(My Brother is Doctor? Or, kwak-kwak?) Wala akong nagawa kun'di ang pumunta sa kwarto ni Kuya. Ayaw ko namang tuluyan ng bastos ako sa paningin n'ya sa 'kin. Binabago ko na nga ang sarili ko 'di ba? "What now?" Tanong ko agad sa kan'ya ng maka-pasok ako sa kwarto n’ya. Nadatnan ko s'ya sa may veranda ng kwarto n'ya habang naka-tingin sa malayo. Lumipat naman ang atensyon n'ya sa 'kin nang tinawag ko s'ya. "It's good to see you back." Sabi n'ya sa akin ng maka-lapit s'ya. "What's that for?" "Are you not happy to see me?" Tanong nito ng may mapang-asar na ngiti. "Ano bang gusto mong mangyari at pinapunta mo pa ako rito?" Inis kong tanong sa kan'ya. "Bakit ba ang init agad ng ulo mo?" "Eh, ba't mo nga ako pinapunta rito?" Hindi naman s'ya sumagot, kaya umakto na akong aalis. Agad naman n'ya akong kinabig pabalik, agad ko namang tinabig ang kamay n'ya at tinulak s'ya dahilan para mapaatras s'ya. Nagulat s'ya sa ginawa ko, maging ako ay gayon din. Agad na kumunot ang noo n'ya at halatang naguluhan bigla sa insal ko. "How do you know such thing?" Hindi naman ako sumagot, bagkus ay nag-iwas ako ng tingin. "Hey. I'm talking to you lil' sis." "Can't you just shut up?! Wala rin namang saysay kung malalaman mo." "Tapatin mo nga ako, ano ba talagang ikinaga-galit mo, at lagi ka na lang naka-sigaw? Gem, Kuya mo ako." Agad na tumaas ang dugo ko sa ulo. Hindi ko na napigilan ang sarili kaya naman… "Kuya? Kelan ka naging kuya? Dahil sa pagkaka-tanda ko, walang kapatid na uma-abandona ng kapatid n'ya." Huminga ako saglit. "Walang kuya, ang nang-iiwan ng kapatid n'ya kapag nahihirapan s'ya! At walang kapatid, na kayang tiisin ang kapatid n'ya! " Galit kong sigaw sa kan'ya. "Ganun ba ang kapatid? Ganun ba ang Kuya ang tinukoy mo?" Masama ko s'yang tiningnan at halos habol hininga ako nang tumugil akong mag-salita. "Gem, kung tungkol pa rin 'to sa nakaraan, pwede bang kalimutan na natin 'yun?" Malumanay n'yang sabi, na lalo kong ikina-inis. "Kalimutan? Ganun-gano'n na lang 'yon?" "Gem, I---" "Don't say you're sorry. Just prove yourself that your being sorry." Sabi ko sa kan'ya at umalis na sa kwarto n'ya. Hindi ko na s'ya pinag-salita pa dahil konti na lang ng pag-tatagal ko dun, alam kong magbe-breakdown talaga ako. Mahirap kayang tiisin na galit ka sa kasambahay mo. Lalo na, kapatid mo? Kaka-galitan mo? Hell no! sira ka na lang kapag ginawa mo ang mga bagay na 'yun. Sabihin n'yo ng masama ang mga gawa ko. Sabihin mo ng masamang tao ako, dahil pumapatay ako ng tao. Sabihin mo ng masama ang buong pagka-tao ko. Pero, tandaan mo. Kahit kelan, hindi ko magagawang pag-taniman ng galit ang mga mahal ko sa buhay. I maybe hard and tough outside, but, I'm also lenient inside. I maybe hard by sometime, in some part. But the moment that you say the magic word. My heart automatically melts like chocolate that left under the sun. "Curse this hatred!" Bulong ko habang tumatalisod ng buhangin sa tabi ng dagat. I decided to breath some air. Ayokong ma-occupy ng dahil naiinis ako sa sarili ko. Mahirap kasi sa 'kin, kapag na-iinis ako, sa iba ko ibinu-buhos. Namalayan ko na lang ang sarili kong napad-pad dito, sa madalas ko noong tambayan. Umakyat ako doon at doon ibunuro ang sarili ko. "Ahhh!!!" Malakas kong sigaw. 'ung sigaw na mawawala 'yung sakit. 'Yung sigaw na nakaka-gaan sa dibdib mo, 'yung nakakapag-pawala ng bara sa daanan ng hangin mo. Namalayan ko na lang na tumutulo na ang luha ko, sa totoo lang, kanina ko pang pini-pigilan ang mga iyon na huwag muna silang bumagsak. 'Yun iyong masakit sa dibdib eh, kapag hindi mo agad nailabas. "You freakin' pride!" Tangi kong nasabi habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Hindi ko naman mapigilan ang kamay kong pumukpok sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ilang oras ba ang tinagal ko roon dahil sobra na akong nangalay. Dinaig ko pa ang naka-heels eh. Iba pala talaga kapag sinasarili mo 'yung sakit. Mahirap dumaing sa iba kapag nasasaktan ka na? 'Chos!' Umalis na ako sa tayo ko nang napag-pasyahan ko nang umuwi, ngunit, napukaw ako sa nakita kong kung ano sa 'di kalayuan sa aking pwesto. Naka-ilang kurap pa ako dahil baka nagkaka-mali lang ako ng tingin, pero hindi, totoo. TAO ang nakikita ko. Dali-dali akong bumaba at pinuntahan ito. Ewan ko, pero hindi ako naka-ramdam ng takot na puntahan ito. Bukod sa sana'y na akong makakita ng ganito, na-curious lang talaga ako. 'Alam n'yo na, CURIOSITY KILLS.' "Bakit may ganito rito?" Agad akong luminga sa paligid ko kung may kahina-hinala ba, o baka may taong walang-puso ang nag-iwan nito dito. Dali-dali ko s'yang ini-ahon sa tubig. Nababasa pa rin kasi s'ya, kahit na nasa tabihan na s'ya. Halos maduwal ko ang laman ng tyan ko sa nakita kong itsura n'ya. "Uhughh." Sana'y naman akong makakita ng mga taong napapatay namin noon, pero, hindi naman ganito kalala. Sunog ang parteng likuran n'ya, at halos mamaga na ang itsura n'ya, dahilan na rin siguro ng pagka-babad n'ya sa tubig. Ilang sandali pa ang hinintay ko, bago pa ako maka-recover sa sakit ng sikmura ko. Pagkatapos ay saka ko ulit s'ya hinarap. Agad ko s'yang pinulsuhan. Hoping na baka buhay pa s'ya at kayang isalba. It's God miracle, may naramdaman pa akong kahit konti rito. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil bigla na lang akong naka-ramdam ng saya. I'm not a doctor, but, I'm really happy to that pulse. Mabilis pa sa alas-kwartong naka-balik ako sa bahay para puntahan ang magaling kong Kuya. "Big bro!" Malakas kong tawag sa kan'ya. Pero kahit siguro ilang tawag ang gawin sa kan'ya, hindi s'ya lilingon sa akin. Busy s'ya sa panonood ng Grey's Anatomy, malamang na naka-full na naman ang volume ng headphone n'ya. Agad akong lumapit sa kan'ya at inis kong inalis ang headphone n'ya. "Ay, Meredith! " Gulat n'yang bulalas, habang naka-hawak pa sa dibdib n'ya. "I'm not Meredith. " Sabay irap ko sa kan'ya, at ibinato ang headphone n'ya. "What's your problem?" "I need your…help." Sabi ko sa kan'ya, sabay iwas ko ng tingin. Kita ko namang biglang lumabas ang nakaka-loko n'yang ngiti, pero hindi ko na ito pinansin. "I don't have the time for your silliness Big Bro. it's an EMERGENCY!" Pagka-rinig n'ya ng EMERGENCY ay awtomatiko s'yang napa-tayo. "What? Where? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Saad n'ya habang madaling kinuha ang mga gamit n'ya. Napa-iling na lang ako. That's our doctor. Mabilis kaming bumalik doon at halos hangos na kaming dalawa ni Kuya. "Is he have pulse? Tsaka, anong nangyari sa kaniya?" "Yes, pero mahina na ang pulso n'ya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kan'ya. Nakita ko na lang s'ya dito kanina." "Did you give him a CPR?" "No, not yet. That's why I call you." Kita ko namang biglang namutla si Kuya. "Gem, do the CPR now." Utos n'ya sa akin at agad na tumayo at lumayo sa lalaking naka-higa sa buhanginan na walang malay. "What?! Are you Nuts?! I'm not a doctor!" "Do you want to save this patient?" "You're a real joke big bro. Para kang timang." Natatawa kong sabi sa kan'ya. "Of course, kaya nga tinawag kita para ma-isalba mo ang buhay n'ya. Tapos, ako etong isasalang mong mag-CPR? Sabihin mo na lang sa 'kin kung papatayin ko na 'to?" Ingil ko pa. "Can't you keep quiet? May malay s'ya. Kung gusto mong mabuhay s'ya, gawin mo na ngayon ang CPR." Sabay hila n'ya sa 'kin pa-upo. "You're really kidding me Big Bro." "Just do it Gem!" Dahil sa kalituhan ko kay Kuya ay sinunod ko na lang s'ya. Napansin ko din kasing biglang nag-bago ang mood n'ya nang malaman n'yang hindi ko pa ito nac-CPR. I started to pump his chest and check his pulse. Naka-tatlong beses akong i-revive s'ya bago pa s'ya bumuga ng tubig. Kaya naman laking tuwa ko ng makitang humihinga na ulit s'ya. "Welcome back to light." Sabi ko ngitian siya bago ako tumayo. Masama ko namang tiningnan si Kuya. "You're so ridiculous, you know?" "No, I'm not. I just…can't do it." Sabi pa n'yang muli at nag-iwas na naman ng tingin n'ya sa 'kin. "Are you a doctor? Or, kwak-kwak?" Tanong ko sa kan'ya na nakapag-pataas ng kilay n'ya. "Tss. Ewan ko sa 'yo. Dalhin na natin 'to sa ospital. Baka lalo 'tong ma-tyugi." "Hindi natin dala 'yung backboard." "Ano?! Doctor ka ba talaga Big Bro?" Marahil ay nag-tataka kayo kung papano ako nag-karoon ng kaalaman sa pagc-CPR. Bukod sa, doctor si Kuya George, kumuha din kasi ako ng medicine nung college ako. Pero, hindi ko na naituloy, umataki kasi ang katamaran ko. Huwag n'yo naman akong gagayahin, masarap kayang mag-aral sa totoo lang. Mas marami ka kayang i-explore kapag may na-aaral ka. Basta, mag-sipag ka lang. Cut the chase! "Look, the surfer!" Aniya habang tinatanaw ang mga nagsi-surf sa 'di kalayuan sa amin. Dahil sa sobrang saya ko, halos mayakap ko si kuya. Alam kong napansin din naman n'ya ang pag-yakap ko sa kan'ya, siguro masyado ding masaya, kaya hindi na niya ito pinasin. Hahaha. Napa-isip naman agada ko kung paano naming matatawag ang dalawang surfer na 'yon? Kaya bigla akong kinabahan na naman. Naka-sanayan ko ng hawakan ang k'wintas kong bigay ni papa sa ‘kin noong 7th birthday ko. Gawa ito sa shell at isa itong… "Bro! I have a whistle." Pagka-sabi ko nito ay agad ko na itong hinipan. Naka-ilang ihip pa ako nito, saka lang nila kami napansin nang halos malagutan na ako ng litid. "Emergency talaga ang lagay natin nito ha?" Pabalang kong sabi sa kan'ya. Hindi naman s'ya sumagot, bagkus ay inayos na n'ya 'yung lalaki. Ilang sandali pa ay dumating na ang tinawag naming surfer. Halos sabunutan ko na ang sarili ko nang makita kung sino ang mga ito. "Hell yeah?!" Bulalas nito nang makita ako. Ear to ear talaga ang ngiti ng aso. "Stop making a scene Charlie." Agad kong pinutol ang kasiyahan n'ya. "If you won't mind." Tumingin ako sa kan'ya at sa kasama n'yang isa pa ring nag-pipigil ng tawa. "You, and Miguel. Give us the hand here." Utos ni Kuya. Agad naman silang lumapit at tinulungan si Kuya na ilagay 'yung lalaki sa surfboard nila. "Sir, if you can hear me right now, we will go to the hospital now. You'll need to admit immediately." Kita ko namang nag-blink s'ya, kaya naman napanatag na ulit ako. Bakit ba iba ang pakiramdam ko kapag may mga ganitong scenario? Ang cliché ng pakiramdam, pero alam mong nandun 'yung takot mo sa bawat oras na lumilipas at walang nangyayari. Sana lang ay maging maayos itong pasyeteng ni-revive ko. And, for the first time. Bumuhay ako ng tao, I mean, niligtas ko ang buhay ng isang 'to. High ang expectancy kong mabubuhay s'ya. Kaya huwag s'yang ano. Baka ako mismo ang kumitil sa kan'ya.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 41 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (8)
GulleElvin Jude
good
09/11/2024
0
Mcloween Lapurga
magan da
16/10/2024
0
JerwinBunao
umalis jsjdjjdjsjdjcjcjsnnxjcjj jcjdjvividoiskdkfviivkvjvkvkvjividiiidjfjvisoaowowofoiiifkdkmcmvk idisoeoodfovoviofofodididiicii I I I I I ibivifif
good
09/11/2024
0magan da
16/10/2024
0umalis jsjdjjdjsjdjcjcjsnnxjcjj jcjdjvividoiskdkfviivkvjvkvkvjividiiidjfjvisoaowowofoiiifkdkmcmvk idisoeoodfovoviofofodididiicii I I I I I ibivifif
03/09/2024
0Ver Todos