Hindi ako maka-concentrate sa klase. Tinutukso ako ng antok. Lutang na lutang talaga ako pakiramdam ko parang nasa ulap ako char. Inilabot ko ang aking mga mata sa loob ng classroom at karamihan sa kanila ay tutok na tutok sa discussion ng professor namin habang ang iba na katulad ko ay kunwaring nakikinig din. Shutaa. Wala akong ginawa sa buong session kundi ang labanan ang nadarama ko para sa kanya este ang antok ko pala. May mga oras na gusto kong sumuko nalang at matulog pero natatakot din akong mapagalitan at baka ito pa ang maging rason para mawala ang scholarship ko. "Okay class dismissed" anunsiyo ng gwapo naming professor. Parang nabunutan ako ng tinik pagkarinig ko ng sinabi niya kaya mas nauna pa akong tumayo sa lahat. Pagod na pagod ako kahit na wala naman akong ginawa o nakinig man lang sa discussion niya. "Uyy Aster" tawag ng katabi ko sa upuan kanina. Ngingitian ko muna siya bago sinagot. "Uhm bakit,Phy? May kailangan ka ba? Magalang kong tanong sa kanya. "Uhm wala naman Aster" sagot niya habang umiiling iling." Eh ano kasi...napansin ko lang kanina parang di ka ata nakikinig" napakamot ito sa kanyang ulo na parang nahihiya. "Anong parang ka dyan? Hindi talaga ako nakikinig no!" Natatawa kong sagot sa kanya.Sobrang lakas ng tawa ko dahilan para mapalingon ang iba naming kaklase sa aming gawi. Napa faced make nalang ito dahil sa sinabi ko." Ang honest mo naman,Aster." Pang aasar pa niya sakin. "Wala naman kasing rason para magsinungaling ako,para ano pa diba? Ang antok nga na nararamdaman ko kanina di ko matatago eh." Pagbibiro ko pa sa kanya. Pero totoo naman kasi eh nagpapakatotoo lang naman ako. "Uhm sige Aster ha mauna na ako. Sinusundo na kasi ako ng boyfriend ko hehe. Ingat ka." Nakangiti niyang pamamaalam sakin. "Sige Phy, ingat kayo. Sana ol talaga may boyfriend char!" Asik ko sa kanya na ikinatawa lang namin pareho. Naglalakad ako papuntang canteen nang makatanggap ako ng text. Wengyaa akala ko ba sabay kaming papuntang canteen pero di bale sabay pa rin naman kaming mag lunch. Lagi nalang nauuwi sa banatan ang convo namin. Parang di mabubuo ang araw ko kapag seryoso lang lahat. Am I joke to you? "Grabe hinintay kita tapos sa huli ako pa ang naiwan." I texted back. Saktong pagkatapos kong magreply ay nakarating na ako sa canteen. Pero in fairness ha di ako natapilok habang nagtetext. Skill 'yan. Di na ako nahirapang hanapin siya. Nasa bandang kanan ito nakaupo malapit sa bintana. Sabing di kami marunong mangaliwa eh. Kumaway ako sa kanya para makita niya ako. "Hi Popcorn. Sorry kung napatagal ako. Pero ayos lang naman sayo diba? Kong magkasabay sana tayo eh di hindi ka naghintay ng matagal."Nakangiti kong sambit sa kanya na para bang naisahan ko naman siya. " Okay lang Mais as if may magagawa pa ako diba? Pamamaktol niya pa na kinatawa ko lang. "Lab mo kasi ako ayiee" pang aasar ko pa sa kanya habang tinanggal ang suot na backpack sa aking likuran. "Lab? Labuyo? Laboratory? Balik asar niya sakin sabay irap na inilingan ko lamang. "Labahan at labador." Asik ko pabalik sa kanya. Hindi talaga ako magpapatalo kapag walang kwentang usapan pero kapag related sa klase ay mas mabuti pang manahimik nalang ako. "Labador? Aso yan diba? Painosente niyang tanong. Para di na humaba ang usapan ay tinanguan ko na lamang. Bahala ka dyan malaki ka na! " Gutom lang yan,Popcorn. Tara na kuha tayo ng pagkain." Wala din kaming problema sa pagkain kasi once na scholar ka ay free na din pati yung pagkain. Pagkatapos naming makapili ng pagkain ay bumalik na kami sa pwesto. Si kuya na daw ang bahala maghatid ng pagkain namin. Habang naghihintay ay binuksan ko muna ang Twitter account ko. Ilang minuto pa lang akong nagscroll ay lumipat na ako sa Facebook. Pero wala paring pinagbago ang dalawa parehas lang na boring parin char. Saktong ibinalik ko ang aking cellphone sa bulsa nang dumating na rin ang aming pagkain. "Salamat po." Sabay naming sabi kay kuya. Ngumiti naman siya sa amin bilang tugon. "Uhm Popcorn, bigyan mo nga ako ng ka chat." Sambit ko sa kanya sabay subo ng pagkain sa pangatlong beses. "Sino naman ibibigay ko sayo? Eh ako nga wala din eh." Sarkastikong asik niya. "Ang boring naman kasi. What if magchat nalang tayo ng afam." Nakangising suggestion ko sa kanya na ikinangiti niya. "Uhm pwede din,Mais. What if ibenta nalang kaya kita sa afam! Excited niyang sambit sakin. Napainom nalang tuloy ako juice na binigay ni kuya kanina. " Gagiii! Ansama mo talaga ano?" Naiirita kong sagot sa kanya. Tumawa lamang ang baliw. "Baliw hati naman tayo sa pera eh!" Pang aasar niya na inirapan ko na lamang. Balak pa talaga akong ibenta. Kaibigan niya ba talaga ako? Lihim akong ngumiti sa aking naisip. Pagkatapos ng asaran ay ilang minuto kaming natahimik. Mas mabuti 'yun para makakain na kami ng maayos. Pero ilang minuto lang ulit ang nakalipas ng magsalita si Popcorn. Ang awkward naman kasi kapag tumahimik kaming dalawa. "Uhm by the way,magpapaalam pala ako na hindi ako makasabay sayo pauwi mamaya ha may importante kasi akong puntahan." Paliwanag niya na tinanguan ko naman. "Mas importante pa sakin,popcorn?" Tanong ko na kunwaring nagtatampo pa. Di ko talaga maiwasan na hindi mang asar. Ang love language ko sa kanya ay ang asarin siya tapos magtatampo kapag napiko ako. "Malamang! Mas importante pa sayooo!" Balik asar niya sabay irap na naman. Masama ko siyang tiningnan habang siya naman ay patuloy lang sa pagsubo ng pagkain. "Edi doon ka na lang sa kanya,'wag mo na akong balikan dahil wala ka nang babalikan." Pananakot ko sa kanya at kunwaring umiyak. Ganito ang bonding namin minsan parang magjowa madalas mga baliw. " Baliw ka sabihin mo na lang kasi na natatakot kang umuwi mag isa!" Humalakhak pa talaga siya pagkasabi no'n sa'kin. Dahil sa kanyang paghalakhak ay napatingin saming gawi ang ibang estudyante lalo na yung katabi naming mesa. Pero as always isa lang ang masasabi namin. WDC as in we don't care! "Baliw di ako natatakot no! Mukha mo nga nakakatakot eh natakot ba ako? Diba wala? Pamamaktol ko pa na ikinangisi lang namin pareho." Basta Popcorn kung saan ka man pupunta mamaya sana makauwi ka pa char basta mag ingat ka ha." Ngumiti naman ito dahilan para lumabas ang dalawa niyang dimples. Ang cute! Maganda si Azilly syempre mana sakin. Siguro ganoon talaga 'yon sabi kasi nila kapag sumama ka sa matatalino ay magiging matalino ka din eh kaya siguro maganda 'tong si Azilly kase lagi kaming magkasama. "Mais, would you mind if I ask? Tanong niya habang tinatahak namin ang daan pabalik sa classroom. Were just on the same level magkaiba lang ng section. Nasa section A ako habang siya naman ay section B. Ang classroom ko ay nasa third floor habang ang kanya ay sa second floor lang. "Uhm okay lang Mais, bakit ano ba yan?" Sobrang close namin sa isat isa obvious ba? kaya open kami sa lahat ng bagay. Pero alam din namin ang hangganan and privacy ng bawat isa kumbaga. Kahit gaano ka close ang isang tao sa atin may mga bagay talaga na di rin natin maaaring masabi o ipaalam sa kanila. Lahat naman tayo siguro ganyan diba? Wala namang masama lalo na kapag sobrang confidential. Desisyon natin yan na kailangang irespeto. "Uhm ano kasi Popcorn. Si tatay mo kamusta na? Naka uwi na ba siya?" Naiilang niyang tanong pero di talaga mawala ang pag aalala. I smiled at her before I answered her question. Alam ko concern lang din siya sakin." Actually Mais kagabi pa siya hindi nakauwi eh pero baka mamaya paguwi ko nasa bahay na siya." Parang nasanay na din ako na ganyan si tatay. Kahit ganoon ang nangyari he is still my father and I love him. "Basta kapag wala kang kasama sa inyo punta ka lang sa bahay ha." She said sweetly while holding my hand. Ngingitian ko naman siya at tinanguan na lamang. Naghiwalay na ang landas namin nang huminto na kami sa tapat ng classroom niya. We both wave goodbye to each other while I'm here taking the path alone again. Di pa naman ako late kaya ginamit ko ang natirang oras para pumunta sa cr hindi para magretouch kundi para umiyak. Hindi ko alam kong basta parang di ko lang mapigilan ang pagiging emotional ko. Lagi naman eh sanay na ako. Kakaiba talaga ang feeling kapag sa cr ka umiyak. Diba? Nakakapagod din na makita mo ang sarili mo na lagi nalang umiiyak. Ang bilis magbago ng nararamdaman ko,kani-kanina lang ay masaya ako tapos ngayon natagpuan ko nalang ang sarili ko na umiiyak. Normal lang kaya 'to? Kakapagod ang paulit ulit nalang na sakit.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
it's so Imotional but nice
20/03
0Ang ganda ng story 😍
14/01/2025
0thank youu po
26/10/2024
0Ver Todos