logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

"Ben, dalhin mo iyong peanut butter sa baba," utos sa akin ni Mama habang inaayos ang mga damit ko sa loob ng maleta.
Tamad akong tumayo mula sa pagkakahiga. It's just three am in the morning, at wala pa akong tulog. Hindi rin kasi ako makatulog dahil sa mga mangyayari ngayong araw. I'll be riding a bus to go to Legazpi, solo. 
Kinuha ko ang limang peanut butter sa loob ng refrigerator. It was placed inside a small orange container. This is my mom's speciality. Creamy and not too sweet, hindi rin ito malabnaw o sobrang lapot. It's in its right consistency. 
Pinatong ko na muna ang mga ito sa ibaba ng lamesa upang maghanap ng tinapay. Gusto ko rin kasi muna matikman ang gawa ni mama na peanut butter. Kaso mukhang walang nabiling tinapay si Mama. Okay lang. Sasabihin ko na lang si Mama na gumawa ng panibagong peanut butter para sa bahay. Panigurado kasi ay wala itong tinira sa amin. 
Dala-dala ang maliit ma kutsara, bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Its from messenger, hindi ko makita kung sino ang tumatawag dahil naka sarado pa ang app. Agad ko naman na tinipa ang password at nagulat nang makita kung sino ang tumatawag. 
Rhaiden's calling 
"Oh ba't tumatawag ito?" I asked myself confused. Sinagot ko pa rin ang tawag kahit na naguguluhan. "Op?" bungad ko sa lalaki. 
"You're still up?" he used his sleepy voice. Mukhang naalimpungatan ang isang ito. 
I nod my head as if he can see me. "Yeah. Why?" 
"Your light is too bright. I can't sleep because of it," he whined like a kid. 
I felt guilty, "Sorry, nag iimpake kasi kami ni Mama," I reasoned out. 
Ngayon ko lang naalala na halos magkadikit pala ang dingding ng bahay namin sa dingding nila Rhaiden. And my room is adjacent with Den's room. 
Nakarinig ako nang paggalaw mula sa kabilang linya. "Huh, bakit? Saan kayo pupunta?" he asked. 
Naglakad ako patungo sa lababo at kinuha ang maliit na echo bag. Dito ko na muna ilalagay ang palaman upang hindi mahulog pag panhik ko ng hagdan. 
"Legazpi, dun muna ako for a week." 
"Eh, ngayon na?" 
"Yeah, mamayang alas nuebe," I answered. 
Nakarating ako sa harap ng kwarto ko at binuksan ang pinto. I saw my mom sitting on the floor while folding my pants, bagong bili niya pa iyon. She said that I should look presentable in front of my father's family. Para naman wala silang masabi o ano man. 
My mom mouthed, "Sino iyan?" When she saw me talking to someone on the phone. 
I pointed the opened window that is adjacent to Rhaiden's window. His lights are on now. Mukhang nagising nga namin ang lalaki. My mom nodded and continued folding clothes. Oh, she will not come with me. Mas gugustuhin pa niyang manatili rito kaysa makisalamuha sa angkan ng tatay ko, and I totally agree with her. But I'm the sacrificial lamb, I need to go whether I like it or not. 
"Bus? Ayaw mo mag motor?" he asked while chuckling. 
Ngumisi ako. "Ayaw, wala sa akin iyong motor, na kay Kuya Ton," I was pertaining to my older cousin. Hiniram kasi nito ang ginagamit kong motor sa eskwelahan. 
"Nah. I mean, I'll drive you to Legazpi." He said that made my brows raise. 
Kunot ang noo na umupo ako sa sahig. Bigla atang nawala ang antok ko. "Wag na. Tsaka ang init Rhaiden," I said in an annoyed tone. 
"Ihh!"
"Wag na, tol. Tulog na ako, ba-bye!" I said and hang up. 
Kukulitin lang kasi ako nito at alam kong mapapayag niya ako. And besides, my mom will not agree with it. Masyadong delikado na mag motor habang tirik na tirik ang araw. Mas gugustuhin ko pa na makipagsiksikan sa loob ng bus. 
***
Alas siete nang unaga nang gisingin ako ni Mama. My head is throbbing because I lack of sleep. But I had no choice but to endure the pain and have a cold shower. 
