Apocalyptic 05: THAINAH POV "Ano naman 'yang ingay na iyan?!" sigaw ni Gelo kaya natahimik kaming tatlo. Buti na lang at na palo ko na ang pusa na iyun bago sila lumabas ng kuwarto. "May dugo ka sa braso mo." bulong sa akin nitong si Bri. Tinignan ko naman ang braso ko at tama nga si Bri dumudugo nga ito. "Bakit may dugo ka–" "Ketchup!" sabat ko kaya naputol ang sasabihin ni Kai Den. Lumapit ako sa sink at hinugasan ko itong sugat kong natamo. H*yop na pusang iyun! Pagkatapos kong maghugas ay dali kong kinuha ang mga pagkain na kailangan namin at dinala ito sa loob ng kuwarto. Ayaw ko na lang mag-talk sa lalaking iyon at baka pilitin na naman n'ya akong gawin ang bagay na 'yun. "Bukas kokolektahin natin ang mga halimaw na napatumba namin tapos idadala natin sa isang Isolation Area sa Airport." Si Max na pinapaliwanag ang lahat kay Aubrey. Nang maubos lahat ng pagkain ay napagdesisyonan na naming matulog dahil kailangan naming gumising ng maaga para hindi kami abutin ng hanggang hapon sa byahe. Sa kalagitnaan ng gabi nahanap ko na lang ang sarili ko sa banyo na namumulupot sa sobrang sakit ng tiyan. Nagsisimula ko na ring sukahin ang mga kinain ko kanina. Halos wala na yatang natira sa tiyan ko, nasuka ko na lahat. Pero iyung sakit dito nananatili pa rin. Napaharap ako sa salamin sa harap ko at laking gulat ko nang makita ang sarili. "Anong nangyayari sa 'kin?" tanong ko sa sarili ko. Hindi ko mamukhaan ang sarili ko, kulay pula ang mga mata ko at ang katawan ko lumulobo na ang mga ugat. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pinigilan ang sariling lamunin ng sakit na ito. Nag-isip ako ng mga mabubuting bagay at pangyayari sa buhay ko. Ayaw kong matapos na lang ang lahat dito. Magpapakasal pa kami ni Kai Den at bubuo ng sariling pamilya kaya dapat lumaban ako tulad ng ginawa ko dati. Minulat ko ang mga mata ko, malalim na bumuntong hininga dahil bumalik na ako sa normal. Binendahan ko muna ang natamo kong karmot ng pusa bago ako lumabas ng banyo. Hihiga na sana ako sa kama pero nung makita ko ang posisyon ng dalawa hindi ko na nagawa. Wala na akong mapupuwestuhan sa likot nila. Hindi pa sumisikat ang araw nang magising ako, alas singko na ng madaling araw. Agad akong nag-toothbrush, naligo, at bumihis. "Ang aga natin ah." Umiinat pang ani Max kasunod n'ya naman sa likod n'ya si Aubrey na tapos na yatang maligo. "Ang aga n'yo pareho." dagdag pa nito at umupo s'ya sa tabi ko. Dumiretso si Aubrey sa kusina, kitang-kita ko s'ya mula rito sa p'westo ko dahil itong salas at kusina nila magkadugsong lang. Nanlaki pa ang mga mata n'ya nang makita n'ya sa dining table ang mga pagkain na niluto ko. "Niluto mo 'to?" tanong n'ya sa akin maangas ko lang naman siyang tinanguhan. "Tara kain na tayo." Anyaya ko sa kanila at dumiretso na rin ako ng kusina. "Hindi ba natin sila hihintayin?" tanong ni Max hindi ko naman s'ya sinagot at nagsandok na lang ako ng kanin at ulam. "LQ pa rin?" tanong n'ya sa mismong mukha ko. "Matanda na ako para sa mga gan'yan." Pinilit kong magseryoso nang sabihin ko iyon. "Sabagay." Sumang-ayong sabi niya. Letche ganoon na ba talaga ako katanda? Sabagay tatlong taon na lang at magte-trenta na ako, ang bilis talaga ang panahon. Pero dibale maganda pa rin naman ako at ipapamana ko ito sa magiging anak ko HAHAHAHA! Mabilis kaming natapos kumain. Hinanda na namin ang mga armas namin at dinala ito sa van. Para hindi mainip kakahintay sa tatlo ay naglibang muna kami, I mean hindi na pala namin sila hinintay at kami na ang gumawa ng mga dapat gawin! Kinolekta namin ang bangkay ng mga zombies na napatumba namin kahapon at mabilis namin itong sinakay sa likuran ng van. Hanggang 24 hours lang ang epekto ng gamot at pagkagising nila maayos na sila, kailangan na lang ng ilan pang mga pagsusuri. Nang madala na namin sa Isolation Area sa Airport ang mga katawan nila ay agad rin kaming bumalik matapos magpasalamat ng Army na nakabangga ko nung unang araw ko dito. Si Max ang nagda-drive ngayon dahil gusto n'ya raw, hindi ko na napigilan dahil walang pasabi na namang bumalik ang sakit ng tiyan ko. Hindi ko pinahalata sa dalawa na may nararamdaman ako sa halip ay tiniis ko ito. Biglang huminto ang van sa hindi malamang dahilan. "Max, bakit ka–" Napahinto ako sa pagsasalita nang makita ko ang repleksyon ng madilim na paligid sa balat ko napatingin naman ako sa katabi kong bintana at napabuntong hininga na lang ako ng napakalalim. Kamalas-malasan sa ganito ko pang sitwasyon nangyari. A solar eclipse. A solar eclipse na nasaksihan ko sa pangalawang pagkakataon. Kinuha ko ang shades ko sa mini bag ko at umakyat ako sa butas ng van paakyat ng bubong nito, umupo ako rito at kumuha ng litrato at video habang naka-shades. Nasa likuran ko ang napaka gandang araw at buwan. PLAGGHH! Muntikan na akong mawalan ng balanse sa lakas ng lagabog, napasilip ako sa baba at nakita ko ang mga zombies na kinakalampag at pilit tinutulak, umaakyat sa van na ito. Shet oo nga pala nakalimutan kong nakakakita pala sila sa ganitong madilim at mas malakas dahil sa energy ng araw at buwan. Halos mayupi ang sasakyang ito, pumasok naman na ako sa loob bago pa ako mahulog. Nasa isang puwesto lang nagwawala ang mga zombies at iyon ay sa kanan, wala ka talagang makikita sa kaliwa dahil sa kanang direksyon sila nanggaling lahat bago nila kami natunton. Nabasag ang ilang salamin sa lakas nila. Namadali kaming kunin ang mga armas namin para protektahan ang mga sarili namin. Nagsimula nang magbaril si Aubrey gamit ang naimbento niyang armas, si Max ay may kinausap pa sa walkie-talkie niya bago siya kumuha ng armas sa likod, ito naman ako kinuha ang dalawa kong baril at nagsimula na ring umaksyon. BANG! BANG! BANG! Dahil sa payupi na nang payupi ang sasakyang ito ay nagdesisyon na kaming lumabas sa daanan papunta sa itaas ng van. Naiwan ako sa loob para iabot sa kanila ang mahahalagang gamit, halos lahat mahalaga kaya lahat iyun nagsumikap kong kuwain kahit masyado ng delikado. "Sahōdari, iwan mo na yan!" sigaw ni Max sa akin pero hindi ako nakinig at kinuha ko pa rin sa likuran ang pinakahuling gamit at ako na mismo ang nagdala nito paakyat sa itaas. "Ano ba tumalon ka na!" Nag-aalalang si Max tumalon naman ako tulad ng sinabi n'ya. Tumakbo ako nang pinakamabilis papunta sa direksyon nila bago pa ako mahulugan ng transportasyon na ito na pilit tinutulak ng mga halimaw at nawawalan na ng balanse. Buong akala ko ay nakalayo na ako bago bumagsak ang van pero hindi pa pala. Naipit ang kalahati kong katawan sa bumagsak na sasakyan na ito. Pilit ko itong tinutulak pataas pero kahit anong puwersa wala talagang nangyayari hindi ito umaangat. "Thainah!" "Sahōdari!" Nagsimula ng mataranta ang dalawa. Hinila nilang dalawa ang magkabilang braso ko at hindi na inisip na nasasaktan ako. T@ngina mahahati sa dalawa ang katawan ko sa ginagawa ninyo! "Mga si–siraulo kayo itaas n'yo muna ang sasakyan baka maiwan ang kalahati ng katawan ko!" Nanggigigil na sabi ko kaya pumwesto si Aubrey sa tabi ko at siya ang pilit na bumuhat sa sasakyan at si Max naman ang nasa ulonan ko at pilit humihila sa akin. Tuloy-tuloy na ang pagbabaril ko sa mga zombies na nagtatakang lumapit sa amin. Meron pang isang zombie na nasa itaas na bahagi ng sasakyan na nagtatakang abutin ako pero mabilis ko siyang pinatamaan sa ulo dahilan ng pagkamatay nito at pagkalat ng dugo sa amin. "Rawrrr mamamatay tayo ng sama-sama!" usal ng isang zombie na merong dalang pala. Mabilis akong napalingon sa dalawang gilid ko at kitang-kita ng mga mata ko ang mga zombies dala ang kani-kanilang armas. Pakshet! Iba talaga ang enerhiyang dala ng solar eclipse, nag-iisip na sila ng maiigi para mapatay kami, nakapagtataka lang at hindi nila nagawang isipin na dapat magpaubaya na lang sila para magkaroon pa sila ng pag-asang mabuhay at para maayos na rin ang epidemyang ito! "Tama na!" Malakas na sigaw ko kaya napatigil ang dalawa sa ginagawa nila. "Patayin n'yo na sila mamaya n'yo na ako tanggalin dito mga pakshet kayo!" Utos ko at mabilis naman nila itong sinunod. "Putragis ka, Kuya! Asaan na ba kayo mamamatay na kami rito roger!" pakikipagkomunikasyon ni Max kay Gelo sa walkie-talkie n'ya habang abala ang kanang kamay n'ya sa pagpapagana ng armalite na kapit. Halos wala na akong marinig na ingay sa paligid tila ba'y nabibingi na ako. "AHHHHH!" sigaw ko at nasa pagbarili at zombies lang nakatuon ang atensyon ko. "Thainah!" May dumamping kamay sa balikat ko, nang pagmasdan ko kung sino ito parang nawala ang sakit na nagmumula sa tiyan ko. Itinaas ni Gelo at ng lalaking kasama namin ang sasakyang ito, hinila naman ako si Kai Den palabas sa pagkakaipit ko rito. "You're bleeding" Nag-aalalang si Kai pero nakatuon lang talaga ako sa mga halimaw na ito habang patuloy pa rin sa pagbaril. "Ano ba hayaan mo na silang gawin ang trabahong iyan!" Tumigil ako sa ginagawa ko at masama ko siyang tinapunan ng tingin. Pinagpatuloy lang ng apat ang pakikipaglaban sa mga zombies, meron na silang suot na night vision goggles ngayon gaya ng suot ni Kai Den. Binuhat ako ni Kai Den at sinakay ako sa likod ng isang pick-up na naka-park malapit lang sa pinanggalingan namin kanina. Bumaba s'ya saglit at pagbalik niya ay may dala na siyang first aid kit. Sinuotan n'ya pa ako ng sarili kong night vision goggles. "Bakit ba kasi umalis kayo ng hindi kami sinasama?" I think I can't stop him nagging at me. Kasalanan ko rin naman ito. "Galit ka pa ba kaya nagdesisyon ka ng sarili mo lang?" Napabuga na lang ako ng hangin at at saka siya tinitigan. Abalang-abala siya sa pagtanggal ng bandage sa tiyan ko na puno na ng dugo dahil sa pagkaipit ko sa van na iyon. Mas lumala pa siya ngayon. He stared at me kaya napaiwas ako sa mga mata n'ya. "Na ano ito?" tanong n'ya at ang tinutukoy niya ay itong sugat ko sa braso. Tinapos n'ya muna ang pagpalit ng benda sa t'yan ko bago niya binalingan ang sugat ko sa braso. "W-Wala." Tinago ko pa ito pero bigla niyang inalis ang pagkakataklob ko rito ng kamay ko. "Ano ba!" bulyaw ko sa kan'ya. "Ang dami mo nang tinatago sa akin, Baby." Nakangising aniya kaya natawa ako ng bahagya. "Nag-sorry na ako, ano pa bang gusto mong gawin ko?" tanong n'ya sa akin. "Isantabi mo muna iyung kasal." direktang sabi ko sunod-sunod naman ang naging pagtango n'ya. "Sumama pa kasi rito." singhal ko pa. "Sorry talaga." sabi nya ng matapos niyang palitan ng bandage ang braso ko. "Hindi na mauulit." Hinawi n'ya pa ang buhok ko, pinilit kong hindi kiligin kasi dapat astig lang ako sa harap n'ya. Ilang minuto lang ay dumating na rin 'yung apat, sumakay sa loob iyung tatlo ng malagay na nila ang mga armas na nilabas namin mula sa van, tapos si Max naman sinamahan kami rito sa likod. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Max sa akin tumango naman ako. "Ayos lang." sagot ko. Inalalayan ako ni Kai hanggang sa pagpasok sa loob ng bahay nila Aubrey. Wala pang isang linggo injured na agad ako. Ayos lang ang upo namin ni Kai rito sa sofa sa salas nang may biglang sumabog na bulkan–este bigla na lang nagbatuhan ng mga salita itong si Aubrey at ang boyfriend n'ya. "Whew LQ rin?" si Max na umayos ng upo at pinanood lang ang dalawa, ganoon din naman ang ginawa naming tatlo. "Nandadamay ka pa sa kabaliwan mo! Alam kong ikaw ang may pakana ng nangyari kanina isa sa kanila ang napahamak ng dahil sayo!" Itong lalaki kay Aubrey pilit lang