Zadie's POV: Its been two weeks, at hanggang ngayon hindi parin kami nagkakayos, nagkikita, nag-uusap kahit sa chat. Ganoon din sa mga kaibigan namin ni Cloud. Mabuti nalang at naiintindihan ako ni Cloud at hindi na niya pinilit alamin kung bakit dahil maging sa kaniya, hindi ko parin kayang sabihin. 'Vince Toxillo added a photo on his story.' Mapait akong napangiti ng tingnan ko 'yon. Litrato nilang dalawa ni Jasmine na naglalaro ng ml. Mukha kinuhanan sila ng hindi nila alam dahil hindi sila nakatingin sa camera. Ngayon ko lang din na-realize, ang hirap pala kapag wala kayong label. Ang hirap-hirap palang gumalaw kapag hindi naman kayo in a relationship. Bawal mag-demand. Bawal magselos. Bawal mag-expect. At bawal magalit, kasi wala naman palang kayo. Wala kayong label. I sighed, pulling my hair in frustration. Tama pa ba 'to? Pft! Anong klaseng tanong 'yan Zad? Alam mong sa simula palang mali na. Bigla ko tuloy naalala 'yung laging sinasabi ng teacher namin sa Science dati, mali kapag walang label. "Scott," tawag ko rito at kinarga siya. Sobrang bigat niya, pakiramdam ko mas mabigat pa siya sa 'kin. Sobrang laki na ng anak namin ni Cloud. Pft! "Have you eaten yet?" "Anak, hindi 'yan sasagot," sambit ni Papa kaya gulat akong napatingin dito. "Napadaan lang ako, akala ko kasi may lakad kayo ngayon." "A-Ah, hindi ko po alam kung tutuloy pa kami ni Cloud," sagot ko sa kaniya at kinarga naman si Taki na nakabuntot kay Papa. "Dalawang linggo ka nang nakakulong dito, ah—" "Grabe naman kayo, Pa, lumalabas din naman ako kasama si Scott at Taki!" depensa ko. Alam kasi ni Papa na pagkagaling ako ng school diretso uwi. To be honest, third-year is more important than you think. Third-year is the time to ensure that we are on the right track toward fulfilling the requirements of our major. Baka kasi napipilitan kalang sa course na kinuha mo, kailangan talagang pag-isipan mong mabuti. Time is precious and the right decisions are crucial, but don’t stress too much. Think of this as your milestone year. Isipin niyo 'yon, you have already completed half of the requirements of your degree. You must be proud of yourself! You’ve made it through the temptation years when freedom from home and partying are a costly distraction for many students like me. I'm very proud of myself, despite my problems, family or friends, nakakaya ko parin. Kahit na nagba-bar pa ako paminsan-minsan. Hindi naman kasi masama kung paminsan-minsan kakalimutan mo 'yung problema sa school at magsasaya ka. But, we have to be diligent about how we manage our time and resources in third year. Dahil 'yung mga actions, or lack thereof, may have a way of creeping up on us in our final year. "Sumama ka na, anak, magiging busy ka na sa mga susunod na weeks," sambit pa ni Papa kaya muli akong napaisip. Kung tawagan ko kaya si Cloud? Moon jja wat ssong! Moon jja wat ssong! Speaking of the devil, si ulap! 'I'm on my way, sabi ni Keid at Ara pilitin daw kita na sumama ngayon.' 'Okay, magbibihis na 'ko.' Matapos ko itong replyan ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Nagbihis ako ng simpleng black t-shirt at denim skirt. Mahina pa akong natawa ng maalala ko ang laging sinasabi ni Keid saming dalawa ni Aenna. 