I also feel anxious. This will not be the first time that I will ride a bus, but I felt anxious because of what will happen today and the next days. Nasa tamang edad na ako, but I feel like a kid needing her mom to come. Sana ay kayanin nang puso ko ang kaba at lahat ng mangyayari. 
"Mama," using my soft anxious voice, I called my mom like a kid. 
We're inside the kitchen. I'll eat first before I go and my mom wouldn't let me go if I'll leave with an empty stomach. 
I went to my mothers back and poutly rested my chin on her right shoulder. 
"Ay! Ano man iyan, Ben?!" She hissed, being a bit annoyed. 
"Wag na ako punta," I said, almost begging. 
Pero imbes na maawa ang nanay ako ay tumawa lang ito. "Pumunta ka. Minsan lang iyon mag aya, sulitin mo na," she said while stirring the egg soup. 
I rolled my eyes. Inalis ko rin ang pagkakasandal sa balikat niya. I leaned my back on the countertop. I crossed my arms, "Please fetch me if ever," tugon ko kung sakali man na hindi may magandang mangyari. 
Lumingon sa akin si Mama, "Oo naman. Pero alam kong hindi ka nila pababayaan, okay?" she said, assuring me that everything is going to be okay, like she always does. 
Lumabas ako ng bahay dala-dala ang isang maliit na maleta at backpack. Hindi na ako ihahatid ni Mama dahil meroon pa siyang gagawin. Naiintindihan ko naman siya at kaya ko naman bumyahe patungong terminal. 
"Miss!" 
Kunot noo akong lumingon sa kabilang bahay dahil sa init. My crumpled face straightened when I saw Rhaiden. Kagaya ko ay palabas din siya ng gate. 
Tumatawa akong hinintay siyang isarado ang gate nila. "Oh, pa saan ka, sir?" I asked, being amused by his appearance and presence. 
He's actually looking good in the morning with his shades on. Suot ang puting t-shirt and pantalon ay nag mukha siyang tao. Hindi kasi ito ang tipikal na pananamit niya. He barely wear jeans if it's not a special occasion. 
Kung hindi ko nga lang siya kilala ay pagkakamalan ko siyang artista ng toothpaste dahil sa ngiti niyang pang close-up. 
"Sasama," he aaid while walking towards me. 
He smells nice, hindi masakit sa ilong ang pabango niya ngayon. 
I raised my brows while looking at him, "Saan ka man sasama?" halos pumikit ang mata ko dahil sa sikat ng araw. 
Den tsked. Inalis niya ang salamin at sinuot sa akin. "Sa'yo," kunot na rin ang noo niya dahil sa init. "Saan payong mo?" dagdag niya pa. 
I pointed my bag. Kahit hindi alam kung anong trip niya ay pinahiram ko sa kan'ya ang payong ko. He opened it and shielded us from the sun. 
"Anong gagawin mo ron?" naguguluhan kong tanong sa kan'ya. 
"Wala man, sasama lang," he said. 
I looked at him seriously, "Rhaiden," I called his name. 
Pero ang lalaki ay tumawa lang. "Wala nga!" He chuckled and put his hand on my small luggage, "Nag aya rin kasi iyong mga kaibigan ko manood ng sine," he said while pulling my luggage, but I resist. 
"Manonood lang sa Legazpi pa talaga?" I asked suspiciously. 
Mas lalo siyang natawa, "Oo nga!" he said and pulled my luggage successfully. "Kulit, e'." he mumbled. 
Siniko ko siya, "Kanya-kanyang bayad ito, a'" I warned him. I have money but I have to secure this for the next few days. 
Tumawa ang lalaki, "Oo! Libre pa kita, e'" mayabang niyang tugon. Hindi na lang ako umimik at hinayaan siyang gawin ang gusto niya. 

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Tocaldoalfie

    salamat

    02/07

      0
  • avatar
    B. NuezKacey Cassandra

    Love

    26/02/2025

      0
  • avatar
    NuezKacey Cassandra

    lovely

    11/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata