Apocalyptic 06: AUBREY POV Kailanman hindi mangyayari ang sinasabi nila sa amin. Bakit ba kasi nila kami tinutukso sa isa't isa? M*matay na kung m*matay pero hindi talaga mangyayari iyun. Unang-una mataas ang standard ng lalaking 'yon dahil mas mataas ang napag-aralan niya sa' kin, pangalawa mababa ang tingin n'ya sa akin dahil sa mga naririnig niyang tsismiss tungkol sa akin, at pangatlo hindi ko siya papatulan! Hindi! Hindi! Hinding-hindi! Wala silang ginawang basehan kundi magiging kagaya rin kami ni Thainah at Kai Den. Na magkakatuluyan din kami sa huli. "Magkaiba naman sila sa ugali!" ani Gelo. "Tol, paliwanag mo nga ang pinagkaiba ng baby mo sa baby n'ya." sabi pa n'ya kaya napaikot ko na lang ang mga mata ko dahil sa inis. Baby niya mukha n'ya! "Ang pinagkaiba nila si Thainah mayaman at siya naman mahirap, si Thainah maganda s'ya hindi, si Thainah tinutularan siya hindi, si Thainah tinitingala siya hindi!" sabat nitong si Xylan pero imbes na pumatol e kinalimutan ko na lang ang sinabi niyang iyun. Marami pa akong pasensya, at kapag naubos ito papatulan ko na talaga s'ya. "Wala kaming pinagkaiba." Nagulat ako nang biglang sabihin ni Thainah iyon. "Huwag n'yo ng tanungin kasi hindi ko na sasagutin." Maangas na sabi niya. Sa loob-loob ko ay napapasigaw na ako sa saya dala ng narinig ko mula sa kan'ya. Totoo bang wala kaming pinagkaiba? Parang ang layo nga namin sa isa't isa at parang tama lahat nang sinabi ni Xylan, s'ya tinutularan at ako naman inaapakan. "She's a very serious badass while my girl, she's the funny one type of badass." Si Kai Den na nilingon pa si Thainah sa tabi n'ya, pinakita naman ni Thainah ang walang emosyon niyang mukha rito. "Mali pala ako hindi siya nakakatuwang babae." Bawi ni Kai Den kaya mabilis na sinampahan siya ni Thainah at niyugyog niya ito. Hindi ko na maiwasang matawa sa lagay nila, si Thainah nasa ibabaw ni Kai Den itong si Gelo naman nahigaan na ni Kai Den sa hita kaya hindi talaga maipinta ang inis sa mukha nito at umalis na lang sa sofa at hinayaan iyung dalawa roon. "Bahala ka r'yan hindi ako aalis dito magdamag tayong nakaganito." Niyakap pa ni Thainah si Kai Den at kunwaring natulog siya sa dibdib nito. Halatang ang saya nila sa piling ng isa't isa. 'Yung ngiti at tawa sa mukha ni Kai Den napapalabas ni Thainah sa simpleng ganoon lamang, halatang si Thainah lang ang nagpapasaya sa kan'ya. Naalala ko minsan ko na rin pinangarap ang ganiyang relasyon. Iyung hindi mawawala ang kuryente sa pagitan n'yo, tapos kapag nagtatampo ka may lalaking susuyo sayo. Napaiwas na lamang ako ng tingin sa dalawang ito nang may maramdaman akong pumapatak na likido sa mata ko, agad ko naman itong pinunasan. Huminga muna ako ng malalim habang nakapikit ang mga mata, matapos nu'n ay dahan-dahan ko na itong minulat at napaiktad pa ako nang makita kong nakatingin sa akin si Xylan. Nakakahiya nakita n'ya ang kahinaan ko. Lumalabas talaga ang luha ko kapag nakakakita ng isang masayang relasyon. Ganito dati si Mama at Papa hanggang sa mawala si Mama at naghanap ng bago si Papa. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng kabiyak dahil para sa akin nang maghanap at bumuo ng bagong pamilya si Papa nakalimutan niya na rin si Mama at ganoon rin ang nag-iisang anak nila. Tumayo ako at dumiretso sa kuwarto ni Alexa. Kinuha ko ang aklat na isinapubliko ni Thainah at kinuha ko roon ang litrato naming tatlo. Isang masayang family pictures. Hindi ko na maiwasang maiyak habang kusang binabalikan ng isip ko ang mga masasayang alaala namin. "Aubrey, anak makinig ka sa Mama mo." Bigla na lang nakita ng mga mata ko ang masayang replika ng mga pangyayaring iyon. Mabilis akong tumago sa likod ni Papa dahil aambahan ako ng dalang patpat ni Mama. "Huli ka!" si Papa na iniharap ako kay Mama, napatawa na lang ako dahil sa ginawa niya. "Pinapatulog ka lang tumatakbo ka na?" Si Mama na mahina akong kinurot sa singit. Napangiti na lang ako sa alaalang 'yun. Wala pa akong kamuwang-muwang noon at hindi ko pa naiisip na may kalungkutan din palang nabubuhay sa mundo. Hindi ko inaasahan na maaga akong mawawalan ng ina, nam*tay si Mama dahil sa sakit na breast cancer lumala ito at dahil walang maayos na kita si Papa at hindi namin nasuportahan ang pampagamot ni Mama hanggang sa bawian na s'ya ng buhay. Ang mawala si Mama ay isang malaking kawalan sa amin at lalo na kay Papa. Naapektuhan si Papa ng malala dahil doon, napabayaan n'ya ako kaya wala akong ibang magawa kundi magtrabaho sa murang edad para lang may makain kami. Sa edad na sampu ay pumasok ako at natuto sa talyer ni Mang Lindo. Naging masaya ako nang mabalik uli sa dati si Papa pero malungkot pa rin dahil hindi dahil sa akin na anak niya. Tumigil ako sa pag-aaral nang makahanap si Papa ng bago n'yang asawa at bagong anak. Isang sabi lang ng bagong asawa niya sa kan'ya sinusunod n'ya agad subalit sa akin ni makiusap ako ng pambili ng bago kong sandalyas ay natatanggihan n'ya pa. Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung asawa ba o banko niya si Papa na kahit anong oras ay nahihingian n'ya ng pera pang sugal. Napahagulgol ako sa iyak sa mga iniisip ko. "Pa, bakit naghanap ka pa ng bagong asawa kung nandito naman akong anak mo para alalayan ka sa pagkawala ni Mama?" tanong ko rito, basang-basa na rin ang librong nasa harap ko. "Hindi kita sinisisi kung bakit nangyari sa akin lahat ng ito ang masakit lang ay iyung hindi mo na protektahan ang sarili mong anak sa mga halimaw na iyun!" Mas tinuturin ko silang halimaw kaysa sa mga zombies na nasa labas. "Bri?" Naramdaman ko ang presensya ng kung sinong nasa likod ko. "Umiiyak ka ba?" Ipinatong nito ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko. "Kung gusto mo ng makakausap o kaibigan nandito ako para damayan ka." Si Thainah kaya napahagulgol lalo ako ng iyak at napayuko na lang dahil siya pa ang nakakita sa akin sa ganitong sitwasyon ko. "Pakiramdam ko wala na 'kong patutunguhan dahil sa mga miserableng nangyari sa akin. Ang baba ng tingin nila sa akin, Thainah." Paglalabas ko. "Tama iyung sinabi ni Xylan, kailan man ay hinding-hindi kita mapapantayan kasi ang layo naman talaga." Hinila n' ya ako patayo sa kinauupuan ko at hinarap niya ako sa kan'ya. "Akala ko ba matapang ka!" sigaw niya sa akin kaya napatingin ako n diretso sa kan'ya. "Magkuwento ka at kukwentuhan din kita, gusto kong tulungan ka na lampasan 'yang sakit na nararamdaman mo." Nagbibigay pag-asang aniya kaya napangiti na lang ako sa kawalan, nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mga mata ko. Umupo kami sa malambot na kama sa kuwartong ito at tulad ng sabi ni Thainah siya muna ang nagkuwento sa akin tungkol sa mga miserableng nangyari sa buhay n'ya. Gumaan ang pakiramdam ko kasi tulad ko nasaktan din pala siya at nilampasan n'ya iyon sa pamamagitan ng mga taong mahal n'ya. "Kirikiri!" sigaw n'ya na nagpabingi sa akin bahagya pa akong natawa sa galaw ng kamay niya na may tinuturo sa harapan. "'Yun lang ang alam kong salita na Kannada nang lumipat ako sa England tatlo o dalawang taon pa lang ako, ang ibigsabihin nun NAKAKAINIS!" Hindi ko alam pero natatawa ako kung paano niya bigkasin iyon. Ginagamit lang daw nila ang lenguwahe na iyon kapag sila-sila lang, nakasanayan na kasi nilang gamitin kahit na napakarami pa nilang alam na lenguwahe. Mala buhay prinsesa siya kasi iyun naman talaga siya. May mga nakapalibot sa kan'yang guwardya at mga katulong na sumisilbi sa kaniya. Ni minsan daw hindi siya nakakalabas sa Palasyo nila dahil mapanganib daw sa labas, ayon iyun sa mga nakuwento niya sa akin. "For the first time na naparusahan ako ng coach ko sa softball kasi na-late ako, inuna ko pa kasi iligtas si Kai Den sa mga nang aasar sa kan'ya hindi niya alam iyun kasi sikreto ko lang. Hindi n'ya kasi ako matandaan dati, masyado kasi akong maganda alam mo yurn?" Napapangiti na lang talaga ako sa mga nilalabas ng bibig niya. Tama si Kai Den she's the funny one at iyun ang pinagkaiba namin. Boring akong kasama sahalip s'ya masaya. "Naglayas ako at kumuha ng ticket para sa flight papuntang Pilipinas, iyun lang ang naisip kong puntahan noon kasi 'yun lang ang natandaan ko na pinuntahan ko dati bago ako pumunta sa States at England. Ginawa kong maglayas kasi pakiramdam ko hindi ako parte ng pamilya nila, iyung feel mo hindi ka belong, at doon ko lang nalaman na kaya pala iba ang trato sa akin ni King Jordan kasi hindi niya pala talaga ako anak." Mahabang kuwento n'ya. "I try to reach this behavior, I've made myself to be a badass, nalulong ako sa bisyong iyun, sa pagiging matapang at walang kinakatakutan. Parang gusto lang ng katawan ko ay gumanti at ang mali sa mga taong walang malay kung ano ba talaga ang nararamdaman ko, si Lolo at Lola sila lang ang nagtiis at nag-alaga sa akin." Litanya n'ya. Meron talagang iba-ibang dahilan ang mga tao kaya nila nagagawa o binabago ang sarili nila. At ang dahilan ko kaya binago ko ang sarili ko ay ang babaeng nasa tabi ko. Siya ang ginawa kong inpirasyon para magbagong buhay. "Kai Den hate me the most, inaagaw ko siya kasi s'ya lang ang natirang mahalaga sa akin." sabi n'ya kaya naging mas interesado ako sa love story nila. "He fell inlove with me at the middle of apocalypse, he felt that hindi dahil sa maganda ako…" Inihagis niya pa ang mahaba niyang buhok sa ere. "Akalain mong kamahal-mahal pala ako sa ugali kong ito?" dagdag n'ya pa kaya natawa pa ako ng bahagya. "Ayaw ni Gelo na baguhin ko ang sarili ko kasi sabi n'ya–sabi ng magaling kong Kuya, natuto raw silang maging matapang ni Max dahil sa akin." Seryong aniya kaya napaisip ako sa sinabi n'ya. Hindi ko na pala kailangang baguhin ang sarili ko, ang kailangan ko lang ay ang magbagong buhay at magsimula sa una. "Natapos 'yung zombies apocalypse taong 2021 masaya ako kasi tapos na pero after a few days, a few weeks, a few months and a f–few years," Gumagaralgal ang boses na saad ni Thainah at alam kong naluluha na rin s'ya. "Hindi lang pala family problem ang meron ako, ang hayop na Kai Den hindi nagawang magparamdam sa akin in five years." Galit na sabi niya at napukpok n'ya pa ang inuupon naming kama buti na lang talaga at malambot ito. "Iyak ako nang iyak naghintay ako hanggang sa nagsawa at napagod na rin. Naghanap ako ng lalaking magmamahal sa akin pero miske ang lalaking iyun iniwan ako kasi hindi ko pa rin makalimutan si Kai Den. Tapos malalaman ko lang na nasira lang ang phone n'ya? Ang tanga talaga HAHAHAHAHA!" Malakas na tawa niya. Bumukas ang pinto kaya sabay kaming napatingin doon. Si Max na may dalang alak at isang baso. "Sorry narinig ko lahat, tikom naman ang mga bibig ko sa sikretong mga ganito." Lumapit sa amin si Max at umupo siya sa harap namin at inilapag sa gitna ng kama ang mga iinumin. "Ayos lang ba talagang magk'wento ako sa inyo?" Nakayuko at may hiya na namang tanong ko sa kanila. "Hindi ka namin pag-uusapan nang nakatalikod, pangako." Nakataas at sabay na panata nila sa harap ko. Magkapatid nga sila. Napabuntong hininga naman ako nang napakalalim bago nagsimula magkuwento. "Ten years old ako nang mamatay si Mama at iyun din ang araw na parang nakalimutan na ako ni Papa kasi sobrang nangulila talaga siya sa nangyari, naulian lang siya nang makahanap siya ng kapalit ni Mama. Iniwan din ako ni Papa dahil sa sakit na stroke kaya ganito ako ngayon na walang natapos tumigil sa pag-aaral at maagang namulat sa hirap ng buhay, gusto ko ng lumayas sa impyerno na ito pero saan naman ako pupunta? Ni isang kamag-anak ko ayaw akong kunin, lahat ng ari-arian ni Papa napunta sa mag-inang iyun at ni katiting na share wala akong nakuha. Pinapatulog lang nila ako sa budegang iyun na nagsilbing kuwarto ko na rin hanggang sa nag-asawa ang stepmother ko at…" At nawala na naman ako sa kompyansa at parang hindi ko na kayang ituloy ang sasabihin ko. "Ayos lang kung ayaw mong ikuwento sa amin, mukha naman kaming hindi mapagkakatiwalaan." Natatawang si Thainah pilit naman akong ngumiti sa kanila. "Grade ten ako nang gahasain ako ng asawa ng stepmother ko." Nilakasan ko na lang ang loob ko para masabi ko iyun. "Mahina ako at hindi ko siya kayang labanan, nagsumbong ako sa stepmother ko pero hindi s'ya naniwala. Dahil nga nabulag siya sa pagmamahal sa h*yop na 'yun kahit nakikita n'ya nang paulit-ulit akong gahasain ng baliw na iyun hindi n' ya ito pinipigilan." Mangiyak-ngiyak na sabi ko. "Tuwing uuwi at pagtapos ko sa trabahong bahay, sa oras na magpapahinga na ako du'n niya kinukuha ang pagkakataon na pagsamantalahan ako, lumaban ako pero wala e. Sa mundo talagang ito talo ang mga kagaya ko. S–Sirang-sira na ang pagkababae ko, paulit-ulit na lang ang panggagahasang ginagawa niya sa akin." Mabilis akong niyakap ni Thainah kaya mas napahagulgol ako sa iyak. "P-Paulit-ulit na lang nang paulit-ulit, sirang-sira na ako k-kaya dapat lang sa kanila ang m*matay!" "Hayaan mo tutulungan ka namin." Si Max na kinapitan ang kamay ko, alam kong awang-awa na sila sa akin pero gusto ko na talagang ilabas ang galit at puot sa dibdib ko na matagal na panahon ko na ring sinasarili. "Ang tingin nila sa akin isa akong bayaran, wasak ang pagkatao at wala na talagang magkakagusto." wika ko pa ginilid naman ni Thainah ang buhok kong tumatabon sa mukha ko. "Wala ng papatol sa akin kaya masaya na ako at tanggap ko na magiging mag-isa na lang ako sa buhay." "No! Tulad ng sabi ni Max, tutulungan ka namin. Pagtapos nitong epidemya sasama ka samin at titira ka kasama namin, kakalimutan natin lahat ng miserableng nangyari sayo at magiging masaya ka rin." Si Thainah at sinabi niya iyun sa mismong mukha ko. "Anong walang magkakagusto?! Ang ganda mo kaya oh! Sa ibang bansa nagpapakulay sila ng buhok kasi makaka-move-on na sila, kaya Sahōdari magkukulay tayo ng hair para damayan si Bri!" Nakataas pa ang kamaong si Max kaya napangiti na lang ako ng napakalawak. "Ano?!" Gulat na sabi ni Thainah kaya nabaling ko ang paningin ko rito. "Charing lang! Sa ilalim lang sa akin baka makita ng baby ko. Kulay gray hah." Nakangusong sabi nito at gaya nga ng napag-usapan… Kinulayan nila ang buhok ko at ganoon din ang buhok nila. Hindi ko na inalam kung bakit may ganito silang gamit at pangkulay sa buhok basta masaya kami ayos na sa akin. "Pagdating natin sa England pag-aaralin ka namin kahit anong gusto mong kunin." ani Max. "Hindi n'yo–" "Walang hindi-hindi! Grab it!" Tinuro pa ako ni Thainah kaya natawa na naman ako sa ekspresyon ng mukha niya. Iyung malungkot na luhang pumapatak sa mga pisngi ko napalitan ng tears of joy dahil sa kanilang dalawa. "At simula ngayon, Bri…" Pabiting sabi ni Max hinintay ko lang naman ang sasabihin niya. "We are bestfriend." Kumindat at naglagitik pa ang kamay na sabi n'ya. "B-Bestfriend?" Pag-uulit ko sa sinabi niya. "Marami ng bestfriend si Thainah mga apat na rin then she have her badass girl at ako naman we're sister in crime. I don't have bestfriend in my entire life and I wanted to have bestfriend. Not anybody but the kind of person like you." Tinuro n'ya pa ako at inakbayan. Namalayan ko na lang na tuloy-tuloy na sa pag-agos ang luha ko. Ngayon lang nangyari ang bagay na ito sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nagkaroon ng bestfriend. Si Thainah at Max lang ang nagpawala sa pait na meron ako. Wala silang tinirang sakit at sa unang pagkakataon sila lang ang nagpangiti at nagpatawa sa akin ng labis.
cute
12/11
0hahaha fav song mo ata yong line without a hook eh same tayo
27/10
0nice
20/10
0ดูทั้งหมด