Sabado ng umaga ngayon, pagkatapos kong gawin ang morning routines ko ay nag abang ako ng sasakyan sa labas. Habang nag aabang ng masasakyan ay napansin kong tahimik pa ang paligid marahil ay natutulog pa ang mga kapitbahay ko. Kahit maaga pa ay mas pipiliin ko nalang na doon manatili sa university kesa magpalipas ng oras dito sa bahay at as usual isa lang ang dahilan. Nakakalungkot. Hindi kami mayaman ngunit di rin kami mahirap. Sakto lang talaga. Pero ngayon di ko alam kong ano ang estado ng buhay namin. Basta. Let's just say na parang relasyon niyo nalang. Complicated. Napapaisip ako,siguro kung buhay lang siya ay hindi ganito ang buhay ko. Siguro masaya ako ngayon, actually masaya naman ako pero alam mo yung feeling na masaya ka pero parang may kulang talaga. Napabuntong hininga nalang ako." Cheer up,self! Ngayon pa ba tayo susuko? Pagmomotivate ko pa sa sarili. Pero sa totoo lang noon ko pa gustong sumuko. Pero naisip ko rin na sa oras na gawin ko yan ay ako lang din ang talo. I know there's more to life than the pain that I'm feeling right now. Ilang minuto pa akong naghintay ng masaskyan pero ni isa ay walang dumating. Napairap nalang ako at nagsimulang maglakad. Nakailang hakbang pa lang ako ay siya ding pagdating ng Taxi. Nang makasakay na ako ay nakita kong may dalawang taxi pa na dumaan." Kung saan nakahanap kana ay siya ring pagdating nila ." Dahil sa aking sinabi ay nakita kong napatingin ang driver sakin habang nakangiti. Ngingitian ko rin siya pabalik. Sana sa susunod 'pag may darating man sana ay genuine happiness nalang. Napatigil ako sa pag isip nang maglita si manong driver. "Saan po tayo ma'am? Nginitian ko siya bago sinagot. Sana ol laging naka smile. Pero di naman ibig sabihin nun na kapag lagi kang naka smile ay masaya ka diba? " Ahh sa ano po manong, sa lugar kong saan ka magiging masaya yieee." Nakangiti kong sagot sa kanya. Dahil sa aking sinagot ay nakita kong binasa ni manong driver ang kanyang buhok ng kanyang laway wengyaaa maging ang kilay nito. Nakatirik ang kanyang buhok na sigurado ako na kapag malaglag ang butiki dito ay siguradong mamatay talaga.Tumingin muna siya sa salamin bago bumaling sakin." Eh kahit saan ma'am basta kasama ka ay magiging masaya na ako." May pakindat kindat pa ang baliw wengyaaa. Wrong moved. "Sa university po ako manong,eh hayaan mo nalang yung sinabi ko nagbibiro lang po ako. Huwag niyo pong seryosohin." Labas sa ilong kong laban sa kanya. Eh nagbibiro lang naman talaga ako eh. Pero at least nakangiti ako dahil kay manong. Nang huminto ang taxi sa tapat ng university ay iniabot ko na sa kanya ang bayad sabay ngiti. "Salamat po manong." Magalang kong tugon. Bago pa man ako nakababa ay nagsalita ito."Yer wilcam mah hapinis." Abot tengang ngiting sambit niya. "Happinis yer peys hehe." Asik ko sa kanya sabay irap. Bago ko pa man ulit marinig ang sasabihin niya ay kumaripas na ako ng takbo papasok sa loob ng university. Nang tuluyan na akong nakapasok ay habol habol ko ang aking hininga. Bumuga ako ng malakas na hangin at umupo sa isang bench. Iginala ko ang tingin sa paligid at base sa abot ng aking makikita ay kaunti pa lang ang tao dito. Hindi gaanong ka sikat ang university na pinapasukan ko. Sa nangyari sa buhay ko ngayon ay laking pasasalamat ko na naka avail ako ng full scholarship mula noong nag aral ako dito at least malaki talaga ang chance na makapagtapos ako. " Okay lang na ganito ang sitwasyon ko ngayon at least wala naman akong problema pagdating sa pagbabayad ng tuition. Salamat po talaga,Lord God! Emosyonal kong sabi sa hangin habang nakatingala sa kalangitan. Nasa second year college na ako ngayon. Mula noong bata pa ako ay gustong gusto ko talagang magtrabaho sa office. Basta marami talaga akong gusto tulad nalang ng maging sayo ako at maging akin ka char. Pangarap kong maging isang ganap na CPA. Pero hindi naman ibig sabihin na kapag gusto mo ay makuha mo agad o maging sayo diba? May mga bagay kasi na tanging hanggang pagkagusto nalang ang magawa natin kasi hindi pwedeng maging atin. Parang kayo lang ng crush mo,gusto mo nga siya pero hanggang pagkagusto nalang ang lahat kasi di ikaw ang gusto niya. Nagmumuni muni ako sa paligid nang biglang may tumawag sakin. "Rainyanie Asteriaaaaaa!" dumadagundong ang boses ng baliw na 'yan char. Oo, kahit nakatalikod ako ay alam kong siya na char alam kong sino ang nagmamay ari ng boses na yan. Bumaling ako sa kinaroroonan niya at nakita kong papalapit na ito sakin. Nginitian ko siya at ganoon din siya sa akin. Napairap nalang tuloy ako at abaa umirap din ang walang hiya pabalik. Kahit ganito kami ay alam kong sobrang thankful namin sa isat isa. Ikaw ba naman magkaroon ng kaibigan na kasing baliw mo,diba ang saya? Pustahan nalang tayo kung sino sa aming dalawa ang unang isusugod sa mental. Siya lang ang taong aking matatakbuhan sa lahat ng panahon. Lagi kong ipinagdarasal na kong ano man ang mayroon kami ngayon ay sana wala ng hangganan ito kasi hindi lahat ng pagkakaibigan ay naging matagumpay hanggang sa huli dahil minsan sa isang pagkakamali lang ay natatapos ito. Inaamin kong hindi ako perpektong kaibigan at marami talaga akong pagkukulang. Ang pinasasalamatan ko lang ay lagi niyang iniintindi ang aking sitwasyon. Alam kong dapat ay babawi din ako kahit pa sinasabi niyang ayos lang dahil naiintindihan niya naman talaga. Nagiging kampante na ako na kahit hindi kami minsan magkasama,hindi laging magkausap ay magkaibigan parin kami. Sana lang ay hindi darating ang panahong magsawa siya sa kakaintindi sakin dahil kapag nagkataon alam kong nasa akin naman ang problema. Ikinaway ko ang aking kamay nang papalapit na siya sa akin. Ang matamis niyang ngiti ang sumalubong sakin na mas lalong nagpapatingkad ng paligid. Her smile is contagious because I caught myself smiling—a kind of smile whom I considered a genuine one.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
it's so Imotional but nice
20/03
0Ang ganda ng story 😍
14/01/2025
0thank youu po
26/10/2024
0Lihat Semua