"Analia, saan kana naman pupunta?" kunot noong tanong ni Manang Juana habang naka pamaywang pa ito. "Sa rancho lamang po. Nay," nakangiwing ani ko habang napapakamot pa sa pisngi. Palihim na nga lang akong aalis ay nahuli pa ng mala-agilang mga mata ni Manang. "Oh, sa rancho na naman? Aba Analia, napaka init sa rancho." napapailing ito. "Eh, hindi naman po ako magbibilad sa araw at saka may mga puno naman po." natatawa na ako dahil sa nakikitang ekspresyon kay Manang problemado na kasi ito. "Hay naku! Itong batang talaga na ito hindi na mapakali rito sa mansion." Wala nang nagawa pa si Manang Juana kaya natawa na talaga ako. Natigil lang ng mabilis akong sinamaan ng tingin nito. Makaalis na nga lang at baka magbago pa ang isip niya at hindi na ako payagan. Bakit naman kasi na late kapa ng gising eh, yan tuloy halos hindi ka na magkandaugaga sa pagmamadali. Nakalabas na ako sa mansyon at walang pag aatubiling nagtungo kung saan naroon ang kuwadra. Malayo pa lamang ay kitang kita ko na ang ibang taga pangalaga ng mga kabayo na natigil pa sa kanilang ginagawa. "Magandang hapon po. Mang Adolfo, hihiramin ko po muna si Algar." 'yong kabayo ni kuya Ras. "Ha naku! Hija hindi ka pa masyadong marunong sumakay sa kabayo at ang bilin sa amin ay huwag kang pagamitin ng kahit anong kabayong narito lalo pa't wala sina Rasmus." Mahabang paliwanag ni Mang Adolfo na tila ba'y problemado na rin. "Huwag po kayong mag alala mag iingat naman po ako at isa pa, hindi naman po ako magtatagal at hindi rin po ako lalayo." Magiliw pang ani ko rito. Hindi man pumayag si Mang Adolfo ay pipilitin ko parin ito. Paano ako masasanay kung ayaw naman nilang ipahiram si Algar? At saka may alam na ako sa pangangabayo, malayo na rin ang napupuntahan ko pagka sina kuya Remus ang kasama. "Pasensya na hija. Hindi talaga puwede," seryosong aniya. "Pumayag na po kayo. Labing limang minuto lang ibabalik ko na rin si Algar." just say yes... please. "Oh, siya sige labing limang minuto lang hija." pag sukong aniya na kinatuwa ko. Nang makita ko na si Algar ay agad ko rin yon nilapitan at marahang hinimas ang ulo nito upang paamuhin. Para sa ganoon ay maging maayos naman akong makasakay sa likod ni Algar na walang magiging aberya. Nang sa tingin ko'y hindi naman siya magliligalig ay walang kahirap hirap na sinampa ko ang aking kanang paa upang sa ganoon ay makaupo na ako sa likuran nito. "Hija, labing limang minuto lang." seryosong ani ni Mang Adolfo. Nginitian ko na lamang ito at mabilis na tinanguan at walang pasabing hinatak ang lubid para makalakad na si Algar. Nang medyo nakalayo na ako ay saka ko lamang pinatakbo ang kabayo ng walang pag aalinlangan. Ang totoo n'yan ay nasabi ko lamang yon para pumayag si Mang Adolfo. Natutuwang kinabig ko ang lubid para makaliko si Algar pa kaliwa naroon kasi ang burol na madalas naming puntahan ni kuya Remus noong nakaraang linggo pero ngayon mag isa lamang akong pupunta dun. Halos sampung minuto rin bago ko narating ang dulo ng burol. Bumaba ako kay Algar at agad nilapitan ang may kalakihang punong kahoy na mangga. Sa laki nito ay puwede kang makapag pahinga at bukod roon ay malilim. Kahit alas dos na ng hapon ay maganda parin ang simoy ng hangin dito at kahit mainit ay hindi naman masakit sa balat. Hinawi ko ang hanggang beywang kong buhok dahil tinatangay yon ng hangin, hindi pa naman ako nakapagdala ng panali ng buhok kaya sinikop ko na lamang yon para ilagay sa kanang balikat. I also fixed the hem of my white off shoulder dress because of the wind is too strong. Kaya lang nawalan na rin ako ng pasensyang ayusin pa yon dahil hindi rin naman ito sumusunod patuloy lang tumataas at naisip ko ring wala namang magiging problema dahil may suot akong maiksing short at walang makakakita sa akin, puwera na lang kung wala talagang maliligaw na kung sino rito. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako pero nang mapansin ko ang papalubog na araw ay agad akong nagmadaling tumakbo patungo sa kinalalagyan ni Algar. Hindi na ako nagabala pang panoorin ang papalubog na araw dahil sa pagmamadali ko. Hindi ko alam kung anong oras na dahil hindi ko naman nadala ang cellphone ko at nakalimutan ko yon kanina. Kahit pa nga nakakaingganyong panoorin ang papalubog na araw ay binalewala ko na lang ang ganda n'yon. Kailangan ko ng makabalik sa mansyon baka hinahanap na ako ng mga kasambahay. Papalapit pa lamang ako sa mansyon ay natutunghayan ko na ang mga taong naroon kaya mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo kay Algar. "Nasaan na ba ang batang yon? Jusku! Nag aalala na ako." dinig kong litanya ni Manang Juana kaya lihim na lang akong napangiwi. Lagot na! “Pasensya na po, napasarap lang ang tulog ko... ” Nang tuluyan akong nakalapit ay agad din nabaling ang kanilang atensyon sa akin. Sa gulat ko ay hindi na ako naka angal ng mabilis akong nilapitan ni kuya Ras at walang kahirap hirap na ibinaba mula kay Algar. Sobrang seryoso ng mukha nito. "Damn. Where have you been?" patay! galit si kuya. "Uhh... sa may dulo nitong rancho." " What?! Napakalayo n'yon Analia. Tapos ano, iniwan mo pa ang cellphone mo rito at ang sabi mo hindi ka magtatagal? It's already six in the evening." galit paring aniya. "Nakalimutan ko po kasi iyong cellphone at'saka hindi ko rin namalayang nakatulog pala ako—" "Ulitin mo pa yan. Hinding hindi ka na makakalabas rito." Magpapaliwanag pa sana ako ngunit nasulyapan ko ang nasa tabi ni kuya Remus. He's looking at me intently na para bang nagsasabing manahimik na lamang ako. Sobrang seryoso ng mga mata niyang nakatingin sa akin. He looks so good on his natural red lips and also he has a narrow nose. Makakapal na kilay na bumagay sa matatapang nitong mga mata and he has a dark eyelashes too, may kahabaan ang buhok nito'y konti na lang ay aabot na sa balikat, moreno dahil napansin kong mas maputi rito si kuya Remus. At nang bumaba ang paningin ko sa braso nito'y gusto ko na lang mapaiwas ng tingin pero hindi ko yon magawa dahil para bang may nagtutulak sa akin na titigan ko lamang ang mga yon at— Shit! He's so damn hot! Meron pa palang nag i exist na ganitong ka guwapo na akala mo'y sa mga nobela o teleserye mo na lang makikita? "Analia, Nakikinig kaba?" Kuya Remus seriously said nakakunot pa ang noo nito. "Uhh... yes po." nasabi ko na lamang. Ano na nga bang sinabi nila? Freaking hell ! This man is making me space out just because of how he intently stared at me. Am I intimidated to him? I hope not... "Pumasok kana sa loob. Magbihis ka and stop wearing dress when you're riding a horse that's not appropriate to wear, Analia." "Eh, naka short naman ako kuya." nakangiwing turan ko rito. Pati pala 'tong suot ko ay mapapansin? "Kahit na. Hindi puwede iyan." mariing aniya. "Fine," nakangusong sabi ko na lamang. Nakaligo at nakapagpalit na ako ng damit nang naisipan kong sumilip sa bintana. Naroon sina kuya sa ibaba at tahimik na nag iinuman kasama ang mga kaibigan nila. I absent mindedly look at the person who's wearing a black V neck T-shirt ngunit agad ko ring binawi dahil agad na nagtama ang aming mga mata. Napalunok ako't napapikit. What's happening to me? Why the freaking hell my heart's keeps on beating so fast na para bang gusto na nitong lumabas? Hindi ko alam pero mabilis ko na lang hinawi ang puting kurtina at napasandal na lamang habang hawak ang aking dibdib. •••
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
i like the story
20/07/2024
0very very very god
14/01/2024
0nice
03/04/2023
0Ver Todos