naman na natawa si Aubrey dito. "Xylan Romeo na may tuleleng, para sabihin ko sa kokote mong makitid sumunod lang ako kay Thainah!" At nadamay na ang malinis kong pangalan. "Malay ba naming mangyayari iyun, tapos sisisihin mo ako kung bakit ka nakapatay ng tinatawag mong tao?!" And then I can see me and Kai Den in this two person arguing. "Parang kayong dalawa lang noon ah." ani Gelo kaya napatawa na lang kami. "Dinamay mo ako sa pagkahalimaw mo! Kaya masisisi mo ba ako na hindi kita sisisihin? Pin*tay mo ang Nanay ko kaya kailan man hindi kita patatawarin! Demonyo ka alam mo ba iyun?!" Itong tinawag ni Bri na Xylan kaya napaawang ko na lang ang bibig ko kakanood sa pelikulang ito BWAHAHAHAHA! "Anong demonyo? T*nga ka ba hindi mo nabasa iyung post ng Philippines Daily na pwedeng pumatay kung kinakailangan? Pinagtanggol ko lang ang sarili ko dahil kung hindi baka nahaklab na ako ng sinasabi mong Nanay mo! Huwag kang manisi ng iba kung natatakot ka na baka hindi ka makapunta sa langit." Si Aubrey na unti-unti nang humihinahon. "Sinasabi ko lang ang totoo, Aubrey. Usap-usapan naman sa Barangay natin kung sino ka kaya bakit ko ipapaubaya sayo ang buhay ko!" balik nitong si Xylan kay Bri kaya umusok na naman ang ilong nito. "Tsismoso ka rin pala, wala kang alam sa buhay ko kaya manahimik ka na lang kung ayaw mong kumustahin kita." "Kumustahin 'di ba p*tayin ang ibigsabihin no'n sa mga katulad mong walang pinag-aralan?! Kaya don't blame me kung ang tingin ko sayo ay demonyo da–" Naputol ang sasabihin ni Xylan nang biglang mag-glitch ang radio na konektado sa suot naming earphones, hindi ko alam na bumubukas pala ito ng kan'ya. “The Philippine Daily Radio Station is on the air to tell all rescuers and survivors that this epidemic has reached its highest level.” kung natatandaan ko pa iyun ang boses ng nakakayamot na Army. “This is Vice President Luisa Fernando, I am here to warn you all and declare that we will having a martial law. The infected people you see don’t just look like a dead body or they called zombies, treat them like a monsters, all they think about is making us like them, so all we have to do is kill them and fight for our lives. Let us not be afraid and give up, let us fight! Again, I am your Vice President declaring a martial law until the solar eclipse disappears.” *TOOOOOTTT* "Tignan mo, puwede na!" Pagtutuloy ni Aubrey sa away nila pero itong Xylan hindi nakaimik at tulalang napaupo na lang sa tabi ni Gelo. "Alam n'yo ba ang patutunguhan ng away ninyo na iyan?" Si Gelo kaya pinagkatitigan siya ng dalawa. "Gusto n'yo talagang malaman?" Nakangiting tanong nito sa dalawa pero matinding titig lang ng dalawa ang naging sagot. "Iyan 'yung magiging resulta." turo ni Gelo sa 'ming dalawa ni Kai kaya nagulat pa ako, itong si Kai Den naman tatawa-tawa lang. "Tss." tanging sagot ni Aubrey. "Over my dead body." Walang ganang sabi ni Xylan. "Alam n' yo bang–" sinamaan ko ng tingin si Max kaya bahagya pa siyang napatigil sa sasabihin n'ya. Alam kong magkukuwento na naman siya. "Alam niyo bang sa gan'yan din nagsimula ang Lolo at Lola ko." turo pa ni Max kay Kai at papunta sa akin. "Asahan n'yong uuwi rin kayo sa gan'yan pagkatapos o kaya sa kalagitnaan nitong epidemya." Nakangising pagtatapos ni Max. Buti naman hindi n'ya na tinapos sa mga miserableng nangyari sa akin. Pinag-usapan namin 'yung sinabi sa Philippines Daily Radio Station (PDRS) nagplano kami nang mga dapat naming gawin at ganoon din sa mga hindi dapat. Mismo ang VP na ang nagdeklara ng ganoong batas so hindi na talaga kami makakatakas sa pagiging demonyo tulad nga ng sabi ni Xylan Romeo. All we have to do is be safe, fight and kill the monsters!
cute
12/11
0hahaha fav song mo ata yong line without a hook eh same tayo
27/10
0nice
20/10
0ดูทั้งหมด