NEW BILIBIB PRISON. Muntinglupa. Habang nakahiga si Jay sa kanyang higaan sa loob ng selda, na nagbabasa ng Bible, biglang sumigaw ang isang Warden. "Jay Ramirez, may dalaw ka!" Nagulat si Jay dahil wala siyang inaasahan na dadalaw sa kanya mula ng makulong siya kahit ang kanyang mga kamag-anak ay hindi siya dinadalaw man lang kahit minsan. Alam niya ang dahilan ng mga ito nahihiya sila sa kanyang ginawang masama. "Sir, sino siya?" tugon rito sa mahinahon tono ng boses. "Aba, malay ko kung sino siya. Lumabas ka para malaman mo kung sino?!" kaybigat ng boses nitong turan kay Jay. Agad nang tumayo si Jay lumapit sa Warden pero bago humakbang papalabas may sinabi muna siya rito.. "Sir, sa tingin ko may problema ka kung ano man iyan magdasal ka lang taimtim sa diyos kasama pati puso mo, isang araw isa-isang malulutas kung ano man ang bumabagabag saiyo hindi man niya ito agaran ibibigay ang iyong idinasal, pero alam ko tutuparin niya kung ano man ang iyong pinagdarasal, dahil ako ibinigay niya ang dasal ko sa kanya, Sir. Ipasok mo ang iyong sarili sa kanya at malugod ka niyang tatangapin." Sa kaniyang tinuran walang kaimik-imik ang warden at bago siya lumabas tinapik ang balikat nito. "AMEN!" wika naman ng kanyang mga kakosa sa loob ng selda. Lumabas na si Jay para tignan kung sino ang dumalaw sa kanya nagulat siya ng makita niya kung sino ito. May alinlagan pang lumapit si Jay sa bisita niya. Pero ng makita siya nito nakangiting kinawayan siya. He took a deep breath pang palakas ng loob pakiramdam kasi niya wala pa siyang mukhang maihaharap dito kahit na taon na ang lumipas. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kanyang dalaw, ng malapit na siya tumayo ito "Jay, kamusta ka na rito?" nakangiting tanong ni Vincent sa kaibigan at sabay lahad ng palad. Agad kinuha ni Jay ang palad ng kaibigan at niyakap ito."Vincent, akala ko hindi mo pa ako napatawad kasi ni hindi mo ako dinalaw dito kahit minsan ngayon lang!" madamdamin saad niya na mumuo pa ang luha sa kaniyang mata. "Jay, gusto kitang dalawin pero pinigilan ko ang akin sarili, dahil ang sabi ko may tamang panahon para muli tayong magkita at heto na nga, narito na ako sa iyon harapan ngayon, bro!" "Salamat, Vincent. At napatawad muna ako at sana kahit si Maribelle, ay mapatawad na rin ako!" "Matagal kanang pinatawad ng asawa ko Jay, mabait siya at may mabuting puso, at naintindihan niya ang ginawa mo, pero may isang tao ang hindi ka niya mapapatawad." "Sino siya, Vincent?" tanong pa rin niya kahit na alam kung sino ito. "Si Veron, Jay!" "Alam ko naman iyan, Vincent, dahil sa sa nagawa kong kasamaan sa kanya pero nagbago na ako, bro. Pinag-dasal ko sa Diyos ang lahat ng kasalanan nagawa ko. And I think he already forgive me. Dahil narito ka ngayon. Holding and talking to you. Isa ito sa pinalangin ko sa kanya!" "I know that bro, kasi lahat ng ginagawa mo dito alam ko at dahil sa kabuting ipinakita mo rito sa loob binigyan ka nila ng parol para makalaya ka na di ba?" "Oo, Vincent. Malapit na akong lumaya pero parang walang halaga sa akin ang paglaya ko dahil wala naman na akong mauuwian pa itinakwil ako ng akin pamilya bro, parang mas gusto ko na lang na dito ako mamatay!" "Jay, may dahilan ka para lumabas dito." "Wala na, bro." "Ah Jay, may sasabihin pala ako saiyo ito ang daan mo upang lumabas ka rito. " "Ano iyon, Vincent? " "May anak kayo ni Veron! " Jay face is priceless ang reaction niya pakiramdam ay nanalo siya sa lotto o ano pa man."Ang ibig mong sabihin Vincent, nag bunga ang kapangahasan ko sa kanya?" "Oo, Jay. Kambal ang anak ninyo, heto ang larawan ng mag-iina mo ipinuslit ko iyan ng bumisita kami sa kanila sa Canada. Nang ginawa ko iyan para akong magnanakaw ha. Kaya better to leave this place, Jay. Para sa kanila." Nanginginig ang kamay ni Jay na kinuha ang larawan. Nang makita ni Jay ang larawan ng kanya mag-iina hindi niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang luha at nakaramdam siya bigla ng sigla at pagkasabik sa kanyang paglaya."Vincent, ngayon palang gustong-gusto ko na silang makita makasama at mayakap sila." "You can do that, pero hindi ganon kadali ang nais mo Jay, dahil sukdulan ang galit saiyo ni Veron." "Vincent, gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako at para magkakasama kami!" "Ano ang gagawin mo Jay?" "Hindi ko pa alam, Vincent, but I promise I will do everything to make them forgive me." "Okay, gawin mo ang alam mong nararapat, Jay, but in a good way ha." paalala niya. "Huwag kang mag-alala Vincent, ang panginoon Jesus, ay nasa puso ko na." "Nice to hear that, Jay." Patingin-tingin si Jay kay Vincent may gusto siyang itanong kaso nga lang nahihiya siya. Napansin naman ito ni Vincent."Jay, may sasabihin ka ba o kailangan na ihabilin sa akin?" Tumango si Jay. "Tell me what is it, Jay." "Ah, Vincent. M-may asawa na ba siya?" may alinlagan tanong niya sa kaibigan. Kay lapad ng ngiti ni Vincent."Wala pa Jay, dahil inilaan ni Veron, ang sarili sa pag-aalaga sa mga anak ninyo!" Bigla nabuhayan ng pag-asa si Jay na makasama ang mag-iina niya dahil sa malaya pa si Veron. "Salamat naman kung ganon, mabuti nalang at hindi siya nagalit sa mga bata dahil ako ang kanilang ama." "Well, hindi namin alam kung ano ang nadarama niya sa mga bata pero isa ang tiyak ko Jay, she love your kids dahil nakita ko kung papaano niya alagaan ang mga ito. " "Oh tapos na ang oras ng dalaw, mag sipag balik na kayo sa inyong mga selda." pasigaw na turan ng warden sa mga bilanggo. "Paano, Vincent, papasok na ako salamat sa iyong pagdalaw and thank you, thank you, bro. " "Your welcome, see you soon, bro." Nakangiting tinatanaw ni Jay ang kaibigan habang papalabas na ito ng visiting area. Kay sigla ni Jay ng pumasok sa selda. Napansin naman ito ng mga kasama."Kosa, ang aliwalas ng mukha mo ah, may good news ka bang nalaman sa dalaw mo?" Ngumiti at tumango na lang si Jay sa nag salita. "Praise the Lord," saad nito. "Amen," sagot nilang lahat sa loob ng selda. Habang nakahiga si Jay sa kanyang higaan paulit-ulit niyang tinitignan ang larawan ng mag-iina. "Mga anak malapit na tayong magkita-kita, I promise I will do everyting para mapatawad ako ng mommy ninyo dahil gusto ko kayong makasama habang-buhay." Hinalikna niya ang lawaran ng mga ito at sumilay ang ngiti sa labi na niminsan ay hindi niya nagawa ngayon lang. Sa gabing iyon naging payapang nakatulog si Jay dahil sa kanyang paglaya magbabagong buhay siya kasama ng mag-iina. MONTREAL CANADA. "Mommy, where's my sock?" pasigaw nang anak ni Veron. "Jake, hanapin mo riyan sa drawer mo." Pasigaw din na sabi ni Veron sa anak dahil sa sandaling iyon hindi siya magkandaugaga sa paggawa ng baon ng dahil ma late na ang mga ito sa kanilang school. "Mommy, wala dito kahit isa eh," pasigaw na naman anak. "Janine, tulungan mo nga ang kapatid mo sa paghanap ng medyas niya," aniya sa anak na babae. " Mommy, malaki na si kuya ano, kaya na niyang hanapin iyon mag-isa!" "Janine anak, tulungan mo na siya please, para mabilis niyang mahanap, we are late na!" "But, mommy," pagtutol pang wika ng anak. "Janine, please. Go now hurry up, tatapusin ko na lang itong ginagawa ko para makaalis na tayo late na rin ako sa work ko!" Nakasimangot naman na sinunod siya ng anak, napailing na lamang si Veron sa ginawa nito. "Ang mga batang ito talaga kung minsan ang titigas ng ulo saan kaya sila ng mana?" wika ng niya sa sarili. Dahil sa nasabi niya bigla tuloy niyang naisip ang ama ng kanyang anak. Maybe kanya nagmana ang anak dahil masamang tao ito. "Kumusta na kaya ang walanghiyang lalaking yon?" aniya sa sarili. "Bakit mo naman nasabing kumusta siya diba suklam na suklam ka sa kanya?" ani ng isip niya dahil sa sinabi sa sarili. Napailing na lamang siya dahil sa kung ano-ano ang pumapasok sa isip. Nang matapos ihanda ang baon ng kambal."Jake, Janine, bumaba na kayo diyan tara na late na kayo sa school, pati ako late narin!"sigaw niya sa dalawa. " Yes, mommy we are coming!" sigaw naman ng anak niyang si Jake. Napasin nito ang kakambal na nakaupo lang."Hello, Janine, ano pang ginagawa mo diyan lets go, nagmamadali na si mommy eh nariyan ka parin naka tunganga! " "Tseee, I know!" Inirapan pa ito. "You know pala eh, why are you still dreaming? Oh I know I think iniisip mo iyun crush mo sa school ano?" "Tseee, hindi no!" agad ng tumayo dahil tama ang kapatid sa sinabi nito. "Hindi raw, nag blush ka nga sa sinabi ko kung sino ang iniisip mo eh!" "Halika na nga kung ano-ano ang sinasabi mo!" Turan niya sa kapatid at nag pauna na siyang lumalakad para hindi na nito makita ang pamumula ng kaniyang pisngi. "Kambal, sabihin mo na kasi sa akin, iyun crush mo ang iniisip mo diba?" Ani Jake sa kapatid at sabay sundot pa niya sa tagiliran nito. "Ano ba, Jake, sinabi na ngang hindi eh, bata pa ako para mag crush ano." Pero habang sinasabi niya ang katagang iyong nakangiti naman ito. "Really? Okay fine, but I know him kung sino siya at friend ko nga siya eh, Janine." Dahil sa sinabi ng kambal napalingon tuloy siya rito at sabay sabing."Really? Kuya you know him?" may pagtataka sa kaniyang mukha. "You see, di umamin ka rin, na ang crush mo ang iniisip mo, I'm just joking my twin, hinuhuli lamang kita." Sabay ngisi pa niya rito at agad ng tumakbo papalayo sa kambal. " Ahhhhhhh, Jake, lagot ka sa akin pagnahuli kita, grrrr!" sigaw nito sa kambal. "Oh what happen? Jake, bakit ka tumatakbo, at sumisigaw ang kapatid mo tanong ni Veron sa anak na umahagos papalapit sa kanya. "Nothing, mommy, lets go," sagot naman nito sa ina napatingin na lamang si Veron sa anak na si Janine nakapaskil ang inis sa mukha nito. "Ikaw kuya ha, ang bad mo sa akin, nakakainis ka naman eh, lagi mo nalang akong iniinis I hate you!" saad nito ng maabutan. "Hay naku nag biruan naman kayo hala tara na we are late na talaga!" "Okay mommy, Janine, sis sorry na ha I love you,"pabulong na wika ni Jake sa kambal nito. Nawala naman bigla ang inis ni Janine sa kambal dahil sa sinabi nito. "Tseee, I love you to!" bulong din niya rito at masaya ng lumabas ang dalawa. Napailing at napangiti na lang si Veron sa kambal. Ganun talaga ang dalawa away bati but they love each other. At mahal na mahal niya ang kambal kahit bunga pa sila ng kapahangasan ni Jay Ramirez sa kanya. ..... A MONTHS PAST. "Balita ko lalaya ka na, Jay. Hindi ba ang rapist na katulad mo ay hindi dapat lumalaya. Baka sa paglaya mo mang-rape ka na na naman ulit,"ani ng isang bilanggo kay Jay. Pero hindi niya ito pinansin kahit ng gagalati na siya sa galit dito, alam niyang may inggit ito sa kanya at handang sisirain ang malinis niyang record. "Oh, sumagot ka naman kosa, diba tama ako sa sinabi ko?" Pero hindi pa rin siya sumagot dito bagkus tinignan na lang niya ng masama ito kahit sa ganun paraan maipakita niya rito na galit siya. "Uy, galit na siya, ano gusto mo akong suntokin sige suntokin mo ako, ilabas mo iyan galit mo sa akin, heto o ang mukha ko suntok na!"ani ng preso sa kanya at sabay na inilapit pa nito ang mukha kay Jay. Kaya naman hindi na nakapagtimpi pa si Jay, iniangat niya ang kaniyang kamao para sana suntukin ito nang may humawak sa kanyang kamay.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 44 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (210)
Earthyrine Bormate
ito ung story na bestfriend niya si Bella mag kababata niya siya din dahilan bakit nang mariin nang lovelife si Bella at Vincent nice ganda
ito ung story na bestfriend niya si Bella mag kababata niya siya din dahilan bakit nang mariin nang lovelife si Bella at Vincent nice ganda
26/08/2022
0nice
28/02
0galing Ng kuwento good job😍
30/11
0Lihat Semua