logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

TSL 5

Pumasok ako sa aking kwarto para magpalit ng damit pagkatapos ay sandali kong inihiga ang aking katawan sa higaan. Parang araw araw nalang akong pagod kahit na hindi naman mabigat ang mga gawaing ginawa ko buong hapon.
Kahit makinig sa discussion ay napapagod ako well let's say na tamad lang talaga siguro ako.
Ipinikit ko sandali ang aking mga mata. Based sa nabasa ko kanina napping at 6 minutes will improved your memory daw. Malalaman natin.
Pakiramdam ko nakakadagdag ng pagod ang sobrang lungkot.
Pagkalipas ng ilang minuto ay napagdesisyunan ko ng lumabas at magluto ng hapunan. Nagbabakasakaling uuwi ngayong gabi si tatay.
Nagluto ako ng hapunan na sapat lang sa aming dalawa. Minsan kasi kapag hindi siya makauwi ay nasasayang lang din ang pagkain na para sa kanya sana. Habang hinihintay na maluto ang aking sinaing ay inaliw ko ang aking sarili sa pakikinig ng music.
Napipikit ako habang ninanamnam ang beat maging ang bawat liriko at ang nakatagong mensahe ng kanta.
Naluto na ang inihanda kong hapunan pero wala parin si tatay. Naghintay pa ako ng halos isang oras bago napagdesisyunang kumain nalang.
"Kahit pinaramdam mo sakin na hindi mo ako mahal hindi parin magbabago ang pagtingin ko sayo,tay. Mahal kita at kahit anong mangyari ay ama parin kita." Naiyak kong sumbong sa hangin. Para akong baliw na kinakausap ang hangin habang umiiyak. Sobrang miss ko na talaga si tatay.
Okay lang sakin na hindi niya ako pinapansin sa tuwing nandito siya sa bahay kesa di siya uuwi at di ko man lang siya makita.
Iniligpit ko ang aking pinagkainan at hinugasan ang mga ito. Saktong kakatapos ko lang hugasan ang mga plato nang marinig kong bumukas ang pinto. Mula sa aking kinaroroonan ay nakita ko ang bagong dating na si tatay. As usual lasing na naman.
Ngumiti ako sa kanya bago bumati. "Magandang gabi,tay. Na miss kita tay sobraa. Lumapit ako sa kanya para sana humalik at yumakap pero itinulak niya ako palayo. Tamad niya akong tiningnan saka nagmartsa papalayo.
"Gusto niyo pong kumain? Nagluto po ako tay. Wait lang tay ha ipaghanda ko po kayo
Hindi niya na ako pinatapos sa pagsasalita. " Hindi kita kailangan. Hindi ko kailangan ang pag aalaga mo sakin. Ang tanging kailangan ko lang ay ang iyong ina."  Tuloy tuloy na sabi niya at akma ng papasok sa kanyang kwarto nang bigla ko siyang pinigilan.
"Bakit tay? Nandito naman ako ah. Hindi ko ginusto na mawala si Mama. Sana kong alam ko lang na ganito ang mangyari sakin,mas gustuhin ko nalang na ako ang nawala. Sana ako nalang. Garalgal ang boses ko habang nagsasalita sa harapan niya. Halos hindi ko na marinig ang aking boses dahil sa pag iyak. I feel so lost.
" Sana  nga ikaw nalang." Halos manlamig ang buo kong katawan sa kanyang sinabi. Wala na talagang pag asa na mahalin at tanggapin pa ako ng aking ama. Tanggap ko kung ayaw sakin ng iba pero ang manggaling mismo sa aking ama ay parang di ko talaga kaya.
Naiwan akong umiiyak. Wala ng mas masakit pa kapag galing na mismo sa sarili mong pamilya ang mga masasakit na salita. Sobrang sakit kapag sarili mong pamilya na ang nagtataboy sayo. Sobrang sakit na kahit sila mismo ay ayaw na rin sayo.
Seeing him walked away from me makes my heart shattered into pieces. I immediately run towards inside my room. Isinubsob ko ang aking mukha sa unan at doon tuluyan kong ibinuhos ang pag iyak. Hindi ako tumigil hanggat nakaramdam pa ako ng sakit.
Gaano ba ka laki ang nagawa kong kasalanan upang iparamdam nila sakin ang lahat ng ito? Gaano nga ba ka laki na parang ang hirap nila akong patawarin? Bakit ang hirap para sa kanila na mahalin at tanggapin ako?
Hindi ko ginusto na mangyari ang lahat ng iyon. Kung alam ko lang sana na ayaw nila sakin edi mas gusto ko pa na ako nalang sana ang nawala. If only I knew.Dahil ang hirap na ikaw ang sinisisi sa mga bagay na hindi mo rin ginustong mangyari.
Simula noong ipinanganak ako sa mundong ito na naging dahilan ng kamatayan ni Mama,ay kinaiinisan na ako ng lahat. Kapwa pamilya nina Tatay at Mama ay galit sakin.
I understand why. Really. Pero ako? Kailan man ay hindi nila inintindi.
Habang lumalalim na ang gabi ay mas lalo pa akong naiyak. Halos nakapikit na ang aking mga mata dahil sa bigat ng talukap nito. Hanggang sa tuluyan ko ng nakatulogan ang pag iyak.
Sleeping always saved me from sadness and pain. It is one of my escaped.
Maaga akong nagising kinabukasan dahil may pasok pa ako. Pagkatapos kong magawa ang morning routines ko ay dali dali na akong naghanda papuntang paaralan. Hindi ko na hinintay pa na magising si tatay,siguradong pagkagising niya mamaya ay aalis na naman ito.
Maaga akong nakaalis,doon nalang ako sa university magpalipas ng oras. Saktong paglabas ko ay may dumaan na taxi. Pumara ako at kinuha ang aking cellphone para magtext kay Azilly.Matapos ma sent ay ilang minuto ang lumipas at nagreply din siya.Hindi siya makasabay sakin dahil inutusan siya ng kanyang ina.Kahit alam kong masasaktan lang ako ay nagawa ko paring magbiro sa kanya.
Sana lahat may Mama.
Sabihin ko man or hindi eh totoo naman talaga. Sasabihin ko talaga ang gusto kong sabihin kahit na alam kong ako lang din ang masasaktan.
Kung saan saan pa napunta ang aming pinag usapan hanggang sa nakarating na ako sa tapat ng university.
Doon ako ulit pumwesto sa suki kong bench. Napayakap ako sa sarili nang dumampi ang malamig na hangin sa aking balat. Napapapikit nalang ang aking mga mata habang napapaisip na naman muli. Hindi ko talaga mapigilan na ang sarili na huwag mag overthink araw man o gabi.
Ang lungkot lang isipin na dito ko pa mismo maranasan ang maging masaya sa itinuturing kong pangalawang bahay kesa totoong tahanan namin.

Komentar Buku (61)

  • avatar
    Anamae Duma

    it's so Imotional but nice

    20/03

      0
  • avatar
    Gela Bangcong

    Ang ganda ng story 😍

    14/01/2025

      0
  • avatar
    Rhiannah Mae C. Mondido

    thank youu po

    26/10/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru