logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bilanggo Ng Kahapon (Scandal book 2) Gina A Chapter 5

KINABUKASAN maagang nagising si Jay upang puntahan muli ang kanyang mag-iina. Hindi siya susuko kahit ipagtatabuyan pa siya ni Veron.
Nang malapit na siya sa bahay nila Veron tamang paalis na ang mag-iina.
Pagkaalis ng kotse ni Veron agad na pumara ng taxi si Jay ng makasakay na."Sir, follow the that car please."
"Okay, Sir."
Sa school hinatid ni Veron ang kambal na anak.
Pagkabayad ni Jay sa taxi bumaba na siya at nagkubli muna sa gilid ng pader.
"Bye Mommy," paalam ng kambal.
"Bye, huwag ninyong kalimutan na kainin ang baon ninyo ha, Jake, Janine." paaala ni Veron sa kambal.
"Opo Mommy, bye," ani ng dalawa humalik muna sila sa kanilang ina bago pumasok sa loob ng school.
Nang makita ni Jay na papasok na sa gate ang kambal saka palang siya lumapit kay Veron.
Sasakay na sana si Veron sa kotse niya ng may nagsalita sa kaniyang likuran.
"Veron, puwede ba tayong mag-usap kahit na sandali lamang?" mahinahon wika ni Jay.
Veron took a deep breath bago humarap kay Jay."Wala tayong dapat na pag-usapan, puwede ba huwag mo kaming sinusundan ng mga anak ko, leave us alone!" may angil niyang sabi.
"Veron, gusto ko  lamang humingi ng tawad saiyo sa nagawa kung kasalanan!"
"Diba sinasabi ko na saiyo, I will not forgive you until I die, dahil nakatatak dito." Huminto muna sa pagsasalita si Veron nilagay  ang palad sa tapat ng kanyang dibdib para iparamdam sa kaharap kung gaano kasakit ang nagawa nito noon sa kanya."Ang kasamaan mo sa akin!" Veron want to cry pero pinipigilan niyang huwag pumatak ang kanyan luha. Ayaw niyang ipakita sa kaharap na mahina siyang tao.
Ramdam ni Jay ang sakit na nararamdaman ni Veron the way she talk to him."I know that, Veron, sabihin mo sa akin kung ano ang gagawin ko upang mapatawad mo ako gusto mo bang lumuhod ako sa harapan mo ngayon, I will do that?" Hindi na niya hinitay na sumagot sa kanya si Veron lumuhod na sa harapan nito sabay patak ng luha.
Napatingin naman ang ilang taong dumadaan sa kanila.
Nakatingin lang si Veron kay Jay, hindi naman matigas ang kanyang puso pero para sa taong kaharap hindi siya handa para patawarin ito kahit na kaylan man the pain that he give her nakabaon ito sa kaibuturan ng kanyang puso."Kahit na lumuhod kapa diyan hanggang bukas O kaya'y umiyak ka pa ng dugo, hindi mo makukuha ang kapatawaran ko!" matigas niyang turan.
"Veron, please. Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo gagawin ko kahit ano pa ito i will do it!"
"Oh talaga? Well Isa lang ang gusto kong gawin mo!"
"Ano iyon, Veron, sabihin mo?"
"Umalis kana rito sa Canada, at huwag ka ng magpapakita pa sa akin O sa mga anak ko na kahit kailan hanggang sa mamatay ka!"
"Kung gagawin ko ang gusto mo Veron, napatawad mo na ba ako?"
"Oo, puwede ba tumayo ka na they looking on us."
"Sabihin muna sa akin ngayon na pinapatawad mo na ako Veron please, promise hindi mo na ako magpakikita pa saiyo!" kahit na masakit para kay Jay ang paglayo gagawin niya makamit lang ang kapatawaran ni Veron.
Napabuntong-hininga muna si Veron bago nag salita.
"Pinapatawad na kita, ngayon. Nasabi ko na puwede ba umalis kana!"
"Veron, bago ako umalis puwede ko ba silang mayakap kahit saglit lang!" Ang mata ni Jay ay sa kambal nakatingin.
May nagsabi naman sa kambal kung ano ang nangyayari sa mommy nila dahil sa kagustuhan nilang malaman kung sino ang tinutukoy ng nag balita agad silang lumabas.
Napalingon naman si Veron kanyang likuran at nakita niyang nasa likod nga niya ang kambal."Bakit kayo naririto?" tanong agad ni Veron sa anak.
"Kasi Mommy, may nagsabi na may kausap kang lalake at nakaluhod ito saiyo kaya kami lumabas agad."
"Pumasok na kayo sa loob baka magalit ang guro ninyo!" madiin na wika ni Veron sa kambal.
"Mommy, mamaya pa ang pasok namin sa room," wika ni Jake.
"Mommy, sino ba siya? Diba siya yon pumunta sa bahay pero pinaalis mo," Janine remember him kahit na saglit lang niya nakita ito.
"Jake,Janine, pumasok na kayo sa loob ng school now don't make me angry!" pahinahon pa rin niyang sabi.
"Pero mommy..." protesta ng dalawa.
"I said go inside now!" medyo galit na turan ni Veron sa anak...
Walang nagawa. Ang kambal hahakbang na sana ang sila pabalik sa school ng magsalita si Jay.
"Veron, please, please, kahit saglit lang, " nagmamakaawang wika ni Jay and his tears falling down.
Dahil maraming taong nakatingin na sa kanila  walang nagawa si Veron napatango siya para matapos na rin ang eksena nila.
"Salamat, Veron, thank you so much!" May galak na wika ni Jay sabay tayo na niya at agad nitong nilapitan ang kambal at niyakap ng mahigpit.
Sa pagyakap ni Jay sa kambal niyang anak napagulgol siya ng iyak.
Wala naman imik ang kambal they just look each other na meron katanungang sa kanilang mata.
"Ku...kumusta na kayong dalawa?" wika ni Jay na pumipiyok pa ang boses.
"Okay naman po kami!" tugong nila.
"Good to hear that."
"Sino po kayo?" tanong ni Janine.
"Ako ang da..."
"Jake, Janine, go inside now, tumunog na ang bell," sabat ni Veron kaya hindi naituloy ni Jay ang sasabihin.
"Ay, Oo nga sige po pasok na kami," wika ng dalawa at patakbong pumasok sa loob ng school.
Bago nakapasok sa loob ang kambal kumaway muna ang dalawa kina Veron at Jay.
Ganon din ang ginawa ng dalawa kumaway sila sa kambal.
Nang wala na sa paningin ni Veron anfmg kambal binalingang niya si Jay."Now, nagawa mo na ang gusto mo, puwede ka nang umalis!" Sumakay na siya sa kanyang kotse agad ng umalis.
Naiwan si Jay na gumuhit sa mukha nito ang kabiguan na hindi niya makapiling ang kanyang mag-iina na kahit kailan man.
Dahil sa pag-uusap nila ni Jay hindi na tumuloy sa trabaho niya si Veron at umuwi na lamang siya sa kanilang bahay.
Pagpasok niya sa kuwarto hindi napigilan ni Veron ang pag daloy ng kaniyang luha.
"Bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko para sa kanya? Walang akong galit na madama, ang bawat katagang nasabi ko sa kanya ay salita ko lamang ito at galing sa isip ko. Ahhhh! Veron, anong nangyayari saiyo?" aniya sa sarili.
Ang pag iyak niya naging hagulgol na.
"I need to talk someone now kundi mababaliw ako nito, kailangan kung tatawagan si Maribelle, para may kausap ako!" agad na niyang tinawagan ang kaibigan.
.....
PHILIPPINES.
Tamang-tamang nasa banyo si Maribelle nang tumunog ang cellphone niya. Kapapasok naman ni Vincent sa silid nila.
"Honey, ang cellphone mo tumutunog," sabi ni Vincent sa asawa.
"Hon, pakisagot naman oh, kung sino ang tumatawag sa akin?"
Kinuha ni Vincent ang cellphone ng asawa ng makita kung sino ang nasa linya."Honey, si Veron, ang tumatawag saiyo."
"Sagutin mo muna honey, dipa ako tapos maligo pakisabi sandali lang! "
"Okay Honey," agad naman ng sinagot ni Vincent ang tawag ni Veron.
"Hello, Veron, Vincent, here."
"Hello, Vincent, si Maribelle, nariyan ba siya?"
"Yes, Veron. Wait mo na lang siya sandali naliligo pa kasi siya, eh."
"Ganun ba, sige tatawag na lang ako mamaya ng kunti Vincent, pakisabi na lang sa kanya na tumawag ako!"
"Sure, Veron, but wait may problema kaba sabihin mo sa akin, baka makatulong ako saiyo, tell me habang hinihintay nating matapos maligo si Belle?" Alam kasi ni Vincent na may gumugulo sa isipan ni Veron, maybe because of Jay.
Bago nag salita si Veron isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan.
"Siguro nga may problema ka Veron, kasi sa buntong-hininga mo palang halata na meron ka ngang dinadala diyan sa dibdib mo."
"Vincent, paano nalaman ni Jay, na narito ako sa Canada at may anak kami?" even she knows that maybe Vincent the one who told him eh natanong pa rin niya ito.
"I told him, Veron, sorry for that!" Paumanhin niya."You know naman na Jay is like my brother  at alam kung nagbago na siya." patuloy niyang sabi.
"Bakit mo ginawa ito, Vincent?"
"Like what I said just know. Dahil nakita ko na nagbago na siya at karapatan din niyang malaman na may anak kayo diba?"
"Oo, pero sana hindi mo na sinabi sa kanya dahil tahimik na ang buhay namin ng mga anak ko dito Vincent, ngayon narito siya biglang gumulo!"
"Sorry, Veron. Kung nasabi ko sa kanya, ang sa akin lang naman eh, gusto ko siyang maging masaya O kayo kung sakaling mabuo ang pamilya ninyo."
"What? Mabuo? Hindi ganun kadali na mabuo kami Vincent, alam mo naman kung ano ang ginawa niya he all most killed me!"
"I know that Veron, pero nagbago na nga siya at mabait siyang tao alam ko iyun dahil mag kaibigan kami mula pagkabata please, Veron, gave him a chance, para makilala mo siya ng lubos."
"Paano mo masasabi na mabait siyang tao kung nakagawa siya ng masama at saiyo pa, Vincent?"
"Nagawa niya iyong dahil hinayaan niyang mabuhay ang inggit sa kanyang puso Veron, he is a good man too, at guwapo rin siya na katulad ko pero mas laman ako sa kanya ng kunti siyempre!" pabirong turan ni Vincent sa huling sinabi nito.
Kaya naman napangiti si Veron sa sinabi ni Vincent."Well tama ka Vincent, pero may kulang sa sinabi mo."
"Huh, ano naman iyon, Veron?"
"Yun pag ka womanizer ninyo," nakangiting ng wika ni Veron.
Napatawa si Vincent."Noon iyon Veron, pero ngayon no way na mang babae pa ako, baka magalit sa akin si Maribelle eh, ma out side the kulambo pa ako gabi-gabi iyon ayokong manyari, Veron!"
Dahil sa sinabi ni Vincent napatawa si Veron.
"That good, Veron, di tumawa ka rin, well kung sinasabi mong babaero ako O kami siguro laman din ako ng isa lang sa kanya pagdating sa babae, Veron."
"Totoo bang nagbago kana talaga,Vincent, pagdating sa babae ha?"
"Yes naman, Veron. One hundred percent percent iyan. Dahil si Maribelle lamang ang buhay ko at anak namin and I love her so much!"
"Maribelle, it is so lucky to found you, Vincent! "
"Ako ang ma suwerte sa kanya Veron, dahil nakilala ko siya ng dahil saiyo, thank you for that, Veron!"
"Ano ba Vincent, tama iyan palagi mong pag papasalamat sa akin hindi ko mabilang kung ilang beses mo ng sinabi sa akin iyan, ah."
"Kahit na paulit-ulit ko pang sabihin saiyo iyan Veron, hindi ako magsasawa, becuase I found my hapiness ng dahil saiyo, thank you again," wika muli ni Vincent.
Tawa naman ng tawa si Veron."Ang kulit mo rin Mr. Delara."
"Ganon talaga ako Veron, kaya kung minsan napipikon sa akin si Maribelle!"
Tamang lumabas sa banyo si Maribelle she heard her name.
"Ako yata ang pinag-uusapan ninyo ah?" sabat niya nakatapis lamang ng tuwalya ito kaya naman napatitig sa kanya ang asawa.
"Iyan mata mo Mr. Delara, may sinasabi naman!" anas na turan ni Maribelle.
"Ah, Veron, Maribelle, it here, mag usap na kayo." Sabay bigay sa asawa ang cellphone pero bago nahawakan ni Maribelle ito siniil muna nito ng halik sa labi ang asawa at sabay bulong ng." Honey, I love you, ang bango mo talaga at ang sexy pa," ang kamay naman niya'y humawak sa buhol ng tuwalyan nakatapis sa asawa pero tinabig ni Maribelle ang kamay asawa.
"Vincent, huwag kang pasaway ah mag-uusap muna kami ni Veron." Pinanglakihan niya ito ng mata.
"Uhhmm, okay honey, pero mamaya lagot ka sa akin," anito at agad na lumabas ng kuwarto nila.
Ngingiti-ngiti naman si Maribelle ang pilyo talaga ng asawa niya.
"Hello, Veron, pasensiya kana ha kung natagalan ako sa paliligo ko!"
"Okay lang Maribelle, nag usap naman kami ng asawa mo!"
"Oh bakit napatawag ka Veron? May kailangan kaba sa akin  sabihin mo kung ano baka sakaling matulungan kita?"
"Actually kailangan ko lang ng may kausap, Maribelle, dahil naguguluhan ako sa nararamdaman ko!"
"Nararamdaman mo? Para kanino naman iyan O, tama bang sabihin na in love ka ha, Veron?"
"Maribelle, kanino naman ako maiinlove no?"
"Ewan ko saiyo, diba ang sabi mo nagugulahan ka sa nararamdaman mo in love ka nga!"
"Hindi iyon ang ibig kung sabihin, Maribelle!"
"Ganoon ba? Ano naman ang ikinagugulo ng nararamdaman mo?"
"Dahil kay Jay, Maribelle!"
Hindi naman nakaimik agad si Maribelle dahil alam niya ang ibig sabihin ng kaibigan.

Komentar Buku (210)

  • avatar
    Earthyrine Bormate

    ito ung story na bestfriend niya si Bella mag kababata niya siya din dahilan bakit nang mariin nang lovelife si Bella at Vincent nice ganda

    26/08/2022

      0
  • avatar
    PitogoClouie

    nice

    28/02

      0
  • avatar
    Niko Nick Ejay

    galing Ng kuwento good job😍

    30/11

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru