logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

Gia,
Sa sobrang pagod ay hindi na ako nag-entertain ng mga tanong ng kasama ko. Agad kong pinuntahan ang babae kung saan ini-interview siya ng mga pulis at sinauli ang bag.
"OMG! My bag! Thank you, miss! Thank you, sobrang laki ng utang na loob ko sa 'yo," halos naiiyak niyang sambit sa 'kin. Medyo nagulat pa ako nang yakapin niya ako, siguro dahil narin sa tuwa.
"Wala po iyon, ma'am—"
"I'm Shaira... Shaira Smith," nakangiting putol niya sa 'kin, nakalahad ang kaliwang kamay.
"Wala po iyon, Ma'am Shaira," pag-uulit ko at tinanggap ang kamay niya.
"Dop the ma'am na, Shaira nalang. Ikaw... anong name mo?" aniya.
I looked down. Hindi kasi ako sanay makipag-usap ng ganito sa hindi ko kakilala, pero may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya.
Mukha ding masarap itong kasama at kausap. Mabait at mukhang jolly. Maganda rin, blonde ang buhok nitong hanggang balikat at may mahahabang pilik mata. Maganda rin ang hubog ng katawan at maputi. Bakit lahat sila ay mapuputi? Nakakahiya sa balat ko.
Nakakahiya, halatang nasa mayamang pamilya.
"A-Ako po si Gia," maikling tugon ko at gumanti ng ngiti sa kaniya.
"Gia, sounds good. Kasing ganda mo at ng personal na ugali mo."
"Hehe. Ma'am—este Shaira, h'wag naman po kayong mambola ng ganiyan," natatawa kong sagot, napapakamot din ng ulo. Bukod ata sa nanay kong bolera at kila Ate Ally siya lang ang nakapagsabi na maganda ako. Pftt.
"Hindi ako nambobola Gia, I'm just telling the truth! Maganda ka sa loob at sa labas," nakangiting aniya kaya medyo napangiti ko. Hay sige na nga! Tatanggapin ko ang pambobola niya.
"Excuse me po, ma'am, pwede po ba namin kayong hingan ng statement tungkol sa nangyari?" singit ng isang pulis.
"A-Ah, Kuya, okay lang naman po ako. Wala naman pong mahalagang detalye sa nangyari. Kinuha ko lang po 'yung bag na iniwan ng magnanakaw sa gitna ng daan," sagot ko.
Yes, I lied. Bakit? Ayoko lang naman nang ini-interview ng mga pulis, at isa pa may mga reporters dito. Baka sabihin pa ng makakakita sa 'kin, basagulera ako o ano. Lagot ako kay mama kapag nagkataon.
"Hindi niyo ba nakita ang mga mukha nila?" tanong pa nito sa 'kin kaya napalunok ako. Sunod-sunod akong umiling.
"H-Hindi po."
"Gano'n po ba, ma'am, sige po. Maraming Salamat po."
"Ah... Shaira! Mauna na ako baka hinahanap na 'ko ng mama ko," paalam ko. Gabi na at magsasara pa kami ng cafe.
"Sayang naman! Aayain pa naman sana kita ng dinner, pero sige, baka nag-aalala na 'yung mama mo. Maraming Salamat ulit, Gia. Sana hindi ito 'yung last na pagkikita natin," sagot nito na tinugunan ko ng ngiti bago bumalik sa loob ng cafe.
"Ate, pakisabi kay Mamsh baka maghalf day ako bukas," sambit ko nang makita ko si Ate Ally na nagliligpit na.
"Oh, bakit? May gagawin ka ba? Ikaw, ah kanina ayaw mo kaming sagutin, ngayon naman—"
"Ate, baka mag-enroll ako sa public school bukas. Mamimili narin ng mga gamit sa school," putol ko sa kaniya. Ayokong pag-usapan pa 'yong nangyari kanina.
"Akala ko ba kumuha ka ng scholarship exam sa Averil? Nakapasa ka ba?" takang tanong niya. Napahinto naman ako sa paglilipit at naupo sa isang bakanteng upuan.
"Hindi parin ako nakakatanggap ng tawag o text Ate, e, baka hindi," sagot ko at pilit na ngumiti.
"Okay lang 'yan, Gia! Ang mahalaga naman ay makapagtapos ka ng pag-aaral, hindi ka man makapasok ng Averil. Pero malay mo na-late lang, may announcement na ba sa page nila?" Umiling naman ako na ikinapalakpak niya. "Ayon naman pala, tiwala lang, sissy."
"Oh, sige na, basta ipagpaalam mo 'ko kay Mamshie. Uuwi na ako," sagot ko saka kinuha ang bag ko para makapagpalit.
"Mag-iingat ka, Gia!" pahabol na sigaw ni Ate Ally. Mabilis akong nagtungo sa restroom at naghilamos ng mukha. Saglit pa akong napatitig sa salamin bago tuluyang pumasok ng comfort room para magbihis.
"Ma, andito na po ako!" bungad ko nang makapasok ng bahay. Nagtaka naman ako ng patay ang ilaw. Usually, nandito si mama sa sala, naghihintay sa akin.
Agad kong tinungo ang kwarto niya. Napangiti ako nang makita ko itong natutulog na.
Hay talaga si mama, siguro nagpakapagod na naman 'to sa pagbebenta ng isda sa palengke. Napailing nlang ako at kinumutan ang mama ko.
Sobrang swerte ko talaga rito. Kahit pagtitinda lang sa palengke ang trabaho ng nanay ko, nagagawa niyang pag-aralin ako at bigyan ng maayos na buhay.
Nagtungo na ako sa kwarto ko, maliit lang ito kumpara sa ibang mga silid. Pabagsak akong nahiga sa papag at tumitig sa kisame.
"I-Ikaw?!" gulat na gulat na wika ng lalaking nasa harapan ko. Nawala ang takot ko at napalitan ng pagtataka.
"Boss, malilintikan tayo kay Mas—"
"Halika na kayo, iwanan niyo ang bag. Dalian niyo paparating na ang mga pulis!" nagmamadaling utos nito sa mga kasamahan. Mabilis nilang pinaharurot ang motorsiklong sinasakyan hanggang sa nawala na sila sa paningin ko.
Bakit gano'n 'yung reaksyon nila? Bakit sila nagulat nang makita ako? Pero kanina... kaninang nakasuot pa 'ko ng salamin hindi sila ganoon?
Napabangon ako bigla at naupo sa upuan na kaharap ng isang maliit na salamin. Unti-unti kong tinanggal ang suot kong salamin saka humarap sa salamin para tingnan ang mukha ko.
Wala namang nagbago. Ako parin naman ito. Isang babaeng mukhang nerd na may gulo-gulong buhok at maraming pimples sa mukha. Pero bakit gano'n ang mga reaksyon nila? Anong meron?
Sa mata ko kaya? Parang hindi naman. Kulay brown lang naman ang mata ko.
"Anong koneksyon mo sa kanila? Bakit sila natakot nang makita ka?"
I gulp, feeling my heart beating so fast.
At anong ibig sabihin ng prinsipe kanina? Bakit sila nandoon? Sinundan ba nila ako?
Argh! Gia ang dami mong tanong sa isip! Paano ka makukutulog na 'yan? May importante ka pang gagawin bukas.
Nakayukong bumalik ako sa higaan at saka tumitig muli sa kisame. Pilit kong iwinawaksi ang mga tanong at ang mga nangyari kanina hanggang sa dalawin na ako ng antok.
* * * * *
Kringgg! Kringgg!
Pikit matang inabot ko ang cellphone ko, ang aga-aga. Sino ba lagi ang mahilig tumawag ng ganitong oras?
Ate Allyyyy!
"Ate sinabi ko na, 'di ba maghalf day ako ngayon—"
"Good morning, this is Sharmaine de la Cruz from Averil University. Si Miss Silvestre po?"
Agad akong napabalikwas ng bangon sa narinig ko. Gia, nakakahiya!
"A-Ah, good morning din po ma'am! Ako po ito, si Miss Silvestre," kinakabahang sagot ko habang sinasabunutan ko ang sarili ko. Ano ba namang kagagahan to Gia!
"Miss Silvestre, I thought it's not you. Iba kasi ang bungad sa 'kin."
"Pasensya na po kayo, ma'am, hindi ko po kasi natingnan ang caller. Nagising lang din po kasi ako," pag-amin ko.
"Sorry for interrupting your sleep, Miss Silvestre. I bet nasira ang umaga mo ngayon, but I hope this announcement will make your day good."
Nakaramdam ako bigla ng kaba. "I-It's okay, ma'am. Ano po ba 'yon?" kinakabahang tanong ko at humiga ng malalim.
"Congratulations Miss Silvestre! You passed the exam last week here in Averil. See you on June 6, Miss Silvestre."
My eyes widened, unable to process what had just been said.
'Congratulations Miss Silvestre! You a passed the exam.'
'Congratulations Miss Silvestre! You a passed the exam.'
'Congratulations Miss Silvestre! You a passed the exam.'
Hindi ako nakapagsalita sa sobrang gulat ko. Nagpaulit-ulit ang unang sinabi ni Ma'am Sharmaine sa utak ko. Hindi ako makapaniwala—
"Ahm... Miss Silvestre are you still there?"
"O-Opo ma'am! Nagulat lang po ako, pasensya na po! Totoo po ba ito? Hindi po ba 'yan joke?" paninigurado ko pa.
Nakarinig ako nang pagtawa sa kabilang linya bago ito sumagot sa tanong ko. "Yes, of course! Again, see you in June 6 sa office para makuha mo ang uniform mo at identification card," sagot nito.
"Thank you po, ma'am! Maraming salamat po talaga!" masayang sabi ko bago patayin ang tawag at nagtatatalon sa papag.
Waa! Gia nagawa mo! Hindi talaga ako makapaniwala. Woo, thank you Lord! Thank you papa hindi mo talaga ako binibigo, kayo ni Lord.
Si mama! Kailangan malaman agad ito ni mama!
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at pinuntahan si mama sa kwarto niya. Hindi ko ito nakita roon kaya agad akong nagtungo sa kusina.
"Good morning, Mama!" masayang bati ko sa kaniya bago siya yakapin ng sobrang higpit at halikan sa pisngi.
"Aba, ang ganda naman ng gising ng anak ko," nakangiting sagot ni mama na ikinatawa ko.
"Syempre, Mama, nakapasa ata ang anak mo sa exam ng Averil," pagmamayabang ko na ikinatahimik ni mama. "Ma! Nakapasa po ako! Matutupad narin yung pangarap ko na makapasok sa Averil."
Natahimik kami sandali.
"Ma, hindi po ba kayo masaya?" I asked, finally breaking the ice.
"Masayang-masaya ako para sa 'yo, pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa 'yo roon," sagot niya at hinawakan ang mga kamay ko.
"Ma, wala naman pong masamang mangyayari sa 'kin doon. Mag-iingat naman po ako saka nand'yan si papa, oh, binabantayan tayo lagi," sagot ko at ngumiti kay mama para mawala ang pag-aalala niya.
"Hindi ko lang maiwasan, anak. Alam mo namang mga matataas at marangya ang nag-aaral doon. Ayokong maapi ka Gia," sabi pa ni mama.
Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Ma, kaya ko naman po ang sarili ko. Sanay na po ako sa panglalait nila—"
"Pero anak, masakit sa isang ina na makita ang anak niyang nilalait ng kung sino. Wala silang karapatang gawin sa iyo 'yon. Lahat naman tayo may kapintasan, pero bakit—"
"Ma, okay lang po talaga. Sabi niyo nga, pasok sa kabila at labas sa kabila," putol ko kay mama habang nakawak sa magkabila kong tainga.
"Hay. Tara na nga, nak, kumain na tayo." Nakangiting sinundan ko si mama at saka kami kumain ng umagahan habang nagkukwentuhan. Bonding namin 'to mag-ina. Minsan nagkukwento si mama tungkol kay papa, minsan naman tungkol sa 'kin noong bata ako.
"Ah... Ma, ito po pala dagdag niyo po sa ipon niyo o kaya sa panggastos dito sa bahay," pag-iiba ko ng matapos kami sa pagkain.
"Ay naku, nak, sa 'yo na iyan pinaghirapan mo iyan, e—"
"Ma, tinabi ko talaga 'yan para sa inyo. Sabi ko naman po sa inyo tutulong ako, 'di ba? Ayokong nahihirapan kayo," putol ko kay mama saka ibinalik ang perang ibinigay ko."Tanggapin niyo na po, Ma."
"Salamat nak, maraming salamat," naiiyak na ani mama. Agad ko namang pinunasan ang luha nito at ngumiti.
"Ma, kulang pa po iyan sa lahat ng ginawa niyo sa'kin. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko magagawa lahat ng ito," sagot ko saka niyakap siya.
* * * * *
"Ma, alis na po ako. Dadaan lang po ako saglit sa cafe, tapos pupunta na 'ko sa bayan," paalam ko. Naisipan ko kasing mamili na ng gamit at magpaalam narin kila Mamshie.
"Sige, anak, mag-iingat ka," sagot ni mama. Agad akong nagtungo sa cafe. Sabi ko mag-half day ako, pero napagdesisyunan kong dumaan muna rito.
"Oh! Gia, akala ko magha-half day ka?" bungad sa 'kin ni Mamshie. Inilapag ko muna ang bag ko saka naupo sa bakanteng upuan. Kaunti palang ang tao sa ngayon dahil maaga pa.
"Oo nga po, dumaan lang po ako rito. Si Ate Ally—"
"Sissy!" sigaw ni Ate saka ako niyakap ng mahigpit na ikinagulat ko. "Sissy, nabalitaan mo na ba? Omg! Congrats! Tingnan mo 'to, oh!"
Agad kong kinuha ang cellphone niya at tiningnan iyon. Listahan pala 'yon ng mga nakapasa sa exam. Napangiti ako bigla nang mabasa ko ang pangalan ko.
"Congrats, Gia!" bati nila sa 'kin kaya napangiti ako, yakap yakap sila.
"Salamat sa inyo," sambit ko bago ko sila pakawalan sa pagkakayakap.
"Gia, ito, oh tanggapin mo. Bonus mo 'yan dito sa cafe—"
"Mamshie, h'wag na po! Sobra sobra na po 'yung ginawa niyo para sa 'kin!" pagtanggi ko sa inaabot niyang puting sobre.
"Ano ka ba, Gia! Mas malaki ang utang na loob namin sa pamilya mo. Kung hindi dahil sa inyo, baka hindi kami umabot sa ganito," sambit naman ni Mamshie kaya wala na akong nagawa kun 'di tanggapin iyon.
"Maraming Salamat talaga sa inyo." I smiled.
"Paano ba 'yan, sissy, mukhang bilang nalang ang araw mo rito, ah. Mami-miss kita!" naiiyak na sabi ni Ate Ally kaya agad ko siyang niyakap.
"Ate naman, hindi naman ako tuluyang mawawala! Dadalaw parin naman ako rito," I told her.
"Hay naku, hindi ka pa nasanay riyan kay Ally. Halos araw-araw naman ay nag-iinarte 'yang si bakla!" sagot ni Mamshie na ikinatawa ko. Si Ate Ally, nakanguso at masama ang tingin sa kaniya.
"Mauuna na ako, Mamshie, Ate Ally, may pupuntahan lang ako. Kita-kits nalang mamaya!" pag-iiba ko saka kinuha ang bag ko sa upuan.
"Mag-iingat ka!" sagot ni Mamshie. Kinawayan ko naman sila bago lumabas ng cafe. "Congrats ulit, Gia!"
Dumiretso agad ako sa bayan, mamimili ng mga gamit at bag ko sa isang mall dito sa lugar namin.
"Good morning, ma'am," bati sa 'kin ng guard. Agad ko naman itong ningitian bago pumasok ng Expression.
Nagsimula akong mamili ng mga notebooks. Hindi naman ako masyadong mapili sa notebook dahil masyadong mahal. Okay na sa 'kin ang spring na notebook. Bumili rin ako ng ballpen, mga papel at marami pang iba.
Ang tagal kong pinag-ipunan ito dahil ako pa naman yung tipo na taong ayaw na ayaw mauubusan ng gamit sa school. May pagka-GC sabi nila. Bumili rin ako ng mga bond paper, lapis at kung ano-ano pa. Pati color bumili rin ako. At kagaya nga ng sabi nila, nasa huli ang pagsisisi. Naka 2, 500 ako kasama na ang bag ko at sapatos. Ngayon, bitbit bitbit ko ang tatlong supot na malalaki plus plastic cover.
Dahan dahan ako sa paglalakad palabas, medyo malayo-layo pa ang lalakarin ko kaya naisipan kong huminto muna at magpahinga saglit. Nang lumipas ang limang minuto, nagsimula ulit akong maglakad nang...
"Aray!" daing ko nang mapaupo ako sa sahig. Kasabay niyon ang pagbagsak ng mga dala ko. Mabuti nalang at hindi ako naka-saya ngayon.
"Sorry, miss!" rinig kong sambit ng isang lalaki na nakabunggo sa 'kin. Buong akala ko ay tutulungan ako nitong tumayo, pero laking gulat ko nang lagpasan lang niya ako. Nakaramdam ako ng inis.
"Aish! Bwisit naman!" inis kong bulong, nagsimulang pulutin ang mga gamit ko.
"I'm really sorry, miss. M-May hinahabol kasi ako."
Nagulat ako nang bumalik ito at tinulungan ako sa pagbabalik ng mga gamit ko sa supot. Nang matapos ako ay agad akong umayos ng tayo at kinuha mula sa kaniya ang isa pang supot.
"I-Ikaw?" halos magkasabay naming sambit nang makaharap ang isa't-isa.
"A-Ah, ikaw 'yung nasa cafe, 'di ba? Last time we met, hindi mo nasabi yung name mo. What's your name again, miss?" tanong nito habang nakangiti ng abot tainga sa 'kin. Halos makita ko na ang lahat ng mapuputi niyang ngipin.
"G-Gia... I-I'm Giana Marie Silvestre," sagot ko. Hindi ko manamalayan na ang tagal na pala naming nagkatinginan, kaya ako ang naunang nagbawi ng tingin. "Prinsipe Cris, mauuna na po ako. Baka po hinahanap na 'ko ng mama ko—"
"Hatid na kita, Gia!" putol niya sa 'kin na agad ko namang tinanggihan. "Sige na, para naman makabawi ako sa 'yo, pero bago 'yon kain muna tayo, pwede?"
"Prinsipe Cris, kasi—"
"Cris nalang, wala naman akong kasama kaya Cris nalang. Saka sige na, gutom na kasi ako, e, libre mo ako, ah."
Literal na nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi niya. Libre? Jusko Lord wala po akong pera. Saka 'yang panlilibre na 'yan para lang yan sa mayayaman. Kailan pa nanlibre ang kapos?
"Pasensya na po, Prinsi—este Cris wala akong pera, e," I answered and looked down.
"Pft. I'm just joking you, Gia. Of course, my treat... so let's go!" natatawang sagot nito sabay kuha ng tatlong plastic na dala ko. Tumakbo siya ng mabilis na ikinagulat ko.
Agad kong siyang sinundan. Para kaming nasa movie na naghahabulan sa mall na may maraming tao. Ewan ko pero parang bumabagal ang oras pati narin ang pagtakbo ko kahit isang platic cover nalang ang dala ko.
Nakita ko siyang pumasok sa... Mc Do?!
Napailing nalang ako bago tuluyang pumasok at hinanap siya. Nang makita ko siyang nakaupo sa isang sulok ay agad ko itong pinuntahan.
"Ang bagal mo atang tumakbo ngayon, Gia? Last time noong may nangyari sa parking ng cafe ang bilis mong tumakbo at habulin yung magnanakaw, ah," bungad niya sa 'kin nang makaupo ako. Nakasalamin na ito, siguro ay para hindi siya makilala ng mga tao rito sa loob ng mall.
"A-Ah, m-madami kasing tao, Oo! Madami kasi talagang tao!" pagdadahilan ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya.
"'Sus! E, bakit ako? Tatlong mabibigat na supot na nga 'yung dala ko nauna parin—"
"Hep hep hep! Awat na, o-order na 'ko," putol ko sa kaniya na ikinatawa niya ng malakas dahilan para mapahinto ako.
"HAHAHA! Ako na, your highness. Haha! Anong sa 'yo?" prisinta niya. Napairap ako, 'di alam kung nang-aasar ba siya. May pa-your highness pang nalalaman.
"Burger and fries, your highness," panggagatong ko na siyang ikinangisi niya.
"How 'bout your drinks, my princess?" tanong niya na ikinabigla ko naman.
My princess...
"Tsk! Kahit ano nalang daming sinasabi nito!" pagsusungit ko sa kaniya. Napataas naman ako ng kilay nang bigla siyang ngumuso.
Oh my ghad. Lord, bakit ganito 'tong lalaking ito? Cute na nga nagpapa-cute pa!
"Akala ko pa naman sasabihin mo my—nevermind. Sige, order na 'ko," sambit pa niya na ipinagtaka ko naman. Anong akala niya sasabihin ko, my prince? Pft.
My prince? Hmm pwede rin—naku, Gia wag kang maharot!
"Here's your order, your highness," nang-aasar na wika ni Cris kaya napailing ako.
"Itigil mo na nga 'yang kaka-your highness mo, 'di bagay sa 'kin!" sagot ko na ikinatawa lang niya. "Teka bakit ang dami namang drinks?" takang tanong ko nang makita ang isang basong sprite, coke at nestea. Mayroon ding dalawang coke float at sundae. "Hoy, bakit ang dami?"
"Sabi mo kasi, kahit ano. Wala raw kahit ano rito kaya in-order ko nalang lahat," he answered and laughed. Napapikit naman ako sabay hilot sa sintido ko. Oo, sumasakit ang ulo ko rito kay Cris.
"Oh, bakit? Hayaan mo na mauubos natin 'yan," sambit niya pa. E, ano pa nga bang magagawa mo Gia?
Nagkwentuhan kami tungkol sa mga bagay bagay hanggang sa matapos namin ang mga pagkaing nasa harapan namin. Parehas pa kaming natawa nang maubos namin.
"Sabi sa 'yo, e, mauubos natin 'yan. Ang daldal mo pala, 'no?" natatawang sabi niya na ikinataas ng kilay ako.
"Wow! Ako pa ang madaldal, ah. Sino kaya 'tong halos ikwento na ang buong buhay niya?" pang-aasar ko. Natawa naman kami parehas.
"Ayaw mo magkwento, e, pero may tanong lang ako."
Hindi ko alam kung ano 'yung tanong niya, pero bakit tila kinakabahan ako? "A-Ano 'yon?"
"Noong hinabol mo 'yong magnanakaw, bakit nga pala umatras 'yung mga iyon nu'ng nakita nila 'yung mukha mo?"
Napagdikit ko 'yung dalawang kamay ko sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin at pakiramdam ko rin ay pinagpapawisan nako.
"Gia?" tawag niya sabay kaway ng kamay niya malapit sa mukha ko.
"A-Ah... ano kasi... kailangan ko na palang umuwi may trabaho pa ko. Salamat sa libre, bye!"
Agad kong kinuha ang mga dala ko at mabilis na lumabas. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa 'kin, pero laking pasasalamat ko at hindi na niya ako hinabol.
Nang makarating ako sa cafe ay agad akong nagbihis at tumulong sa pag-se-serve ng mga order. Hindi naman masyadong madami ang tao ngayon at maaga rin kaming magsasara. Pumasok na 'ko sa counter para maglipit at maghugas ng mga pinagkainan at mga baso.
"Gia! May naghahanap sa 'yo. Lumabas ka muna riyan!" tawag sa 'kin ni Mamshie. Kahit nagtataka ay agad kong itinigil ang ginagawa ko at lumabas ng counter.
"Mamsh, sino po—"
My eyes slowly widened as I realized who's the person looking for me.
"C-Cris?" gulat kong tanong nang makita siyang prenteng nakaupo sa isang gilid. "A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko pa nang hindi siya magsalita.
"I just want to return this to you. Nakalimutan mong kuhanin kanina. Nagmamadali ka kasing umalis," sagot niya sabay abot ng plastic cover sa 'kin. Napasapo naman ako ng noo ko. Aish! Gia, bakit mo naman nakalimutan 'yung plastic cover? Nakakahiya naabala mo pa tuloy siya.
Inabot ko iyon. "Pasensya na po kayo, prinsipe. Naabala pa po tuloy kayo," nahihiyang sambit ko.
"Nah, It's okay. So... paano hatid na kita?" sagot niya na ikinagulat ko. Hatid?! Nagbibiro ba siya? Ako ihahatid niya?
"A-Ah, hindi na po! M-Madami pa po akong gaga—"
"Gia, okay na! K-Kami nang bahala ni Ate Ally mo, kaya na namin 'to. Alam kong pagod ka na, kaya sige na!" singit ni Mamshie. Napakunot pa ako ng noo nang makita ang kakaibang tingin at ngiti niya.
"Wala naman na pala, e, tara na asan 'yung mga gamit mo?" nakangiting aniya. Wala naman na akong nagawa kun 'di ituro kung nasan ang mga ito.
Nang balak pa nitong kunin ang bag ko ay agad ko na itong kinuha. "A-Ako na, ang dami na n'yan, oh," sambit ko.
"Kaya pa naman, your highness," sagot niya na ikinatigil ko. Ayan na naman siya sa your highness niya.
"Your highness, tara na, ano pang tinatayo mo riyan?" rinig kong sigaw niya kaya nagmamadali akong nagpaalam kila Ate Ally at sumunod sa kaniya.
God, is this real?
***
THE LOST PRINCESS SERIES
by: thesweetest_thing

Comentário do Livro (156)

  • avatar
    Ro Se

    bitin😭

    17/09

      0
  • avatar
    Nadia Chicote Dusol

    still here, waiting for this story:(

    22/02/2025

      0
  • avatar
    Regine Copina

    Ang Ganda nman

    21/12/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes