[ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are just the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. ] Ang mga nakalathala ay pawang kathang isip lamang. *** "Analia, matagal ka pa ba?" "Pababa na po ako!" Kuya Remus is always like that. Every time he fetched me here parati na lamang itong nagmamadali. Kasalanan ko bang napakaaga ng flight na kinuha niya? At isa pa, ang alam ko sa isang linggo niya pa ako susunduin. Lakad takbo ang ginawa ko pababa ng hagdanan habang hila-hila ang dalawang may kalakihang maleta nang makita ako ni Kuya Remus, kunot noo itong umakyat at walang kahirap hirap na kinuha ang mga maleta sa aking mga kamay. "How many times do I have to tell you to stop running at the staircase. It's too dangerous, Analia." magkasalubong ang mga kilay na aniya ng makababa ako sa dulo ng hagdan. Napangiwi na lamang ako. "You just told me that we're going to be late—" "But I didn't tell you to run, Analia." putol naman nito. Hindi na lamang ako nagsalita at nagpatiuna na lamang lumakad palabas ng bahay. Nang makasakay ay agad ng inutusan ni kuya Remus ang driver patungo sa airport. Naging madali lamang ang biyahe dahil walang traffic ng ganito kaaga. Nakarating kami sa airport at agad ring nakapag settled down sa eroplanong sasakyan 'di kalaunan. Ilang oras pa, makakauwi na rin ako sa Lavizares. Sa ilang taon ko rito sa San Diego'y hindi pa ako nakakauwi sa Lavizares kahit pa bakasyon. Ngayon lang dahil doon ko na ipagpapatuloy ang pag aaral ko sa pasukan. Para raw matutukan nila ako ng maayos. *** Nagising ako sa marahang pagyugyog ni kuya Remus sa aking balikat. Tinignan ko ito, "Put your seatbelt on. Malapit na tayong bumaba." marahang aniya. Nang makalabas kami sa NAIA ay naroon na kaagad si Kuya Ras. Wearing an aviator habang nakahalukipkip at nakasandal ito sa itim na ford. Ilang oras na ba siyang nariyan at mukhang inip na inip na ito. "Ras..." tawag pansin rito ni Kuya Remus. Mabilis naman siyang napabaling ng tingin at biglang nag buntong hininga. Tamad na tamad pa itong lumapit sa'min. "Kanina ka pa ba rito, Kuya Ras?" ani ko. Matapos itong yakapin. "Hindi naman. Tara na, eight hours pa tayong ba-biyahe pa Lavizares. Nagugutom ka na ba?" sunod sunod namang aniya. Umiling na lamang ako... "Okay." Hapon na nang magising ako. Napansin kong mga palayan na ang nadadaanan namin at kasunod niyon ang mga naglalakihang puno ng acasia. 'Di kalaunan ay lumiko na rin pakanan ang sasakyang minamaneho ni Kuya Ras. Nasa Lavizares na kami dahil nakita ko na ang may kalakihang karatula na nasa gilid niyon. Nang nasa Centro na'y napuna kong malaki na ang pinagbago niyon. Marami nang malalaking establishment at sa 'di kalayuan ay mayroon na ring may kalakihang mall sa tabi ng Clio's Cafe. Bago lang rin iyon dahil sa pagkakaalam ko'y wala namang nakatayong kahit ano roon ng umalis ako rito. "Kailan pa itinayo ang mall na iyan at ang Cafe?" Wala sa sariling tanong ko kila kuya. Bumaling naman ang tingin ni Kuya Ras mula sa front mirror. "Three years ago..." tipid na aniya. Napatango naman ako. Nakalagpas na kami sa Centro at ang Lavizares Church naman ang napansin. Malaki rin ang ipinagbago niyon dahil sa pagkakaalala ko maliit lang iyon at sementado lang iyon, pero ngayon ay nakulayan na ng dirty white at mukhang mas pinalaki pa ito. Nadagdagan na rin ang laki ng paaralan rito lalo na ang para sa kolehiyo na mayroong malawak na soccer field. Nang makalagpas na kami sa mga kabahayan ilang kilometro ang layo mula sa paaralan ay ang puno naman ng mahogany ang agad sumalubong sa'min. Lumiko pakanan si Kuya Ras kaya batid ko ng malapit na kami sa mansyon. Dalawangpong minuto pa ang tinagal ng biyahe bago ko muling nasilayan ang karatulang may nakaukit na De Vega's Property. Ang mansyon ay pinapagitnaan ng matayog na puno ng mahogany at magkakasunod na puno ng mangga. Nang huminto ang sasakyan ay agad akong bumaba at walang pasubaling tumakbo paakyat sa grand staircase ng mansyon. Naroon na sina Mama at Papa kasama sila Lolo't Lola. Maagap kong inakap ang mga ito at masayang bumati. "I miss you!" maligayang ani ko sa mga ito. "My goodness! Analia, ang ganda at ang tangkad mo na!" 'di makapaniwalang ani Lola Esme na ikinatawa ko. "Diyos mi yo! You're just fifteen but look at you now. Mas natangkaran mo pa ang mommy mo noong kabataan niya." madramang aniya. "Naku! Ma, matangkad lang yan pero tignan mo. Batang bata parin kung kumilos." buweltang ani naman ni Mama. Napahalakhak na lamang ako dahil sa mga naririnig kila Lola at Mama dahil hindi na sila natigil sa kakasalita ng tungkol sa akin at nang mapagod ay nagyaya na lamang si Lola Esme'ng pumasok sa loob ng bahay. "Kayong tatlo alam namin mahaba haba rin ang binyahe niyo kaya magpahinga na lamang muna kayo sa itaas. Hindi pa naman natatapos ang niluluto nina Manang Juana para sa hapunan." "Yes, La." sabay pa naming nasabi. Nang makapasok sa loob ng kuwarto'y nagpahinga na lang muna ako ng ilang minuto. Gusto ko muna kasing maligo dahil nanlalagkit na ang katawan ko mula pa kanina. Mabilis lang din akong naligo at nag blower ng lagpas hanggang balikat kong buhok. Kahihiga ko pa nga lang sa kama'y hindi ko na napansing hinila na pala ang mga mata ko sa pagtulog. •••
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
i like the story
20/07/2024
0very very very god
14/01/2024
0nice
03/04/2023
0Ver Todos