'Para namang mall ang pupuntahan niyong dalawa! Hello? Nasa bar kaya tayo!' "Aalis ka?" "Hindi pa po ba kayo kumakain? Sasabayan ko nalang po kayo, hindi na po ako sasama—" "I'm fine, anak. Hindi naman papa's time ngayon, it's friends' time kaya sige na," putol niya sa 'kin kaya hindi ko mapigilang matawa. Saan naman niya nakuha 'yung papa's time at friends' time? "E, 'yung company niyo, Pa?" pag-iiba ko na siyang ikinatigil nito sa pagkain. Nabalitaan ko kasi na nagkakalabuan sila ni Mrs. Villin. Kinuha rin niya ang comapany ni Dad. Siya na tuloy ang namamahala roon. "Huwag kang mag-alala roon, anak. Kung hindi nakayanan ng Mama mo, maitatayo ko ulit 'yon," sagot niya. Pilit naman akong ngumiti at sumubo ng bacon. "Sige na, baka naghihintay na mga kaibigan mo." "Are sure pa? Last week pa nung nagkasabay tayong kumain," paninigurado ko rito. Ninguso naman niya si Scott at Taki. "Kasabay ko naman sila anak, kaya sige na. Sino susundo sa 'yo?" "Si Cloud po," sagot ko at sinilip ang phone ko kung may message si Cloud. "May iba pa ba, Pa?" "Nasaan 'yung boyfriend mo?" "Pa, wala po akong boyfriend. Kung si Vince 'yung tinutukoy niyo, 'wag na po natin pag-usapan—" "Dalawang linggo na 'yan anak, baka mamaya may iba nang nililigawan 'yan." Natahimik ako sa sinabi ni Papa. Hindi naman siguro mangyayari 'yon, pero hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na magkasama sila lagi ni Jasmine. "Lalaki 'yan, anak. Lalaki rin 'yan," dagdag pa niya. "Alam ko naman 'yon, Pa. Sa kaso naman namin wala po akong karapatan na magalit o magselos. Wala naman pong kami, e." "Dahil ba sa Ate mo, anak? Akala ko ba okay lang sa kaniya?" tanong pa nito kaya napayuko ako. "H-Hanggang ngayon po kasi Pa, hindi pa niya alam kung sino ako." Magsasalita pa sana si Papa nang biglang tumunog ang door bell. Ningitian ko nalang ito at hinalikan sa pisngi bago lumabas. "Good mood tayo ngayon, ah?" bungad nito sa'kin kaya napataas ako ng kilay. "Halika na, baka magbago pa isip mo." "Ako ulit magda-drive! Hindi ko naman ibabangga 'yang sasakyan niyo!" "Ayoko nga." "Ulaptaptap!" *** Nang makarating kami sa bar, nanatili muna ako sa loob ng sasakyan at doon sunod-sunod na nagbuntong-hininga. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Cloud. "Are you okay?" he asked that made me nod and smiled at him. "Pft! Huwag kang magpa-cute, ang pangit mo." I pouted. "Anong nagpapa-cute? Matagal na akong cute, Ulap!" "Pft! In your dreams, baba na r'yan," sagot naman niya kaya natatawang bumaba ako at inakbayan siya. Syempre nakatingkayad na naman ako para lang maabot ko siya. "Aba, parang tumatangkad ka, ah." "Kabahan ka na!" mayabang na sabi ko at ningisian siya na siyang ikinatawa lang niya. Nang makaakyat kami ay agad kong tinanggal ang kamay ko sa balikat niya at ningitian sila. "Zadieee!" "Zad!" "U-Uy, kamusta?" bati ko sa kanila at pasimpleng sinilip si Vince. Nasa phone pa rin niya ang tingin kaya agad kong iniiwas ang tingin ko. Hanggang ngayon ba galit parin siya sa 'kin? Ako nga, hindi na. Arte nito. "Na-miss ka namin! Akala namin 'di na naman kayo sasama!" sambit pa ni Keid. Napatingin naman ako kay Cloud. "Akala ko ba sinabi niyo kay Cloud na huwag hahayaang hindi ako kasama?" "Ako nag-sabi no'n! Ililibre ko talaga si Cloud kasi naisama ka niya," sagot naman sa 'kin ni Ara na siyang ikinatuwa ni Cloud. Kung nagpapilit pala ako kay Cloud, malamang kaladkarin niya ako dahil gusto niya ng libre. "Pero Zad, okay na ba kayo?" "H-Ha?" tanong ko ngunit ninguso lang niya si Vince. Pilit naman akong ngumiti at tumango sa kaniya. "Okay naman siguro." "Anong okay naman siguro? Tsk! Kakausapin ko talaga 'yan—" "'W-Wag na! Huwag na Keid, hindi na kailangan," pigil ko sa kaniya. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Ara ngunit hindi ko na lamang sila pinansin. I excused myself at nagtungo sa veranda. Kita mula rito ang kabilang building at parking lot. Malakas din ang simoy ng hangin kaya hindi ko maiwasang mapayakap sa sarili ko. Gano'n pa man, perfect place 'to para mag-senti o kung gusto mong mapag-isa at mag-isip-isip. "V-Vince," tawag ko sa pangalan nang maamoy ko ang matapang nitong pabango. Dahil din doon, nalaman ko na siya ang yumakap mula sa likod ko. "Two weeks kang nawala," bulong pa niya, inaamoy ang buhok ko. Hindi ko maiwasang maluha, sobrang na-miss ko siya. Sobrang na-miss ko ang presensya niya, ang boses niya, ang lahat sa kaniya. Sa yakap na binigay niya sa 'kin ngayon, pakiramdam ko nakalutang ako sa mga ulap. Ang corny o oa man sabihin pero iyon talaga ang nararamdaman ko ngayon. "I was so afraid that I would never see you again that my lungs have collapsed... and my heart has melted." "A-Ako nga dapat ang makaramdam niyan, I-I thought... I thought you have already forgotten me—" "Do you really think I could let you go?" he asked. Binalak ko pang humarap sa kaniya ngunit mas hinigpitan nito ang pagkakayakap niya sa 'kin. "I missed you. I miss you so damn much, bubwit." "V-Vince," muli kong banggit sa pangalan niya at humarap sa kaniya. Napansin ko naman ang mga kaibigan namin na nakikiusisa sa 'ming dalawa at mahinang natawa. "Baka sabihin nila ang corny mo, pft!" He glared at me. "Hindi mo man lang na-appreciate pagiging—" "Bakit namumula 'yang mga mata mo?!" tanong ko sa kaniya na siyang ikinatigil niya. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ito at hinawakan ang mukha ngunit agad niya iyong iniiwas sa 'kin. "Hoy, bakit nga?!" "N-Napuwing lang ako kanina—" "Hindi ako naniniwala!" sigaw ko pa at sinimulang tuksuin siya. "Parang hindi ka umiyak nung nilayasan ka ni Vince, ah?" singit sa 'min ni Ara kaya agad akong napanguso. Nilaglag ba naman ako? Mga kaibigan ko ba talaga sila? "Bati na sila! Party-party naa!" sigaw naman ni Keid kaya napagpasiyahan naming pumasok na sa loob at makipag-party party sa kanila. *** "Are you sure hindi ka na magpapahatid?" "Hmm. Nand'yan naman si Cloud. Sa kaniya ako binilin ni Papa, e," sagot ko ngunit agad ko rin iyong pinagsisihan. "Your Dad? Nand'yan na pala Dad mo, bakit hindi ko alam?" he asked. Ilang segundo naman akong natahimik nang muli itong magsalita. "Don't worry, hindi naman kita minamadali. I understand kung hindi ka pa handa besides hindi pa naman tayo." "V-Vince Asher—" "Liit, halika na!" tawag sa 'kin ni Cloud kaya napalingon kaming pareho sa kaniya. "Go ahead, good night, bubwit." "Good night, Vince Asher," sambit ko at nagtungo kay Cloud. I stopped and frowned when I saw Yna. "U-Umiyak ka ba?" "H-Ha? Hindi napuwing kasi ako," sagot nito na siyang ikinatango ko nalang. "Ulap, ako ulit magda-drive—" "Kiss muna!" sigaw nito sa 'kin kaya agad ko siyang binato ng wallet ko. "Bahala ako magda-drive—" "Kapag ikaw k-in-iss ko, baka hindi ka makatulog?" sambit ko pa na siyang ikinatawa niya ng malakas. "Hoy, tama na landian, umuwi na kayo!" sigaw samin ni Keid na nakasakay sa sasakyan ni Axel. Kinawayan ko naman sila. Nauna na kasing umalis ang sasakyan nila Vince. "Nasaan na 'yung susi, Cloud?!" tawag ko rito, ngunit hindi man lang ako pinansin at panay ang daldal kay Tyrone. "Ang sweet niyo, 'no?" Natigilan ako at napatingin kay Yna. Kaagad na naglaho ang mga ngiti sa labi ko, hindi malaman ang sasabihin. "H-Ha? A-Ano, hindi—" "O-Okay lang, hindi mo kailangan magsalita. Sige, alis na ako, may pupuntahan pa ako, e," sagot ni Yna sa 'kin kaya wala sa sariling napatango nalang ako. Pinagmasdan ko itong mag-abang ng taxi hanggang sa makasakay siya. Bakit kaya hindi siya sumabay kila Keid? Saan kaya siya pupunta? *** Yna's POV: Nagpunas ako ng mga luha ko at bumaba sa taxi nang makarating ako sa pupuntahan ko. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng Villin's Company, ang company na siyang nagbebenta ng sabon na Villin. Ang balita ko simula nang ipaubaya ni Tito Zoren kay Tita Ivory ang company nila, bumagsak na ang sales nito at unti-unti na silang nagbabawas ng tauhan. I heaved a long sigh as I stared at my feet for few seconds. Ito ang pangalawang beses na pumunta ako rito, pero parehas parin ang nararamdaman kong kaba. Flashback: "H-Happy birthday, Tita Ivory! Ipinaaabot po sa inyo ni Rin," bati ko sa kaniya nang makapasok ako sa opisina niya. Isang matamis na ngiti naman ang iginawad niya sa 'kin. "Thank you, hija. Akala ko pa naman nakalimutan na ng anak ko ang birthday ko," sambit pa niya kaya mahina akong natawa. Kahit medyo hindi kami tanggap noon ni Tita Ivory dahil sa katayuan nila, unti-unti naman nasasanay na siya sa 'kin. "Busy po si Rin kaya hindi po siya makakatawag ngayon," sambit ko pa. Sa amin kasing magkakaibigan, si Rin ang lagi kong nakakausap at nasasabihan ng mga problema ko. Sa kaniya ko napapakita 'yung tunay na ako at ganoon din ito sa 'kin. Alam ko 'yung tungkol sa kanila ni Kuya Khalil. Alam ko lahat at ganoon din siya. Alam niya ang lahat tungkol sa 'kin. May mga bagay kasi na kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan. "Hindi ba sa Toxillo University ka parin nag-aaral?" tanong ni Tita Ivory kaya muli akong sinalakay ng kaba. "O-Opo, bakit po?" "Gusto ko sanang matiyagan mo ang walang kwenta kong anak. Gusto kong malaman kung anong ginagawa niya roon," sagot niya. "A-Ano po? M-May anak pa po kayo bukod kay Rin?" gulat na tanong ko. "Oo, si Zadie Aria Chrysler, anak ko ang walang kwentang babaeng 'yon." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman ko. Anak niya si Zadie? Pero papaanong nangyari 'yon? Sa pagkakatanda ko walang naiku-kwento sa amin o kahit sa 'kin si Rin tungkol doon. At bakit walang kwentang anak ang tawag niya kay Zadie? "B-Bakit ho—" "Kung balak mong tanungin kung bakit walang kwenta ang babaeng 'yon, 'wag mo nang alamin. Malaki ang kasalanan niya sa 'kin at gusto kong pagbayaran niya 'yon. Papahirapan ko siya hanggang sa siya mismo ang magmakaawa sa 'kin," putol ni Tita Ivory. Binuka ko ang bibig ko ngunit wala kahit isang letra ang lumabas doon. "Kung kilala mo siya gusto kong sabihin mo sa 'kin ang lahat ng ginagawa niya." -End "Ms. Alcontre, maaari na po kayong pumasok," sambit sa 'kin ng sekretarya nitong si Mis. Jin. Agad akong napatayo at sinundan siya. Alam kong mali ang gagawin ko, pero wala akong pinagsisisihan at pagsisihan dito. Buo na ang loob ko. Sawang-sawa na akong baliwalain ng taong mahal ko. Panahon na siguro para mawala sa landas namin ang taong humaharang at humahadlang sa amin. Matagal ko na ring alam ang tungkol kay Zadie ngunit wala akong pinagsabihan tungkol doon. Alam ko rin ang tungkol sa mga letter, pero pinili kong manahimik. "Yna, nice to see you again. Hindi ko ine-expect ang pagpunta mo pero kagaya ng sinabi ko, information tungkol kay Zadie at gagawin ko ang anumang hilingin mo," bungad sa'kin nito at itinuro ang couch niya kaya agad akong naupo roon. "I know you know who am I." Alam ko po Tita Ivory, alam ko po kaya nga ako sa inyo nakipagtulungan. You are consistent, brave and you can do anything you want. Alam ko kung paano ka maglaro dahil sa kapangyarihang meron ka. "Si Vince Toxillo po, ang heir ng mga Toxillo ang siyang boyfriend ni Zadie. Simula nung umalis siya sa Toxillo, nagkikita-kita parin kami sa bar kung saan kami nagkikita-kita noon nila Rin, Tita Ivory," panimula ko na siyang ikinangisi nito. "Si Vince Toxillo? Ang ex-fiancée ni Rin, tama ba ako?" "Opo, Tita Ivory," sagot ko. "Tingnan mo nga naman, ano kayang mararamdaman ng anak ko kapag ang mismong kapatid niya ang umagaw sa kinababaliwan niyang lalaki?" "At hindi po alam ni Vince ang tungkol doon. Hindi niya alam ang tunay na pagkatao ni Zadie," sambit ko pa na siyang ikinatingin nito sa 'kin. "At kapag nalaman ni Vince ang tungkol doon, sigurado akong magagalit siya kay Zadie. Sa tingin ko Tita Ivory, sapat na 'yon para mapabagsak natin siya." "Hindi pa 'yon sapat, hija. Pero gagamitin ko 'yang info na binigay mo sa 'kin, ako nang bahala sa lahat. May naiisip na akong plano para r'yan. Lalo na't malapit nang umuwi si Zarine." "A-Ano po 'yon Tita?" tanong ko ngunit tanging pag-ngisi lang ang isinagot nito sa 'kin at kakaibang tingin. "Pero tutuparin niyo po ba ang gusto ko?" "Of course, hija! Tell me, ano bang gusto mo? Money? Kotse? House and lot? Anything, hija." "Hindi po siya bagay, at walang bagay na maitutumbas sa kaniya Tita," sagot ko at tumingin sa mga mata niya. "Si Cloud Toxillo, ang kaibigan ni Zadie." "Si Cloud? Parang familiar sa 'kin ang pangalan niya." "Just like you, gusto kong mawala sa landas namin si Zadie, Tita Ivory. Hadlang siya para sa amin ni Cloud," sambit ko pa. "I'll take care of it, hija. Parehas lang naman pala tayo ng gusto. Kung ako sa walang kwentang babaeng 'yon, susulit-sulitin ko na ang mga nalalabi kong araw dahil labis ang sakit at pighati ang ipaparamdam ko sa kaniya." *** Muli kong tiningnan ang kabuuan ng company na pinasukan ko. Wala sa sariling napangiti ako kasabay nang pagtulo ng mga luha ko. 'Sa wakas, mawawala ka na sa landas namin, Zadie. Mapapansin narin ako ni Cloud at kapag nawala ka na, ako na ang mahahalin niya at hindi na ikaw...' Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa bahay namin. Habang nasa loob ako ay hindi maiwasang maalala ang ginawa ko kanina, bago ako nagpasiyang pumunta kay Tita Ivory. "Can we talk, Cloud?" "Yeah, sure. Ano ba 'yon, Yna?" sagot nito sa 'kin. Hinila ko naman siya malayo sa mga kaibigan namin na nagku-kwentuhan parin. "A-Ahm, Cloud kasi... a-ano—" "Sabihin mo na Yna, makikinig ako," putol niya. Nagpakawala naman ako ng isang malalim na hininga bago sabihin ang totoo. "I-I like you, Cloud. I really like you," sambit ko na siyang ikinatigil niya. Mahina akong natawa at hinawakan ang mga kamay niya. "Mga bata palang tayo Cloud, gustong-gusto na kita. I love you, Cloud. Please love me back—" "Y-Yna, alam kong alam mo na mga bata palang tayo si Zadie na ang gusto ko." Hindi ko alam na totoo pala 'yung mga nababasa kong parang tumitigil ang mundo nila. Akala ko walang katotohanan 'yon ngunit ito, nangyayari sa 'kin. "C-Cloud, ako nalang ang mahalin mo. M-Masaya na si Zadie kay Vince, hindi mo ba 'yon nakikita?!" "Alam ko 'yon, Yna, pero kahit anong gawin ko si Zadie at si Zadie lang ang tangging laman ng puso't isip ko. Alam kong alam mo rin 'yung nararamdaman ko," sagot niya sa 'kin na siyang ikinatigil ko. Maging ang mga luha ko ay hindi ko na napigilan. Bakit gano'n? Ako na nga itong nag-first move, ako pa itong nasaktan? "Nagpapakatanga tayo, Yna, dahil mahal natin sila. I'm sorry pero hindi mo makukuha ang pagmahahal ko—" Umatras ako nang makaramdam ako ng galit. "P-Pagsisisihan mo lahat ng 'to Cloud!" "Alam kong dahil sa 'kin kung bakit ka nakipag-hiwalay kay Gunner, at hindi ko 'yon nagustuhan, Yna. Nag-iba ka na, ibang-iba ka na," sambit pa niya at iniwan ako. I clenched my fist. Ngayon alam na ni Tita Ivory ang lahat, babalik at babalik ka sa 'kin Cloud. Gagawin ko ang lahat para mapasakin ka. Hindi ako papayag na hindi ako ang mahalin mo sa huli. *** Lie Again by: thesweetest_thing
I really loved the story, hoping for a Season 2 soon. I wonder if we could be great friends somehow, someday Author! Thank you for sharing a wonderful story!! <33
I really loved the story, hoping for a Season 2 soon. I wonder if we could be great friends somehow, someday Author! Thank you for sharing a wonderful story!! <33
26/01/2022
1wow
09/07/2024
0una palang nakaka excite na
20/08/2023
0ดูทั้งหมด