logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

TSL 4

Naging maaga ang uwian ngayong hapon dahil wala kaming klase sa last subject may meeting daw kasi ang teacher namin.
Naglalakad ako sa hallway habang nag iisip kung ano ang aking gagawin mamaya pagdating sa bahay. Pero actually alam ko naman talaga kong ano ang gagawin mamaya. Memorized ko na ang routine ko sa araw araw.
Kahit maraming estudyante akong nakasabay sa paglalakad ay ramdam ko parin ang lungkot lalo't na wala si Mais ngayon. Hayst. Naiinggit ako sa ibang estudyante na kung makatawa ng malakas ay parang walang mga problema sa buhay. Kita at ramdam ko ang saya sa kanilang mukha.
Or maybe they're only good at hiding their true feelings.
May ibang estudyante akong nakasalubong na nginingitian ako kaya nginingitian ko rin sila pabalik. Kapag merong nang iirap edi back to them.
Tuluyan na akong nakalabas sa university at nang mapag isipan kong hindi pa muna uuwi sa bahay. Kahit may bakante pang upuan sa jeep ay mas pinili kong sumakay sa tricycle.
"Manong sakay po...sa tricycle niyo po ako sasakay." Ngiting aso ang iginawad ko sa kanya. Ba't ganoon ako magsalita? Eh bitin kasi ako makipag usap minsan kaya mas mabuting straight to the point nalang agad.
"Saan tayo,Miss?" Tanong niya habang diretso ang tingin sa daan.
" Sa lugar na walang lungkot manong. Alam mo ba kung saan?" Pagbibiro ko na ikinangiti naming dalawa. Gusto ko lang pagaanin ang nararamdaman ko lalo't na papagabi na siguradong iiyak na naman ako mamaya.
"Dito sa mundong ginagalawan natin Miss walang lugar dito na walang lungkot. Parti ng buhay natin ang makaramdam ng lungkot. Isa pa temporary lang 'yon tulad nating mga tao. Kahit nakangiti ay ramdam ko ang pagiging seryoso sa kanyang mga sinabi. May hugot.
"Temporary lang naman talaga lahat ng bagay dito sa mundong ginagalawan natin manong. Lahat may katapusan."Nakangiti kong sagot sa kanya at umiwas nalang din ng tingin at saka nanahimik nalang din. Nilalaro laro ko nalang ang aking ID hanggang sa napag isipan kong itago ito sa aking bag.
"Manong dito nalang po ako." Agad kong sabi nang ilang metro nalang kami malapit sa mall. Lalakarin ko nalang para mas madali kesa sumabay sa traffic. Pagkatapos magbayad ay nagpasalamat ako sa kanya.
Dumiretso na ako sa national bookstore. Tingin tingin lang muna hanggat makapili ng gustong bilhin na libro.
Dumapo ang aking mga mata sa isang sets ng libro. Lumaki ang aking mata nang makita ko ang title ng naturang libro. The anthologies of Lang Leav. Pero mas lalong lumaki ang aking mga mata ng makita ko ang price nito. Bumagsak ang balikat ko nang ibalik ko ang libro sa kinalalagyan nito.
Kulang ang savings ko kung sakaling bilhin ko ang librong 'yon. Matakaw pa naman ako sa pagkain kung nagkataong nabili ko ang libro baka manghina ang mga alaga ko sa loob ng aking sikmura.
Lumipat ako sa isang bookshelf nang may kumalabit sakin. Dahan dahan kong siyang tiningnan pero nalukot lang ang aking mukha nang hindi ko siya maalala este hindi ko talaga siya kilala.
"Excuse me,Mister. May kailangan ka po ba?" Magalang kong tanong kahit sa totoo ay gustong gusto ko na siyang sapakin. Ang langya nakangisi pa.
"Meron miss. Ikaw." Nakangisi niyang sagot at unti unti na ring ngumiti. Sa pagkaalala ko wala naman akong utang kahit kanino.
"Ba't ako este anong kailangan mo sakin? Eh di nga kita kilala eh". Sarkastiko kong sagot at pilit na ngumisi nalang. Pinagmasdan ko siya at doon ko nakita na magkapareho ang aming uniform. Pero hindi kami magkaklase. Iisang university lang talaga kami pumapasok.
"Kilala ko lang ang mukha mo pero hindi ang pangalan mo. Kaya nga magpakilala ako sayo." Napakamot pa ito sa batok na parang nahihiya. Napatango tango na lang din ako sa kanya.
"Ganoon po ba." Maikli kong sagot sa kanya. Sinilip ko ang kanyang ano– ang kanyang pangalan sa ID. Pero di talaga ID niya ang sinilip ko. Basta agaw attention kasi eh char. Napaiwas ako ng tingin nang tiningnan niya rin kung saan ako nakatingin.
Bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi. Wala namang mali sa ginawa ko ahh. Mali bang tingnan? Tumikhim siya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Wag mo ng tingnan baka matunaw." Nakakalokong ngiti ang iginawad niya sakin bago kumindat.Bakit matunaw eh hindi naman 'yon sorbetes?
Ngumisi din ako sa kanya bago sinagot. "Eh ano kasi eh ang laki naman." Sagot ko in a casual tone lang. I saw an amusement in his face.
"Really? Oh I'm flattered." Di makapaniwala niyang sagot sakin. Ano daw? Flattered daw siya dahil sa sinabi ko?
"Ah eh opo,ang laki ng ulo hihi." Walang sabi kong tinitigan ulit. Ang laki talaga! Parang nabato siya sa kanyang kinatatayuan na parang di siya naniwalang nasabi ko 'yon. Eh 'yon naman talaga ang totoo eh.
"Halata ba talaga? Pero of course malaki talaga 'yon." Parang nagmamayabang pa talaga ang boses nito.
"Opo sobrang halata. Malaki po 'yong ulo niyo sa ID niyo. At mas malaki po pala kahit hindi  sa ID." Diretso kong saad sa kanya. Baliw ano ba kasi ang iniisip niya. Ngayon ko lang na noticed na may kalakihan pala ang ulo niya. Pero bagay lang naman sa kanya.
Nakanganga lang siya sa harapan ko ngayon habang nakatayo. Baka inaabsorb pa lang ng utak niya ang sinabi ko. 'Yan kasi na misinterpret niya ang nasabi at titig ko sa kanya kanina. Napakamot nalang ito sa batok at parang nahihiya na talaga siya.
"Ayy akala ko kasi iba ang ibig sabihin mo.  Jack nga pala. May I know your name?" Pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay. Pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa kanyang kamay.
"Eh nakalimutan ko ang pangalan ko sa bahay wala kasi akong dalang ID ngayon." Matamis ang ngiti na ginawad ko sa kanya. Nakakunot naman ang noo nito habang sinusuri ako.
"Huh? Eh pwede lang naman 'yun. Pwede mo namang sabihin ang pangalan mo kahit wala kang ID." Aba shutaa tinaasan pa ako ng kilay. Eh ayaw ko nga ipaalam ang pangalan ko.
"Eh sakin kasi hindi pwede. Isa pa pangalan ko naman 'to eh. Nasa akin na 'yon kung ibigay ko o hindi. Kung naiinggit ka po pwede mo namang sundin." Pagpapaliwanag ko pa na inirapan niya lang. Eh di syempre inirapan ko din.
"Pangalan lang naman eh. Damot ang ganda pa naman sana. Sige na, siguro ang pangalan mo ay tulad sayo. Maganda rin." Abaa akala niya siguro madadala niya ako,bahala ka dyan.
"Eh hindi ko nga maalala ang pangalan ko. At alam kong maganda ako no duhh." Pang aasar ko sabay flipped ng buhok ko. Lumalabas talaga ang pagiging mataray ko minsan.
"Damot naman. Binabawi ko na ang sinabi ko. Hindi ka naman kagandahan. Period." Matigas niyang diin na inirapan ko lang.
"Pakipulot ng pake ko. Palibhasa di ka mahal ng Papa mo eh!" Asik ko sa kanya sabay walk out. Eh ayaw ko ngang ipaalam pangalan ko eh.
Kung gusto lang naman pala nilang malaman eh di sana noong kapapanganak pa lang sakin ay nandoon sila para malaman nila agad ang pangalan ko.
Dahil sa nangyari ay lumabas ako na walang biniling libro. Pero okay lang naman at least makasave pa ako para mabili ko na ang gusto kong libro.
Naglalakad ako sa kanto nang makita ko si manong na nagbebenta ng fishball. Bumili ako ng fishball at sinamahan ko nalang din ng juice.
Pumara ako ng tricycle para makauwi na. Nang masabi ko na sa driver kung saan ako bababa ay nagtext ako kay Azilly na papauwi na ako.
Nang masent na ay dali dali kong inubos ang juice at fishball. Pagkalipas ng ilang minuto ay nasa tapat ako ng buhay namin. Bumaba ako nagpasalamat sa driver.
"Salamat po,manong." Magalang kong sabi sa kanya ngumiti naman siya at tumango.
Madilim pa sa loob ng bahay tanda na wala pang tao sa loob. Kailan kaya uuwi si tatay? Namiss ko na siya sobra. Gustong gusto ko na siyang makita at makausap man lang.
Isinara ko ang gate kung sakaling uuwi si tatay ay may susi naman siya kaya malayang makapasok siya sa bahay.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Kinapa ko ang switch ng ilaw at napabuntong hininga na lamang. Hayst! Habang pinagmasdan ang kabuuan ng bahay ay di ko mapigilang mapaisip na naman.
Sad hours starts now.

Comentário do Livro (61)

  • avatar
    Anamae Duma

    it's so Imotional but nice

    20/03

      0
  • avatar
    Gela Bangcong

    Ang ganda ng story 😍

    14/01/2025

      0
  • avatar
    Rhiannah Mae C. Mondido

    thank youu po

    26/10/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes