logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bilanggo Ng Kahapon (Scandal Book 2) Gina A.

Chapter 3
MUNTING LUPA.
"Jay Ramirez!" tawag ng Warden.
Napatayo agad si Jay lumapit sa bakal na rehas."Sir, ano po iyon?"
"May maganda akong balita para saiyo, Jay."
"Talaga, Sir?" Halata sa boses ni Jay ang sobrang excitement dahil meron siyang hinihintay baka ito na.
"Oo, ang magandang balita eh, lalaya ka na ngayon, kaya ano pang hinihintay mo lumabas ka na riyan." Sabay bukas nito ng selda.
Hindi naman agad nakaimik ang binata dahil sa magandang balita sa kanya. He expected na ito pero iba rin pala pagtotoo na blanko tuloy ang isip.
"Kosa, congrat laya kana," ani naman ng kapwa bilanggo lumapit ang mga ito sa kanya doon palang natauhan si Jay.
Hindi na napigilan ni Jay ang pagpatak ng luha niya dahil sa kaligayahan nararamdaman sa sandaling iyon.
"Kosa, ano pa ang itinatayo-tayo mo riyan kunin mo ang lahat ng gamit mo at lumabas ka na rito."
Dahil hindi pa rin siya tumitinag sa kinatatayuan ang mga kaso na niya ang nag-empake ng kanyang gamit.
"Oh heto na ang gamit mo Jay, magpakabait ka sa labas ha huwag ka nagg babalik pa rito!"
Napatingin si Jay sa iabot nila sa kanya na bag at ipinagtulakan palabas ng selda.
"Tara na sa labas Jay, para mapirmahan mo ang dapat sa paglaya mo."
Mangiyak-ngiyak pa rin si Jay."Sandali lang Sir." Binalingan niya ang mga kasama sa loob ng selda."Mga ka kosa sa inyo na lahat ang mga damit ko hati-hati na lang kayo ha, isa lang ang kukunin ko itong akin bible."
Binigay ng ka kosa nila na pastor sa loob ang bible una ayaw  niyang hawakan man lang ito nasa isang sulok lamang sa kaniyang higaaan isang gabi habang nakahiga siya nakapa niya ang bible tinitigang muna niya ito and his hand start to open it when he read the bible dito nagbago si Jay tuwing wala na siyang ginagawa ito ang kanyang hawak tahimik na nagbabasa.
Pagkatapos niyang pirmahan ang mga papeles ng kanyang paglaya agad na siyang humakbang papalabas ng piitin nagulat pa siya ng makita kung sino ang naghihintay sa kanya ang nakangiting kaibigan ang sumalubong sa kanya.
"Welcome to the outside world bro!" bati ni Vincent sa kanya ng makalapit na siya rito.
"Bro, salamat akala ko walang sasalubong sa akin paglaya, hindi ko inaasahan na ikaw pa ang makikita ko sa  akin paglabas  na nagawang ko ng masama."
"Bro, ang nagawa mong masama sa akin ay nag dulot naman ng kaligayahan sa buhay ko, dahil sa nagawa mo dito ko na kilala ang babaing kasama ko na ngayon sa akin buhay at minamahal ko ng lubos."
"Thank you talaga, Vincent."
"Jay, past it past, wala na sa akin iyon nangyari noon, kinalimutan na namin mag-asawa, ito."
"You are really my best friend, Vincent."
Vincent smile on him."Tars na sa bahay ka muna tutuloy kasi naghanda si Belle, ng kunting pag-sasaluhan nating kung baga welcome back party namin saiyo."
"Vincent, nahihiya ako sa asawa mo walang akong mukhang maihahaharap sa kanya."
"Jay, di ba sabi ko nga saiyo pinatawad ka na rin ni Maribelle, kaya tara na, basta batiin mo siya with full of smile."
Wala ng nagawa pa si Jay susunod na lamang siya sa sinabi ng kaibigan."Yeah I will do that Vincent."
Bago sumakay si Jay sa kotse ni Vincent isang huling sulyap ang iginawad niya sa piitan na naging tahanan niya sa mahabang panahon.
Nang makarating na sila sa bahay ng kaibigan agad naman tinawag ni Vincent ang asawa. Nasa labas pa si Jay hindi muna siya sumunod sa kaibigan nahihiya talaga siya kay Maribelle. Kung puwede lang hindi siya sasama kay Vincent sa bahay nito.
"Honey, narito na kami," pasigaw niyang turan.
Agad na lumabas si Maribelle galing ng kusina nakangiting sinalubong ang dalawa."
Tamang-tama nakahanda na ang lahat. Honey nasaan pala si Jay? Bakit hindi mo siya kasamang pumasok dito sa loob?"
"Naku honey, nahihiya raw kasi siya saiyo. Kaya parang ayaw niyang pumasok dito sa bahay. "
"Sige mauna ka na honey tatawagin ko siya," ani Maribelle sa asawa.
"Mabuti pa nga honey, para naman mawala ang hiya niya saiyo," turan naman ni Vincent sa asawa.
Lumabas na si Maribelle nakita niyang nakatayo si Jay may hagdan sa labas.
"Jay, ano pa ang ginagawa mo diyan sa labas halika ka pumasok ka na sa loob para kakain na tayo."
Nahihiyang humarap si Jay kay Maribelle.
"Maribelle, salamat dahil sa kabila ng ginawa ko saiyo heto ka inaalala mo pa rin ako, ngayon nasa harapan na kita humihingi ako muli saiyo ng kapatawaran mo Maribelle!"
"Jay, napatawad na kita ano ka ba, matagal na mula ng sinabi sa akin ni Vincent na nagbago ka na doon na kita pinatawad!"
"Maraming salamat muli, Maribelle," meron na mumuong luha sa kanyang mata.
"Halika ka na, Jay." Hinawak ni Vincent ang kamay nito.
Pagpasok naman nila sa loob ng bahay sinalubong sila ng panganay na anak ni Belle.
"Mommy, sino po siya?" tanong nito.
"Venessa anak, siya ang tito Jay mo, siya ang Daddy nila Jake at Janine," sabat ni Vincent.
"Really, Daddy? Eh, bakit andito siya di ba dapat nasa Canada rin po siya kasama nila tita, Veron?"
"Kasi anak may pinuntahan siya kaya wala siya roon."
"Ganon ba Daddy, saan naman nagpunta si Tito Jay?"
"Vanessa, huwag ng maraming tanong pa halika na kayo at kakain na tayo," ani naman ni Belle para maawat ang anak sa kakatanong tungkol kay Jay."Pasensiya ka sa kanya Jay, gumana na naman ang pagkamaulirating nito, eh."
Ngmiti si Jay kay Vanessa."Kaya ako wala doon sa kanila, kasi nakulong ako ng matagal," sagot ni Jay sa tanong ng anak ni Vincent. Ayaw niyang maglihim kanino man. Mas maganda na iyon alam nila ang totoo para wala siyang tinatago pa.
"Oh, you are bad pala, I don't like you kasi nakulong ka!" deretsang pahayag nito.
"Venessa anak, why did you said that to your Tito, say sorry yo him now!" ani Vincent sa anak.
"Bro, okay lang totoo naman ang sinabi niya. Vanessa, Oo dati bad ako pero ngayon good boy na ang Tito mo."
"Mabuti naman po kung ganon Tito, sorry po sa nasabi ko!"
"Wala iyon, Vanessa. Kasi nagsasabi ka naman ng totoo. "
"Tito, tara na po kakain na po tayo!" anyaya nito.
Napangiti naman si Jay sa sinabi ng bata.
Pagkatapos nilang kumain nag kuwentuhan muna ang mag kaibigan.
"Anong plano mo ngayon Jay, na nakalaya kana? "
"Gusto kung pumunta ng Canada, Vincent. Para tuparin ko ang sinasabi ko saiyo, sana matulungan mo ako. "
"Walang problema Jay, siguro naman puwede kang lumabas ng bansa, bukas asikasuhin nating ang mga kailagan mo patugong Canada."
"Salamat, hindi ko alam kung papaano kita mapapasalamatan, sa magandang nagagawa mo akin, Vincent."
"Isa lang naman ang gusto kong pasasalamat mo sa akin, Jay. Be the best man para makuha mo ang tiwala at kapatawaran ni Veron, para mabuo mo ang iyon pamilya."
" I will bro, I do my best para mapatawad ako ni Veron!"
"Oh sige na Jay, magpahinga ka alam kung gusto mo ng ilatad iyan likod mo sa malambot na kama."
Tumawa si Jay."Oo nga eh, sabik na ang likod ko sa malambot na higaan."
Kaya naman agad ng pumasok ang dalawa sa loob ng bahay para magpahinga na.
Sa guess room hinatid ni Vincent ang kaibigan."Jay, ipanatag mo ang kalooban okay sleep well."
"Hindi ko alam kung ano pang pasasalamat ang sasabihin ko saiyo, Vincent. Kulang pa ang salitang thank you, eh."
Ngumiti si Vincent tinapik ang balikat ni Jay.
Habang nakahiga si Jay punong-puno na pag-asa ang kaniyang isipan dahil malapit na niyang makita ang kanyang mag-iina.
Sa paglipas ng mga araw walang ginawa sina Jay at Vincent kundi asikasuhin ang mga papeles na kailngan ni Jay patungong Canada.
One month past natapos ang lahat ng dukumento ni Jay at nakahanda siya patugong Canada.
NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT.
"Oh paano Jay, mag ingat ka pagdating mo sa Canada, ha!"
"Oo Vincent, salamat sa lahat ng tulong mo hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko sa akin paglaya mabuti na lang at nariyan ka palagi!"
"Ano ka ba, Jay. Kaibigan kita sino pa ba ang tutulong saiyo kundi ako."
"Salamat talaga hayaan mo pag ikaw naman ang mangangailangan ng tulong ko kahit ano pa iyan gagawin ko Vincent!"
"Sige Jay, pag nasa maayos na ang lahat saiyo, hindi ako mag dalawang isip na hihingi ng tulong sayo, sa ngayon fix your life with them first okay."
"Okay Vincent, makakaasa ka. Oh, papaano, papasok na ako sa loob maya-maya aalis ang eroplano na sasakyan ko!"
"Sige Jay, good luck saiyo, and I pray na mapatawad ka ni Veron, sa madaling panahon!"
"Muli thank you so much, sige pasok na ako sa loob bye, Vincent! "
"Goodbye Jay, God bless you!"
Bago pumasok sa loob ng departure si Jay, niyakap muna niya ng mahigpit ang kaibigan.
"Vincent, pakisabi ulit kay Maribelle, at sa anak mo na salamat ha sa nagawa nila sa akin na kabutihan!"
"Sure makakarating sa kanila  sige na pumasok ka na sa loob baka maiwan ka pa ng eroplano!"
Tumango si Jay at agad ng lumayo sa kaibigan bago nakapasok sa loob kumaway pa siya ng wala na sa paningin ni Vincent si Jay agad na rin niyang nilisan ang airport.
Pagkalipad ng eroplanong sinakyan ni Jay nag dasal siya ng taimtim.
"Lord, panumbayan mo po ako sa gagawin kung paghingi ng tawad sa babaing nagawan ko ng kasalanan, palambutin mo po ang kanyang puso upang maigawad niya sa akin ang  kapatawaran, salamat po Lord, amen!" Matapos nagdasal tumingin siya sa labas ng bintana ng eroplano."Sa wakas makikita ko na ang kambal kong anak salamat Veron, at hindi pumasok sa isip mo na iwala sila sa mundong ito!" habang papalapit siya sa lugar kung nasaan ang kanyang mag-iina samot-saring imusyon ang nararamdaman ni Jay.
Montreal Canada.
"Mommy, ano bang nangyayari saiyo bakit po hindi ka mapakali diyan nahihilo na po ako saiyo kasi kanina kapa paikot-ikot, eh!" puna ng anak sa kanya.
Tumingin si  Veron sa anak ewan ba niya dahil sa sandaling iyon parang may anong kaba siyang nararamdaman.
"Don't mind me Jake, may iniisip lang ang mommy na hindi niya maisip-isip kaya ganito ako!"
"Ganon ba Mommy, ano po ba  iyon,  tell us baka po mayroong kaming maitutulong saiyo."
" Thank you son, pero ito ay para sa trabaho ko," pagsisinungaling ni Veron sa anak pero ang totoo hindi ito para sa trabaho.
"Why, I feel like this? Parang may mangyayari na hindi ko gusto?" Napabuntong-hininga siya ng malalim."I feel not comfortable today, ahhhh! Ano itong nararamdaman ko ngayon lang nangyari sa akin ito ah, maybe their is something to happen pero ano iyon?" pabulong-bulong na turan ni Veron sa sarili na nagtataka naman ang kambal sa kanyang kinikilos.
"Janine, tignan mo si Mommy, parang may problema siya ano? Parang siyang pusa na hindi makaanak, lakad dito, lakad doon, hay nahihilo na talaga ako sa kanya!" bulong ni Jake.
"Kuya, Mommy said don't mind her di ba, kaya kung ayaw mong mahilo huwag mo na kasi siyang tignan pa," bulong din ni Janine sa kambal.
"Okay fine, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya tignan, eh."
"Kuya, close yours eyes nalang puwede."
"Ewan ko saiyo, bakit ikaw hindi ka ba nahihilo sa kanya, ha?"
"No! Kasi I don't look at her Kuya, I just lisening na lang kung ano ang sinabi ni Mommy. "
"Sige na nga gagawin ko rin gaya ng ginagawa mo!"
"That good bro, now mag aral na tayo kasi bukas may pagsusulit sa school natin okay!"
"Okay Sis, ang bait talaga ng kambal ko! "
"Siyempre no, nagmana yata ako kay Mommy, pero minsan may topak din ako gaya niya!"
"Mabuti naman at inamin mo iyan, Janine. Kasi talagang may topak ka kung minsan, eh. "
"I know bro, mag aral na nga tayo ang dami mo pang sinasabi, eh!"
"Okay, let's start na, heto naman nag sungit ka na agad! "
"Hmmppp!" Sabay irap ni Janine sa kambal.
Sa sandaling iyon lalapag na ang eroplanong lulang si Jay sa Montreal Pierre Elliott  Trudeau International Airport Canada.

Komentar Buku (210)

  • avatar
    Earthyrine Bormate

    ito ung story na bestfriend niya si Bella mag kababata niya siya din dahilan bakit nang mariin nang lovelife si Bella at Vincent nice ganda

    26/08/2022

      0
  • avatar
    PitogoClouie

    nice

    28/02

      0
  • avatar
    Niko Nick Ejay

    galing Ng kuwento good job😍

    30/11

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru