Hindi ko mapigilang hindi umiyak habang inaalala ang bawat tagpo sa nakaraan. Sobrang sakit na tila maging ang oras ay nahirapan kung paano maghilom ang sugat na dulot nito. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito,ang makaganti sa taong minsan kong minahal ng buo pero wala namang ginawa kundi ang pahirapan at saktan ako. Sinadya kong patapusin muna ang second mass bago ako pumasok sa loob ng simbahan. Gusto kong mapag isa but thinking na nandito ako sa loob ng simbahan ay alam ko na hindi talaga ako nag iisa. Umupo ako sa unahan sa bandang gilid. Mula pa man noon ay di ko nakalimutang magpasalamat sa Kanya sa lahat ng bagay kahit na sa mga masasakit na aking pinagdaanan na ang siyang humubog sa aking pagkatao. Diretso ang tingin ko sa unahan nang maramdaman kong may tumabi sakin. Ipinikit ko ang aking mga mata pero kahit ganoon pa man ay alam kong kilala ko siya. Please huwag dito. Huwag sa lugar na 'to. Akala ko hindi na siya magsasalita. Akala ko hindi niya ako guguluhin pa. "Bakit nag iisa ka lang? He said in a baritone voice,the voice once I admired. Gustuhin ko mang hindi siya kausapin ay hindi ko magawa. Hindi dahil di ko siya kayang tiisin kung di ayaw ko ng humaba pa ang pag uusapan namin at para makaalis na rin siya. Hanggat maaari ay pilit ko siyang iniiwasan. Ayaw kong makita pa ang pagmumukha niya dahil sa tuwing makita ko siya ay bumabalik lahat ng masasakit nangyari sa nakaraan ko. " Dahil wala akong kasama. Obvious ba?" Iritado kong sagot sa kanya. I'm trying to calm down pero nangingibabaw talaga ang galit ko sa kanya. "I see." Tipid niyang sagot na inirapan ko na lamang. "Nakita mo naman pala eh bat ka pa nagtanong?!" Asik ko sa kanya na sa bandang huli ay medyo pumiyok pa ako. Ang pinakaayokong parte ay ang makipagtalo dahil alam kong iiyak na lamang ako. "I'm just...I-I'm just concern. Baka anong mangyari sayo." Naiilang niyang sabi at umiwas ng tingin.Pagak akong tumawa dahil sa kanyang sinabi. "Really? You are concerned huh? Well if my memory served me right you don't know that word.Lalong-lalo na at hindi ka magkaroon ng pakialam sa akin. Hindi ba,Sir?" Mapanuya kong asik sa kanya at ngumiti ng peke. Kung dati ay takot akong sumagot sagot at suwayin kung ano ang gusto niya,well, ngayon hindi na. Hindi na ako ang babaeng iiyak na lang sa tuwing sinasaktan niya at sunod sunuran na lamang sa kung anong gusto niyang mangyari. Hindi na ako ang babaeng hahayaan na lang siya sa kung anong gusto niyang gawin sakin. Hindi na ako ang babaeng magmamakaawa sa kanya para mahalin niya lang. Nakuyom ko ang aking kamao habang inaalala ang nakaraan. Flashback "Make me happy. Make sure na magugustuhan ko ang gagawin mo dahil kung hindi ay baka hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo. Hindi ako magdadalawang isip na saktan ka." Nakaramdam ako ng takot sa tono ng kanyang pananalita at alam kong hindi lamang basta salita lang 'yon kayang kaya niya akong saktan kung kailan niya gusto. "Paano kong magbunga ang gagawin natin sir?" Ang ibig kong sabihin ay..."Hindi ko nagawang tapusin ang gusto kong sabihin dahil sa kaba,kinakabahan ako sa kong ano man ang kanyang maaaring sagot. Natatakot pa rin akong malaman ang kanyang sagot kahit pa alam ko naman talaga. If it's the only way for him to love me back,then I'm willing to do whatever he wants. I know it seems impossible but I'll try. I'm gonna reached everything even if it means I'm only reaching the impossible. Pagak niyang tinawanan ang aking tanong at doon pa lang ay unti-unti ng nawawala ang konting pag-asa na aking pinanghahawakan. "That is not my problem anymore. Wala akong pakialam kung ano man ang magiging kahihinatnan ng gagawin natin.Kong iniisip mo na mamahalin kita kong sakali mang magbunga man ang gagawin natin,then you'd better not to think it. Hinding hindi kita magugustuhan. Ayaw kong mabahidan ang lahi ko sa lahing kagaya mo. Bear that on your mind,alipin." End of Flashback Kusang tumulo ang aking mga luha habang inaalala ang bawat salitang binitawan niya. Pero kahit di ko na alalahanin ang mga iyon dahil simula noon nanatili na ang mga ito saking puso't isipan. Sa pangalawang pagkakataon ay ang baritone niyang boses ang pumukaw saking isip mula sa nalulunod na alaala ng nakaraan. "Huwag kang umiyak,makakasama 'yan sa inyo." Medyo paos niyang sabi habang nakatingin sa aking tyan. May kalakihan na ang aking tyan at expected na sa buwang ito ang aking kapanganakan. "Pwede ba huwag kang umasta na parang alam mo ang lahat.Umalis kana dahil hindi kita gustong makita! Hindi ko na kaya ang bigat na nararamdaman at tuluyan na akong umiyak kahit pa pigil na pigil ko ang umiyak. Bakit niya ba ako pinakikialaman eh wala naman siyang pake sa akin diba? Gago. "I will,unless, you'll me the truth." Who is the father of that child?" I know you won't lie—Matiim niya akong pinakatitigan na para bang hindi niya alam kong ano ang tamang salita na sasabihin.Marahan niyang ibinaling ang kanyang ulo at pinalibot ang kanyang mga mata sa kabuuan ng paligid bago niya ako tinitigan ulit. Tinaasan ko siya ng kilay para malaman niyang naghihintay ako sa kong ano man ang sasabihin niya. "Hindi ka magsisinungaling lalo't na nasa loob tayo ng simbahan." Bayolente akong napalunok. So what does he mean? Nagdududa siya sa ama ng anak ko? "Malamang ang asawa ko at isa pa wala namang problema siguro kong mabuntis niya ako lalo't na kasal na kami." Laban ko sa kanya na akin pang diniinan ang huling tatlong salita. Kita ko ang pagbabago sa kanyang mukha. Namumula ito lalo na ang kanyang dalawang pares na matang kulay tsokolate. "But its impossible. Please,I want to hear the truth". Pagsusumamo niya habang dahan-dahang aabutin sana ang aking kamay pero bago pa man niya ito tuluyang mahawakan ay mabilis kong sinuklay suklay ang aking buhok. So he knows how to beg huh? " Anong katotohanan pa ang gusto mong malaman eh nasabi ko na sayo diba? Kung ayaw mong maniwala pwes labas na ako dun!" At pwede ba nasa simbahan tayo,mahiya ka naman." Mapanuya kong asik ulit sa kanya kahit na tumutulo na ang luha sa'king mga mata. Bakit ngayon pa? Ngayon kong saan unti-unti ng humihilom ang sugat sa aking puso? Tumango lamang siya bilang tugon pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod niya pang tanong. "Masaya ka ba sa kanya?" I can feel the hint of sadness in his voice but I act as if I didn't figured it out. Napatango tango ako bago sumagot. "Sobraa." Tipid kong sagot sa kanya.He forced a smile upon hearing it. Bayolente itong napalunok bago nagtanong muli. " Do you love him?" I stare at him a couple of seconds before I answer his question. Why did he's asking me like that? Noong una hindi pero sa huli natutunan ko din. Alam mo,hindi siya mahirap mahalin. Hindi niya ako sinasaktan at hinusgahan. Tanggap niya kung sino at ano ako." Emotional kong saad sa kanya. I cleared my throat before I ask him. There's no wrong to make things clear,right? There's nothing wrong in asking especially if the answer will give you a peace of mind. "Why are you asking me like this and that?" He just stares at me like he doesn't know what to say. Ipinaglapat niya ang kanyang kamay bago nagsalita. "I regret those times where I closed my eyes while you lovingly whispered into my ear saying that you love me. Nagsisisi ako lalo na sa tuwing maalala ko ang oras na aking sinayang noong nasa piling pa kita. Alam kong kahit sabihin ko man ngayon ito sayo,alam kong wala ng may magbabago,pero,gusto ko lang sabihin sayo na mahal kita,Yhanie. And I meant it." What a sweet lie. Ramdam ko ang sensiridad sa kanyang boses pero mas pinili kong balewaliin ang kanyang sinabi. Pagak ko siyang tinawanan. Sinong niloloko niya? Kilala ko siya at 'yong mga ginawa niya sakin ay sapat na 'yon para huwag suyang pagkatiwalaan. He's ruthless. Walang puso. But what surprised me the most is that I saw a lonesome tears falling from his eyes. I shook my head in disbelief. He can't fool me this time. " At sinong tanga ang maniniwala pa sa sinasabi mo?Hindi na ako ang babaeng kilala mo noon. Inaamin kong nagpakatanga ako noon dahil nagbabakasali akong mahalin mo rin pero noon pa 'yon. Klarong klaro sakin na hindi mo ako mahal dahil wala ka namang ginawa kundi ang saktan ako at pahirapan." Pinaghahampas ko siya sa kanyang dibdib at braso at hinayaan niya lang ako na gawin yun sa kanya. Kung sa bagay sobra sobra pa ang ginawa niyang pananakit sakin noon. Nang nakaramdam ako ng pagod ay tinigilan ko ang pananakit sa kanya. Pagod kong isinandal ang aking likod sa upuan at doon ko binuhos ng tuluyan ang aking mga luha. Tinapik ko ang kanyang kamay nang akma niyang haplusin ang aking buhok. Sinamaan ko siya ng tingin pero di natinag ang mga titig niya sakin. "Inaamin ko na napagsabihan kita ng mga masasakit na salita noon pero.. those are all lies. Sorry if I lied. Hindi ko lang kasi alam kong paano sabihin sayo ang lahat lalo't na wala akong ibang ginawa kundi saktan ka. Pero mahal kita noon pa man. Paos at madamdamin niyang sabi at namumula ang mga mata nito. He's really crying. That was the best lies I ever heard from him. Gusto kong maniwala pero para ano pa? Kahit sabihin nating totoo ang lahat ng sinabi niya pero huli na ang lahat. May asawa na ako at kasal na at magkakaroon na din ang anak. Kahit saang banda tingnan mali at wala na talagang pag asa. Siguro hanggang doon nalang talaga ang para samin. " Its not my loss anymore. Sabihin mo ang gusto mong sabihin wala akong pakialam. At pwede bang umalis kana! Hindi ako intrisado sa mga sinasabi mo at wala akong plano na magtaksil sa asawa ko. Mapanuyang asik ko sa kanya. Kita ang ko ang pagkaguhit ng sakit sa kanyang mukha lalo na nang diniinan ko ang huling dalawang salita. Tumango siya bilang tugon akala ko ay aalis na siya pero laking gulat ko nang bigla niya akong niyakap at hinalikan sa ulo. Nabato ako sa kanyang ginawa pero nang makabawi na ay pilit kong kumawala sa kanyang yakap at itinulak ko siya sa dibidib. Hindi naman ako nagtagumpay dahil may kalakihan at matipuno at kanyang pangangatawan at mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit. Sobrang higpit na parang ayaw niya na akong pakawalan pa. Nakaramdam ako ng kakaiba nang dumampi ang kanyang kamay sa aking may kalakihang tyan. Something's special. Dahil sa kanyang ginawa ay mas lalo akong umiyak. "Shhh tahan na makakasama yan sa baby. I'm so happy that you'd already reached everything you want in your life. Seeing you happy makes me happy and at the same time makes me sad too, because I know I'm not the reason and even part of it. Huwag kang mag alala wala akong plano na guluhin ka pa isa pa gusto ko lang malaman kong masaya ka sa piling niya. He said in a low tone voice. I never thought na may ganyan siyang side kayang huminahon sa pakikipag usap. Sanay kasi akong palagi itong galit. Hindi ako nakasagot dahil di ko alam kong ano ang aking sasabihin. He kissed my forehead before leaning into my ear and whispered. Sobrang lambing ng kanyang boses and it makes me weak at parang dinuduyan ka. "You're right its my loss but you know, I never accept defeats. There is one thing na nag uudyok sakin na wag mawalan ng pag asa. Alam kong nasaktan kita ng labis pero sa oras na malaman kong sinasaktan ka niya ay di ako magdadalawang isip na kunin ka. You're master loves you that much. He said lovingly as he cupped my face. Pinunasan niya ang mga luha sa aking mata at tuluyan na akong binitawan. "Hindi mo na ako mababawi pa. Masaya na kami at hindi niya magawang saktan ako. Alam ko at ramdam ko yun. So please, hayaan mo na kami. Paninigurado ko pa sa kanya. He just stares at me blankly. Ngumiti ito bago umalis. Tiningnan ko lang siya habang papalayo pero hindi pa siya tuluyang nakayo ay narinig kong nagsalita siya ulit. Hindi siya humarap. " I do believe that our story is not yet finished,Yanie." Puno ng pag asa ang kanyang boses at tuluyan na siyang nawala saking paningin. Dapat sana ay masaya na ako ngayo lalo't na malaya na ako. Malaya na ako sa taong minahal ko noon pero walang ibang ginawa kundi pahirapan ako. I should be happy especially magawa ko na ang lahat na gusto ko. I should be happy dahil may mga tao pang nagmamahal at tanggap ako bilang ako. Pero bakit parang hindi buo? Dapat sana'y masaya na ako dahil nakaganti na ako sa kanya. Mas lalo akong naiyak habang hinahaplos ang aking tyan. "Sorry if I lied." Hindi ko inakalang magawa kong magsinungaling dito sa loob pa mismo ng simbahan. Pero wala akong magawa. Ito lang ang tanging paraan na naisip ko. Hindi niya na kailangan pang malaman ang lahat. At wala akong balak na ipaalam sa kanya ang katotohanan. Ayaw kong masira ang pagsasama namin ng asawa ko. Siya lang ang taong nagmahal at tumanggap sakin ng buong buo sa mga panahong sinaktan niya ako. Huli na ang lahat para sabihin niya sakin ang totoo. Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Sa likod ng lahat ng kasinungalingan hanggang kailan ko kaya matatago sa kanya ang katotohanan kung ito na mismo ang kusang lumalapit sa kanya? I still remembered what I said before at paninindigan ko talaga. Kaya ko ba talaga? Malay mo na sa oras na okay na ako,ay ayaw ko na.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
it's so Imotional but nice
20/03
0Ang ganda ng story 😍
14/01/2025
0thank youu po
26/10/2024
0Lihat Semua