniya ng higanteng lalaking ito.
Walang ibang nagawa si Connor kundi dumaing sa sakit at iharang ang kaniyang mga braso upang hindi na matamaan pa ang aniyang mukha. Nang hindi na niya halos maigalaw ang kaniyang katawan ay dinuraan pa siya ng lalaki bago ito umalis. At dinig na dinig ni Connor ang palakpakan at hiyawan ng iba pang mga preso. Tuwang tuwa na halos mapatay na siya ng lalaki sa pambubugbog nito.
Nang hapon ding iyon, araw nang mabugbog si Connor ay narinig niya ang kaniyang pangalan na tinawag ng gwardiya. Hudyat ito na may bisita siya. Lumabas siya ngunit hindi pa siya nakakalabas ng gate ay agad niyang natanaw si Laurel. May dala itong pagkain at mga damit para sa kaniya. Hindi itinuloy ni Connor ang paglabas. Ayaw niyang makita siya ng kaibigan na ganito ang hitsura niya. Ayaw niyang malaman pa ito na mahirap ang kaniyang sitwasyon sa loob ng kulungan. Tiyak na masasaktan ito at hindi ito titigil sa pag iyak.
“Tapos na ang oras ng dalaw!” sigaw ng isa sa mga gwardiya ng kulungan.
Isa isa nang nagsipasok ang kaniyang kapwa preso at nag alisan na din ang mga bisita ng mga ito. Nakita ni Connor na tumayo si Laurel ang buong akala niya ay aalis na ito ngunit lumapit siya sa gwardiya kung kaya naman ay pilit isiniksik ni Connor ang sarili sa pader huwag lamang makita ng kaniyang kaibigan.
“Sir, pwede po makiusap? Baka naman po pwede niyo ulit tawagin ang kaibigan ko. Connor Saavedra po ang pangalan niya,” ani Laurel sa gwardiya.
“Ma’am paulit ulit na po namin siyang tinawag, pero hindi ho siya dumating. Baka ho ayaw niya kayong makita ma’am, kaya hindi siya lumabas.”
“Ma’am… Sige na please… Kailangan ko lang kamustahin ang kaibigan ko,” nagmamakaawang sabi ni Laurel sa warden.
“Ma’am paulit ulit naman po tayo. Ayaw nga ho kayong labasin. Isa pa, tapos na po ang oras ng pagbisita. Kahit pa lumabas si Saavedra, hindi na ho namin kayo maaaring payagang mag usap. Umuwi na ho kayo sige na,” nauubusan ng pasensiyang wika ng warden.
Bagsak ang balikat, naghihilam ang mga mata sa luha na umalis si Laurel sa visiting area ng provincial jail. Hindi mapagtanto kung bakit hindi siya nilabas ng kaibigan.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
“Laurel, kamusta si Connor?” tanong ni Don Rodrigo kay Laurel. Ipinatawag niya ito sa kaniyang opisina upang kamustahin ang kalagayan ni Connor.
“Hindi niya ho ako nilabas kanina , Don Rodrigo,” emosyonal na sagot ni Laurel sa Don.
“Hija, patawarin mo ako. Hindi ko natupad ang pangako ko sa kaibigan mong si Connor,” puno ng guilt ang mukha ng Don ng sabihin niya ito. Kitang kita ni Laurel kung paano ito kainin ng guilt at pag aaalala sa kaniyang kaibigan.
“Don Rodrigo, sir, alam ko naman pong ginagawa ninyo ang lahat para matulungan si Connor. Kahit pa nga ginigipit at pinahihirapan kayo ni Governor Natividad pati ang inyong kumpanya,” malungkot at parang walang buhay na wika ni Laurel.
“Alam kong hindi ninyo binibitiwan si Connor at ang kaso niya. Ang hindi ko lang ho kinakaya ay nakakulong siya, hindi ko alam kungano ang nangyayari sa kaniya sa loob ng kulungan. Kung kumakain ba siya ng maayos, nakakatulog ng mahimbing sa gabi, may sakit ba siya o pinahihirapan ba siya ng mga preso doon sa loob. Sa sobrang tagal na ho naming magkaibigan ni Connor ay halos hindi na kami mapaghiwalay. Hindi namin kayang sikmurain na hindi malaman kung ano ang nangyayari sa isa’t isa. Para na ho kaming magkapatid ni Connor. At sa tagal na ho naming magkaibigan, kahit anong gawin ng mga tao sa kaniya ay hindi siya lumalaban sa mga umaapi sa kaniya. Ako ang madalas na nagtatanggol sa kaniya. Paano ko siya ngayon maipagtatanggol kung hindi ko man lamang siya nakikita?”
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Sa Batangas Provincial Jail…
Mag isang kumakain si Connor sa isang bakanteng la mesa. Halos hindi na siya magkandatuto sa pagsubo ng kanin at gulay na ulam nila noong araw na iyon dahil isa’t kalahating araw siyang hindi nakakain dahil ibinartolina siya ng mga gwardiya matapos siyang bugbugin ng higanteng lalaking si Oliver.
Akala niya ay sa unang pagkakataon na mailipat siya sa kulungang iyon ay matatahimik na ang kaniyang buhay ngunit biglang dumating ang grupo ng mga ito at sinimulan na naman siya buskahin.
“Mukhang ang sarap ng kain mo ah? Masarap ba ang ulam natin ngayon ha?” nakangising tanong ng lalaki sa kaniya at sinimulang ilayo sa kaniya ang pinggan.
“Ano ba? Hindi ko naman kayo inaano ah! Pabayaan ninyo nga ako,” ani Connor at hinila pabalik sa kaniya ang pinggan at nagsimula muling kumain.
“Gutom na gutom ah. Para kang patay gutom!” balik Oliver sa kaniya at nagtawanan ang mga alipores nitong mukhang tanga dahil sunod ng sunod sa kaniya.
“Akin na yan. Titikman ko kung masarap nga at parang nag-e enjoy ka sa pagkain niyan,” agaw muli ni Oliver sa kaniyang pinggan.
“Pwede ba, lubayan na ninyo ako. Ayoko ng gulo, please lang. hayaan ninyo muna akong matahimik kahit sandali!”
Mukhang naawa na ang lalaki kay Connor kaya naman ibinalik na nitong mmuli ang kaniyang pinggan at nagsimula nang lumakad patungo sa iba pang mga bakanteng mesa na pupwestuhan ng mga ito. Buong akala ni Connor ay hahayaan na siya ng mga ito ng kumain ng payapa. Lingid sa kaniyang kaalaman ay sasaktan na naman siya ng mga ito.
Pumwesto ang mga ito sa kaniyang likuran at may humawak sa kaniyang ulo at inginudngod siya sa kaniyang pinggan.
“Ayan sige. Gusto mo palang kumain, eh di kumain ka! Ayan sige kumain kang patay gutom ka! MAgpakabusog ka mukhang ngayon ka lang nakakain ng ganiyan eh!” ani Oliver na diniinan pa ng husto ang pagkakatulak sa kaniyang mukha. Dikit na dikit ang pagkain sa mukha ni Connor at halos hindi na siya makahinga.
Matapos ang mahigit tatlumpung segundo ay binitiwan na siya ng mga ito at nagsimulang magtawanan. Tuwang tuwa ang mga ito na sinasaktan siya.
Nang makaalis na ang mga ito ay tumulo ang luha ni Connor at sinabi sa sariling, “Kaunting tiis na lang, Connor. Kaya mo ito. Tandaan mo, hindi ka hahayaang makulong ni Don Rodrigo at Sophia. Makakaalis ka rin dito,”
At nagpatuloy na siya sa pag kain na pinipigilang mapaluha.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
“Ikaw, Connor Saavedra y Torres, ay hinahatulang makulong ng hukumang ito ng walo hanggang labindalawang taon, anim na buwan at isang araw, sa salang pagpatay kay Krysta Natividad y Tiangco.” anunsiyo ng clerk ng hukuman.
“So ordered,” ani ng Judge at pinukpok angkaniyang gavel upang maging legal at opisyal ang anunsyo ng hatol nito kay Connor.
Natigilan at nanlaki ang mata ni Connor nang marinig ang anunsiyong iyon. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi dapat ito nangyayari.
Agad siyang hinablot ni Laurel at iniharap dito upang yakapin.
“Connor… Connor… No… You don’t deserve this. Hindi kka dapat makulong. No… No…” humahangos at hilam sa luha ang mga mata na wika ni Laurel. Puno ng emosyon ang mukha nito. Maging ito ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
Walang nagawa si Connor kundi ang lumuha kasabay ng kaniyang kaibigan.
Lumapit sa kanila ang gobernador na masama ang tingin.
“Gov, hindi ho masamang tao ang kaibigan ko,” ani Laurel na nagmamakaawa sa gobernador.
sssHindi pinansin ng gobernador si Laurel ngunit lumapit ito ng ilaang pulgada kay Don Rodrigo at sinabi sa mukha niito na, “You’re next,” at tinalikuran na silang lahat.
Nagsimula nang lumapit ang mga gwardiya upang muling posasan si Connor. Gusto niyang pumalag pero hindi niya magawa dahil lalo pa siyang makakasuhan. Walang tigil sa pagdaloy ang mga luha mula sa kaniyang mata. Si Laurel ay pilit siyang hinhila upang hindi agad siya maposasan. Ang buong akala niya ay gagawin lahat ni Don Rodrigo upang hindi siya makulong. Pero bakit ganito? Bakit nahatulan siyang makulong? Hindi ito ang usapan. Ang usapan ay ilalabas siya sa kulungan ng DOn. Pero bakit? Bakit siya hinahatulan? Ano ang nangyayari?
“Sir, Don Rodrigo… Hindi ito iyong pinangako mo… Sabi mo hindi ako makukulong… Laurel…” iyon lamang ang mga salitang naimutawi ni Connor bago siya hilahin ng mga bantay palabas ng korte.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Mansiyon ng mga Santillan…
Tumunog ang telepon ni Don Rodrigo, hudyat na may tumatawag sa kniya. Nang tingnan kung sino ito, ay hindi niya agad sinagot. Tumatawag ang kaniyang anak na si Sophia. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair sa loob ng kaniyang opisina. Dalawang beses siyang nagpabalik balik sa paglalakad. Huminga siya ng malalim at napagdesisyunan nang sagutin ang tawag nito.
“Hello, anak?” kalmado man ang tinig ng Don sa pagsagot sa tawag pero bakas sa kaniyang mukha ang pagkabalisa dahil sa guilt na nadarama.
“Hello, dad! Kamusta? Kamusta ang Hearing? Kamusta si Connor?” sunod sunod na tanong ng anak na bakas sa boses nito ang pag aalala.
“He’s doing okay, anak. Napawalang sala na siya at nakalaya na rin,” pilit pinakakalma ang sariling sagot ni Don Rodrigo sa tanong ng kaniyang anak.
“Oh my… Thank you God! My God… Thank you, Dad. Thank you for keeping your promise to Connor,” puno ng saya ang tinig ni Sophia ng sabihin niya iyon. Mangilid ngilid din ang luha sa kaniyang mga mata sa sobrang kasiyahan.
Pinigil ni Don Rodrigo ang luha na at hikbi upang hindi marinig ng kaniyang anak. Naaawa siya sa nangyari kay Connor. Hindi niya kayang sabihin sa anak ang totoong nangyari sa kaso nito. Hindi niya kayang lalong mawasak ang pagkatao at damdamin ng kaniyang anak.
“Andiyan ba si Connor, Dad? Pwede ko ba siyang makausap? Gusto ko siyang kausapin,”
“Um… Sophia, anak, wala dito si Connor. Umalis na siya…” pagsisinungaling ni Don Rodrigo sa anak.
“Sinabi ba niya , dad kung kailan siya babalik?” tanong ni Sophia.
“Ang totoo niyan anak, umalis na si Connor para magtungo sa Maynila,”
“What? Bakit daw , dad? Mayroon ba siyang iniwang number? Siyempre dahil gusto ko siyang kamustahin at makausap,” nagtatakang tanong ni Sophia.
“Ah… Eh… Anak, hindi na siya nakikipagugnayan sa amin. Maging si Laurel, hindi niya man lang sinabihan na aalis siya. Pero nang huli kaming mag usap, na encash niya na daw ang sampung milyon. Kaya siya nag tungo sa Maynila para magtayo ng sarili niyang kumpanya. Babalik na lang daw siya dito kapag mayaman na mayaman na siya at karapatdapat na siya sa iyo,”
“What? I don’t get it, dad. It’s not like Connor. Hindi siya ganoong klase. Lalo na ang tiisin si Laurel? Hindi sila halos mapaghiwalay dahil simula nang mamatay ang mga magulang ni Connor ay hindi na sila halos mapag hiwalay,”
“Hayaan mo na siya anak, desisyon niya iyon. Wala na tayong magagawa. Pero gusto kong malaman kung kamusta ka?” pag iiba ni Don Rodrigo ng usapan.
“I’m not okay, dad. I’m not okay. Patuloy at paulit ulit ko pa ring napapanaginipan si Krysta. Ang mga nangyari, kung paano ko siya napatay. Her face haunts me, dad. Ayoko munang bumalik ng Pilipinas. Hindi ko pa kaya. Gusto ko munang makalimutan ang lahat. Natatakot ako na baka pag bumalik ako, everything will crash down on me,” ani Sophia na nagsimula nang humagulgol
Nang matapos ang pag uusap nina Don Rodrigo at ng kaniyang anak na si Sophia ay doon na nag simulang tumulo ang luha ni Don ROdrigo. Poot, guilt at lungkot ang mga nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Galit siya sa sarili dahil hindi niya matulungan si Connor na makalabas ng kulungan. Na hindi niya nagawa ang pangako niya dito na hindi ito makukulong. Guilt dahil kailangan niya magsinungaling sa anak tungkol sa kalagayan ni Connor. Lungkot dahil hindi niya magawang tulungan si Sophia na labanan ang mga paulit ulit na bumabagabag sa kaniya tungkol sa pagkamatay ni Krysta.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Maximum Prison …
“Ikaw pala yung Connor Saavedra,” anang ng isang lalaking tantiya niya ay nasa limang talampakan at walong pulgada. Malaki ang katawan nito, kayumanggi ang kulay balbas sarado may mahabang buhok na nakapuyod at may peklat sa bandang kilay pababa hanggang sa ilalim ng kanang mata nito. Animoy hiniwa ito.
Ang iba pang preso sa seldang iyon ay nakapalibot sa lalaki. Ang isa ay mionamasahe ito sa balikat, mayroon ding nagmamasahe sa mga binti nito at may dalawang lalaki sa magkabilang gilid upang paypayan ang lalaki.
Puno ng pagtataka ang mukha ni Connor, iniisip niya kung paano siya nakilala nang lalaki.
“Kilala mo ako? Paano? Bakit?” tanong niya.
“Paanong di kita makikilala? Eh nakapatay ka daw, yung anak pa ng gobernador ng Batangas. Ayos ah. Pero ano sa tingin mo matapang ka na ha?” hindi napaghandaan ni Connor ang sumunod na nangyari. Sinipa siya ng lalaki sa tuhod, dahilan upang matumba siya at tinitigan ang lalaking sumipa sa kaniya na ngayo’y nakatayo na.
“Para sabihin ko sa iyo, lahat ng pumapasok sa seldang ito ay nagbibigay ng pugay sa akin. Ngayon halikan mo ang paa ko!” wika ng lalaki at inilapit ang paa sa mukha ni Connor.
“Halikan mo sabi eh!” ulit nito sabay hablot sa kaniyang buhok upang ilapit ang mukha ni Connor sa kaniyang mga paa.
Ang iba namang alipores nito ay hinawakan sa magkabilang braso si Connor upang hindi ito makapanlaban at sinasabing “Halikan mo na,” at hinalikan nga ni Connor ang paa nito.
“Ang dami mo pang arte, lumalaban laban ka pa hahalik ka din naman pala!” sabi muli ng lalaki at nagtawanan ang mga ito.
Nang tumayo ang buong akala ni Connor ay tapos na. Ngunit tumayo din ang lalaki at bigla siya nitong sinuntok sa sikmura dahilan upang manlambot at mapaluhod siyang muli.
“Ano ha? Maarte ka ha? Mag iinarte ka ba? Akala mo kung sino ang lintek na ito! Halika nga rito!” tanong nito at muling hinablot ang buhok ni Connor upang itingala at tignan siya. “Tignan lang natin kung hanggang saan ang tapang mong animal ka!”
“Parang awa mo na, tama na. Hindi ako lalaban, Please tama na…” habol hiningang wika ni Connor.
Binitawan siya ng lalaki at muling binigyan ng isang malakas na sipa bago yumalikod at pumunta sa pwesto nito.
Matapos ang nangyari ay sumiksik si Connor sa isang sulok ng selda at doon naglagi. Pinipigil ang sarili na wag lumuha. Unang araw pa lamang niya sa kulungang ito ngunit sinisimulan na naman siyang bullyhin ng mga tao.
Hindi niya alam kung hanggang saan niya kakayanin ang mga pahirap at pasakit na ito. Hindi niya napaghandaan ang pangyayaring ito sa kaniyang buhay.

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Jemuel Rafanan

    salamat hahha

    21/09/2024

      0
  • avatar
    Mary Jane Leones

    injoy me

    20/06/2024

      0
  • avatar
    Bayawa jr.Rogelio

    Nice story 😊

    21/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata